Simula

Isa. . . Dalawa. . . Tatlo. . .

Hindi na alam ni Kraius kung ilang babae na ang nagpunta sa opisina niya nang araw na ’yon. Hindi na rin niya alam kung ilang palad na ang sumayad sa kaniyang mukha. Ang alam niya, nasasaktan siya sa bawat sampal na natatanggap mula sa mga ito. Hinahayaan niya na lang din. Siguro, sa pamamagitan niyon, mawala kahit paano ang inis ng mga babae sa kaniya.

Napailing siya. Hinawakan ang pisngi. Masakit at mahapdi pa rin iyon. Napatingin tuloy siya sa maliit na salamin na nasa mesa, sabay napamura nang makita na namumula na iyon.

Damn!

Mukhang sisirain pa ng mga naging fling niya ang guwapo niyang mukha!

“Mr. Montreal?”

Nagulat siya sa biglaang pagpasok ng sekretarya. Nakakunot ang kaniyang noo nang balingan niya ito. “What?!” tanong niya.

“I just want to inform you, Sir, about Mr. Andao’s case. Ngayon po ang first hearing ninyo,” anito habang naglalakad papasok sa kaniyang opisina bitbit ang steno pad.

Tumango siya. Pinasadahan ng tingin ang sekretarya. Maganda ito kahit medyo manang kung manamit. Sexy rin at makurba ang katawan. Iyon nga lamang, propesyunal siya pagdating sa trabaho. Hindi siya katulad ng kaibigan niyang si Andrius na kahit sekretarya ay pinapatos. 

“It’s very rude to stare, Mr. Montreal,” agaw ng sekretarya sa kaniyang atensyon. 

Tumikhim siya. Ibinaling ang paningin sa kaniyang mesa. Napahiya siya sa sinabi ng sekretarya dahil totoo. Ganunpaman, pinanatili niya ang maawtoridad na awra.

Ibinalik niya ang tingin dito at tumango. 

“Nakakita na ba si Mrs. Andao ng attorney? Set an appointment for me, if yes. Gusto kong makausap ang abogado niya,” wika niya. 

“Consider it done, Mr. Montreal. Aalis na po ako,” paalam nito.

“Wait!” pigil niya rito. “Puwede bang huwag ka nang magpapasok ng babae rito sa opisina. Masakit na ang pisngi ko.”

Napangisi ang sekretarya kaya sinamaan niya ito ng tingin. Alam niyang sinasadya nitong papasukin ang mga babae. Mainit ang dugo nito sa kaniya na hindi niya alam ang dahilan. Kahit naiinis siya rito, hindi niya pa rin ito magawang tanggalin sa trabaho. Magaling at masipag naman kasi ito. 

Ilang sandali ang nakalipas mula nang lumabas ang kaniyang sekretarya pero nakatulala pa rin siya sa dami ng iniisip. Una na roon ang bagong kasong hawak. Kung tutuusin, hindi na bago sa kaniya ang humawak ng kaso para sa paghihiwalay. Dalawang taon pa lamang siya bilang isang ganap na abogado nang hawakan niya ang kaso ni Olive Santillan. Sumunod ang sekretong kaso ng isang sikat na artista na si Laura Moran. 

Napatanong tuloy siya sa sarili. Bakit pa ba magpapakasal kung maghihiwalay rin kalaunan?

Napakakumplikado ng mga bagay.

Napakakumplikado rin ng isip ng bawat tao.

Minsan hindi matantiya, ngunit mas madalas, hindi maintindihan. 

Sa naisip, hindi niya napigilang ikuyom ang mga kamay. Nagbalik sa kaniyang alaala ang babaeng iyon. Isa sa pinakakumplikadong babae na nakilala niya. Isang alaala na ayaw na sana niyang balikan at pilit na lamang na ibinabaon. 

Napabuntonghininga at napailing siya. Kalauna’y tumayo mula sa kinauupuan. He needed to divert his attention if he wanted to keep his sane. Those memories from the past should be buried six feet under the ground. Isa lamang iyong distraksyon. Nevertheless, he managed to calm down from the invisible anger he felt inside him. Then, he looked at his Piaget watch and walked lazily. It was exactly one in the afternoon. It was his time to work. Kinuha niya ang coat na nakasabit sa likod ng kaniyang swivel chair at isinuot iyon.

Maaga pa para sa kaniyang session ngunit nagpasya na siyang umalis sa pag-aari na law firm, ang Montreal Law. Dala ang kaniyang attaché case, naglakad siya sa pasilyo na tila ba isang hari sa kaniyang nasasakupan. 

He had an authoritative stance and an undeniably powerful aura. A well-built physique and a glorious face that every woman would drool: clean-cut hair, pointed nose, and beautiful brown eyes. Half Turkish ang lahi niya kaya natural sa kaniya ang magpahaba ng balbas, sakto lang para manatiling malinis ang kaniyang panga at itsura—dagdag karisma na rin para sa iba. 

Thirty minutes of driving, he finally reached the courtroom. The place was still quiet. Iilan pa lang ang naroon. Bakante ang mga upuan at malinis ang mga mahahabang mesa. Nakita niya sa kabilang bahagi ng silid ang tatlong witness ni Mrs. Andao, katabi ang psychologist na si Dr. Olive Ramirez. Sinilip niya kung naroon na ang kinuha nitong attorney ngunit wala siyang nakita.

Tardy person, he thought.

Iwinaksi na lamang niya sa isip ang balak na kausapin ang abogado ng kabilang kampo. Hindi na rin niya hinanap si Judge Condrad Aguirre, ang judge sa kaso. Bagkus, itinuloy niya ang paglalakad at hinintay na lamang ang kaniyang kliyente.

Naupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan mismo ng stage ng courtroom. He felt bored after a while. Ilang minuto na rin ang nakalipas ngunit hindi pa nagsisimula ang trial. Ang kaniyang kliyente ay hindi rin niya mahagilap. Naiinis na siya sa nangyayari ngunit wala rin siyang magawa kundi ang maghintay. He was very impatient, lalo na kapag oras ang pinag-uusapan. 

Subalit, natigil ang anumang iniisip niya nang marinig ang matinis na tunog ng takong. Tahimik ang buong courtroom at tanging ito lamang ang nagsisilbing ingay roon. Dahan-dahan ang mga hakbang ng may-ari niyon, dahilan kung bakit tila ito isang musika sa kaniyang pandinig. 

Inayos niya ang sarili mula sa pagkakaupo. Tumayo siya upang tingnan ang kung sinumang may likha ng mabining tunog. Nilingon niya ito—na sana hindi na lamang niya ginawa. 

His heart beat faster that it hurts. His breathing hitched while his hand formed into a fist. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukhang iyon.

Ang mukha ng nang-iwan sa kaniya sa mahabang panahon.

“Chubz,” anas niya, na agad din niyang binawi. Hindi na dapat niya iyon sinabi. Dahil ang dating matabang dalaga sampung taon na ang nakararaan ay hindi na mababakas dito. 

Iba na ang itsura nito. Ibang-iba na. 

 





@sheinAlthea

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top