Kabanata 1
Dahan-dahan ang paglalakad ni Anya patungo sa kanilang pinto. Tumingkayad pa siya para hindi maging maingay ang kaniyang mga hakbang. Kinukubli niya rin ang sarili sa mga muwebles na madaraanan para hindi agad siya makita.
“Saan ka pupunta?”
Nagulat siya kasabay ng isang buntonghininga. Nilingon niya rin ang kaniyang ama at nakitang titig na titig ito sa kaniya. Ngumuso kaagad siya para sana magpaawa rito ngunit ito na yata ang tatay na mahirap paamuhin.
“Lalabas po, Pappi,” sabi niya sabay ngiti nang alanganin.
“Ang bahay na ito, may batas. Kapag bawal lumabas, bawal lumabas!” litanya nito.
Naiinis, napasimangot siya. Sawang-sawa na kasi siya sa dialogue na iyon ni Kim Chiu. Nag-viral kasi ito kamakailan sa social media at halos lahat ng tao sa Pilipinas ay memoryado iyon.
“Akala ko ba sa classroom lang may batas?” pabalang na sagot niya.
Pinagtaasan siya ng kilay ng ama at pinameywangan, halatang inis na ito ngunit alam niyang nagpipigil lamang itong kurutin siya sa singit.
Bakla ang tatay niya. Hindi normal para sa iba. Wala naman siyang pakialam doon dahil pinalaki siya nitong mag-isa na hindi alintana ang hirap ng buhay. Iniwan na kasi sila ng nanay niya nang matapos siyang iluwal.
Twenty-three na siya at nakapagtapos na rin sa pag-aaral sa kursong Education. Pasado na rin siya sa LET. Ngunit sabi ng kaniyang Pappi, huwag na raw siyang maghanap ng trabaho, kaya naman daw siya nitong buhayin. Nakakainis nga para sa kaniya. Ginawa pa kasi siyang batugan nito. Ngayon sana ang alis niya para maghanap ng trabaho ngunit ayaw naman siyang palabasin nito.
“Pappi, ngayon lang,” pakiusap niya.
“Dyeske ka talagang bata ka!” Napakamot ito sa ulo. “Hala! Pumasok ka sa kuwarto at mag-comply ka sa batas ko para payagan kitang lumabas!” sabi nito sabay palo sa kaniyang puwetan.
Napasimangot si Anya dahil doon. Nakakainis kasi ito minsan dahil masyado itong istrikto. Para siyang bata na bantay sarado. Madalas siya nitong pagbawalang umalis nang mag-isa. Ngayon, ayaw naman nito sa suot niya kaya hindi siya pinapayagan lumabas. Mukha raw kasi siyang ipinanganak pa noong nineties. Mahabang palda at blouse na may mahabang manggas kasi ang suot niya.
Naiintindihan naman niya ito. Stylist ang trabaho ng Pappi niya, minsan kinukuha rin ito ng mga celebrity. Hindi niya ito masisi kung ganoon na lang ang pandidiri nito sa mga gusto niyang damit ngayon. Hindi pa rin talaga ito nasanay. However, she could not do anything about it though, because it was her new fashion. She loved the way she wore them. She looked classy and timid.
“Oh, ano? Mag-c-comply ka o hindi?” tanong ulit nito.
She sighed. Tinungo niya ang kaniyang silid na mabigat ang kalooban. Pagkakataon niya na sanang magkaroon ng trabaho. Hiring ang Monterio Empire kaya roon ang tungo niya. Sayang naman kung hindi siya makapupunta!
Mag-comply ka sa batas! ulit ng kaniyang isip sa sinabi ng ama.
Mag-comply means baguhin ang pananamit niya. Mukhang hindi na nga yata siya makalalabas dahil sa nangyari. Kinuha na lamang niya ang cell phone sa tuktok ng tokador at tinawagan ang kaibigang si Carla. Nakailang ring pa ang aparato bago sinagot ang tawag niya sa kabilang linya.
“Hey, Carla.” Napakunot ang noo niya nang hindi ito nagsalita. Panay kaluskos lang ang naririnig niya mula sa kabilang linya.
