Kabanata 5

Naalimpungatan si Anya galing sa mahimbing na pagkakatulog nang mag-ring ang kaniyang cell phone. Kinapa niya iyon sa kaniyang uluhan upang tingnan kung sino ang pangahas na tumatawag. Nang makita ang pangalan ng kaibigan na si Carla sa screen, nailing na lamang siya. Ano na naman kaya ang gusto nito?

“H-hello?” sagot niya sa kabilang linya. Humihikab pa.

“Bruha!” sigaw ni Carla.

Nilayo niya kaagad ang cell phone sa tapat ng tainga. Kung kanina ay hilong-talilong pa siya, ngayon ay gising na gising na ang diwa niya. 

“Ano?!” Tiningnan niya ang screen ng aparato. Alas-singko pa lang ng umaga. Ibig sabihin, ilang oras lang ang itinulog niya mula nang makauwi galing Tagaytay.

Napahilot siya sa sentido nang sumakit iyon bigla. 

Gusto pa niyang matulog!

“Anya, puwede bang magpasama sa iyo sa mall? Gala naman tayo!” Excited ito, ramdam niya.

“What? Tumawag ka dahil lang doon?” tanong niya. “Naku naman, Carla! Magpasama ka nga sa mga boylet mo. Gusto kong magpahinga.”

Tumawa si Carla sa kabilang linya.

“Look, Anya, minsan lang naman ito. Sulitin muna natin ang G.C.Q, Please. . .” anito, halatang nagpapaawa.

Napabuntonghininga siya. Napasimangot din. Mukhang wala na rin naman siyang pagpipilian kaya sumang-ayon na lamang siya rito. Ang balak niyang pahinga ay mapupurnada pa!

“Tssk, fine! Ano pa nga ba ang magagawa ko,” sagot niya at pinutol ang tawag nito.

Mabilis na bumangon siya at nag-unat bago napagpasyahang maligo. Pakanta-kanta pa siya na parang hindi nasira ang umaga niya kanina. Inabot siya ng ilang oras sa banyo. Habang nag-aayos ng sarili, pagkatapos maligo, pumasok ang Pappi niya sa loob ng kaniyang kuwarto. 

“May naghahanap sa iyo sa baba,” bungad kaagad nito habang tinititigan siya nang mariin. 

“Sino naman, Pappi?”

“Aba! Puntahan mo!” mataray nitong sabi at umalis agad. 

Nagtataka man, mabilis niyang tinapos ang pag-aayos. Hinayaan niyang nakalugay ang hanggang balikat na buhok. Bumagay iyon sa suot niyang floral dress. Isinuot niya rin ang kaniyang makapal na salamin. Tinitigan niya muna ang sarili sa full body size mirror bago lumabas. 

“Pappi, sino ba kas—” Natigil ang lahat ng sasabihin niya nang makita si Andrius. Prente itong nakaupo sa couch ng kanilang sala. Ngising-ngisi ito habang ang mga mata ay nakatitig sa kaniya. Cargo shorts at puti na T-shirt lang ang suot nito—taliwas kapag nasa opisina ang lalaki. Napansin niya rin ang tattoo nito sa buong kanan na braso.  A long image of black dragon combined with some blooming flowers. 

Sexy!

Get a hold of yourself! anang mahadera niyang utak.

Napamura siya at napailing. Kung ano-ano na namang kahalayan ang naiisip niya. 

“Hey…” ani Andrius gamit ang baritono nitong boses.

Sasagot na sana siya nang magsalita si Pappi, “Oh! Ito, Sir, magkape ka muna.” Pagkatapos nitong maibigay ang kape kay Andrius ay siya naman ang binalingan nito. Pinagtaasan siya nito ng kilay sabay kurot sa kaniyang tagiliran. 

“Hoy! Natulala ka na riyan!” anito.

She blinked many times to make sure her eyes weren’t playing tricks on her. Nang makahuma sa pagkabigla, kaagad ang pagsimangot ng kaniyang mukha. She thought her best friend ruined her morning, ngunit may mas sisira pa pala ng araw niya.

“Ano naman po’ng ginagawa ninyo rito?  Walang pasok ngayon!” nakasimangot niyang turan.

“Hoy, Anya, mahiya ka naman!” eksaheradong wika ng kaniyang Pappi. Pinandilatan siya nito sabay kurot muli sa kaniyang tagiliran. Napangiwi siya dahil doon. 

“Is there any problem?” si Andrius.

“Ah, eh, wala po, Sir,” sagot ng kaniyang Pappi.

She wanted to roll her eyes, but she refrained from doing so. Naglakad na lamang siya palapit dito. Naupo sa silya na kaharap nito.

“Ano po’ng ginagawa ninyo rito? Wala pong pasok ngayon, Sir.”

