Kabanata 1

Ten years ago. . .

 

 

Naiinis na si Kraius dahil sa sobrang traffic ng EDSA. Kanina pa siya sa daan ngunit wala na yatang katapusan ang byahe dahil sa haba ng pila ng mga sasakyan. Busina dito, busina roon ang tanging naririnig niya. Ang mga usok na nagmumula sa tambutso ng jeep, at ang mga taong naglalakad sa makipot na gilid ng kalsada ang kaniyang nakikita. 

Pawisan ang kaniyang noo at iritado ang kaniyang pakiramdam. The coldness that was coming from the aircon of his black BMW was not enough for him. Ang gusto niya ay makaalis sa gitgitan ng mga sasakyan, makaalis sa lugar na iyon, at makarating sa kaniyang destinasyon. 

Sa naisip ay mas lalo siyang nainis. He hated to be late. Ang motto niya sa buhay, Time is Gold. Kaya nagtapos siya ng abogasya sa edad na bente dos. Ngunit, wala na yata siyang magagawa sa sitwasyon sa kasalukuyan kundi ang maghintay kung kailan uusad ang trapiko; pero mukhang matatagalan pa iyon. 

“Damn!” malutong niyang mura nang makita ang oras sa screen ng kaniyang iPhone. Late na siya ng trenta minutos sa kaniyang meeting sa isang kilalang aktres.

Napamura muli siya. Alam niyang guwapo siya ngunit nauubusan din ng pasensya. Nang umusad ang trapiko, mabilis niyang pinaharurot ang kotse. Ilang sandali ay tumigil ang sasakyan sa isang Chinese restaurant sa BGC. Kaagad niyang ibinigay sa valet ang kaniyang susi at umibis palabas. Dala ang kaniyang attaché case at cell phone, naglakad siya na tila isang modelo ng Abercrombie, wearing his usual business suit, black slacks, and shiny loafers.

Pagkapasok pa lamang niya sa loob ng resto, inilibot kaagad niya ang paningin. Namangha kaagad siya sa interior ng buong lugar. Hindi lamang ito typical na Chinese resto kundi ekslusibo lamang para sa mga mayayaman at prominenteng mga tao. Cozy ang ambiance at malinis tingnan ang paligid.

Nakita niya kaagad ang hinahanap nang ibaling niya ang paningin sa kaliwang bahagi ng restaurant. Nakaupo ito sa isang pandalawahang mesa at mukhang aalis na. Mabibilis ang mga hakbang na nilapitan niya ito at hinawakan sa braso mula sa may likuran nito.

“Sorry, I’m late!” wika niya at mabilis na lumipat sa harapan nito. He immediately smiled seeing the famous Laura Moran, an award-winning actress. Sopistikada ang anyo nito ngunit mababakas pa rin ang kasimplehan. 

Puting blouse at jeans lamang ang suot ng babae. May isang simpleng relo sa kanang kamay habang nakapusod ang mahaba at kulay itim na buhok. Simple ang makeup sa mukha at pulang lipstick sa labi. Tantiya niya ay mas matanda lamang ito ng limang taon sa kaniya. 

“Kraius Montreal, at your service,” pabirong wika niya at inilahad ang kaliwang kamay rito. 

“Laura Moran,” nakangiting sagot naman ng babae. 

Napangiti si Kraius. Nainis man siya sa trapiko sa EDSA, binawi naman iyon ng napakagandang mukha na nasa kaniyang harapan. Kung hindi lamang niya alam na may asawa na ito at magpapa-annul, baka napabilang na rin ito sa kaniyang listahan. 

He loved virgin girls. Mas gusto niya ang mga inosenteng babae para makuha sa kama. He loved to train them in bed, pleasuring them like a pro and claiming them senseless. Mas gusto niyang nasasaktan ang mga babae niya at umiiyak kapag kasama siya at pinapaligaya ang mga ito sa kama. 

“Are you okay, Mr. Montreal?”

Napailing siya nang marinig ang boses ng kaharap. Tirik pa ang araw dahil alas-dos pa lamang ng hapon ngunit kung ano-anong kamunduhan ang pumapasok sa utak niya. Kailangan niyang palisin ang iniisip at maging propesyunal sa isang kliyente, kaya paulit-ulit niyang sinaway ang sarili.

“Oh, yes! I’m sorry,” sagot niya. “So, let’s start.”

“Yes, sure,” sagot nito.

Nag-usap silang dalawa. Seryoso niyang inilahad ang plano sa kaso ni Laura Moran. Tulad ng kaibigan nitong naging kliyente na rin niya, niloko rin ito ng asawa at plano ng makipaghiwalay. Katulad ng dati, gagawan na naman niya ito ng pabor.

“Leave it to me, Miss Moran. You made the right choice. Bukod sa guwapo ako, magaling din akong magpaikot sa lahat ng bagay,” aniya.

