Kabanata 6
If the bottle Callen was holding was fragile, it would have already been broken because of his tight grip. Wala na iyong laman, pero tinutungga niya pa rin, habang ang mga mata ay nakatuon sa isang bulto na masayang nakikipag-usap katabi ng boyfriend nito. Seeing the two, made his heart rage with jealousy. Tila gusto niya tuloy balian ng leeg ang lalaki na masayang nakaakbay sa babaeng para sa kaniya.
Yes, she was his to begin with. But dammit! Destiny had its own way of tormenting his feelings. His most prized possession seemed out of reach, slipping through his fingers like sand. One moment, they were okay, then suddenly, everything shattered.
Is it because of his audacity?
Did he push her away because of the kiss?
Wala siyang maisip na sagot sa sariling tanong, dahil pakiramdam niya nang sandaling iyon, binibigyan siya nito ng karapatan.
Nagkamali lang ba siya?
Did he cross the line?
Napabuntonghininga siya. Binitiwan na rin ang hawak na bote at kinuha ang bagong order na inumin, at tumungga ulit. Iniiwas niya rin ang paningin nang tumama ang ilaw sa kaniyang mukha mula sa umiikot na LED lights sa bar na iyon. Nasa sulok siya ng lugar. Kanina pa umiinom mag-isa, habang tila stalker.
Maingay ang bar dahil sa rock music na pumapailanlang. Maraming nagsasayawan sa gitna ng dancefloor, karamihan ay magkasintahan na naghaharutan. Maalinsangan ang paligid. Mainit. Iyon ang klase ng lugar na hindi niya gugustuhing puntahan. Idagdag pa ang umiikot na usok ng mga nagsisigarilyong parokyano sa loob. Masakit ang matapang at naghahalong amoy niyon sa kaniyang ilong.
You need to endure this, idiot! pagkastigo niya sa sarili.
Yeah, he needed to keep his calm, even though he wanted to strangle someone’s neck.
“Hi! Care to drink with me, handsome?” tanong ng kung sino sa kaniya.
“No thanks.” Ni hindi man lamang niya tinapunan ng tingin ang babae. He drove them away with his cold remarks. Hindi na rin niya matandaan kung pang-ilan na ba iyon. He wasn’t interested in them anyway, his indifference palpable in his demeanor. Nandoon lang naman talaga siya para magbantay, at hindi para lumandi.
Ibinalik niya ulit ang paningin sa dalawang nilalang.
“Fucking shit!” malutong niyang mura. “Don’t you dare, Arruba,” he added, clinching his jaw.
Marahas niyang binitiwan ang hawak na bote ng beer. Tumayo. Sa impact na ginawa niya, natumba ang stool na kaniyang kinauupuan. Umagaw rin siya ng atensiyon sa ibang mga naroroon, bakas ang pagtataka sa kanilang mga mata. Habang ang dalawang tao na kanina pa niya pinagmamasdan, kasama ng mga kaibigan, hindi siya napansin. Abala pa rin ang mga ito sa kung anumang ginagawa—na siyang nagpakulo ng husto sa kaniyang dugo.
Hindi niya napigilan ang sarili. Unti-unti siyang humakbang palapit sa grupo habang may malalalim na paghinga. Galit siya, bakas sa nakakunot niyang noo at nakakuyom na kamao. The emotion within him was too much that it felt like he was burning. It was barely controllable.
“Get your filthy hands away from Arruba, Atreo,” aniya nang makalapit sa grupo.
“C-Callen?” narinig niyang usal ni Arruba, halatang nagulat ito base sa boses na gamit—dapat lang naman talaga. Tumakas naman kasi ito. “Why are you here?”
Hindi niya sinagot si Arruba. Naroon pa rin ang mga mata niya sa baso na hawak ni Atreo. Ang basong pinipilit nitong kunin ni Arruba. Matapang na alak ang laman niyon, na kung hindi siya nagkakamali ay puwedeng ikawala ng malay ng kung sinumang iinom.
“Who’s he?”
“Damn! He’s so hot.”
Napuno ng bulungan ang paligid. Mga usyusero.
Atreo smiled at him mockingly. “You can’t boss me around, Callen—”
“I can if I want to,” he cut him off. “Umuwi na tayo, Arruba,” mariin niyang wika bago binalingan ng tingin si Arruba na nakatulala.
