“Ay! Putang*na!” Napamura si Anya nang mahulog ang ballpen na hawak. Lumikha iyon ng ingay kaya agad niya iyong pinulot. “Ang malas naman, oh,” mahinang reklamo niya.
“What?!” Nakakunot ang noo na bumaling sa kaniya si Andrius, halata sa boses nito ang inis. Magkatapat lang ang mesa nila kaya lahat ng galaw niya ay nakikita nito, maging lahat din ng ginagawa nito ay alam niya.
She had been working in the Monterio Empire for a few weeks now, at sobrang dami na ng ginagawa niya at gagawin pa. Napapamura na lamang siya sa isip kapag nakikita ang tambak na papel sa kaniyang mesa. Mukhang matagal na kasing walang sekretarya ang boss niya kaya ganoon na lamang karami ang kaniyang gagawin. Gusto sana niyang magreklamo, ngunit naalala niyang unang job experience niya kaya siguro nag-a-adjust pa siya. Isa pa, bawal siyang tamarin dahil kailangan niya ng pera. Maluho pa naman siya minsan.
“If you have something to say to me, say it, Miss De Vega.” Andrius was staring at her intently. Itinigil nito ang ginagawang pagpirma para lang kausapin siya. Hindi kasi ito nagpapadisturbo kapag nagtatrabaho. Himala na lang ngayon.
Nilakasan niya ang loob. Tumikhim bago nagtanong, “Sir, bakit po nandito ang mesa ko sa loob ng office ninyo? Puwede bang sa labas na lamang po ilagay ito?”
Tinaasan siya nito ng kilay sabay iling. “You’re under monitoring, so you better stay here inside my office and stay with me.”
Siya naman ang napataas ang kilay. Kung ano-ano ang sinasabi nitong rules. Ang buong akala niya ay tapos na siya sa mga batas, ngunit itong boss niya yata ang leader sa paggawa niyon.
“Do I need to? Wala naman pong tatanggaping sekretarya ninyo maliban sa akin,” sagot niya. Idiniin niya ang huling sinabi dahil totoo naman iyon.
Andrius Monterio was a gorgeous and hot CEO. He was very successful at the age of thirty. Maraming nag-a-apply na maging sekretarya nito, ngunit hindi nakapasa sa HR. Mga aplikanteng ang habol lang ay ang makatrabaho ito. Pleasure with work, ’ika nga.
She could now understand the receptionists’ remarks on her when she applied for the job. She was deemed perfect because the woman knew she was not the kind of woman Mr. Monterio wanted in his bed. Ang mga babaeng tipo nito ay mala-model sa ganda at tindig; while she is an eyesore.
Napangiwi siya sa naisip. Hinding-hindi rin naman siya magpapabola rito kahit ganoon na lang ang kaniyang itsura. Paninindigan na niya ang pagiging Dalagang Filipina.
“You don’t have a say on this, Miss De Vega. I am your boss, and you should follow my rules,” ani Andrius, kunot pa rin ang noo.
Tinitigan niya ito nang mariin. “Excuse me, Sir. Hindi naman po tama ’yon. Okay sana kung sa kabilang gilid ng opisina mo inilagay ang mesa ko, eh, halos magdikit na po ang mga table natin. Puwede niyo naman ako i-monitor kahit saan ako nakapuwesto. Ano po ba ang silbi ng CCTV niyo, ’di ba?” paliwanag niya. Nag-cross finger pa siya para mas effective ang kaniyang convincing power.
Ang totoo, hindi problema sa kaniya kung under monitoring siya tulad ng sinabi nito. Nararapat lang iyon lalo na sa tulad niyang baguhan. Ang tunay niyang pakay ay ang makawala sa presensiya nito. May kakaiba kasi siyang nararamdaman na hindi niya kayang ipaliwanag kapag nasa malapit lang ang guwapong CEO.
“Okay, fine! But don’t let Kraius be near you.”
“Bakit naman?” tanong niya.
“It’s a must. Kapag hindi ka sumunod, ibabalik ko ang mesa mo rito sa loob ng opisina,” pananakot nito bago muling binalingan ang ginagawa.
Napakunot ang noo ni Anya sa huling tinuran ni Andrius. Hindi niya alam kung paano niya iyon gagawin. Attorney Montreal was her boss’ legal adviser. Palagi itong naroon kapag may kailangan sa lalaki. Nagtataka nga siya kung bakit laging nagtatalo ang dalawa, where in fact they had businesses with each other.