Napangisi siya sa isip nang makitang napangiwi ito. Pumormal din ang itsura nito habang hindi mapirmi ang mga mata. She emphasized the word po para inisin ito. Isa pa, namimihasa na ang lalaki. Pagod na pagod siya kahapon dahil hindi siya nito nilubayan sa utos.

“I just wanted to ask if you could come with me,” anito.

Sumagot siya, “Hindi puwede! May pupuntahan ako.” Ibinaba niya nang bahagya ang suot na salamin para tingnan ito nang pailalim. Tumaas din ang kilay niya.

Kakaiba talaga ang trip nito. He wanted her to decline Attorney Montreal; tapos ito pala ang mag-aaya sa kaniya kahit saan. So weird.

“Just for today, Anya,” pakiusap muli ni Andrius.

“Hindi po puwede,” may pinalidad na sabi niya.

“Alright. See you tomorrow then,” anito at tumayo. Nagpaalam muna ito sa kaniyang Pappi bago umalis.

Napailing siya nang tuluyan itong mawala.

She had to restrict herself from being close to any man. Ayaw na niyang masaktan at umasa. Napagtanto niya kasing boys will always be boys. Pakikiligin siya, and that’s it.  Isa pa, Andrius Monterio was out of her league.

“Anong drama iyon? Ba’t mo tinanggihan? Echosera kang bata ka! Haba ng hair? Feeling maganda?” sabi ng kaniyang Pappi sabay upo sa bakanteng silya. Pinandilatan siya nito sabay pinameywangan.

“May lakad ako, Pappi, kasama si Carla. At saka, kanino ka ba panig, Pappi? Ba’t parang kanina ka pa inis sa akin?” sagot niya.

“Ang mukhang iyon, ni-reject mo, Anya? Ang guwapo. Maganda rin ang katawan. Tiyak, good performance iyon sa kama,” sabi nito sabay on sa T.V. As usual, K-drama na naman ang pinapanood.

“Pappi, ang bastos mo. Virgin pa po ako!” Umirap siya rito.

“Dapat lang! Dahil ang mga babaeng katulad mo, katulad din ni Mr. Monterio ang dapat bumiyak!” Natawa ito. “Pero, joke lang ’yon, anak. Gusto ko pa rin na maging masaya ka,” anito.

Na-touch siya sa sinabi ng kaniyang ama. Niyakap niya ito mula sa likuran.

“Thank you, Pappi,” aniya.

Nang tumunog ang kaniyang cell phone, saka niya lamang naisip si Carla. Nagmadali kaagad siya nang mabasa ang mensahe nito. Kanina pa raw siya hinihintay!

Blame it to Andrius.

Tama. Ang boss niya ang dapat sisihin sa lahat.

Naisip bigla niya ang mga inaakto nito. Naninibago siya. Bukod sa plain business lang naman ang obligasyon niya sa lalaki, hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-anong bagay, lalo na at nagbago bigla ang pakikitungo nito sa kaniya. 

Gusto ba siya nitong maging isa sa koleksyon nito ng mga babae?

No. Hindi siya papayag!

Nang marating ang mall, agad niyang hinanap ang kaibigan sa loob niyon. Iilan lamang ang mga taong naroon kaya mabilis niya itong nakita. Nakaupo ito sa isang coffee shop, halatang naiinis na base sa nakasimangot na mukha. Agad niya itong nilapitan sabay ngiti rito.

“Sorry, late ako.”

“Jusko naman, Anya! Akala ko, puputi na ang buhok ko kahihintay sa ’yo,” reklamo nito kaagad.

Hindi na niya ito pinansin at marahang naupo sa katapat nitong silya. “Sorry.”

“Fine. Ano pa nga ba ang magagawa ko?!”

She smiled widely. Ramdam niyang bibigay na ang kaibigan sa pagpapanggap nitong naiinis. Marupok ito, lalo na pagdating sa kaniya.

“Sorry na nga. Babawi na lang ako sa ’yo, promise. Libre ko na ang kape mo.”

“Talaga?” Carla smiled. Nagdiriwang ang puso niya. Mabait naman kasi ito at mababaw lang din ang kasiyahan.

Kumain muna sila bago nagsimulang maglibot sa mall. Kung saan-saang stall ng damit ang pinupuntahan ni Carla. Wala itong pakialam sa gagastusin. Mayaman naman kasi ang kaibigan. Perfect nga ito para sa kaniya.

“Anya, maganda ba’ng mga ito? Bagay ba ang kulay sa akin? What do you think?” tanong ni Carla. Bitbit nito ang iba’t ibang floral dresses.

“Ayos naman. Isukat mo na, bilis,” nakangiting tugon niya.

“I will. Wait for me here, okay.” Naglakad na ito patungong dressing room.

