Kabanata 3
Hindi mapigil ni Kraius ang inis na nadarama. Tinawagan siya ng kaniyang ina para daw sa isang importanteng bagay. Akala niya ay kung ano ang hihilingin nito, ngunit nasira kaagad ang maganda niyang mood sa sinabi na pabor. Gayunpaman, naririnig pa ng kaniyang balintataw ang lambing ng boses ng ina. Isa iyon sa kaniyang kahinaan. Alam na alam nito kung paano siya mapapapayag. Isang salita lang ang kailangan nitong bigkasin na hindi naman nito kinalimutan. Isang salita na puwedeng ipagpabago ng kaniyang desisyon. Ang salitang guwapo.
Napailing siya habang inaalala ang hiling ng ina. Iniwan niya ang trabaho para lamang sundin ito, at maging tagasundo ng isang matabang bata sa isang eksklusibong eskwelahan.
He looked at his iPhone. Kanina nang tawagan niya ang numero na ibinigay ng kaniyang ina ay mas lalo siyang nainis. Wala kasi siyang nakuhang matinong sagot mula sa kabilang linya. Panay oo lang ito sa lahat ng kaniyang sinasabi kaya pinatay niya ang tawag. Hahanapin na lamang niya ito sa tracker dahil alam naman niya ang pasikot-sikot sa Saint Benilde College. Ekslusibo ang eskwelahan ngunit puwedeng pumasok ang mga kagaya niyang matatawag na VIP. Kilala rin siya ng lahat ng staff doon dahil isa siyang alumni.
Ilang liko ang ginawa niya bago natagpuan ang lokasyon ni Rhezi. Nakaupo ito mag-isa sa isang waiting area. Napailing kaagad siya. Then, he parked his car at the side of the pathway and put on his wayfarer before getting out.
He looked around. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante, bakas sa mga mata ang paghanga. May iba na animo’y sinilihan dahil sa kilig. May iba rin na tumitili. Nang dumako ang paningin niya kay Rhezi, mas lalo siyang napangisi. Kitang-kita niya ang mariin nitong titig sa kaniya mula sa kinaroroonan nito.
“Tsk! I know I’m handsome, but I didn’t know this was coming. Damn! Teenagers drool on you, idiot,” pagkausap niya sa sarili. Ngiting-ngiti.
Nilapitan niya si Rhezi. Seryoso ang guwapo niyang mukha habang magkatagpo ang makakapal na kilay. His playboy aura disappeared, while his authoritative stance was evident. Iyon ang klase ng awra na pangingilagan ng lahat dahil naka-i-intimidate.
“You did not answer my call. You kept on mumbling words I didn’t understand. Stand up, and we’re going,” aniya. May halong inis ang boses.
Napakurap ang kaharap nang paulit-ulit.
Here you go, little kitten, sa isip niya.
Napangisi siya at binistahan ito ng tingin. Ngayon lamang niya napagtanto na may itsura ito kahit mataba. Manipis ang hugis puso nitong mga labi. Maitim at malalantik ang mga pilikmata nito na bumagay naman sa nangungusap nitong mga mata. Maganda rin ang tangos ng ilong nito habang pangahan ang mukha. Sa makatuwid, maganda ito.
“Tsk! What now? Alam kong guwapo ako, but can you move faster? Mamaya ka na maglaway sa akin!” birong-totoo niya.
“Huh? Uhh. . .”
“There you go again. Speechless, huh. Come on, let’s go,” aniya bago ito tinalikuran.
Naglakad siya pabalik sa sariling sasakyan. Nakangisi. His charisma never faded. Too bad, hindi niya ito type.
Hinintay niya si Rhezi sa loob ng sasakyan. Ngunit, lumipas na lamang ang ilang minuto, hindi pa rin ito nagpakita. He sighed and took his phone from the dashboard of the car. He dialed her number and waited for her to answer it. Nakailang ring muli ang aparato bago iyon sinagot.