“Ohhh! I’m cumming!”
“Fuck! Faster. . . Andrius. . . Ahh!”
Napakurap siya. Gulat sa kaniyang narinig. Mabilis pa sa alas-kuwatro na pinatay niya ang tawag. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang humiga siya sa kama. Sobrang lakas din ng tibok ng puso niya sa nangyari. Mukhang may ginagawang milagro ang kaniyang kaibigan ngunit naisipan pa talaga nitong sagutin ang tawag niya.
Naeskandalo siya bigla!
“Argh! Nakakainis!” sigaw niya. Sinabunutan pa niya ang sarili dahil hindi na matanggal sa isip ang narinig. Inaamin niyang wala siyang karanasan sa mga bagay na iyon kaya gulantang ang kaniyang pagkatao.
My virgin mind!
Nasa ganoon siyang posisyon nang pumasok ang kaniyang Pappi sa loob ng silid. Nagtaka kaagad ang itsura nito nang tingnan siya. Kunot na kunot ang noo nito habang nililibot ng tingin ang buong kuwarto. Nang mapadako ang mga mata nito sa kaniyang aparador ay nilapitan nito iyon at binuksan.
“Ano na naman ang gagawin mo, Pappi?” pag-agaw sa atensiyon na tanong niya rito. Napakaseryoso kasi ng itsura nito at mukhang may binabalak. Tumayo rin siya at nilapitan ito.
“Bibihisan ka! Mukha kang manang, Anya. Napakaganda mong bata. Ano’ng nangyari sa ’yo? Hindi ka naman dating ganiyan!” maarte nitong tugon. Hindi man lang siya nito nilingon, bagkus ay may kung ano itong inaabot sa loob ng aparador.
Isang yellow-gold na high waist skirt na hanggang tuhod ang haba at isang dark blue three-fourth style voluminous blouse ang ibinigay nito sa kaniya. Tiningnan niya ang mga damit at napagpasyahang isuot iyon. Nang matapos siyang magbihis ay napangiti siya sa repleksyon sa salamin. Naaayon pa rin sa style na gusto niya ang ibinigay ng ama. Hapit nga lang ang skirt sa kaniyang ibabang bahagi ng katawan ngunit ayos na rin naman. Hinayaan niyang nakalugay ang kaniyang hanggang balikat na buhok, pagkatapos ay isinuot niya ang thick black rimmed eyeglasses. Isinuot niya rin ang kaniyang white heels na isang beses pa lang niya nasuot.
Perfect! sigaw ng utak niya nang makita ang sarili sa salamin.
Maganda naman talaga siya. Likas na matangos ang kaniyang ilong habang may hugis-puso naman ang kaniyang labi. Almond-shaped ang kaniyang kulay itim na mga mata na bumagay sa maliit niyang mukha. Pantay rin ang kaniyang mga ngipin na mas lalong nagpatingkad sa kaniyang itsurang pisikal.
“Pappi, labas na po ako!” bungad niya sa ama nang makalabas. As usual, nanonood na naman ito ng Crash Landing on You, isang K-Drama, sa kanilang sala.
Kung mayroon mang hobby ang kaniyang Pappi, ito ay ang manood ng mga Korean drama. Fan na fan ito ni Lee Dong Wok, at minsan pa ay biniro siya nitong pupunta ng Korea para lang makita ang idolo.
Nilingon siya ni Pappi sabay ngiti. Pinasadahan pa nito ng tingin ang kaniyang kabuuan. Alam niyang nagustuhan nito ang nakita. “Perfect! Ka-level mo na si Se-ri. Sana magkaroon ka na ng Captain Ri!” anito.
“Sino naman iyon, Pappi?” nakakunot ang noo na tanong niya rito. Hindi na naman niya ito maintindihan.
“Wala! Umalis ka na. Panira ka talaga ng moment! Minsan mag-marathon ka rin sa K-drama, Anya!” Inirapan siya nito. “Ang face mask, huwag mong kalimutan!” dagdag pa nito habang ang atensiyon ay nasa pinapanood.
