Kabanata 14

“Callen left the country today.”

Paulit-ulit na tumatagingting sa utak ni Arruba ang sinabi ni Attorney Hoffman kanina kahit sa kaniyang pagligo. Kasabay niyon ay ang pagbagsakan din ng kaniyang mga luha na sumasabay sa agos ng tubig mula sa shower.

Namamaga kanina pa ang mga mata niya. Puno ng pait ang kaniyang buong sistema. Ang puso niya’y tila pinira-piraso na halos hindi na niya maramdaman ang sakit at hapdi na dulot ng pangungulila at pagkabigo.  

Bakit siya iniwan ni Callen?

Bakit ito umalis bigla?

Marami siyang tanong sa isip. Pagod na ang utak niya kung paano iproseso ang lahat. Napakabilis naman kasi ng mga pangyayari. Ang saya-saya pa nila nang nagdaang gabi, tapos. . .

Niyakap niya ang sariling kahubaran. Wala siyang balak na tumayo mula sa pagkakasalampak sa bathtub kahit kanina pa siya sa ilalim niyon. Gusto niyang kapag tumayo na siya’y tuluyan nang mamanhid ang puso niya para wala na siyang maramdaman pa. Ngunit sadyang hindi dininig ng langit ang hiling niya. O mas tamang sabihin na ayaw ng ama niyang bigyan siya ng tahimik na dinner kasama ito. Tuloy, mas lalong tumindi ang nadarama niyang frustration nang mapagtantong tila wala itong pakialam na ang paborito nitong anak ay hindi nila kasalo sa hapunan.

“I would like you to pursue business, Arruba, and study economics at the same time. Brilliant isn’t it? You can hit two birds in one stone,” narinig niyang anito matapos uminom ng wine sa basong hawak.

Hindi siya sumagot. Mas importante sa kaniya ang makaalis sa lugar na iyon. Dahil kung hindi, baka hindi niya makontrol ang sarili. May ideya na kasi siya kung sino ang may pakana ng pagkawala ni Callen.

“Andrius will join you at BIS. We’ve talked about it earlier. If you’re not in a hurry to go upstairs, he would have invited you to walk around. Where are your manners, Arruba?”

Napahigpit ang hawak niya sa kubyertos. Ibig sabihin, naiplano na ang lahat at siya na lang ang walang alam. Bumangon din ang inis niya sa binatang Monterio. Ano’ng karapatan nitong sumang-ayon sa ama niya? Wala ba itong isip? Alam niyang mas matanda ito sa kaniya, pero bakit tila sunod-sunuran din ito?

“Arruba?” Hindi pa rin siya sumagot sa tawag ng ama. “Was ist dein problem?” (What is your problem?)

Napilitan siyang tingnan ito.

“Was, Papa?” (What, Papa?) mataas ang boses na tanong niya. Makikita rin sa kaniyang mukha ang inis.

Hindi nagsalita ang ama niya matapos ang ilang sandali. Tinitigan lamang siya nito habang kunot ang noo.

Napabuntonghininga siya’t muling binalingan ang pagkain. Ang totoo, wala talaga siyang gana. Ni ang paglunok ay hirap siyang gawin. Sino ba naman ang gaganahan kung nagpatong-patong ang frustration niya sa buhay.

Hindi nakatiis sa sitwasyon, tumayo siya’t pabagsak na binitiwan ang hawak na kubyertos. Lumikha iyon ng ingay, na umagaw sa atensyon ng butler nila at mga katulong na nasa gilid lamang ng silid para magbantay sa hapagkainan. Tumayo rin ang ama niya’t halatang hindi nagustuhan ang kaniyang inasal.

“Take those utensils and finish your food, Arruba. For God’s sake, why are you acting this way?” wika nito habang dinuduro siya.

Sarkastiko siyang natawa sabay iling. Kapagkuwa’y binalingan muli ang ama. “Why are you acting that everything is fine, Papa? Is that how heartless you are—”

“What are you talking about, young lady?!”

