Kabanata 8

Seryoso si Andrius habang binabasa ang report mula sa accounting department ng kaniyang kompanya sa Germany. Nalugi sila ng ilang milyong Euro. Bumagsak ang sales ng pagmamay-ari niyang hotel doon. Hindi na siya nagtaka nang mabasa ang pangalan at dahilan kung bakit nagkaroon ng problema. He was expecting it as the man’s counterattack.

Damn Edward Dietrich. Binibigyan siya ng sakit sa ulo!

Marahas na ibinagsak niya ang hawak na papeles sa mesa. Napailing sabay buntonghininga. Hinilot niya rin ang sentido dahil sa biglaang pagkirot niyon. Ilang minuto siya sa ganoong posisyon nang may maalala. He abruptly raised his head and looked directly outside of his office. Nakita niya kaagad ang hinahanap dahil sa glass wall lamang ang pagitan nila. Surprisingly, his mood changed just by looking at Anya.

“Busy, huh,” he murmured. Nakangiti na pinindot niya ang intercom. Nagwika, “Miss De Vega, I want you inside the office, please.”

“Bakit, Sir?” Nakita niya ang pagsimangot nito nang sumagot sa kabilang linya.

Napailing siya.

Fierce! he thought.

Isa iyon sa dahilan kung bakit na-a-amaze siya sa sekretarya. She was tough. She was fearless. Kung ano ang nasa isip nito, sasabihin at gagawin nito nang hindi nagdadalawang-isip. She was good at her work, though she was hardheaded and sometimes bad mouthed. Mabait din ito, nagmamaldita nga lang kung minsan. She was beautiful too. Alam niyang sa likod ng makakapal nitong salamin ay nagtatago ang isang magandang mukha.

Napahawak siya sa labi nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila kanina. It was as sweet as honey, as soft as cotton candy. The experience was so intoxicating that, even though he didn’t want to end the kiss, he forced himself to do so. Kailangan niyang pigilan ang sarili dahil baka kung saan siya dalhin ng damdamin na pinupukaw nito sa kaniyang kaibuturan. Hindi maikakaila na kakaiba ang epekto nito sa kaniya.

Was he really into Anya?

Iyon ang tanong na matagal ng umuukilkil sa kaniyang isip na hanggang sa kasalukuyan ay hindi niya mahanap ang kasagutan. He had been asshole for tempting Anya and for acting weirdly towards her. Naninibago rin siya sa sarili. She was new to him. Gusto niyang mas makilala pa ito. It was his first time, treating a woman differently. His actions fuck the hell inside of him. It made him unsure.

Was he still lusting over his secretary? If not, then he didn’t know what to call it anymore. Damn him and his emotions! It was driving him nuts.

Tikhim mula kay Anya ang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Nang tingalain niya ito, nakataas ang kilay nito habang nakatanghod sa kaniya.

“Ano po ang kailangan niyo, Sir?” anito.

Napailing siya para palisin ang nasa isip. Umayos din ng upo bago nagsalita, “Could you make a coffee for me? Also, can I join you for lunch? I mean. . .” Nag-alangan siya bigla. He was at it again. Ano ba talaga ang gusto niya?

Napayuko siya’t napailing muli. Napabuntonghininga. Frustration took over him.

“Nevermind,” he said instead.

“If it’s about lunch, I can share it with you, Sir. Marami naman po ang ipinabaon ni Pappi sa akin.”

“Talaga?” Lumiwanag ang mukha niya nang balingan si Anya. Nakataas pa rin ang kilay nito. But in his eyes, she looked cute. Ngumiti siya. “So, you’ll share the food with me?” nahihiya na kumpirma niya sa sinabi nito.

“Opo. May iba pa po ba kayong sinabi na i-share ko maliban sa baon?”

Napailing siya.

Ang totoo, meron pa. Hindi nga lamang niya kayang sabihin dito.

“Great! So, puwede na po ba akong bumalik sa trabaho?” anito. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha.

Napakunot-noo siya.

Was she pissed?

Gusto niyang itanong, ngunit, iba ang lumabas sa bibig niya, “Could you make a coffee for me before you leave? Also, please cancel all my meetings this afternoon. May pupuntahan akong importante.”

“Okay, Mr. Monterio,” anito bago tumalikod.

“Ms. De Vega. . .” tawag niya muli rito.

“Yes, Sir. May ipagagawa pa ba kayo?” Hindi nakaligtas sa mata niya ang inis na bumalatay sa mukha nito.

“Ah. . . I was just wondering if you’re mad at me? I mean, did I annoy you or something?”

“Seryoso? Tinatanong niyo sa akin ’yan?” hindi makapaniwala na sagot nito sa kaniya. Kapagkuwan, napabuntonghininga ito at nagwika, “Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto mo sa akin, Sir. I mean, why are you doing this to me? Have you gone insane? I am not one of your women, and will never be. So, please. . . stop tormenting me. Stop bothering me, Sir. Ano na lang ang sasabihin ng mga kasama ko sa trabaho kapag nalaman nila na pumupunta ka sa bahay? Paano kung may nakakita kanina nang halikan ninyo ako?” Tumigil ito bago nagpatuloy, “Let’s just keep our relationship as employer-employee; that way, no one will ever judge me. Huwag mo na akong landiin, Sir.”

Napanganga si Andrius. He did not believe he was hearing those words from Anya. Nang matauhan, nagsalita siya, “A-are you rejecting me?” Kung bakit iyon ang nasabi niya, hindi niya alam. It was the most appropriate words he thought.  

Was he trying to win her? His actions might be it, unconsciously. Damn!