Napakamot si Anya sa ulo. Isa kasi sa hindi niya hilig ang manood ng drama. Naiinis kasi siya kapag umiiyak na ang bida dahil napapaiyak din siya. Kaya ang una at huli niyang K-drama ay ang Goblin ni Gong Yoo. Pero, forever crush niya si Lee Min Ho. . .
KINAKABAHAN siya habang binabaybay ang daan patungo sa Monterio Empire. First time niyang mag-apply ng trabaho kaya wala siyang ideya sa anumang mangyayari. Nasanay siya na ang kaniyang Pappi ang nagtatrabaho para sa kanila. Ngayon lamang siya lalabas sa kaniyang comfort zone.
“Miss, nandito na po tayo,” anang driver.
Natigil ang anumang iniisip niya. Binalingan niya rin ang driver ng Grab taxi. Kanina pa pala ito nakahinto pero hindi man lamang niya napansin. Nagbayad muna siya bago bumaba. Nang nasa tapat na siya ng building ay tumingala siya para tingnan iyon. Napakataas ng Monterio Empire Chain of Hotels. Ito ang main office ng imperyo. Dito siya mag-a-apply ng trabaho.
This is it! pagkausap niya sa sarili.
Kailangan niya ng fighting spirit para sa kaniyang inaasam na chance. With finger crossed, she walked straight to the entrance.
Pinagtitinginan siya.
Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon.
Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? pilya na aniya sa sarili.
Ipinagpatuloy niya na lamang ang paglalakad hanggang marating niya ang kinaroroonan ng receptionist. Tinanggal niya ang face mask nang makaharap ito.
She smiled instantly.
“Excuse me. Saan po ang interview para sa mag-a-apply na sekretarya?” magalang na tanong niya. Pinasadahan niya rin ito ng tingin. Suot nito ang colored uniform ng imperyo, dark red long sleeve na may puti na blazer sa loob, kapares niyon ang isang dark red din na skirt. May scarf na dark blue rin sa may leeg.
Maganda. Namamangha siya sa uniform ng imperyo!
“You’re applying?”
Tumango siya nang may ngiti sa labi bilang sagot dito.
Ni-head to foot muna siya ng receptionist bago tumango rin na tila ba nag-iisip. Sa tantiya niya, nasa mid-forties na ang edad nito. May salamin ito sa mata at may istriktong awra. Kung hindi lang siya desidido na magtrabaho ay mangingimi siyang lapitan ito.
“You’re hired,” anito. Wala man lamang reaksiyon.
“Ano po?” hindi makapaniwalang tanong niya. Totoong nagulat siya sa sinabi nito. Masyado kasing madali ang lahat. Sino’ng tatanggap ng empleyado nang ganoon na lang? Ni hindi man lamang nito hinanap ang credentials niya.
Sa naisip, nagkusa na siyang ipakita iyon. Inilahad niya ang kaniyang mga credentials ngunit tinitigan lang nito. Pagkatapos, siya naman ang binalingan. “No need. You’re perfect for the job. You can start now.”
Gulat na napanganga na lamang siya.
Ano’ng sinasabi ng babaeng ito?
Hindi naman siguro ito prank lang?
Tiningnan niya ang paligid ng building. Maayos naman ang lahat kaya imposibleng niloloko lang siya.
“Sure po ba kayo?” tanong niya ulit. Nag-aalangan pa.
Tumango ang receptionist bago siya inabutan ng isang card. “That’s Mr. Monterio’s office. He’s expecting you now.”
Gulat pa rin siya sa sinabi nito. She was hired as Mr. Monterio’s secretary in an instant. Wala man lang effort. Napakaimposible!
Tumikhim ang receptionist. Naiinip at nangangalay na marahil. Hindi niya kasi inabot ang card na ibinigay nito.
“Ay, sorry! Salamat po.” Kinuha niya ang card at tiningnan iyon. Nasa twentieth floor ng building ang office ni Mr. Monterio.
Dumeretso kaagad siya sa elevator. Pinindot niya ang floor twenty at isinandal nang bahagya ang kaniyang ulo sa metal na dingding. Stressful ang araw niya pero mas naka-s-stress pa pala ang biglaang pagkatanggap niya sa trabaho. Sana lang ay mabait ang kaniyang magiging boss. But from what she heard from random people; Mr. Monterio was a ruthless businessman. Halimaw raw ito.
