Kabanata 14
Tinalikuran ni Anya si Andrius. She walked out of the elevator. Mabilis ang mga lakad niya. Naiinis.
“Mukha ba akong nag-j-joke?” pagkausap niya sa sarili. Sumimangot.
“Hey!” Mabilis siyang naabutan ni Andrius. Hinawakan kaagad nito ang kaniyang braso. “I’m sorry, I got overboard. Please, don’t be mad,” anito.
“Ikaw naman kasi, eh. Totoo kaya ang sinasabi ko.” Hindi pa rin niya ito nililingon. Naggalit-galitan pa rin siya.
“Please, forgive me.” Andrius hugged her from behind. Nagulat siya sa ginawa nito. “I can understand how you feel. I’m sorry, baby, I’m insensitive at times.” He kissed her nape.
Napapikit siya. Alam na alam talaga nito ang kaniyang kahinaan.
“Sorry rin. I overreacted.”
“No. It’s okay, baby.” Iginiya siya ni Andrius patungo sa kaniyang mesa. Nakayakap pa rin ito sa kaniya. Hindi naman siya nababahala dahil sila lang ang umuukupa sa buong palapag.
“Thank you,” aniya nang makaupo siya sa sariling swivel chair. Nasa harapan niya si Andrius, titig na titig sa kaniya.
“Don’t stress yourself too much, okay? You know you’re not just my secretary, baby. We’re a thing. You’re special to me. I don’t mind you taking a break,” anito bago siya kinintalan ng halik sa labi. “Bye for now, I need to work.”
Iniwan siya ni Andrius. Siya nama’y naging abala na rin sa mga gawain. Marami siyang minutes na gagawin. Maraming schedule na aayusin. Ayaw rin naman kasi niya na dahil girlfriend siya ng CEO, wala na siyang gagawin. Sumasahod siya nang maayos, kaya gagawin din niya ang trabaho nang maayos.
Sinilip niya si Andrius sa opisina nito kapagkuwan. Seryoso ito sa pagbabasa, ngunit kita pa rin ang pagkunot ng noo ng lalaki. Alam na kaagad niya ang dahilan niyon, ang estado ng hotel nito sa Germany. Ginigipit kasi ito ng kalaban na hotel doon. Noong nakaraang buwan lang, malaki rin ang ibinagsak ng sales ng Hotel de Germania, ang sentro ng Monterio Empire.
Natigil ang ginagawa niya nang tumunog ang kaniyang cell phone. Tiningnan niya iyon, si Carla ang tumatawag. Napakunot ang noo niya. Ano naman kaya ang kailangan ng kaibigan?
“Hello?” tanong niya sa kabilang linya.
Walang sumagot. Ibababa na sana niya ang aparato nang makarinig siya ng mga hikbi. Kinabahan siya bigla. Nag-alala sa kaibigan.
“Ayos ka lang ba, Carla? Ano’ng nangyayari sa ’yo?”
Mas lumakas ang naririnig niyang hikbi.
“Pupuntahan kita, okay? Stay where you are right now. Please, stop crying.” Nasasaktan siya para sa kaibigan. Hindi naman kasi ito malungkutin. Matapang din ito.
Ano kaya ang dahilan ng pag-iyak nito?
NAGMAMADALI siyang nag-aayos ng mga gamit nang lumabas si Andrius sa opisina nito. May pagtataka na tumingin ito sa kaniya.
“What are you doing? Why in such a hurry, baby?” he asked.
Tumingala siya upang matingnan itong mabuti. Nakanguso ito ngunit halatang pinipigilan lamang ang nakatagong ngisi.
“Can I under time? May emergency lang kasi. Puwede bang bukas ko na lang ito tapusing lahat?” Nag-aalala siya. Tambak na kasi ang mga papeles sa kaniyang mesa, mga naiwan na trabaho noong wala pa itong sekretarya. Pero, mas nag-aalala siya sa sitwasyon ni Carla.
Tumango ito sa kaniya. “Sure. Don’t worry, baby.” Akala niya ay aalis na ito ngunit nanatili itong nakatayo sa harap ng kaniyang mesa. Naiilang man, sinalansan niya pa rin ang dapat ayusin. Nang matapos ay nakahinga siya nang maluwag.
