Kabanata 4

Madaling araw pa lang ay nakatayo na si Anya sa labas ng gate ng kanilang bahay. Hawak niya sa kaliwang kamay ang coffee heater mug na halos kalahati na lamang ang laman, habang sukbit naman sa kaniyang likod ang travelling bag na dadalhin niya sa byahe. Kung saan siya pupunta, hindi niya alam.

Gising na gising na ang diwa niya dahil kay Andrius. Binulabog lang naman nito ang tulog niya dahil may pupuntahan daw silang important visit sa isang proposed project location ng bago nitong ipatatayong hotel sa labas ng Metro Manila.

Ayaw sana niyang sumama rito, pero dahil nagsabi ito ng salary increase at bonus, hindi na siya nakatanggi; kahit pa, kanina pa siya naiinis dito dahil pinapapak na siya ng lamok at tinatablan na rin ng ginaw dahil sa malamig na hangin. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi makapal na jacket ang sinuot.

“Asan na ba ’yon?” bulong niya. Tiningnan niya rin ang suot na relo. “Damn! Ten minutes na siyang late.” Luminga ulit siya sa paligid. Walang senyales na naroroon na ang sasakyan ni Andrius. Gusto na niyang bumalik na lang sa loob ng bahay ngunit pinigilan niya ang sarili.

Nang makita sa wakas ang headlight ng kotse nito, saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag. Gayunpaman, habang pasakay sa sasakyan, hindi niya itinago ang inis na nadarama. Padabog niyang isinarado ang pinto niyon. Hindi naman siya nabigo dahil naagaw niya ang atensiyon ni Andrius. Nakakunot ang noo nito nang balingan siya.

“What happened? You look mad,” anito.

“Akala ko, tutubuan na ako ng ugat sa kahihintay sa ’yo, Sir. You’re late, you know.” Ngumuso siya.

“Sorry. It’s still hard to travel early this time. Alam mo na, pandemic change everything.”

Hindi siya nagsalita.

“Am I forgiven? My reason is valid.”

Sinulyapan niya si Andrius. Muntik na siyang magbawi ng tingin nang makita itong may nagmamakaawang tingin habang nakanguso. Ibang-iba ang awra nito sa suot na puting V-neck shirt at cargo shorts. Maaliwalas: iba kapag nasa opisina ito at pormal na pormal ang anyo. Bumagay rin sa porma nito ang suot na dog tag necklace. Magulo ang hindi kahabaan nitong buhok, dumagdag sa mapaglaro nitong awra.

Ang guwapong aso, hiyaw ng maharot niyang utak.

“Miss De Vega?” Nagising siya sa tawag na iyon ni Andrius.

“Ah. . . Ano nga iyon, Sir?” Napakagat siya sa labi at nagbawi ng tingin. Napahiya siya sa harapan nito mismo. Huling-huli siyang nakatitig dito.

Andrius chuckled.

Confimed!

“Did I pass the test?” nanunudyong anito.

Nag-init ang kaniyang mukha. Para itago ang pagkapahiya, uminom na lamang siya ng kape. Ang kaso, hindi niya napaghandaan ang init niyon. Napaso’t naubo siya. Muntik pang tumilapon ang coffee mug, mabuti’t nasalo iyon ni Andrius. May pag-aalala ang tingin na dinaluhan siya nito.

“Hey, careful,” anito bago siya inabutan ng tissue. “Take this.”

Hindi niya malaman ang unang gagawin. Ang abutin ba ang tissue na ibinibigay nito o ang iwaksi ang kamay nitong humahaplos sa likod niya. Damn! Bakit naman kasi ang hirap mag-isip kapag tungkol kay Andrius? Nagugulo ang buong sistema niya, pati ang logic.

Tumikhim ito.

Napakurap siya

“I’m sorry. Did I startle you?”

“H-hindi. Wala. N-nasamid lang talaga ako, Sir. O-Oo, nasamid lang.”

“Okay.”

Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na ito nagtanong pa. Pinaandar na rin nito ang sasakyan.

Habang nasa byahe, tahimik silang dalawa. Wala pa rin siyang ideya kung saan sila pupunta. Nagsisimula na ang bukang-liwayway nang mapagtanto niyang ang dinadaanan nila ay ang CALAX. Ibig sabihin, patungo sila sa Tagaytay. Sinulyapan niya si Andrius, saktong sumulyap din ito sa kaniya. Nagtagpo ang mga mata nila.

