Kabanata 6

“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ni Anya.

Nilingon siya ni Andrius. Pagkatapos ay bumalik na naman ito sa pagmamaneho. Kanina pa siya naiinis dito dahil sa ginawa nitong pagkaladkad sa kaniya galing sa mall. Hindi man lamang niya alam kung saan siya dadalhin nito.

Hinampas niya ito sa balikat dahilan ng pagkakatigil nito sa pagmamaneho. Pinandilatan niya rin ito ng mga mata at tinitigang mabuti.

“Kung kidnapping ito, bababa ako! Walang pera si Pappi para sa ransom!”

“What?!” Napakunot ang noo ni Andrius nang balingan siyang muli, halatang naguguluhan.

“K-in-i-kidnap mo ako, hindi ba? Kanina pa kita kinakausap! Para na akong sirang-plaka rito!” aniya. 

Natawa si Andrius sa kaniyang sinabi.

Nagulat siya. Hindi niya inaasahan iyon!

Kaiba ang naging epekto ng tawa nito sa kaniya. She never thought that he could laugh as if there were no tomorrow, unlike how he acted whenever they were at work. He always appeared dark and unapproachable. Seeing him laugh like this was inexplicable to her.

“You’re crazy, Anya,” Andrius said, shaking his head.

“Siraulo ka rin! Kinakausap, hindi sumasagot. Ano’ng gusto mong isipin ko, Sir?” wika niya nang makahuma mula sa pagkatulala rito. Inayos niya ang sarili sa pagkakaupo. Tumikhim.

Napailing si Andrius. “Well, I just want to ask for a favor, Anya. I don’t know anyone who would fit the job, but your imagination is just too much.”

“Ano namang trabaho iyon? Double pay dapat. May pinag-iipunan ako,” she answered without restraint. Somehow, she was interested in the job.

Andrius smiled before clearing his throat. “I will tell you later. Please, will you shut up. Your curses are turning me on,” he said with a blatant honesty.

Nagulat siya. “Ay, putang*na! Ang libog mo, Sir!”

“Talaga?” In one swift move, Andrius leaned closer to her. Before she could utter a word again, he claimed her lips with his. Nanlaki ang mga mata niya sa nangyari habang mabilis naman nitong pinakawalan ang mga labi niya. “One word from you, one kiss from me. I mean it, Anya,” usal nito habang titig na titig sa kaniyang mga mata.

“Ah. . . eh. . .”

Bakit parang natakot siya bigla na magmura?

Bakit nawala ang tapang niya?

NANG nasa biyahe, pareho na silang tahimik ni Andrius. Ang stereo lamang na may alternative rock music ang nagsisilbing ingay sa loob ng sasakyan. Wala rin siyang maisip na sabihin, baka magkamali siya at makapagmura. Masyadong okupado ang isip niya sa mga bagay na nangyari mula nang magtrabaho sa Monterio Empire, lalo na sa mga kilos ng kaniyang boss. Isa pa, iniisip niya kung bakit siya nito hinalikan. Wala naman silang relasyon!

Ilang oras na byahe, narating na nila ang bahay na tinutukoy nito. Hindi lang ito basta bahay kundi isang mansion. Nang makapasok ang sasakyan sa loob ng property, mas namangha siya sa lawak ng espasyo niyon. May malaking hardin doon na may fountain sa gitna at iba’t ibang uri ng mga bulaklak na siyang mas lalong nagpaganda sa buong tanawin. 

“Ang ganda!” naibulalas niya habang animo’y nahihipnotismo. May ngiti sa kaniyang mga labi.

“Good thing you liked my house,” ani Andrius, nasa kaniya ang tingin.

“House? Eh, mansion na po ito,” komento niya bago nagpasaring, “Iba talaga ang mayayaman, kung maka-house, wagas!”

Andrius chuckled. Naiiling.

“Suit yourself then.”

Nilingon niya ito at tinanguan. Sure, she would definitely make herself at home and roam around her boss’ mansion. After all, it was her first time in the place.

“Ano pala’ng gagawin ko rito, Sir?” kapagkuwan ay tanong niya nang magsawa ang mga mata sa pagtanaw sa paligid.

Andrius’ forehead crumpled. He spoke, “Will you drop the formality? We’re not in the office anymore.”

“Eh? So—”

He cut her off, “Anyway, you’re going to cook for me. I’m hungry, Anya. Feed me.”

Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay. Grabe kung mang-trip ang boss niya. Akala niya sekretarya lang siya nito. Bakit ngayon pati cook ay trabaho na rin niya?

“Bakit ako? Wala ka bang cook dito?”

“I’m alone, baby. This house is empty and I’m starving,” walang pakialam na sagot nito habang hawak ang tiyan.

Napamaang siya. “Pero—”

“No buts.”

She sighed in regret. Wala rin namang silbi ang pagmamatigas niya rito. Mas matigas si Andrius sa mga bagay na gusto nito.

“Hindi ako marunong magluto,” pag-amin niya sabay yuko ng ulo. Gusto niyang itago ang pamumula ng mukha dahil sa pagkapahiya.