“Hey, Anya!” Speaking of the devil, Attorney Kraius Montreal entered the room and walked straight to her. Hindi man lang nito alintana ang presensiya ng kaniyang boss na kunot ang noo habang pinagmamasdan sila.
“Ano’ng kailangan mo, Attorney?” Nakataas ang kilay niya. Naiirita kasi siya sa presensiya nito. Masyadong GGSS o guwapong-guwapo sa sarili. “I have lots of things to do, Mr. Montreal. Wala akong panahon makipagbiruan sa ’yo.”
Nakita niyang napangisi si Andrius na kanina pa nakatingin sa kanila. Dahil kaya iyon sa kaniyang sinabi? May nakakatuwa ba roon?
“Ouch! Ang harsh mo talaga, Anya,” sabi ni Kraius at madramang hinawakan ang bandang dibdib nito. “Why’d you always keep on hurting me?”
“Wala akong ginagawa sa ’yo, Attorney.”
“You keep on pushing me away, Anya. Sinasaktan mo ang damdamin ko.”
“Huh?” Siya naman ang nagulat. Ano ang pinagsasabi nito? Alam naman niyang hindi ito seryoso sa kaniya.
“Anya, I like—”
“Hey! Easy, Montreal,” sansala ni Andrius. “My secretary isn’t like that, so back off!” Nagulat siya sa sinabi ni Andrius. May itinatago rin pala itong kaunting bait.
Napayuko siya at itinuon na lamang ang atensiyon sa ginagawa habang nakikinig pa rin sa paligid. Multitasking.
“Why, bro? Do you like Anya for yourself?” narinig niyang tanong ni Kraius.
“Watch your mouth, Montreal. Where are your manners?” si Andrius, halatang may inis ang boses.
Hindi na siya nakatiis. Tumayo na siya para harapin si Kraius.
“Excuse me! With all due respect, nagtatrabaho ako rito nang maayos. Puwede ba, tumahimik kayong dalawa. Isa pa, hindi ko type ang kahit sino sa inyo!” inis na turan niya.
Bumalik siya sa pag-upo at sinalansan ang mga papel na kanina niya pa ginagawa. Nang mapansing natahimik ang dalawa ay tiningnan niya ang mga ito. Tumaas ang kilay niya. Naiinis.
“Ano naman ang nakakatawa?” she asked.
“Never thought you had that side of yours, Anya. Mas lalo kitang nagustuhan,” nakangising saad ni Kraius sabay kindat.
“Spare me from your antics, Mr. Montreal. Hindi ako natutuwa,” aniya. Napailing siya at binalingan ng tingin si Andrius. Napailing din ito at saka bumalik sa pagkakaupo.
“Don’t talk to Miss De Vega like that, Montreal. She may take you seriously,” wika nito kapagkuwan.
Napasimangot siya. Akala siguro nito ay makukuha siya sa paglalandi. Totoong walang itulak-kabigin sa kagwapuhan ang dalawa. Matatangos na ilong at pangahang mukha. Well-built body at tanned skin. Kraius had brown eyes, while Andrius had blue eyes. May dugong banyaga ang mga ito at mayayaman. But she was not interested at all. She knew better. She had already buried her heart a long time ago. She would never believe in men again because they were the same, just like her first love; someone that she had already forgotten.
“Are you okay, Anya?” Nagulat siya nang lapitan ni Kraius sabay kuha sana sa kaniyang salamin. Mabuti na lang at napigilan niya ito. “Are you crying?”
“I’m fine. Napuwing lang ako,” pagsisinungaling niya.
Inangat niya ang kaniyang eyeglasses at nagpunas ng luha. She also wiped her cheeks and blinked few times to compose herself. Nakita pa niyang titig na titig si Andrius sa kaniya mula sa mesa nito. Ano kaya ang iniisip nito?
“I’m sorry, Anya,” si Kraius, halata sa boses nito ang pag-aalala. “You got it bad, Andrius. Keep your mouth shut if you have nothing good to say.” Nilapitan nito si Andrius at tinitigan nang mariin.
“Why’d you care for Miss De Vega so much, Kraius? Are you serious about her? Do you really like her.”
“Yes, I like her.”
“Tssk!” asik ni Andrius.
Anya did not interfere. Nakikinig lamang siya sa pinag-uusapan ng dalawa. Hindi rin naman nagtagal ay umalis din si Kraius. Kinulit lang siya nito na makipag-date sa kaniya. Maayos naman niya itong tinanggihan. Ang totoo, hindi talaga siya interesado rito.
