Kabanata 9
“Bakit kailangan mo pa akong isama, Mr. Montreal? May mga trabaho pa ako sa office, ah. Sure ka ba na nagpaalam ka kay Mr. Monterio?” naiinis na wika ni Anya nang tumigil ang sasakyan ni Kraius sa harap ng isang mamahaling restaurant.
“Of course. Don’t you trust me, Anya?” sagot naman nito.
Napanguso siya. Gusto niyang sabihin sa abogado na hindi siya naniniwala rito. Hindi naman kasi kapani-paniwala ang sinabi nitong magpapasama sa isang restaurant dahil bibili ng pagkain. Gutom daw kasi ito. Hindi nga lamang niya iyon matanggihan, dahil ang sabi nito ay nagpaalam naman daw kay Andrius. Kaya kahit nagdadalawang-isip, wala na siyang nagawa.
“Puwede ba na dito na lang ako maghintay sa inyo? Bibili lang naman kayo ng pagkain, ’di ba?”
Umiling kaagad si Kraius. “Nope. Sasama ka sa akin sa loob.”
“Pero—”
“Come on, Anya. Hindi mo ba ako pagbibigyan?” nakanguso na sabi ng abogado. Nagpapa-cute.
“Fine! Pero kapag ako napagalitan ni Mr. Monterio, kayo ang ituturo ko. Bahala kayong mag-away,” aniya at umibis na ng sasakyan.
“Don’t worry. All is well.” Nakangising sumunod si Kraius sa kaniya.
Bad mood pa rin siya. Nakanguso habang nakayuko siyang naglakad patungo sa restaurant.
“What are you doing here?”
Bigla ang pagtaas ng tingin niya nang marinig ang baritonong tinig ni Andrius. Kaagad din na sumikdo ang puso niya. Nang magtama ang mga mata nila ng lalaki, alam na niyang galit ito. Kinabahan siya. Napatingin sa nakasunod na si Kraius. Maging ang ngiti sa mukha ng abogado ay nawala rin. Alam na niya kung bakit. Nagsinungaling ito. Tama ang hinala niya!
“Anya, I’m asking you. What are you doing here?” tanong muli ni Andrius.
Napabuntonghininga siya at napakagat sa labi. Walang saysay kung magsisinungaling siya kay Andrius. Wala rin saysay kung titikisin niya ang sarili para hindi ito kausapin. Dahil ang totoo, nang umalis ito sa opisina kanina, maging ang hindi pagsabay nito ng tanghalian sa kaniya, nakaramdam siya ng panghihinayang. At ngayon, sa hindi inaasahang pagkakataon, ito na naman siya. She was tongue tied. Pinipilit niyang umiwas, pero tadhana na mismo ang naglalapit sa kanila.
“I’m sorry. . .” Kung para saan ang mga salitang iyon, hindi niya alam. Ang mga mata niya’y nakatuon pa rin kay Andrius. Naghahanap ng isang bagay na maging siya ay hindi alam kung ano.
Tumango ito sa kaniya. Lumamlam ang bughaw nitong mga mata. “It’s fine. I’m sorry, too. Anyway, what are you doing here with. . .” Tiningnan nito si Kraius.
“Ah. . . Bibili ng pagkain—”
Kraius cut her off, “Nope. We’re eating here, Andrius. Want to join us?” anito.
Napabaling ang tingin niya rito. Kunot ang noo. “Ano’ng sinasabi mo? Akala ko ba, bibili ka ng pagkain—”
“Yeah, kasama ka. Bibili at kakain tayo,” agaw ni Kraius sa iba pang sasabihin niya.
Kinakabahan na tumingin siya kay Andrius. Nakatiim ang bagang nito. He was looking at Kraius with his deadly stare. Kung nakamamatay lamang ang tingin, kanina pa bumulagta ang abogado sa concrete na kinatatayuan nito. Tumingin din siya sa paligid. Nasa bungad sila ng restaurant. Nakakaagaw ng atensiyon sa ibang pumapasok at lumalabas. Some were looking at them; obviously gossiping. Naalarma siya roon.
“I’m sorry, Mr. Montreal, but it’s obvious that there’s a little misunderstanding here.” Mabilis na hinawakan niya ang kamay ni Andrius. “My boss is here, obviously not pleased. Sorry, pero babalik na po ako sa trabaho,” aniya.