TILA pinangapusan ng hininga si Rhezi habang palapit si Kraius sa kaniya kanina. Ang eratikong pagtibok ng puso niya ay mas lalo pang naging eratiko. Pakiramdam ng dalaga ay lalabas ang kaniyang puso sa sobrang bilis niyon na halos ang tunog na lamang niyon ang kaniyang naririnig. Parang isang panaginip sa kaniya ang lahat at ang tanging nagawa niya lang habang nagsasalita ito ay ang titigan ang guwapo nitong mukha. In short, nagmukha siyang tanga sa harapan nito!
Hindi siya makapaniwala na makikita si Kraius. Isang linggo na rin mula noong inimbitahan ng mama niyang si Jansen ang mama nitong si Ferlyn na mag-dinner sa bahay nila sa Forbes. Biniro pa siya ng nanay nito na ipakikilala sa anak nitong lalaki na agad naman niyang tinanggihan. Nang makita niya ito sa kanilang bahay, nagsisi siya sa ginawang pagtanggi. Hindi naman kasi niya akalaing napakaguwapo pala nito at successful sa buhay.
Tulala pa rin siya, tila nangangarap ng gising nang tumunog ang kaniyang cell phone. Halos mabingi siya sa lakas ng volume niyon na konektado sa kaniyang earphone na nakakabit kaniyang tainga. Nagising ang lahat ng himaymay sa katawan niya at bumalik ang isip sa reyalidad; lalo nang makita kung sino ang tumatawag sa kabilang linya.
“What are you still doing? Halika na!” galit na bungad kaagad nito.
Mababanaag ang inis sa boses ni Kraius, ngunit napangiti pa rin siya. Mabilis ang mga kilos na isinukbit niya ang shoulder bag sa balikat at kinuha ang mga gamit na nasa kaniyang tabi bago tumayo. She walked as fast as she could. May mangilan-ngilang estudyante ang nakatanaw sa kaniya na nakataas ang mga kilay. Ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon. She gave them her bombastic side eye. Ayaw na niyang patulan. Masyado siyang masaya para pansinin ang mga ito at awayin.
Nang makarating sa kotse ni Kraius ay agad niyang binuksan ang pinto niyon. Sa back seat kaagad siya pumwesto at inayos ang sarili upang kumportableng maupo. Nakahinga siya nang maluwag kahit na nangangatog ang kaniyang mga tuhod. Hindi siya makapaniwala na ganito pala ang pakiramdam kapag kasama ang isang taong lihim niyang nagugustuhan. Nakakakaba!
She tried to calm herself. Pumwesto siya sa pinakagilid ng upuan para hindi makita sa rearview mirror. Kahit maldita siya, nahihiya rin siya kahit papaano. Nang maayos ang sarili, hinintay niyang patakbuhin ni Kraius ang sasakyan, ngunit ilang sandali ang lumipas nang hindi man lamang sila umusad. Sinilip niya ito mula sa kaniyang kinauupuan at nakita kaagad niya ang nakakunot nitong noo sa rearview mirror habang nakatitig sa kaniya.
“I am not your driver. Why did you sit there? Sit beside me,” wika nito.
She pouted, although her heart was beating fast. Kinikilig pa rin siya kahit napagalitan. Bakit ba? Walang makasisira sa mood niya!
“Sorry,” she mumbled. Mabilis siyang umibis sa sasakyan at nagtungo sa front seat.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang tuluyang makatabi si Kraius. Her legs wobbled that she pinched her thigh lightly. Kinakabahan siya. But her raging heart became steady when she smelled Kraius’ perfume. It was calming. Banayad at napakagaan niyon sa kaniyang pang-amoy. Pakiramdam niya ay mas mabango pa ito kumpara sa kaniya.
“Relax. I won’t bite,” wika nito.
She shifted her gaze and looked at him. She saw him look at her with a smug face that made her roll her eyes. She heard him chuckle.
“Ano’ng nakakatawa?” mataray na tanong niya. Sa wakas ay nahanap na rin ang sariling boses.
“Nothing,” sagot ni Kraius habang umiiling. “Here we go.”
Pinaandar ni Kraius ang sasakyan. Ilang sandali ay tinatahak na nila ang daan pauwi. Panay ang sulyap niya rito. Alam niyang naiinis ito dahil sa trapiko. Inis na rin naman siya. Kung hindi lamang niya ito kasama ay baka isa na rin siya sa sumisigaw sa kalsada. Habit niya kasi minsan ang mang-away dahil sa trapiko.