“What? Did you just curse me?” si Atreo.
Napangisi siya. The power of being multilingual. “Ngayon pa lang, putang*na mo ka.”
Mas lalong naguluhan ang mukha ni Atreo. “Fuck! What did you say?”
Binalewala niya ito. Nang-uuyam ang mukhang kinuha niya ang baso na kanina pa nakabitin sa ere. Mukhang walang balak si Atreo na bitiwan iyon, desidido talaga itong ipainom iyon kay Arruba. Doon siya mas nagtaka. Ano ang mayroon sa inumin? Para masagot ang tanong, siya na ang nagkusang uminom sa alak.
“You shouldn’t offer this drink to her,” aniya, pagkatapos lunukin ang huling patak ng likido. Nanunuot sa lalamunan niya ang pait niyon. Sobra—na kaagad nagpainit sa buo niyang sistema.
He saw Atreo’s eyes widened. “What the hell?” anito, ambang susugurin siya. Mabuti na lamang at pinigilan ito ng mga kasama.
“Hell? Sa imperno talaga ang bagsak mo kung aangasan mo ’ko.” He could sense it; something wasn’t right. The liquor he drank wasn’t ordinary. It tasted different, something he couldn’t explain.
“What did you put on the—”
“Callen. . . stop it!” putol ni Arruba sa kaniya. Tumayo na rin ito. “Don’t make a scene here.” Lalapitan sana nito si Atreo pero kaagad niyang hinuli ang braso nito at hinila palapit sa kaniya.
“Don’t you dare, schatzi,” mahina ngunit mariin na aniya.
“What are you doing?” Tiningala siya ni Arruba. Ang mga mata’y nagtatanong. Naguguluhan. Hindi makapaniwala.
“Did you invite him here, Arruba?” si Atreo, pilit pa rin pumipiksi sa kamay ng mga nakahawak dito. Alam niyang lasing na ang lalaki.
“Hell no—”
“I invited myself, dumb ass,” pagpapatuloy niya sa sasabihin ni Arruba.
“Fuck you, Callen!” Mas nagngitngit ang mukha ni Atreo. Mas nagpumiglas.
Wala namang kaso sa kaniya kung makawala ito; batak ang katawan niya sa ehersisyo at palagiang pag-iinsayo ng Mixed Martial Arts. Sa isang ataki lang, kaya niya itong patumbahin. Patpatin pa naman ang katawan nito kahit basketbolista. Hindi nga niya maintindihan si Arruba kung bakit ito ang napiling maging nobyo. Mas hamak na lamang siya rito sa kahit anong aspeto.
“I’m sorry, I think we should go,” narinig niyang wika ni Arruba. Napangisi siya dahil doon, ngunit agad din nabura. “I’m sorry, Atreo.”
“You should not have said that. He doesn’t deserve it,” komento niya, habang ang mga mata ay naka’y Atreo pa rin.
Siniko siya ni Arruba. “Tumahimik ka na nga.”
Napabaling ang tingin niya rito. Noon lamang niya napagtanto na nakatingin din pala ito sa kaniya, ang mga mata’y nagsusumamo. Walang nagawa na napabuntonghininga na lamang siya.
“Fine. Let’s get out of here,” may pinalidad na aniya.
Tumango si Arruba, iyon lamang ang hinihintay niya. Kaagad niya itong hinila paalis sa lugar na iyon—ni hindi nga niya ito binigyan ng pagkakataon na lingunin si Atreo habang nagsisisigaw na parang inagawan ng laruan. Natutuwa siya sa reaksiyon nito, kaya isang middle finger sign ang iniwan niya sa ere nang tuluyan silang makalayo dito.
“What was that for?” Hinarap kaagad siya ni Arruba nang makalabas sila. “Why are you here, Callen? Aren’t you on a date?” dagdag nito.
Napakunot ang noo niya. “Date? What are you talking about?”
“Ewan ko sa ’yo!” Naunang maglakad si Arruba, naiwan siyang naguguluhan. Gayunpaman, dahil likas na mahahaba ang binti, mabilis niya itong naabutan.
“Hey, I don’t understand you.” Sinubukan niyang hulihin ang kamay nito, ngunit kaagad naman nitong iniiwas. “It’s cold, Arruba. This is not the way to the parking area,” wika na lamang niya nang mapansin na giniginaw ito.