“Okay. Don’t worry about me. Take your time.” Naupo siya sa isang bakanteng silya.

She was bored and tired when someone entered the premises. However, it wasn’t just someone; she knew exactly who it was.

Napasimangot siya, biglang may nalasahang pait sa kaniyang pagkatao. She felt betrayed and disappointed at the same time.  Gustuhin man niyang bawiin ang mga mata mula sa tanawin, tila ayaw naman makisama ng kaniyang sarili.

Andrius Monterio was holding a woman’s hand. The intertwining of their fingers conveying a silent language of connection. Nakangiti rin itong nakikipag-usap sa babae. In her own point of view, mukhang namamasyal din ang dalawa.

“Tssk! May pa-invite-invite pa siya sa akin. Napaka talaga. . .” bulong niya, ang mga mata’y na’kay Andrius. 

“Honey, can I just check these clothes? I’m going to the dressing room, okay?” narinig niyang sabi ng babae sabay halik kay Andrius sa labi. 

Biglang nag-init ang bumbunan niya sa nakita. Nanlaki rin ang kaniyang mga mata nang hindi lang basta halik ang pinagsaluhan ng dalawa. They were French kissing each other. Matagal iyon, hindi alintana na pinagtitinginan sila. Nang magsawa marahil, saka pa lang naghiwalay.

“Tsk! Ang sakit sa mata!” bulong niya. Tumayo para magtago. Kung para kanino, hindi niya rin alam.

Sumuot siya sa mga naka-hanger na damit.

Gotcha!” Andrius suddenly showed up in front of her, smirking like an idiot.

Gulat na gulat ang pakiramdam niya.

Paano nito nalaman na nandoon siya?

“Hi, Anya, I’m glad to see you here.” In one swift move, he was holding her waist. Lumapit ito sa kaniya na tila ba hahalikan siya.

“W-what are you doing?” she asked. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang ulo dahil sa posisyon nila.

“Nothing! I just want to feel you. Though, I want to kiss your bad mouth,” sagot nito sabay titig sa kaniyang mga labi.

Natauhan siya sa sinabi nito. Nainis. Tinitigan niya si Andrius. Mata sa mata. “You can’t kiss me! You just French kissed your girl!”

Tumaas ang kilay nito sabay ngisi. “So, you saw it, huh? Well, not when I want to.”

“An—” He shut her up with his lips. Damn!

Her boss was kissing her without inhibitions. He kissed her lips like it was the sweetest candy he had ever tasted!

She was shocked. She was caught off guard. Nang matapos si Andrius sa paghalik sa kaniya ay dinilaan pa nito ang sariling labi. Ngising-ngisi ito habang siya naman ay nanlalaki ang mga mata. She was speechless. Nanghina rin ang kaniyang mga tuhod.

“That was sweet,” bulong nito sa kaniyang tainga.

Nang makahuma, isang nakamamatay na tingin ang ibinigay niya rito. “Bastos!” sigaw niya.

Pinakawalan siya ni Andrius. Namumungay ang mga mata nito habang may nakakalokong ngiti sa labi. “I want to kiss you more, Anya. But not here, baby.”

Baby?

Did she hear him right? O, tulad kahapon ay nabibingi na siya?

“What—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin.

Andrius started walking out of the boutique. Hawak-hawak nito ang kamay niya, tila walang balak na bitiwan iyon. Napasunod siya nito dahil doon. Nilingon niya ang boutique at nakitang palinga-linga si Carla sa loob. Glass wall iyon kaya nakikita niya ito mula sa labas. Malamang hinahanap na siya nito. Hindi nga siya nagkamali nang may tumawag sa kaniyang cell phone. Kahit nahihirapan, sinagot niya iyon.

“Nasaan ka ba?! Bruha ka! Kanina pa kita hinahanap!” bungad kaagad ni Carla.

“Nasa la—”

“No phone calls when you’re with me,” si Andrius. Kinuha nito ang kaniyang cell phone. May diin ang bawat salita nito habang titig na titig sa kaniya. Nasa labas na sila ng mall at naghihintay na lamang sa sasakyan nito na kinuha ng valet.

Napakurap siya bigla.

Pinaglalaruan ba siya ng paningin?

Bakit may nababanaag siyang kakaibang emosyon mula sa mga mata nito?   

“Pero, Sir. Hind—”

“I won’t take no this time, Anya.”

She sighed.

Namalayan na lamang niya ang sariling tumatango rito. Siya na nagsabing lalayo sa mga lalaki ay napapasunod ni Andrius nang walang kahirap-hirap. She built a wall against men, but it was useless when it came to him. 

Kinutusan niya ang sarili. She was literally fucked up. Dammit!








@sheinAlthea

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top