Napailing siya. She couldn’t do it because Kraius was around, so she looked at her phone instead.
Napasimangot siya nang makita ang oras. Past six na ng gabi kaya rush hour. Mas lalo lamang siyang nairita. To ease the feeling, she sighed and looked outside of the car while pouting.
“Alam mo, pangit ang mapanisan ng laway. You can talk to me if you want. Entertain me,” mahinang sambit ni Kraius matapos ang mahabang katahimikan.
“I don’t talk to strangers. So why would I entertain you?” sagot niya. Ang buong atensyon ay nasa labas pa rin ng sasakyan. Naiilang man, nagawa pa rin niyang sagutin si Kraius nang may tatag ang boses, kahit kanina pa niya gustong umalis sa tabi nito.
Mas lalo siyang nakaramdam ng awkwardness. Kailan ba matatapos ang mahabang byahe nila?
She bit her lower lip and licked it after. Sinulyapan niya rin si Kraius at nakita ang ngiti sa labi nito. Kung para saan, hindi niya alam.
Gabi nang marating nila ang Forbes. Buong biyahe ay sinikap niyang tumahimik kahit pa kating-kati na siyang kausapin si Kraius at magtanong ng kung ano-ano rito. Pinanindigan niya ang sinabing hindi siya nakikipag-usap sa estranghero, kahit pa ang totoo, mas interesado pa siyang malaman kung may girlfriend na ito kaysa ang sagutan ang assignment niya sa Trigo.
“So, hindi mo talaga ako kakausapin?” tanong muli ni Kraius nang tumigil ang sasakyan.
Natigil siya sa pagkalas sa seatbelt dahil sa sinabi nito. Agad niyang itinaas ang paningin dito at nakita ang nakangisi ngunit guwapo nitong mukha. Napakurap siya nang paulit-ulit. Tumikhim din para palisin ang bikig sa lalamunan dahil sa lakas ng tibok ng kaniyang puso.
“Bakit ba ang kulit mo? Hindi nga ako nakikipag-usap sa strangers!” mariing wika niya. Pinilit niyang haluan ng inis ang boses, kahit ang totoo, kanina pa niya pinipigilan ang mapangisi sa sobrang kilig dahil sa kakulitan nito.
“Oh, right!” anito. “Kraius Montreal, at your service!” Inilahad nito ang kamay sa kaniya habang nakangiti.
Hindi niya malaman kung tatanggapin iyon o hindi. She pouted ssagain. Habit niya na iyon kapag hindi siya sigurado sa mga bagay-bagay. Sa huli, tinanggap niya ang kamay ni Kraius at hinawakan nang mahigpit. Electrifying. Iyon lamang ang tanging salita na kayang pangalanan niya habang magkahawak ang kamay nila ng binata.
Tinitigan niya ito nang mariin. Nagpakilala, “I’m Rhezi. Nice to meet you, Mr. Montreal.”
“Oh, drop the formality, young lady. I’m not too old, you know. Call me Kraius,” anito. Napailing.
“Hmm. . . Okay.” Napangiti siya.
“Great!” Napangiti rin si Kraius.
Ilang sandali ang lumipas na nasa ganoong posisyon lamang sila. Kung hindi pa dahil sa katok mula sa labas ng bintana ng kotse ay hindi pa maghihiwalay ang kanilang kamay. Larawan ng pagtataka ang mukha ni Kraius habang mabilis naman ang pagpanaog niya nang tuluyang matanggal ang seatbelt ng kotse. Alam niyang pulang-pula ang kaniyang mukha habang deretso ang mga hakbang papasok sa mansion.
“Rhezi, what happened, baby?” sigaw ng kaniyang ina. Hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa kaniyang kwarto.
Pagbukas pa lamang ng pinto ng silid, kaagad niyang inihulog ang katawan sa malambot na kama. She touched her chest. Kabog nang kabog pa rin iyon nang malakas. Hinawakan niya rin ang pisngi. Napakainit niyon.
Iba talaga ang epekto ni Kraius sa kaniya!
@sheinAlthea
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top