Sinubukan siyang pigilan ni Kraius. Tinawag, “Anya—”
Andrius cut him off, “You heard my secretary, Montreal. Back off. She’s not buying it.” May ngiti sa labi nito nang sabihin iyon.
“Really, Andrius?” ani Kraius, naiiling.
Hindi ito pinansin ni Andrius. Nakahinga siya nang maluwag dahil doon. Nagsimula rin na maglakad. Magkahugpong pa rin ang mga kamay nila ng binata. Sari-saring emosyon ang dulot ng mainit nitong palad sa kaniyang puso—na siyang dahilan ng malawak niyang pagkakangiti.
Nang makasakay sa kotse, agad na pinaharurot iyon ni Andrius. Nakaupo siya sa tabi nito, nagmamasid. Wala pa rin siyang mahanap na salita dahil sa bilis ng mga pangyayari. Ngunit isa lang ang sigurado siya, mas gusto niyang kasama si Andrius kaysa makasalo sa pagkain si Kraius. Mas gusto niyang magtrabaho buong araw sa opisina at pagmasdan ito mula sa kaniyang mesa, kaysa hindi siya nito kibuin buong araw. Odd. Siya na nagsabi na lalayo na rito, ay ngayo’y kasama na naman ito.
“Are you mad at me?” Si Andrius ang pumutol sa namamayaning katahimikan sa kanilang dalawa.
Umiling siya. Inayos ang salamin na suot gamit ang isang kamay. Hawak pa rin ni Andrius ang isa niyang kamay; at wala siyang ideya kung kailan nito iyon pakakawalan.
“Hindi naman. Bakit mo naitanong?”
“I’m curious. I guess you could say it’s about what you said to me in the office. Have you made up your mind, Anya? Are those words true? Ayaw mo ba talaga na mas makilala pa natin ang isa’t isa?” Bumagal ang pagpapatakbo nito sa sasakyan. Natatanaw na niya ang Monterio Empire building.
“I d-don’t know w-what to say,” bulong niya.
Andrius’ questions were deep. Kailangan niyang pag-isipan ang bawat sagot. The time they had now was limited. Palapit sila nang palapit sa trabaho. Knowing Andrius, he was a workaholic. Magiging abala na ulit ito. Habang siya, may mga hindi pa siya tapos na minutes nang nakaraang meeting.
Napabuntonghininga siya. Tumigil din ang sasakyan.
Napabuntonghininga rin si Andrius. Nakauunawa. “Alright. I’m sorry. I crossed the line again. I assumed—”
“No, you’re not,” sansala niya sa iba pang sasabihin nito. “It’s just that, I am not prepared, Mr. Monterio. I’m afraid I had to lie just to hide what I truly felt.”
“Anya. . .” Andrius’ voice sounded surprised.
“I will give you my answers later, Mr. Monterio. Thank you for the ride,” aniya bago nagmamadaling umibis mula sa sasakyan nito.
Her heart was raging so badly. Halos hindi siya makahinga sa tensiyon na nadarama. Nanginginig din ang mga tuhod niya. Pinagpapawisan ang noo. Alam niyang sa sinabi niya kanina, may ideya na si Andrius sa ibig niyang sabihin. Matalino ang kaniyang boss. Walang duda roon. Pinapanalangin na lamang niyang huwag na itong sumunod sa kaniya, dahil kapag nagkataon, kung makasabay muli niya ito sa elevator, hindi na niya alam kung maiiwasan pa niyang ipahiya ang sarili.
Ngunit, sadyang hindi para sa kaniya ang araw na iyon. . .
Saktong pasara ang elevator na siya lamang ang sakay nang pigilan ito ng malalaking kamay ni Andrius. Nang tingnan niya ang lalaki, malaki ang ngisi nito. Napapikit na lamang siya dahil sa kahihiyan. Napakagat sa labi. Isiniksik niya rin ang sarili sa dulo ng elevator. Ano ang gagawin niya? Wala na rin namang silbi kung tatarayan niya ito. Nabuko na siya ng sariling bibig!
“What do you feel about Kraius? Do you like him?” si Andrius. Nasa dulong bahagi rin ito ng elevator. Nakikiramdam.