Malaki ang kumpiyansa niyang mabilis matatapos ang kaso nito. Ang kailangan niya lang gawin ay malalim na paghuhukay ng mga impormasyon sa asawa nito at sa pamilya na kabilang sa prominenteng tao sa isang malayong probinsya. 

Madali lang naman iyon sa kaniya. Inaral na niya ang pasikot-sikot sa kaniyang propesyon.

He was a family lawyer most of the time and practices general law in some cases.

Saktong dalawang oras nang natapos ang pag-uusap. Nagkasundo sila sa lahat ng bagay. After the talk, he drove another half hour before he reached his next destination. Pumasok ang sasakyan niya sa parking lot ng isang matayog na building na matatagpuan sa sentro ng Makati, ang Monterio Empire, owned and managed by the most sought-after-bachelor in town. A young billionaire, Andrius Monterio. 

Ang halos lahat sa buong building ay yari sa salamin kundiman sa concrete. Ang interior maging ang exterior nito ay purong puti na may halong itim. Minimalist ang design, na hindi na niya pinagtakhan. Iyon din kasi ang gusto niya. Banayad kasi sa mata at maaliwalas.

Masaya at magaan ang pakiramdam niya habang sakay ng elevator. May mangilan-ngilang empleyado siyang nakasasabay na panay ang bati sa kaniya, maging siya ay ganoon din dahil likas na sa kaniya ang pagiging palakaibigan. Nang makarating sa ika-dalawampung palapag ng gusali, agad siyang lumabas ng elevator. He headed towards Andrius’ office. Napakatahimik ng lugar dahil tanging ito lamang ang umuukupa sa buong palapag. Napakalinis din at presko sa pakiramdam. Sa labas ng opisina nito ay ang mesa ng sekretarya ng lalaki. Napailing kaagad siya nang makita na bago na naman iyon. Tulad ng dati, hindi tumatagal ang mga nagiging sekretarya ng kaibigan.

Tatawa-tawa siyang binuksan ang pinto ng opisina ni Andrius.

“What’s up, man!” bungad niya rito.

“What brings you here?” buwelta kaagad nito.

Napangisi siya. Presko at maaliwalas ang opisina ni Andrius ngunit kabaliktaran naman iyon ng presensya nito. Nakakunot ang noo habang mariin ang titig ng bughaw nitong mga mata sa kaniya. Halatang iritado at wala sa mood ang lalaki. 

“Relax, Mr. Monterio. I have good news for you,” aniya. Nakangisi siyang lumapit sa mesa ng binata at agad na naupo sa visitor’s chair.

Magulo na naman ang mesa ni Andrius. Punung-puno iyon ng mga papeles na nakasalansan sa gilid na parte. Katabi ng mini-shelf na puno rin ng mga papel ay ang MacBook nitong kasalukuyang hinaharap ng lalaki. May isang study lampshade naman sa kabilang gilid ng mesa at isang baso na puno ng panulat nito. 

“What is it?” tanong ni Andrius sa kaniya. Halata sa boses nito ang tinatagong inis. Napailing na lamang siya habang pinagmamasdan ito. Kahit kailan ay pasan ng kaniyang kaibigan ang daigdig. 

“It’s about your sister, Sofia. I will visit San Vicente soon because of a client. Gusto mo bang sumama?” tanong niya.

“Just do your job, Kraius. Take the marriage record out. I will show up if I want to,” mariing wika nito habang nakapatong ang dalawang kamay sa mesa. 

Tumango siya. Matagal na niyang nagawa ang sinasabi nito nang walang kahirap-hirap. Ito ang unang ginawa niya bilang practice noong nagsisimula pa lamang ang kaniyang karera bilang abogado. Hindi naman siya nabigo kahit pa ilegal ang kaniyang ginawa. Hinarang niya lang naman ang kasal ng kapatid nitong si Sofia sa isang matandang haciendero. At ang bago niyang misyon, maging abogado ng mga Vergara at kunin ang loob ni Zeus, ang tagapagmana ng hacienda. 

Ilang sandali, seryoso na silang nag-usap ni Andrius. He was his legal adviser. Siya ang nagbibigay ng opinyon at ideya sa lahat ng gusto nitong gawin sa negosyo, maging sa mga negosyo nito sa iba’t ibang panig ng mundo. His friend was a pro in his league while he was the best in his profession. They were the best tandem in town; both powerful and influential.

“Anyway, Andrius, why don’t you smile often? Kapag busangot ang mukha mo, lalo kang pumapangit.” Natawa siya sa kaniyang sinabi habang isang masamang titig naman ang natanggap niya mula kay Andrius. “Sobrang guwapo ko talaga, ’di ba?” pahabol niya at tumawang muli. 

“Get out of my office!” galit na sigaw ni Andrius sa kaniya. Itinuro din nito ang pinto ng opisina. 