Busy siya sa pag-iisip nang may pumasok na lalaki sa elevator galing sa fifteenth floor. Tinitigan siya nito saglit bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Tinaasan niya ito ng kilay dahil halatang pinagmamasdan siya nito.
“What?!” inis na tanong niya sa lalaki.
Hindi siya nito pinansin, bagkus ngumisi lang nang nakakaloko sa kaniya. Dobleng irap tuloy ang natanggap nito mula sa kaniya. Nang tumuntong sa twentieth floor ay sabay pa silang lumabas. Sakto namang may tumawag sa kaniyang cell phone habang naglalakad. Kinuha niya kaagad ang aparato sa bag at sinagot iyon.
“Bruha! Nasaan ka?” si Carla.
“Nagtatrabaho,” sagot niya.
“For real?” Natawa ito sa kabilang linya.
“Oo, for real, kaya mamaya mo na ako isturbuhin, okay. May importante akong ginagawa.”
“Sige, mukhang busy ka nga. Dalawin kita minsan sa bahay ninyo, ah. Bye!” sabi nito, natatawa pa rin.
Napabuntonghininga siya nang matapos ang tawag. Tuloy-tuloy ang kaniyang paglalakad kaya hindi na niya napansin ang bulto ng tao sa kaniyang harapan. Nabangga niya ito at nawalan siya ng balanse. She expected to fall in the ground but it didn’t happen. Naramdaman na lamang niya ang katawan na hawak ng iba. When she opened her eyes, a brown-eyed man held her waist to stop her from falling.
“Are you okay?” may pag-aalala na tanong nito.
“Y-yes, thank you,” sagot niya sabay iwas ng tingin dito. She desperately stopped herself from blushing. She just didn’t know if it had been effective. She felt ashamed. First day of work, and she had already looked dumb in front of a stranger.
“Good! By the way, I’m—”
Natigil ang pagsasalita nito nang may isang lalaking lumapit sa kanila. He was the same man she had been with inside the elevator a while ago. Ang nakakalokong awra nito kanina ay nawala. He looked lethal and serious. Mukhang nakakatakot at pangingilagan. Ang bawat hakbang nito palapit ay nagdudulot sa kaniyang puso ng pangamba.
“What are you still doing here, Montreal?” Hearing the man’s loud voice roaring all over the corridor, she abruptly shook her head lightly. Lihim din siyang napaismid.
“Relax, Andrius. I was just being polite here.” Tinuro siya ng lalaking nakabanggaan.
Agad siyang binalingan ng lalaking nagngangalang Andrius. Katulad kanina, ni-head to foot na naman siya nito. Napansin niya ang bughaw nitong mga mata, pati na rin kung gaano ito kaguwapo sa suot na black suit. Clean cut ang buhok nito na mas nakaagaw pansin sa sinumang makakakita.
“Who are you?” kunot ang noo na tanong nito.
“I’m Anya, newly hired secretary,” sagot niya.
“What?! You’re my new secretary?” Tumaas ang kilay nito.
So, ito si Mr. Monterio?
Naiinis siya sa inaakto ng lalaki. Tinaasan niya rin ito ng kilay. Bahala na kung masisante siya.
Kung masungit ito, mas masungit siya.
“Oo, bakit? Ayaw mo po?”
Tumawa ang lalaking kasama nila. “Looks like I will visit you more often, asshole!” sabi nito bago siya binalingan. “Attorney Kraius Montreal, at your service.” Naglahad ito ng kamay sa kaniya.
Tinanggap niya iyon bilang paggalang.
“Nice to meet you—”
“So, you’re my new secretary, huh.”
“Oo.” Tiningnan niya ito. He was looking at her too.
“Well then, stop that getting to know each other thing. Come with me and start your work,” anito bago umalis.
Napailing na lamang siya nang sundan ng tingin ang kaniyang magiging boss.
Ugali pa lang nito, stress na siya. Paano na lang sa mga susunod na araw?
@sheinAlthea
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top