Kabanata 9
Sinunod ni Arruba ang bilin ng ama. Nag-ayos siya ng sarili para sa dinner na sinasabi nito. She made herself look like a queen—mature than her real age; elegant and classy.
As she entered the grand dining room, her slender figure was draped in a flowing gown, the fabric cascading effortlessly around her like a waterfall of silk. Each movement she made was deliberate yet delicate, as if she were performing a ballet.
Her hair, styled in soft waves, framed her face like a halo, accentuating her classic features. The gentle curve of her jawline and the arch of her eyebrows spoke of refinement and poise. Her eyes, like pools of liquid amber, held a depth of warmth and intelligence that drew you in with a magnetic pull.
Adorned with subtle yet exquisite jewelry, each piece seemed to enhance her natural beauty rather than overshadow it. A single strand of pearls graced her neck, catching the light and shimmering softly with every turn of her head.
Her demeanor was one of quiet confidence, her movements measured and controlled. Yet, there was an underlying warmth and kindness in her smile that made you feel instantly at ease in her presence.
In her elegant look, there was a timeless quality that transcended mere fashion. It was a reflection of her inner grace and sophistication, leaving an indelible impression on all who had the privilege of beholding her.
As she felt the gaze of both her servants and her father upon her, their intent stares filled her with a quiet sense of accomplishment. Hindi naman kasi madalas mangyari iyon. Ilag ang mga katulong nila sa kaniya. Naka-focus naman ang ama niya kay Callen bilang tagapagmana nito. Ngayon lang nangyari na kung tingnan siya ng lahat ay para bang siya ang pinakamakinang sa lahat—na siyang dapat, dahil iyon ang gusto niya. With a subtle smile of satisfaction, she realized she had performed admirably, earning their attention and approval.
There you go, honey, she happily cheered to herself.
Wala naman kasing ibang magpapalakas ng loob niya kundi siya lang. Hindi niya mahagilap si Callen. Nadaanan niya ang kwarto nito kanina at naka-lock pa rin iyon. Hindi na rin ito tumawag matapos nilang mag-usap kanina; ilang oras na rin ang nakararaan.
She missed him.
Ito lang kasi ang mayroon siya.
"You have a beautiful daughter, Edward," narinig niyang wika ng kung sino mula sa kaniyang likuran.
Kaagad siyang nagbaling ng tingin dito. Hindi ipinahalata ang nakakunot na noo nang makilala ang taong nasa harapan. It was the man from the business meeting, the one with the blue eyes. Hindi ito nag-iisa; kasama rin nito ang isang binata na sa tantiya niyang kasing-edad niya lang. May bughaw rin na mga mata ang lalaki, na kung makatingin sa kaniya ay tila kakainin siya ng buhay. He was attractive though, possessing a similar aura to Callen.
Callen. . .
Speaking of the devil himself, he was with their visitors. Nasa likuran ito ng dalawang lalaki, nakikiramdam. Ang mga mata nito'y nakatuon sa kaniya; mas may intensidad kaysa pang-karaniwang tingin na ibinibigay nito.
His intense stare sent a chill down her spine, causing a shiver to run through her. Mas lalo siyang gininaw sa suot na sleeveless gown na may mahabang slit sa hita!
"I'm glad you came, Arthus!" masayang wika ng ama niya.
Nakahinga siya nang maluwag nang pumagitan ito. Nawala ang atensiyon ng lahat sa kaniya; lalo na ni Callen. Or so she thought. . . bigla na lang kasi itong lumapit sa kaniya.
"You're exposing too much skin, schatzi," mahinang bulong nito, sapat para marinig niya.
Tumikhim muna siya bago ito sinagot, "Don't you think I'm beautiful, Callen? You see, everyone was impressed!" She smiled proudly. Ngunit hindi yata nito nagustuhan ang sinabi niya. Nagtagpo ang kanina'y maayos nitong kilay.
"I don't want to share what's mine, Arruba." Dumukwang si Callen, inamoy ang leeg niya.
Damn! mura niya sa isip. Sinilip niya rin ang kinalalagyan ng ama. Mabuti na lang at abala ito sa pakikipag-batian sa kanilang bisita.
"Don't do that again, please. Not here, Callen." Malakas ang tibok ng puso niya. Paano na lang kung may makapansin sa kanila?
"Arruba, come here," tawag ng kaniyang ama.
"Yes, Papa," sagot niya na may kasamang pag-iling kay Callen. Idinadalangin niyang huwag na siya nitong sundan. Nang makarating siya sa harap ng kaniyang ama at sa bisita nito'y ngumiti kaagad siya. "Guten abend," bati niya.
"Arruba, this is Arthus Monterio, the president of Monterio Empire," tukoy ng ama niya sa may katandaan ng lalaki. "And this is his son, Andrius Monterio, the sole heir of the empire."
"Hi!" awkward na aniya. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang titig at ngiti ng kaniyang ama habang ipinapakilala nito ang mga bisita.
"You're beautiful, Signorina," anang matandang Monterio. Sa tantiya niya'y nasa mid-fifties na ang edad nito. May katabaan at balbas-sarado. He looked cheerful. Kabaliktaran ng itsura ng anak nitong kanina pa mukhang galit sa mundo. "I'd like to kiss the hand of the future queen. May I?"
"My pleasure, Signor." Iniabot niya ang kamay sa matanda na kaagad naman nitong kinuha. He kissed the back of her hand with so much gentleness. Dinaig pa niya ang kristal kung hawakan nito.
"Let's talk while eating, gentlemen," wika muli ng ama niya. Ang boses nito'y kababakasan ng kasabikan; bagay na hindi niya madalas marinig mula rito.