“I don’t. I don’t like him,” sagot niya.
“Do you like me?”
Katahimikan. . .
Isang mahabang katahimikan.
“You know what I like about being the CEO, Anya?” It was the same question from him again. The same action.
Naglakad palapit si Andrius sa kaniya, saka tumigil ilang dipa. He looked at her intently. The stares of his deep-set blue eyes sent shivers down her spine. Naging doble ang tibok ng puso niya. Natuod. It was as if her feet were glued on the floor. Ni wala siyang nagawa nang mabilis na hinaklit ng binata ang kaniyang beywang. Sa gulat, napatingala na lamang siya rito habang nanlalaki ang mga mata.
Andrius licked his lips. “I could make this elevator stop for us to talk, Anya.”
“Mr. Monterio, w-what are you d-doing?” Sa wakas ay nasabi niya.
Andrius chuckled. Ilang sandali, tumigil din ang sinasakyan nilang elevator. Then, he whispered, “Why do I feel like you are avoiding me again, huh, Anya? Are you afraid of me?”
“Marami pa tayong trabaho!”
“Work can wait, baby. But this . . . it can’t.” Andrius words were sensual. Napapikit na lamang siya nang hinawi nito ang iilang hibla ng buhok na nagkalat sa kaniyang mukha, at sunod nitong kinuha ang kaniyang eyeglass.
Ngayong nawala ang tanging harang sa pagitan nila, mas mahirap na para sa kaniya ang umiwas ng tingin dito. Mas mahirap na sa kaniya ang hindi mahulog nang tuluyan sa magaganda nitong bughaw na mga mata. Mas mahirap na sa kaniya na balewalain ang nakikita niyang determinasyon dito. Mahirap nang itago ang totoo niyang damdamin.
She confessed, “I like you, Mr. Monterio.” For once, she wanted to express what she truly felt. Napagtanto niyang walang mabuting maidudulot ang pagsisinungaling at pagdaya sa sariling nararamdaman.
“You liked me. . .” Si Andrius naman ang tila nagulat sa nakumpirma mula sa kaniya. Namumula ang pisngi na nagyuko siya ng ulo. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. Tama nang ipinagkanulo na niya ang sarili rito.
“If you’re not comfortable with it, then please, forget what I said. I’m sorry”
“Why do you keep on saying sorry?” si Andrius.
“Kasi hindi tama na magkagusto ako sa inyo!” Naiinis na siya.
“And why is that?” nakangising anito. Alam niyang pinipigilan lamang nito ang matawa.
“Kasi. . . Kasi. . .”
“Kasi ano?”
“Kasi boss kita at secretary mo ako.”
“Oh, cut that crap,” wika ni Andrius. Hinila siya nito palapit dito. Gamit ang isang kamay, hinawakan nito ang ilalim ng baba niya para magkasalubong ang mga mata nila. “Cut that bullshit, Anya. There’s nothing wrong with you liking me because, baby, I feel the same way.”
“Huh?” Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi. Isa lang ang sigurado siya, nanghihina ang buo niyang sistema kanina pa.
“Damn!” mura ni Andrius bago sakupin ang mga labi niya.
Napapikit na lamang siya nang maramdaman ang mainit na labi nito sa mga labi niya. Ikinawit niya rin ang braso sa leeg nito para kumuha ng suporta, dahil kung hindi niya gagawin iyon, baka tuluyan nang bumigay ang mga tuhod niya. Sa klase at init ng halik na ibinibigay ni Andrius, lahat ng himaymay niya sa katawan ay nagising. She felt weak in his arms, vulnerable and hopeless. She needed him.
Wala na. Natibag na ni Andrius ang harang na itinayo niya rito. Sawa na rin siyang magkunwari. Hahayaan na niya ang sarili na gawin ang talagang gusto niyang gawin. No pretentions. No inhibitions. No regrets. After all, she always wanted to be free from the pain she had been holding onto from the past. Hindi nga lamang niya maamin iyon. Ngayon lang.
“Be my woman, Anya,” ani Andrius nang tapusin nito ang halik.
Tumango siya. Hindi na nagsalita pa. It was a confirmation from her. Now more than ever, she was willing to gamble to get into the billionaire’s heart.
@sheinAlthea
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top