CHAPTER 9: PREPARATIONS

CHAPTER 9: PREPARATIONS

"What do you think of this design?" Narinig kong sabi ni Tita Caprice sa akin.

 "It's cute but I find it so revealing." Sagot ko sa kanya.

Andito ako ngayon sa bahay namin kasama si Mama, Tita Caprice, Elijah at ang Designer na gagawa ng damit namin ni Elijah sa wedding. Kanina pa tapos mamili si Elijah at ako na lang ang hindi pa. As per Tita Caprice, lahat nang kasama sa wedding ceremony ay meron ng maisusuot. It's already done. Even the other things to be fixed during the wedding are already settled. Di ko nga alam kung paano nila nagawa iyon ng mabilisan eh. Bale yung isusuot na lang talaga namin ni Elijah ang kulang at tapos na lahat ng preparations.

I flipped the pages of the canvass book and I saw a design that really caught my attention. The gown is absolutely beautiful. Feeling ko kapag sinuot ko yun magmumukha akong prinsesa. Naeexcite tuloy ako.

Teka nga…Ano ba itong naiisip ko. Hindi naman ako dapat maexcite sa wedding kasi in the first place it is just a Marriage for Convenience.

"I like that. I think it will perfectly fit you." Nagulat ako ng biglang nagsalita si Elijah habang nakatingin sa akin at nakangiti. It's the first time that he talked to me since last night after he walked out. Ni hindi nga man lang siya nag-hi sa akin kanina nang dumating sila ni Tita Caprice. Kaya medyo badtrip talaga ako sa kanya.

Pero dahil sa sinabi niyang iyon pakiramdam ko tumalon yung puso at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kasiyahan. At dahil din doon, mabilis ding nawala yung inis na nararamdaman ko sa kanya.

Minsan talaga kapag merong ginawa sa'yong hindi maganda yung isang tao, mabilis tayong mainis at magalit. Pero kapag mahal mo yung taong gumawa nun, isang ngiti niya lang mabilis mo siyang mapapatawad.

...katulad ko.

Feeling ko nagbablush ako habang nakatingin sa kanya. Ewan ko ba lately, pakiramdam ko iba makatingin ito si Elijah. There is something in the way he looks at me na hindi ko maipaliwanag.

"Tama siya hija! Maganda yung cut ng gown na ito! I can't wait to see you wearing that beautiful gown." My mama said with a big smile on his face matapos kong ibaling ang tingin ko sa kanya.

"Do you think so? Well, I kinda like it too." I answered as I looked back again at the design.

"I'll have this." sabi ko sa designer while smiling at her.

"Okay ma'am. Gagawin ko na po ito agad agad so you can have it as early as possible." she answered.

"Well, Thanks." Sagot ko sa kanya.

"Very much welcome ma'am. I'm sorry but I need to leave na po para maumpisahan na po yung gown niyo and tux ni Sir Elijah." Paalam niya sa amin.

"Sure." Sagot ko sa kanya.

"Ihatid ka na namin sa gate." Sabi ni Mama.

Sumama sa paghatid si Tita Caprice dun sa designer kaya dalawa lang kami ni Elijah ang naiwan dito sa sala.

I sighed.

Wala na talagang atrasan ito. Isang Linggo na lang at tuluyan na akong magiging Heather Lopez Montefalcon…

...sa loob nga lang ng anim na buwan.

I am thinking of what will happen during the wedding when I get distracted when Elijah's phone rings.

"Vera..." He mumbled.

Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Bakit naman kaya tumawag si Vera sa kanya?

"Ngayon na?...Okay...Wait for me. I'll be there in a while...Okay... Bye." Sabi ni Elijah at inend niya na ang call.

"I need to go. Meron lang akong kailangan puntahan." paalam niya sa akin.

Gustong-gusto ko siyang pigilan kasi alam ko naman na si Vera yung 'kailangan niyang puntahan' pero pinigilan ko ang sarili ko kahit sobrang bigat sa dibdib ko.

"Okay." Sabi ko at matapos nun ay tumayo na siya. Hinihatid ko siya hanggang pintuan lang at bumalik ako sa sala.

"Nakakainis ka Elijah!! Bakit ka ganyan!" I yelled in frustration nang masiguro kong di na nya ako maririnig.

Nakakabwisit siya! Bakit ako pinipigilan niyang makipagdate sa iba pero siya walang pakundangan!  

Ano yun? Siya lang pwede ako hindi? Nakakinis talaga siya! Aaaaargghh! Kayang kaya niya talaga akong saktan ng walang kahirap hirap! Bwiset!

Ayokong umiyak. At hinding hindi na ko iiyak ng dahil sa kanya dahil nangako ako sa sarili ko na dapat ko nang itigil ang kahibangan ko sa kanya. Pero ano na naman to? Bakit meron na namang namumuong luha sa mga mata ko?

I took a deep breath and I raised my head para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Finally, I succeeded.

Kelangan kong maging matatag habang nasa ganito kaming sitwasyon.

Siguro...siguro kapag natapos na ang anim na buwang kalokohan na ito eh lalayo na muna ako.

Kelangan ko ng panahon at oras para makapagmove on ng tuluyan at magagawa ko lang yun kapag malayo ako sa kanya.

Nangalumbaba ako sa sofa at nag-isip ng kung ano ano pero kahit anong divert ko ng utak ko eh naalala ko pa rin yung 'pakikipagkita' ni Elijah kay Vera.

Kinuha ko yung isang throw pillow sa sofa at pinagsusuntok iyon. Iniisip ko na iyon si Elijah at doon ko ibinunton yung inis ko. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala sila mama at inabutan akong parang baliw na sinusuntok yung unan.

"Heather, anong nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Aah--hehe..wala po..nag-eexercise lang po..Hehehe. Boxing! Woo! Hoooh!" Palusot ko habang sumusuntok suntok pa sa ere.

"Aah. Okay. Kala namin napano ka. Parang gigil na gigil ka sa unan habang sinusuntok mo eh." natatawang sinabi ni Tita Caprice. Nahiya naman ako sa pinaggagawa ko.

"Hehehe. Okay lang po ako. Nakaalis na po ba yung designer?" tanong ko para maiba yung usapan.

"Ay, oo. Nakasalubong nga din namin si Elijah." sagot ni Mama sa akin.

"May pupuntahan pa daw po siya kaya umalis na siya." Sabi ko kina tita.

"Oo nga daw. O hala. Tara na at magmeryenda na muna tayo." Aya ni Mama at nagpunta na kaming kitchen. Sabi niya meron daw siyang ginawang lasagna.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top