Tumigil si Arruba sa paglalakad. Nilingon siya. “Kasalanan mo ’to. Bigla-bigla ka na lang dumadating. You see? I forgot my coat, dammit!” Bakas ang frustration sa boses ni Arruba ngunit napangiti pa rin siya. It was her power over him. She could change his emotions so easily.
Hinubad niya ang jacket na suot. Tutal ay kanina pa niya nararamdaman na nag-iinit ang kaniyang buong sistema. “I’m sorry. I just can’t help it. I saw how he wanted you to take the shot. He’s so persistent. I can’t let him do that. . . forcing you to do something against your will.”
“Ano naman ang pakialam mo sa akin?” tanong nito nang nakanguso.
Isinuot niya ang jacket dito. “I care for you, schatzi.” Yeah, he cared for his stepsister more than anyone. She was his everything.
“If you cared for me, then why did you say yes to Annika?” tanong nitong titig na titig sa kaniya. “She asked you out, right? You said yes. You dated her, you two faced!”
He chuckled. Natutuwa siya sa pang-aakusa nito. She looked like a jealous girlfriend, with her lips pouting, which made her look even cuter in front of him. It made his heart flutter. Tila gusto niya tuloy itong yakapin nang mahigpit. Halikan.
“It was all a lie, schatzi. I would never dare to be with any woman other than you,” he said, cupping her face, his eyes glimmering. “You’re my queen, Arruba. I am always be your subject.”
Walang nagsalita sa kanilang dalawa ni Arruba. Nanatili silang nakatayo sa gilid ng kalsada ng Berlin, kung saan may mangilan-ngilang tao at mga sasakyan na dumaraan. Nagkatitigan.
Maliwanag ang paligid dahil sa ilaw mula sa mga establisyemento na mas pinaliwanag pa ng kabubukas lamang na lamppost sa kanilang tabi.
In that very moment, Callen could feel the overwhelming emotion that suddenly occurred between them, making his heart race more than usual. As their eyes locked, he could see through Arruba—her uncertainty, desire, and longing. However, he didn’t want to ruin everything, because he could feel that if he were to cross the line again, that would be the end.
Nauna siyang nagbawi ng tingin.
“Winter. A season for lovers,” aniya saka tumingala sa langit. “Some say that the first snowfall will grant your wish. Do you believe that, Arruba?” he asked.
“I don’t know. I never heard of it.” Napabuntonghininga ito sa kaniyang tabi. “Why? Do you have a wish, Callen?” Nilingon siya nito. He looked at her too.
“I do.” Yeah, there was something he desired more than his existence.
Ito naman ang napangiti. “If you believe it, then I will believe it too. Maybe we should try wishing. Malay mo, our wishes will be granted.”
Iniunat ni Arruba ang dalawang kamay sa harapan nito at tiningnan. Pinagmasdan lamang niya ang dalaga nang pinagsalikop nito iyon at pumikit. Tumingala ito sa langit. Nag-usal ng mga salitang hindi niya marinig.
Sa mga sandaling iyon, tila lumulubo ang puso niya. Napangiti na rin siya at ginaya ang ginagawa nito. Nag-usal din siya ng panalangin. Isang kahilingan na tanging ang sarili niya ang nakaaalam.
Pagmulat niya ng mga mata, halos maiyak siya sa nakita.
“Callen, it’s snowing. Wow!” masayang wika ni Arruba. “Ang ganda. Look!”
The first snowfall of the winter season in Berlin, though chilly and windy, warmed his heart. Its snowflakes, dancing crazily in the wind, drifted down faster and heavier, quickly covering the green leaves of small trees around the corner, while some stayed on the ground, creating a river of patchwork ice.
The once gloomy, almost soundless city of Berlin had come alive. The night became a place of laughter and joy. The colorless façade was now filled with white, illuminating the true beauty between nature and people.
“Ang ganda, ’di ba, Callen?”
“Oo. Napakaganda.”
Tiningnan niya si Arruba. Nakangiti itong nakaupo habang namumulot ng snow. Kung titingnan, para itong bata na naglalaro. Ngunit para sa mga mata niya, iyon ang totoong Arruba. Inosente. Simple. Mabilis pasayahin. Pure. She might be tough, but she was like snow. . . fragile.
His only desire. . . He wanted to protect her.
He wanted to be with her. . .
@sheinAlthea
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top