Pakiramdam niya, natunaw siya sa mga titig ng bughaw nitong mga mata. Agad siyang nagbawi ng tingin. Mariin din niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Her heartbeat doubled. Nagulat siya sa kakaibang reaksyon ng sariling katawan. Nakapaninibago. Isang klase ng pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan.

Tumikhim siya. Umiling.

No, it can’t be!

Guni-guni niya lamang marahil. Epekto lang siguro ng matagal na pananatili niya sa lamig kanina.

“Tell me about yourself, Miss De Vega,” kapagkuwa’y tanong ni Andrius.

Nagulat siya. Nakakunot ang noo na binalingan ito. “Bakit?” tanong niya.

Hindi siya sinagot ni Andrius. Bagkus, nagtanong itong muli, “How was your job so far? Do you find it interesting?”

Mas lalong kumunot ang noo niya. Pinagmasdan niya rin nang matiim ang kaniyang boss. Wala siyang makita sa mukha nito na nagbibiro ito. Kung ganoon, seryoso ba talaga itong malaman kung ano ang opinyon niya sa ilang linggo na pagtatrabaho sa kompanya nito?

“I’m waiting,” untag nito nang hindi siya nagsalita.

Umayos siya ng upo. Nagwika, “Nakakapagod ang trabaho ko, Sir. Katulad na lang ngayon. Wala ka bang ibang mautusan para sumama sa ’yo? Bakit ako?”

“Bakit hindi? You’re my secretary, remember. You should obey me,” sagot nito.

“Kahit madaling araw?” buwelta niya. Hinding-hindi siya magpapatalo rito.

“Yes. Kahit anong oras,” ani Andrius. “By the way, can you share your coffee with me? I forgot to buy one.”

“Aba’t!” Namumuro na talaga ito!

“Please, Anya,” agaw nito sa sasabihin niya nang nakanguso.

Bakit ang sexy naman ng pangalan niya kapag binabanggit nito?

“Alright.” Ang rupok mo, teh!

Napabuntonghininga na lamang siya nang makita ang mukha ng lalaki. Mabigat sa dibdib na ibinigay niya ang coffee mug. Kaunti na lamang iyon pero gusto pa rin sana niyang ubusin. Kaya nga lamang, hindi naman siya masyadong masama para hindi bigyan si Andrius, kahit awkward isipin na magkakaroon na naman ng indirect kiss sa pagitan nila.

HINDI nagtagal ay tumigil din ang minamanehong sasakyan ni Andrius sa isang simpleng lodging house na malayo sa sentro ng Tagaytay. Kaagad na umibis si Anya mula sa sasakyan. Yumakap kaagad sa kaniya ang malamig at preskong hangin sa probinsya, ibang-iba sa atmospera ng Metro. Malayo sa polusyon. Hindi tuloy napigilan ng kaniyang sarili na itaas ang mga kamay at ipikit ang mga mata habang nakangiti para mas madama ang biyaya ng kalikasan.

“You love it here. I’m glad,” komento ni Andrius.

Nagmulat siya ng mga mata. Binalingan ang lalaki. May ngiti sa mukha nito. Ngumiti rin siya pabalik. “Puwede ba akong mamasyal pagkatapos ng meeting ninyo, Sir? I mean, kung papayag lang naman kayo,” aniya, ang mga kamay na nakataas kanina ay pinagsalikop.

Andrius shrugged his shoulders. “Why not.”

Nagliwanag ang mukha niya. “Talaga, Sir?”

“Yes. But you can’t roam around alone. I should come with you,” seryosong wika nito. Nasa isang daliri nito ang car key at pinaglalaruan iyon.

“Seriously, Sir?” Laglag ang panga niya dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin, wala itong balak na pagpahingahin siya sa buong durasyon ng pananatili nila roon.

“Yeah. So, move, Miss De Vega. We must finish everything first before that little escapade of yours,” sabi nito bago siya nilampasan para pumasok sa loob ng lodging house.

Nanggigigil na sumunod siya kay Andrius. Bitbit niya sa isang kamay ang maliit na maleta na dala nito, sa kabila naman ay ang coffee mug na walang laman. Kung titingnan, nagmukha siyang alalay nito, at hindi sekretarya. Iyon marahil ang dahilan ng binata kung bakit siya isinama. Taga-bitbit ng gamit!

“Sir, hindi niyo man lang ako—” Nabitin sa ere ang lahat ng sasabihin niya nang makita si Andrius. Nanlaki rin ang kaniyang mga mata. Mali na pumasok siya sa kuwarto nito nang basta-basta.

“Put my luggage on top of the bed. Make sure to look decent too, Miss De Vega,” balewalang saad ni Andrius habang hinuhubad ang suot na T-shirt sa harapan niya.