Nangangalahati na siya sa kaniyang ginagawa nang mapansing parang may nakatitig sa kaniya. Nang mag-angat siya ng tingin, sumalubong kaagad sa kaniya ang kulay asul nitong mga mata.
The blue-eyed devil in the corporate world was looking at her intently. She didn’t know why she felt uncomfortable by his gaze every time he looked at her the same way he used to. It seemed like his eyes were looking at her soul, digging every inch of her system.
Tumikhim siya para mawala ang ilang na nadarama. “Bakit, Sir?” tanong niya rito.
“Nothing. I just want to ask if you want to eat something,” sabi nito sabay tingin sa wristwatch na suot mula sa mamahaling brand.
Maging siya ay napatingin din sa kaniyang relo. Ala-una na pala ng hapon. Ni hindi man lamang niya namalayan ang oras sa sobrang tutok sa trabaho, maging ang gutom ay hindi niya na rin alintana.
“May baon po ako. Hindi naman ako mayaman para mag-order ng pagkain,” sagot niya nang may diin. Tiningnan niya muli si Andrius. Mukhang wala itong balak na lubayan siya ng tingin.
“Can you share it with me?” anito.
Nabigla siya. Tumaas din ang kilay.
“Huh?”
Hindi niya makuha ang trip ng kaniyang boss. Noong nakaraan lang ay nagtatalo pa sila sa pagbuhat nito na parang sako sa kaniya. Pero ngayon. . .
Napailing siya.
“I said, I want to eat your food. Give me some, Miss De Vega,” sabi nito habang nakayuko.
Hindi na nakatiis sa kyuryusidad, nagtanong siya, “Hindi ko makuha ang trip mo, Sir. Noong nakaraan, todo iwas ka sa akin matapos mo akong ihatid. Yung totoo, may mood swing ka ba palagi?”
Malakas ang loob niyang tarayan si Andrius dahil alam niyang hindi siya nito papatulan. Hindi rin siya nito basta-basta tatanggalin sa trabaho dahil si Mrs. Alonzo ang makakalaban nito. Ang istriktang babae kasi ang tanging pinagkatitiwalaan ng CEO sa lahat ng bagay tungkol sa Monterio Hotel maliban kay Kraius.
“If you don’t like to share it with me, then it’s fine.”
Hala, nangonsensiya pa! sigaw ng isip niya.
She sighed. Tumayo rin siya at kinuha ang bag. Binuksan niya iyon at kinuha ang baon. Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa mesa nito habang bitbit ang pagkain na nasa loob ng plastic container. Pasalamat na lamang siya sa kaniyang Pappi dahil marami ang pinadala nitong pagkain sa kaniya ngayong araw.
Habang naglalakad siya palapit kay Andrius ay hindi niya mapigilang titigan din ito. Titig na titig din kasi ito sa kaniya habang napapalunok. Gusto niyang mainis sa reaksiyon nito ngunit hinayaan niya na lamang. Hindi naman siguro ito magkakainteres sa katulad niya. Imposible iyon!
Umupo siya sa katapat na upuan nito at binuksan ang baon.
“Kapag ikaw hindi kumakain nito, lagot ka sa akin,” sabi niya sabay abot ng kutsara rito. Pinandilatan pa niya ito para mas effective ang pagtataray niya.
Napangiti si Andrius. Isang ngiti na ngayon niya lang nakita mula rito kaya nabigla siya. Kumabog ang dibdib niya sa kaba. Imbes na mainis siya ay iba ang naging epekto nito sa kaniya. Nakapanghihina ng tuhod ang ngiti nito. He was gorgeous and sexy as hell. Damn!
Get a hold of yourself, Anya!
Pinagalitan niya ang sarili. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya.
“Kukuha lang ako ng isa pang kutsara.” Tatayo na sana siya para kumuha ng plastic spoon nang pigilan siya ni Andrius. He was holding her hand tightly, enough to make her sit back down.
“Eat,” sabi nito sabay lahad sa kaniya ng kutsara na may lamang kanin at ulam.
Napakurap-kurap siya bago naproseso ang lahat.
Andrius was spoon-feeding her, using the same spoon he had used while eating.
“Are you crazy? That’s like an indirect kiss!” She was in horror, but Andrius seemed unaffected.
“So?” sabi pa nito. Nakataas ang kilay at nakangisi sa kaniya.
She blinked again. This time, she was not nervous about the indirect kiss, but the fact that her heart was thumping like crazy.
She got it bad.
Putang*na nga!
@sheinAlthea
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top