“Callen,” aniya, “h-he’s n-not here, Papa.” Garalgal ang kaniyang boses, tanda ng pagpipigil na maiyak.

Sinenyasan ng ama niya ang butler at mga katulong nila. Mabilis naman ang mga itong tumalima at umalis sa dining area. Nilapitan siya nito pagkatapos. Hindi niya nga lamang napaghandaan ang gagawin nito nang magkaharap sila. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.

“Du idiot!” sigaw nito.

Halos mabingi siya sa naging impact ng sampal ng ama. Binalot din ng hapdi ang halos buo niyang pisngi. Ang kanina’y pinipigilang luha, tuluyan nang bumagsak. Nag-uunahan, na para bang may karera. Her vision became blurry, but she could still see how intense her father’s gaze was. Kung nakamamatay nga lamang ang tingin, baka nga kanina pa siya bumulagta sa marmol na sahig ng dining.

“I hate you, Papa,” aniya habang sapo ang nasaktang pisngi. “I hate you so much!”

Nakatikim muli siya ng sampal mula sa ama. Sa tindig nito’t malalalim na paghinga, walang dudang galit ito.

“I didn’t raise you to be disrespectful, Arruba. I didn’t raise you to be a disgrace. Do you really think that I didn’t know about you and Callen, huh?”

Hindi na siya nagulat nang marinig na alam nga nito ang relasyon niya at ni Callen. Kanina pa niya naiisip iyon. Wala naman kasing ibang dahilan kung bakit bigla na lang mawawala ang stepbrother niya.

“I love—”

“Bullshit, Arruba. Stop your nonsense.”

 Umiling siya. Loving Callen would never have been nonsense.

“W-where is he? I want to be with him.” Desidido na siya. Wala siyang ibang nais na gawin kundi ang makasama si Callen, kahit ang kapalit noon ay pag-alis sa puder ng ama.

 Pagak na natawa ang matanda. Pagkatapos ay tiningnan siya nang masama. “That won’t happen, Arruba. Not in my watch. Now, if you don’t want Callen to suffer, obey me, and marry Andrius Monterio,” huling babala nito bago siya iniwan.

“Y-you can’t control me forever, Papa.” Nagpupuyos ng galit habang umiiyak na napaupo na lamang siya.

Sa buhay, wala nga talaga sigurong forever, dahil kung mayroon man, desperado siyang makuha iyon. Sa bawat araw na nagdaan, dalangin niya’y sana magkaroon muli siya ng dahilan para mamukadkad. Ngunit katulad ng isang ligaw na bulaklak, hindi lahat ng gusto niya’y puwedeng mangyari, at hindi lahat ay pabor sa kaniya.

Napabuntonghininga na lamang siya’t pinagmasdan ang mga babaeng nagkakagulo sa bagong transferee ng school nila, si Andrius Monterio. Gaya nga ng sabi ng ama niya’y magkasama sila sa iisang paaralan, para daw mas makilala pa nila ang isa’t isa. Desidido pa rin kasi ang kanilang ama sa ideyang arrange marriage. Akala nga niya noong una’y tutol ang matandang Monterio sa plano ng kaniyang ama. Nagulat na lamang siya nang bigla itong sumang-ayon.

“You’re really a flirt, huh.” Inikutan niya ng mga mata si Andrius nang maupo ito sa lamesang ukupado niya. Nasa canteen sila ng school.

Andrius chuckled. “We’ll, perks of being handsome,” sagot nitong kumindat pa sa kaniya.

Imbes na siya ang kiligin, ang katabi nilang table na ukupado rin ng mga babaeng estudyante ang tila sinilihan sa ginawa nito. Narinig pa niya ang tili ng isa, at nakita niya rin ang pag-arte ng isa na parang mahihimatay.