“Your cleavage is showing, baby,” wika nito.
“Huh?” Namula siya bigla. Sinilip ang tinutukoy nito. Totoo nga! Tinakpan niya kaagad iyon.
Andrius chuckled sexily. “They are all mine, baby. Next time, wear your old clothes. They were better,” sabi nito sabay kindat pa sa kaniya. “I hate seeing some bastards ogling you. Or, should I fire them all?”
Ang tinutukoy ba nito ay ang mga kalalakihan na employee rin ng kompanya?
Ibig sabihin, nakita siya nito kanina sa lobby!
Mas lalo siyang namula.
Gosh! Kinikilig siya.
“Ikaw talaga. Napakabolero mo.” Tumayo na siya at binitbit ang shoulder bag.
“I’m not joking, baby. Anyway, can I have my goodbye kiss? I’m tired, baby. I need an energizer.” Lumapit ito sa kaniya. “Take care, okay?” anito bago sakupin ang kaniyang mga labi.
Andrius kissed her gently. She kissed him back. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siya nitong nahalikan pero ang halik nito ngayon sa kaniya ay may pag-iingat. Nananantiya. Mas gusto niya iyon. Mas panatag siya. Mas dama niya ang sinsero nitong damdamin.
MATAPOS magpaalam kay Andrius, umalis din kaagad siya sa opisina. Sa condotel ng Monterio Empire siya sa Makati tutungo, hindi kalayuan kung saan ang main building, kung saan siya nagtatrabaho. Mabilis siyang nakarating doon, at kaagad na nag-doorbell. Nang walang nagbubukas, kinabahan na siya. Mabait si Carla, pero may suicidal tendency ito. Paano kung. . .
Napailing kaagad siya.
No!
Hindi naman siguro gagawin ng kaibigan niya iyon.
Inulit niya muli ang mag-doorbell. Nakahinga siya nang maluwag nang bumukas ang pinto. Ngunit, napangiwi rin dahil sa nakitang itsura ng kaibigan.
“Ano’ng nangyari sa iyo? You’re wrecked, Carla!” Pumasok siya sa loob ng unit nito. Siya na ang kusang nag-imbita sa sarili dahil baka saraduhan pa siya nito.
Nginitian siya ni Carla. Pasuray-suray itong naglakad patungo sa living area ng unit. Naupo ito sa carpeted floor at pinulot ang beer in can, pagkatapos ay tinungga iyon. Nang makontento ay saka pa lamang siya nito hinarap.
“Lahat ng mga lalaki, mga gago! Ibinigay mo na lahat, kulang pa rin!” Napahikbi ito. “I thought he liked me. Ako lang ang laging kasama niya. We spent two years together. Tapos. . .” Tinungga muli nito ang beer na hawak.
Pinagmasdan niya lang ang kaibigan sa lahat ng ginagawa nito. Parang kinurot ang puso niya sa nakita. Carla was a mess. Nakakaawa itong tingnan. Sabog ang buhok at tila hindi pa nakapaghihilamos dahil may mga kaunting makeup pa ito sa mukha. Nakayukyok ang ulo, halatang lasing na.
“Mahal ko siya, eh. Bakit hindi niya ako kayang mahalin pabalik?” Tumangis ito, mas malakas.
Nilapitan niya ang kaibigan. Inalo, “Ano ka ba! Lalaki lang iyan. I’m sure, makakahanap ka pa ng iba. Maganda ka, Carla. So, cheer up!” Pinasigla niya ang tinig para sana mawala ang lungkot nito.
Hilam sa luha ang mga mata nito nang tingnan siya. “Ganoon ba ako ka-walang kuwenta, dahil kahit sa loob ng mahabang panahon na iyon hindi niya man lang ako minahal?” She could see that she was in pain. Mukhang na-attach nga ang kaibigan sa nakarelasyon.
Napakagago naman ng lalaking iyon! sigaw ng isip niya.
“Ano na ang gagawin ko, Anya?”
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dito. Hindi niya naman kasi kilala ang lalaking tinutukoy nito. Masyado itong malihim pagdating sa mga naging karelasyon na nito.