“What?! So, you mean. . .” Ito naman ang nagulat sa sinabi niya.

Tumango siya rito. “Itlog lang ang alam kong lutuin, kaya mag-order ka na lang,” bulong niya na may kasama pang buntonghininga.

Tumawa si Andrius. Pumuno ang halakhak nito sa buong sala. Natuon dito ang atensiyon niya. Naguguluhan siya. Bakit mukhang tuwang-tuwa pa ito?

Padabog siyang nagmartsa paalis. Naiinis. Ngunit, ilang hakbang lang, nahawakan naman nito ang kaniyang braso. Nang harapin niya ito, pormal na ang itsura ng lalaki ngunit halata pa rin ang pagpipigil na ngumisi.

“Hey! I’m sorry,” wika nito. “I’ll cook for us then. So, don’t worry, okay? Though, I do like it when you blush like that.” Kumindat ito sa kaniya.

“Ang totoo, nilalandi mo ba ako, Sir?” Lumayo siya nang bahagya rito.

“So? Is there any problem with that?” sagot nito sabay higit sa kaniya palapit dito.

Matangkad si Andrius habang siya nama’y average height lang. Halos kapantay niya lang ang dibdib ng lalaki. Sa sobrang kaba at pagkabigla, napasandal siya sa katawan nito. Hindi niya alam pero para bang may nagtutulak sa kaniya na tingalain ang lalaki. Nang gawin niya iyon, sumalubong kaagad sa paningin niya ang kulay asul nitong mga mata.

Napalunok siya bago nagsalita, “H-hindi ako m-magpapalandi sa iyo.”

Sana! hiyaw ng kaniyang utak.

Maging sa sarili ay hindi niya alam. Hindi siya sigurado, dahil sa ganitong ginagawa ni Andrius ay may kung ano itong kakaibang damdamin na idinudulot sa kaniyang pagkatao; bagay na kailangan niyang pigilan dahil baka masaktan na naman siya kapag nagkataon. Mabulaklak pa naman ang bibig nito. Hindi malayong mahulog siya sa matatamis nitong salita.

“Hindi ako magpapalandi sa ’yo,” she said again, with more conviction.

“Let’s see, baby. . .” ani Andrius na may ngisi sa labi. 

“Will you stop calling me that! I’m not your baby! Sekretarya niyo po ako. Hindi bata.” Joke iyon pero mukhang hindi nito nasakyan ang kaniyang humor.

Seryoso siyang tinitigan ni Andrius. “Well, you’re not my baby. . . yet.”

Iniwan siya ni Andrius na kinakabahan. Sinundan niya ito ng tingin, patungo ito sa kusina. She saw him take off his shirt.

Damn!

He looked sexier holding a pan and a spatula. Napalunok siya dahil doon.

“Stop staring. You can have me if you want, Miss De Vega,” Andrius murmured.

Napahiya siya. Yumuko. She did not realize that Andrius was already eyeing her. Tutok kasi siya sa magandang hubog ng katawan nito kanina pa.

Iniwas niya ang tingin dito at hindi na ito pinansin. Alam niya kasing iniinis na naman siya nito. Umupo na lamang siya sa silya katabi ng kitchen counter. Pinagmasdan niya na lamang ito habang nagluluto. Napakagaling nito sa ganoong bagay. Habang pinagmamasdan niya ito, hindi niya maiwasang isipin ang posibilidad na mahulog siya rito. Sumasakit na ang ulo niya ngayon pa lang. Hindi niya alam ang gagawin at hindi siya sigurado.

“A penny for your thoughts?” Nagulat siya nang mapagtantong nasa harapan na niya si Andrius. “Here. Let’s have this for dinner,” anito bago inilapag ang pan. Sa itsura ng niluto nito, natakam siya bigla.

“Ano’ng tawag dito?” she asked.

German Spaetzle. It’s our egg noodle dumplings,” sagot nito. “Here. Taste it.”

She ate the food Andrius was feeding her. Pagkatapos, tumayo ito at may kinuha sa kitchen drawer. Nang makabalik, may dala na itong wine glass at wine. Ibinigay nito sa kaniya ang isang baso at nagsalin ng inumin doon.

“This isn’t what I expected, but this is fine for now, Anya.” Tumabi si Andrius sa kaniya.

Nilingon niya ito nang bahagya. Sobrang lapit nila sa isa’t isa, kaya umusog siya nang kaunti para magkaroon ng espasyo sa pagitan nila. Pakiramdam niya, parang nabulunan siya sa sinabi ni Andrius. Kakaiba ang dulot ng mga salita nito, para bang may iba pa itong ibig sabihin. Kakaiba rin ang pakiramdam niya kapag tinititigan siya nito nang mariin.

Lumunok muna siya ng ilang beses bago ito sinagot, “A-ano pala a-ang inaasahan mo?” Pinagalitan niya ang sarili sa pagkakautal. Nawawala ang pagka-amazona niya dahil dito. Nawawala rin siya sa sarili dahil sa presensiya nito. Unti-unti siyang nagiging marupok.