Natatawang tumayo siya mula sa pagkakaupo. Napailing siya’t nagpaalam kay Andrius. Kahit kailan, hindi niya ito mabiro dahil lagi na lamang itong pikon. Tumuloy kaagad siya palabas ng opisina nito matapos magpaalam. Kinindatan niya rin ang sekretarya nito bago tuluyang umalis ng lugar. 

Saktong pagkasakay pa lamang niya sa kaniyang kotse nang mag-ring ang kaniyang cell phone. Napangiti siya nang makita sa screen ang pangalan ng nanay niyang si Ferlyn. Isa itong dating aktres na nakapangasawa ng isang Turkish magnate.

For twenty-five years, he traveled almost half of his life. Pabalik-balik sa Turkey o kung hindi naman ay sa Europe siya pumupunta. Pagwawaldas ng pera lang ang alam niya bago niya tuluyang mapagtanto na pagiging abogado ang gusto niyang pasuking propesyon.

Hindi naman siya nagkamali.

Seeing where he was now, his effort paid off. 

He shrugged the thoughts off. He was thinking too much that he forgot to answer his mom’s call. His phone kept on ringing that made him smile wider. Sadyang makulit ang nanay niya sa mga bagay na gusto nito.

“Hi, Ma!” masayang bati niya. 

“Kraius dear, I miss you! How are you, son?” tanong nito sa kabilang linya. 

Napanguso siya. Ang totoo, isa siyang mama’s boy. Masyado siyang marupok pagdating sa ina; lalo na kapag naglalambing ito. At kung tama ang hinala niya, base sa boses nito, may hihilingin itong pabor sa kaniya. 

“What is it?” tanong niya sa ina. 

Natawa muna ito sa kabilang linya bago sumagot, “Can you join us for dinner? May ipakikilala ako sa ’yo. Maganda.” Mapanukso ang boses nito sa kabilang linya. 

Napabuntonghininga siya at napailing. Sinilip niya muna ang sideview mirror bago sinagot ang ina, “Okay. Just send me the location, Ma.”

“I will. Pakibilisan mo na rin at kakain na. Okay? Bye, baby. Seni Seviyorum!” (I love you!) masayang wika nito bago pinatay ang tawag. 

He sighed again when he received the text message from his mother. Napamura din siya dahil kailangan na naman niyang bumalik ng Makati. Nasa Forbes Park ang kinaroroonan ng ina at medyo malayo na siya roon.

Mabilis pa sa alas-kuwatro na nag-U-turn siya at tinahak ang daan pabalik. Hindi katulad kanina, mas magaan na ang daloy ng trapiko. Rush hour ngunit mangilan-ngilan na lamang ang sasakyan sa kalsada. May ibang pumarada na sa gilid niyon, habang ang iba naman ay abala sa paghihintay sa mga parating na pasahero sa sakayan. 

Mabilis siyang nakarating sa lugar. Eksklusibo ang Forbes kaya tinawagan pa muna ng guard ang kaibigan ng nanay niya bago siya pinapasok sa loob. Hindi na rin siya nagtaka sa mga nakikita nang tuluyang makapasok sa village: large and elegant mansion from different rich people—businessmen, celebrities, and in the Alta Sociedad. Halos lahat ay pare-pareho ang disenyo at ganda. Halos lahat ay gawa sa concrete o di kaya ay sa salamin. Each mansion screamed wealth and power. 

Tumigil ang sinasakyan niya sa isang makabagong bahay. A three-storey house that made with glass and bricks. Modern classic design ang exterior. May malapad na bakuran at isang fountain sa gitna ng harden na napalilibutan ng mga bulaklak sa gilid. Ang pavement patungong main door ng bahay ay mas pinaganda pa ng mga bulaklak—na kahit sa hindi ganoong maliwanag na paligid ay namumukadkad pa rin ang kulay.

“Kraius baby!” hiyaw ng kaniyang ina nang makalabas siya sa kotse. Katabi nito ang isang middle aged na babae.

“Good evening, Ma,” mahinang anas niya at humalik dito nang tuluyan itong makalapit sa kaniya. “Good evening, Tita,” baling niya sa kasama ng ina. 

“May ipakikilala ako sa ’yo, baby. Asan na ba ’yon?” mahinang wika ng kaniyang ina at inakay siya papasok ng mansion. He could feel the excitement in her voice. “Baby Rhezi!” malakas na tawag nito. 

Napakunot ang noo niya. Hindi niya kilala ang tinutukoy nito.

Tumigil sila sa paglalakad nang may marinig na mga yapak mula sa engrandeng hagdanan ng bahay. 

“Oh! Nandyan ka lang pala, Baby Rhezi! Meet my son.”

Napalunok siya sa nakita. Alam niyang masama ang manghusga at tumingin sa panlabas na anyo, ngunit hindi niya mapigilan. Sa isip ay pinagalitan niya ang sarili nang paulit-ulit. Maling ideya talaga na pumayag siya sa hiling ng ina. Maling-mali.

 





@sheinAlthea

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top