In the expansive dining room, classic design elements adorned the space, exuding an air of sophistication. At its heart stood a grand, long rectangular wooden table, flanked by twelve equally elegant wooden chairs. Upon the table lay gleaming glassware and polished metallic spoons, arranged meticulously amidst a beautiful table setting.
Adjacent to the table, an open chimney roared with flickering flames, casting a warm, inviting glow throughout the room and infusing the air with a gentle humidity. Above the table, a dazzling crystal chandelier hung suspended, its intricate design casting patterns of light and shadow across the space, adding to the room's ambiance of refined luxury.
Inakay ng ama niya ang matandang Monterio sa dining table. Magkatabing naupo ang dalawa. Sumunod naman siya sa mga ito, kasabay si Andrius at Callen.
Nang patunugin ng ama niya ang bell na nasa harapan nito ay nagsipasukan na rin ang kanilang kasambahay. May kaniya-kaniyang dalang pagkain ang lahat. Iba't ibang klase iyon. May kielbasa, o isang uri ng sausage mula Poland, sauerkraut, o preserved cabbage, coleslaw, isang uri ng salad, steak, at ang pinaka-common na pagkain ng mga German, ang smashed potato na may butter at dill.
The foods looked appealing. Tinitingnan pa lang niya iyon, nabubusog na siya.
"I want to talk about business, Arthus," seryosong sabi ng kaniyang ama nang halos patapos na sila sa pagkain.
"What is it, Edward?" tanong ng matandang Monterio.
Lahat sila ay sumeryoso. Lahat ng kanilang atensiyon ay nakatuon lamang sa kaniyang ama. Mataman silang naghintay sa sasabihin nito.
"I want a merger," walang paliguy-ligoy na saad nito. "Your son and my daughter, for more powerful empire," dagdag nito.
Napatanga siya ng ilang sandali matapos marinig ang sinabi ng ama. Then, when she regained her composure, she looked at him unbelievably. Sinulyapan niya rin ang binatang Monterio—mukhang hindi rin nito inaasahan ang sinabi ng kaniyang ama. Mababakas ang gulat sa bughaw nitong mga mata. Nang balingan niya si Callen, napalunok na lamang siya. He looked angry. Mariin ang titig nito sa kaniyang ama na sa mga sandaling iyon ay nakangiti pa rin. Mukhang ang ama niya lang ang natuwa sa ideya nito, lahat sila'y nagulat.
"I don't know what to say, Edward. A marriage for convenience? Let's talk about it next time." Nakahinga siya nang maluwag sa sagot ng matandang Monterio.
"Come on, Arthus. Our enemies are waiting for us to fight each other. Why don't we give them the entertainment? When it comes to business, I know you play well, Monterio. I do too. I love seeing everyone look pathetic." Napamura na lamang siya sa pagiging straightforward ng ama. Wala talaga itong pinipiling tao. He was still the same. The most arrogant man she had ever known.
"You know me well, Edward. I don't mingle my son's future plans." Nagpunas ng bibig ang matandang Monterio bago siya tiningnan nang seryoso. "Arruba is such a sweet child. She's smart and clever. I like her. But the kids are too young for marriage. Would it be okay with you, Edward?" tanong nito sa ama niya kapagkuwan.
Tumawa ang kaniyang ama. Uminom muna ito ng wine bago siya tiningnan nang mariin sabay sabi, "I will do anything for my daughter's future success, Arthus, even if it means sacrificing my own plans."
Her father's words made her shiver. Pakiramdam niya may iba pa itong ibig sabihin. Sa nakikita niya sa mga mata nito, alam niyang hindi nga ito nagbibiro. Desidido itong ipakasal siya kay Andrius Monterio.
No! Hindi siya papayag na maikasal sa hindi niya mahal!
Gusto niyang isatinig, pero sa mga sandaling iyon pakiramdam niya ay masyado siyang napagod. Hinayaan na lamang niya ang ama sa kung anuman ang gusto nitong sabihin at gawin. Tutal, hindi rin naman siya susunod dito. Malaki na siya. May sarili ng isip. She could decide for her own good, regardless of the choices she makes. Isa pa, ramdam naman niyang ayaw rin ni Andrius sa kaniya. Ayaw rin naman niya rito, kahit na gwapo ito. Si Callen lang ang gusto niya. Siya lang ang bibigyan niya ng karapatan na angkinin siya.
Natapos ang dinner ng maayos. Ang kaninang maingay na paligid ay muling naging tahimik. Nang makaalis ang mag-amang Monterio, nagtungo na rin ang ama niya sa study room nito. Magmumukmok na naman ang ama niya ng ilang araw. Aabalahin ang sarili sa kanilang negosyo. At aalis ng bansa para sa business meeting. Routine na iyon ng ama niya. Walang ibang importante rito kundi ang kanilang negosyo.
Mas gusto naman niya iyon. Mas marami silang pagkakataon ni Callen sa isa't isa. Tulad na lamang ngayon, patungo siya sa kwarto nito. Dahan-dahan ang bawat hakbang niya, takot na baka makagawa ng ingay at mahuli ng kanilang katulong. Maghahating-gabi na rin kasi. Dinaig pa niya ang akyat-bahay sa sobrang ingat ng kaniyang bawat galaw.
"Callen!" tawag niya sa binata nang mabuksan ang pinto ng silid nito.
Walang sumagot. Nagtaka siya. Mas nauna kasi itong umalis sa dining area kanina. Ang paalam nito sa ama niya'y magpapahinga sa kwarto. Nasaan na?
@sheinAlthea
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top