Uminom muna ito ng wine, pagkatapos ay kinuha ang tinidor na gamit niya kanina. Sinubuan siya nito ulit, at ito naman ang gumamit noon. Nanlaki man ang kaniyang mga mata, ngunit hindi na siya nagprotesta.

Magrereklamo pa ba siya? Eh, ilang beses na rin naman nitong ginawa iyon. Indirect kiss na nauuwi pa nga sa direct kiss.

She was watching Andrius while he was eating. Kahit sa bawat paglunok nito ay nakamasid siya rito. Sobrang guwapo nito sa paningin niya, lalo na nang tingnan niya itong nagluluto kanina. Para itong isang ideal na asawa.

“Are you okay, Anya?”

She sighed. Natulala na naman pala siya rito kaya hindi na niya namalayang tapos na itong kumain. She knew it was bad. Kailangan niyang pigilan bago pa lumala.

“Uuwi na po ako,” aniya.

“Did I offend you?” Hindi siya nakasagot. Sadyang suwail ang isip niya na natulala na lamang dito nang titigan siya nito. Magkalapit muli sila; sobrang lapit na halos magdikit na ang kanilang mga labi.

“I want to touch you, baby.” Hindi niya inaasahan ang sinabi nito.

Touch?

Ano ’yon?

She didn’t know what he meant. Yet, she could not explain the kind of magic Andrius had over her that led her to agree with him. Tumango siya bago sakupin ni Andrius ang mga labi niya. This time, the kisses were rough and hungry. Para bang ginagalugad nito ang kaniyang bibig. She responded to the kiss, with the same passion and intensity, although she actually had no idea how to kiss. Nakadadarang naman kasi ang mga halik nito. Palagi na lang ay nawawala siya sa katinuan, lalo na ang mga haplos sa kaniya.

“Holy shit!” mura niya nang maramdaman ang kamay nito sa kaniyang pagkababae. Napakainit ng naging pakiramdam niya na kahit ang aircon ay hindi kayang alisin ang kaniyang nadarama.

“Sweet. . .” Andrius murmured in between their kisses. Mas binilisan nito ang pagdama sa kaniyang perlas.

“Ohh. . . My. . .” hiyaw niya nang tuluyang sumabog ang kaniyang kaibuturan.

Andrius removed his fingers on her folds and looked at it. She was eyeing him, and her eyes immediately widened when he put his fingers on his mouth!

Namula siya. Nahiya.

She gave in just too fast!

Damn! Tanga mo, Anya! pagkastigo niya sa sarili.

“Your juices are very sweet, Anya. It’s addicting,” ani Andrius matapos dilaan ang mga daliri nito. “Next time, it’s my turn, baby.” Kung ano ang ibig nitong sabihin, hindi niya alam.

Kinabahan siya bigla.

“I want to go home, Andrius,” she whispered. Hindi niya kaya ang intensidad nito.

“Okay,” pagsang-ayon nito.

HABANG nasa biyahe, pareho silang tahimik. Mas gusto niya iyon. Mas makapag-iisip siya. Nakakagulat naman kasi ang nangyari sa buong araw niya. Hindi lang halik kundi higit pa ang naranasan niya kasama si Andrius.

Hindi na siya nagpaalam dito nang bumaba. Mabilis ang mga hakbang niya nang pumasok sa gate ng kanilang bahay, patungo sa nakasaradong pinto. Dahan-dahan din ang pagpihit niya sa doorknob. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang hindi makita ang kaniyang Pappi sa loob ng bahay. But not for long. . .

“Anong oras na?! Uwi pa ba ito ng babaeng virgin pa?” sigaw kaagad nito. Ito na rin ang nagbukas ng ilaw sa sala. Kunot na kunot ang noo nito at nakapameywang sa harap niya.

“Sorry po, Pappi. Napasarap lang po ang usapan namin ni Carla,” pagsisinungaling niya.

Napangiwi siya nang ma-realize ang kaniyang sinabi. Ibang sarap yata ang naranasan niya!

“Hala! Magbihis ka na at matulog. Bilis na, akyat!” pagtataboy nito.

Mabilis na tumalima siya at patakbong tinungo ang hagdanan para umakyat sa kaniyang silid. Her heart beat fast. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa karupukan. Mabilis din siyang naligo dahil nanlalagkit ang pakiramdam niya sa pagitan ng mga binti. Pagkatapos, nahiga siya sa kaniyang kama habang tulala. . . nang may maalala. May na-realize siyang isang bagay na nangyari sa kaniya ngayong araw.

“Oh my God! Hindi na ako virgin!” Nagtitili siya sa kaniyang kuwarto nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Nang tingnan niya iyon, isang unknown number ang lumabas. Kinuha niya ang aparato.

“Hello?” aniya.

“Dream of me, baby.” Natigagal siya sa narinig mula sa kabilang linya. Nang makahuma, pinatay niya ang tawag.

Kung kanina ay ayos na siya, ngayon nama’y kumakabog ang dibdib niya sa kaba.

Kailan ba siya patatahimikin ng kaniyang boss?

 




@sheinAlthea

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top