“Tssk! Childish,” komento niya bago ipinagpatuloy ang paghigop sa strawberry banana smoothie na order. Naging paborito na niya iyon. “Yummy.”

“Kasing yummy ko, ’di ba?” bulong ni Andrius.

“In your dreams,” pairap niyang saad, ngunit kaagad ding napaisip.

Totoo naman talagang gwapo si Andrius, malakas ang dating, at higit sa lahat ay mayaman. Pagmamay-ari ng pamilya nito ang pinakamalaking hotel chain sa Germany, at ito lang ang nag-iisang tagapagmana. Katulad niya’y may dugong Filipino rin ang binata dahil sa ina nito, dahilan kung bakit marunong itong magsalita ng Tagalog. Dalawang taon naman ang agwat ng edad nito sa kaniya, pero kung umasta ay tila bata. Pilyo at mapaglaro. Ibang-iba sa unang pagkikita nila. Mabuti na rin iyon dahil nagkakasundo sila.

“Hey, I found an interesting article today,” wika ni Andrius na umagaw ng atensyon niya.

“What?” curious niyang tanong.

“It’s an online forum. Here, read this.” Inabot nito ang cell phone nito sa kaniya. Kinuha naman niya kaagad.

“Let me see.”

Binasa niya ang article. Napapakunot pa ang noo niya dahil tila ba pamilyar iyon, o sadyang apektado siya dahil katulad na katulad ng relasyon niya at ni Callen ang nakasaad doon.

A sibling having a secret relationship.

Coincidence lang ba ’yon?

“Creepy, right? Who would dare to like their siblings? It’s taboo!” komento ni Andrius.

Sumakit bigla ang ulo niya.

“E-excuse me,” paalam niya kay Andrius.

Nagmamadali siyang nagtungo sa bathroom ng canteen. Halos magkandarapa pa siya para lang makipag-unahan. Nang nasa loob na siya ng cubicle, isinirado kaagad niya iyon kahit may mga gusto pang pumasok. Doo’y mabilis siyang naghilanos ng mukha. Paulit-ulit. Hindi niya maintindihan ang sarili.

Nasagot lamang ang haka-haka niya nang pagbukas niya ng pinto ng bathroom ay nakita niya ang taong matagal na niyang hindi nakikita, si Atreo. Nakasandal ito sa dingding ng bathroom, nakapamulsa habang titig na titig sa kaniya. Sa kilos pa lang nito, alam na niyang kanina pa siya nito inaabangan.

“H-how are you?” Siya ang unang bumati rito kahit may pakiramdam siyang hindi maganda ang dala nito sa kaniya.

Ngumisi si Atreo. Ngising nakakaloko.

“How are you?” May diin ang bawat binitiwan nitong kataga. “Are you happy to see me, Arruba?” Tumango siya. “Really, huh?” Lumapit si Atreo sa kaniya.

“W-what are you up to?” Bigla siyang kinabahan. Naaalala niya ang ginawa nitong maglalagay ng gamot sa inumin niya. “Atreo!” sigaw niya, ngunit ang mga paa’y hindi kayang ihakbang palayo.

Atreo grabbed her forcefully. He was towering her. “How dare you, Arruba.” Nanlilisik ang mga mata nitong tiningnan siya. “How dare you act like you did nothing to me.”

“I d-don’t know what you’re talking about.” Nanghihina siya. Naghahalo ang biglaang pagsakit ng kaniyang ulo at tila hinahalukay na sikmura.

“Playing dumb, again? Well, you’re not the only one that knows how to play, Arruba.” Natawa si Atreo. Binitiwan siya sa wakas. Ngunit naroon pa rin ang galit sa mga tingin nito. “I will make you pay for what you’ve done to me. Damn that Callen!” anito bago siya iniwan.

Callen. . .

Hearing his name, she felt weak. Iyon din ang mismong pangalan na huling isinigaw ng utak niya bago siya nawalan ng malay.

 


sheinAlthea

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top