“Maybe he’s not for you, Carla. Makakahanap ka rin ng iba. May tamang tao para sa ’yo, maniwala ka. Saka, you’re young and beautiful. Enjoy mo muna ang buhay.”
Hinarap siya nito at inabutan ng beer. “Let’s get wasted tonight, Anya. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. You’re like a sister to me. Please, samahan mo naman ako ngayon,” sabi nito.
Tumango siya kahit napipilitan.
Ayaw sana niyang konsentihin ang paglalasing ng kaibigan, pero kung iyon ang paraan para maibsan ang dinadala nitong problema, hahayaan na lamang niya.
“Naaalala mo pa ba si Bryan, Anya? Do you still love him?”
Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Carla. Ilang sandali siyang hindi nakaimik. Hindi kasi niya alam kung paano sasabihin dito na nakalimutan na niya ang ginawa ng ex boyfriend niya. Hindi na rin niya gustong alalahanin. It was part of her past now. May present and future na siya.
“I’m sorry about Bryan, Anya. Hindi ko naman alam na mahal niya ako. Hindi ko siya gusto. I respect our friendship more than any man. Pero gago siya! Ang gago ng mga lalaki!” si Carla, humihikbi muli.
Umiling siya. Hinawakan ito sa kamay. “No. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala ka namang kasalanan doon. Gago lang talaga ang nagustuhan ko kaya ganoon,” aniya. Totoo naman.
Si Bryan ang unang naging boyfriend niya. Graduating siya noon. Akala niya, totoong mahal siya nito. Sweet naman kasi ito sa kaniya. Ang hindi niya alam, may gusto ito kay Carla. Siya ang niligawan dahil magkaibigan daw sila.
Napakagago!
Nasaktan siya sa kaalaman na iyon. Pinangako niya sa sarili na hinding-hindi siya iibig sa mga lalaki. Iyon ang dahilan kung bakit nagbago siya ng style sa mananamit, ang maging manang, nang sa ganoon, walang magkagusto sa kaniya o kahit magtangka na mapalapit sa kaniya. But Andrius came. Tinunaw nito ang pader na itinayo niya. Pinainit nitong muli ang kaniyang puso. He was so persistent in making his way to her heart. Iba ito. Mabait na medyo malandi. She liked being with him. Kumportable siya.
Sa naisip, bigla niyang na-miss ang lalaki. Hindi niya na rin namalayang naubos na pala ang beer na iniinom niya. Kumuha siya ulit ng isa at ininom iyon. She will get wasted tonight, katulad nga ng sinabi ni Carla kanina.
“I will do everything to know that bitch, Anya. I will never let her have him. He is mine! Akin lang siya!” Nilingon niya si Carla. Hindi niya na muna ito kokontrahin. Baka dala lang ng kalasingan kaya nito nasasabi ang mga bagay-bagay. “Can you help me, Anya?” dagdag nito.
Nagulat man, tumango siya bilang pagsang-ayon.
Tumayo si Carla. Inalalayan niya ito at pinahiga sa couch na naroon. Tinapik-tapik niya ang balikat nito nang makitang pumipikit na ang mga mata nito.
“Tomorrow. . . everything will be alright, Carla. The pain will fade and a new love will grow. Believe and everything is possible.”
Yes, katulad niya. Dumating sa buhay niya si Andrius. Binigyan muli siya ng pangalawang pagkakataon para sa pag-ibig.
“Shala. . .mat, Anya,” Carla said.
Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyan itong nakatulog. Tumayo rin siya at nag-unat ng katawan. Bigla niyang na-miss si Andrius kaya naisipan niyang tawagan ito. Kinuha niya sa shoulder bag ang cell phone.
“Hey, baby. Why did you call? Is there any problem?” bungad kaagad nito sa kabilang linya.
Napangiti siya. Palagi na lang itong nag-aalala sa kaniya. It was one of the reasons why she liked him. He was caring: sa kaniya, sa kapatid nito, sa mga pamangkin, at maging sa brother-in-law nitong si Zeus. Inaaway at pinapagalitan man nito si Kraius, alam niyang importante rin ang abogado para dito. Spoiled din ang mga empleyado ng Monterio Empire, palaging may bonus.
Mabait si Andrius.
Alam niyang hindi nito sasaktan ang puso niya.
@sheinAlthea
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top