“See? You don’t know either,” si Anya. Lumamlam bigla ang mga mata nito. “Don’t worry, Mr. Monterio, I will keep my distance from you from now on. Wala rin makakaalam sa mga nangyari sa pagitan natin. I will bury it until I die,” wika nito bago umalis.

Tulala na pinagmasdan niya ang likuran ni Anya. Naging blangko bigla ang utak niya. Gustuhin man niya itong pigilan, hindi niya iyon nagawa. Gusto niya rin itong kausapin, pero wala siyang maapuhap na tamang salita. Kahit nang bumalik ito, dala ang umuusok pa na kape, naging sobrang tahimik ng paligid na kahit ito ay hindi na rin nagsalita pa. Ang bawat pagkilos ng mga daliri ng wall clock at ang tunog ng printer ang nagsisilbing ingay sa apat na sulok ng kaniyang opisina hanggang dumating ang lunch break.

“Here’s your lunch, Sir,” ani Anya. Dala ang lunch box na ibinigay ng Pappi nito kanina.

Umiling siya. Bumaling ang tingin sa binabasa. “Thank you, but you can have it. I have changed my mind. I’ll eat outside with a friend.”

“Okay. Hindi naman kayo pinipilit,” mahinang bulong nito.

“What?” tanong niya.

“Wala po. Ang sabi ko, okay po. Eat well.”

“Are you using your sarcastic tone on me?” nakakunot ang noo na tanong niya. “Why? Did you expect me to still want to eat with you after what you’ve said? You’re like a puzzle, Anya, you know that?”

“Eh, ang gulo niyo rin, eh!” buwelta ni Anya.

“Yeah. You’re probably right,” pagsang-ayon niya. Napabuntonghininga. Tumayo rin pagkatapos. “Fix my things, I’m leaving,” aniya bago naglakad paalis ng opisina.

Sa isang mamahaling restaurant nagtungo si Andrius. Prente siyang nakaupo sa pandalawahang mesa habang hinihintay si Carla. Tinawagan niya ito kanina matapos marinig ang mga saloobin ni Anya tungkol sa pakikitungo niya rito. He thought she was right.  Hindi niya nga lamang na-realize iyon kaagad. Hindi nga rin niya matandaan kung kailan nagsimula. At first, he thought he was just fascinated by her because she was different from his other secretaries. Ngunit habang tumatagal, napagtanto niyang hindi na lamang iyon ang rason kung bakit hinayaan niya ang sarili na mas mapalapit pa rito.

He was slapped by Anya’s words straight to his face. At habang naiisip niya ang bawat kataga na sinabi nito kanina, hindi niya mapigilan ang sarili na isipin kung gaano niya ito kagusto na halikan sa mga labi. Defense mechanism na ngang maituturing ang pagsusungit niya rito kanina. Dahil ang totoo, kinakain na rin siya ng sariling konsensiya. Realizations crossed his mind. Isang hakbang na roon ang putulin ang ugnayan niya kay Carla, ang kaniyang fuckbuddy.

Inilibot niya ang tingin sa buong lugar. Hindi na siya nagtaka nang halos lahat ng mga naroon ay nakatingin sa kaniya. He could catch anyone’s attention without exerting much effort. It was a given fact about him. Isa pa, he was a celebrity. Madalas ay laman siya ng mga cover magazines at newspaper articles bilang isa sa pinakamagaling at sikat na bachelor sa buong Pilipinas. Hinahangaan ng lahat at pinangingilagan.

Naiiling na ibinalik niyang muli ang atensiyon sa iniinom na kape. Sinipat niya rin ang suot na relo—na regalo ng kaniyang kapatid. As usual, Carla was late. Impatient, inisang lagok niya ang natirang kape at tumayo. He was about to leave when he saw her walking inside the resto. Sa itsura nito, alam na kaagad niya kung bakit ito late.

She was all made up. Her miniskirt paired with a sexy halter neck top almost showed half of her skin. Though, she was undeniably sexy and hot from a man’s point of view, he couldn’t help but to compare her to Anya. His secretary, though almost covered in her usual long sleeves and long skirt, still could affect his sanity. She could still capture anyone’s attention, effortlessly. Hindi nga lamang nito alam iyon. Hindi nito alam na isa siya sa nagawa nitong maagaw ang atensiyon nang walang kahirap-hirap.

“I’m sorry for making you wait, Andrius,” bungad kaagad ni Carla nang makarating sa mesa na para sa kanilang dalawa. May ngiti sa labi ng dalaga, halatang masaya.

Andrius shrugged his shoulders. “It doesn’t matter. Gusto ko lang talaga na makausap ka.” Umupo muli siya.

“For what?” tanong nito. “I’m surprised and excited. To think that you invited me all the way here, it’s not something you usually do. What’s the matter, Andrius?”

“Let’s order first, and talk while eating,” seryoso na alok niya

Napangiti ang kaharap. “That’s awesome. Though, you’re acting weird.”

Matapos mag-order, tahimik na nagsimula silang kumain. Panaka-naka’y sinusulyapan siya ni Carla, marahil naghihintay sa kung anuman na sasabihin niya. Hindi naman siya apektado roon, at seryoso pa rin kahit kumakain. Nang mailapag ang tinidor at magpunas ng bibig, agad niyang itinuon ang mga mata kay Carla.

“Let’s end this,” aniya.

Magsasalita pa sana siya nang matuon ang kaniyang paningin sa labas ng restaurant. Glass wall ang lugar kaya kitang-kita niya ang dalawang pigura na nang mga sandaling iyon ay papasok na rin sa loob ng resto.

Napakunot kaagad ang noo niya.

Ano’ng ginagawa ni Anya kasama si Kraius sa lugar na iyon?

Did she reject him for his legal adviser?

No way!

 





@sheinAlthea

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top