Napamulagat si Anya. Ilang beses din siyang napakurap. Ang suot niyang black glasses ay mas lalo pang binigyang linaw ang hubad na tanawin na nakatambad sa kaniyang harapan. Wala sa loob na nabilang niya rin ang pandesal na tila nakaukit na roon.

Putang*na! Check ang six pack abs!

“Miss De Vega?” Nagising ang diwa niya sa tawag na iyon ni Andrius. Kaagad niyang sinunod ang sinabi ng lalaki. Pagkatapos, dali-dali siyang umalis ng silid. Nang maisarado ang pinto, kaagad siyang sumandal doon. Hawak niya ang dibdib, na nang mga sandaling iyon ay tumatahip nang malakas. It was the first time after so many years. Odd.

“Magtigil ka nga, self. Hello! Katawan lang ’yon. Para namang first time—” Natigil siya nang mapagtantong first time nga naman niyang makakita ng hubad na lalaki sa malapitan. “Puta! Ang yummy!”

“Miss De Vega!” Bumukas bigla ang pinto.

“Ay, yummy!” nabiglang bulalas niya, at muntik pang mabuwal.

“What?!” tanong ni Andrius. Nasa mga bisig siya nito.

Anya blinked a few times. Sa sobrang lapit ng binatang CEO, naaamoy niya ang mamahaling pabango nito. It had a strong scent of masculinity, something she would have liked to smell even throughout the day. Hindi iyon masakit sa ilong, bagkus, nakaeengganyo. Addicting.

Ganoon ba palagi ang amoy nito? Bakit ngayon niya lang napansin?

Tumikhim si Andrius. May ngisi sa mga labi nito.

Napahiya siya. Namumula ang mga pisngi na lumayo siya rito.

“Ay, sorry!” aniya.

“Are you hungry, Miss De Vega?” tanong ni Andrius.

“Bakit, Sir?”

“You’re spacing out. Gutom ka na ba? We’ll eat after you change your clothes. Tutuloy na rin tayo sa site. Anyway, you go in. I’m done.” Naglakad ito palabas.

“Ibig sabihin, iisa lang po ang kuwarto natin?” halata sa boses niya ang gulat.

“Yes. It’s for the meantime. Don’t worry, uuwi tayo kaagad pagkatapos ng meeting. Bilisan mo ang kilos, okay.” Andrius left with an amused grin.

Nang mawala ito sa kaniyang paningin, mabilis ang kilos niya na nagbihis ng pormal. Isang mahabang saya at blouse na may mataas na manggas ang isinuot niya. Walang kolorete sa kaniyang mukha, at kontento na rin siya sa pagpusod ng kaniyang buhok para hindi maging sagabal. Tipikal na manang ang kaniyang naging itsura, dahilan kung bakit siya pinagtitinginan ng bawat nakasasalubong.

Walang kaso sa kaniya iyon. Nasanay na rin siya sa mga matang mapangmata. Sa bago niyang porma, isang bagay ang natutuhan niya. She realized that no matter how many eyes looked down on her, their stares could not make her less of a human being. It did not define who she was. Ang importante, alam niya sa sarili kung sino siya bilang tao. She knew her worth.

Matapos kumain, dumeretso sila ni Andrius sa lugar kung saan balak ipatayo ang Monterio Hotel. Napakalawak at napakaganda ng lugar sa itaas na bahagi ng Tagaytay kung saan malapit sa People’s Park kaharap ang Taal Lake at Taal Volcano. It was breathtakingly beautiful. Isang natural na ganda na biyaya ng langit para sa makakakita.

“Sir, dito po ba itatayo ang hotel ninyo?” Hindi maikakailang namamangha ang boses niya sa bawat katagang binibigkas. “Ang ganda naman!”

“Yes,” sagot ni Andrius. Binalingan siya nito. Bakas sa mukha ng lalaki ang kasiyahan. Kung bakit, hindi niya matukoy. “It’s beautiful, isn’t it?” anito, nasa kaniya ang tingin.

She smiled at him. “Sobrang ganda. Siguro, kapag ako ang guest, hindi na ako uuwi. I can live here forever.”

“Really, huh,” si Andrius.

“Oo naman po.”

“Then, you’ll live with me forever,” he murmured.

Natigagal siya sa narinig. Hindi niya alam kung nabibingi na ba siya. Ang sigurado siya, dahil sa sinabi ni Andrius, libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kaibuturan ng kaniyang puso. She was more nervous than shocked. Bakit naman kakaiba ang bawat salita ng kaniyang boss?

 





@sheinAlthea

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top