CHAPTER 8: LANCE-HEATHER-ELIJAH

CHAPTER 8: LANCE-HEATHER-ELIJAH

 

Hapon na ng mapagdesisyunan namin ni Elijah umuwi sa villa. Sobrang nag-enjoy akong kasama siya dahil bukod sa surprised ‘butanding watching’  na ginawa namin ay ipinasyal niya pa ako sa iba pang tourist spot na malapit din sa lugar na ito. Natuwa talaga ako kasi sobrang namiss ko yung bonding namin katulad nun. Kelan ba yung huli naming ginawa iyon? Sobrang tagal na ng huli kaming namasyal na magkasama. Nagkwentuhan rin kami ng kung ano-ano tulad ng kung ano ang nangyari sa amin nung umalis ako ng Pilipinas. Nagpapasalamat rin ako rito dahil hindi ito na nagbanggit pang muli ng kahit ano sa mga sinabi niya sa akin kagabi habang namamasyal kami kaya medyo nawala yung pagkaalangan na nararamdaman ko sa kanya.

Masaya kaming nagtatawanan habang papasok na ng gate ng matanaw namin si Manang Lourdes na mukhang merong inaabangan. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kaya bigla ko tuloy naisip na baka ako ang hinihintay nito. Hindi kasi ako nakapagpaalam rito kanina na lalabas ako ng villa.

“Salamat sa Diyos at nakauwi ka na Heather. Akala ko’y napano ka na. Kanina pa kita hinahanap. Ayun pala ay kasama mo itong si Sir Elijah.” Parang nakahingang maluwag na sabi niya sa akin ng makalapit kami rito. Para namang nginatngat ako ng konsensya ko dahil kitang kita ko sa mukha nito na labis talaga itong nag-alala para sa akin.

“Naku, pasensya na po Manang Lourdes. Nakalimutan ko pong magpaalam sa inyo kanina. Naglakad lakad po kasi ako para mamasyal dahil nakaramdam ako ng pagkainip kanina. Nagkataong naman po sa paglalakad ko ay nakita ko itong si Elijah kaya naman magkasama kami ngayon.” Hinging paumanhin at paliwanag ko rito.

“Wala iyon. Ang mahalaga ay ligtas ka at walang nangyaring masama sa iyo.” Sa pagkakataong ito ay ngumiti na siya sa akin. “Pero si Lance…Kanina ka pa niya hinahanap. Nung dumating sila ni Monique kanina at nalamang wala ka dito sa villa ay hinanap ka niya agad. Kanina pa siya tumatawag sa’yo pero dahil hindi makontak yung cellphone mo ay napagpasyahan niya na lang na lumabas at hanapin ka.” Sabi pa nito.

Napakagat ako sa labi ko ng marinig ko iyon. Dali-dali kong hinugot sa bulsa ko ang cellphone ko at nakita kong napakaraming miscalls and texts ni Lance sa akin. Naka-silent kasi ito buong araw at masyado akong nag-enjoy sa pamamasyal kaya naman hindi ko man lang nagawang silipin ang cellphone ko kung meron bang nagtetext o tumatawag sa akin.

“Heather!” Napatingin ako bigla sa harapan ko ng marinig kong mayroong tumawag sa akin at nakita ko si Monique na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Humahangos pa ito ng makalapit sa akin.

“Hoy Bruha! Okay ka lang ba? Saan ka ba nagpupupunta at hindi ka man lang nagpaalam? Alam mo bang kanina pa kami naghahanap at nag-aalala sa’yo?” Sabi nito at hinawakan ako sa magkabilang braso ko. Ineksamin pa nito ang mga iyon pati na rin ang mga binti at mga paa ko na parang tinitingnan kung may sugat ba ako o wala. Parang mas lalo tuloy akong nginatngat ng konsensya ko dahil sa inakto niya. Dahil sa pagiging makalimutin ko ay nag-alala tuloy sila ng sobra sa akin. Tuwang tuwa pa man din ako kanina sa pamamasyal at nakalimutan ko ang mga taong pwedeng mag-alala sa akin. Binigyan ko siya ng alanganing ngiti at sasagot na sana ako ng mahagip nito ng tingin ang katabi ko at mataman itong tinitigan. Nakakatawa nga eh kasi parang ngayon niya lang naramdaman ang presensya ni Elijah na kanina pa nagmamasid sa amin.

“Magkasama kayo?” Halata sa boses nito ang gulat ng muli itong magtanong sa akin. Or should I say kay Elijah dahil hindi niya pa rin inaalis ang tingin nito sa kanya. Tumango naman sa kanya si Elijah at ngumiti.

“Ah, oo…” Alanganing sagot ko rito at ngumiti ng ibaling na muli nito sa akin ang kanyang tingin. Inexplain ko sa kanya kung bakit kami magkasama at humingi ako ng tawad dahil hindi sa hindi ko man lang nasagot ang mga tawag at text nila sa akin.

“Naku, naku…Ikaw talagang babae ka! Pasalamat ka at andito sila Manang Lourdes kundi kukurutin talaga kita sa singit!” Mataray na sabi nito sa akin at nagcross arms pa.

“Hehehe…Sorry na, Monique. ‘Wag ka ng magalit. Di ko naman sinasadya eh.” Nakangiti habang napapakagat labi na sabi ko rito. Nakita kong bumuntong hininga ito at napaisip bigla.

“Ay teka! Si Lance! Kailangan natin tawagan si Lance kasi kanina ka pa nun hinahanap. Baka nabaliw na yun kakahanap sa’yo!” Biglang sabi niya.

Dali-dali ko namang hinugot mula sa bulsa ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Lance para tawagan ito. Nakakailang ring pa lang ako ng sagutin niya ito.

“Heather, nasaan ka?! Okay ka lang ba?” Ramdam ko sa boses nito ang labis na pag-aalala kaya naman napayuko ako at napakagat sa labi. Edi ako na ang binabagabag ng konsensya ng bonggang bongga.

“A-ano…L-lance…Sorry. Andito na ako sa villa. I-ikaw? Nasaan ka na?” Nakokonsensya kong sagot rito.

“Nasa Villa ka na? Eh papasok na ako ng gate eh…” Napatingin ako bigla sa gate at nakita ko nga siyang papasok na. Pawis na pawis ito at kitang kita sa mukha nito ang pagod habang hawak hawak niya pa rin ang cellphone niya. Nagtama ang tingin namin at nakita ko siyang napahinga ng maluwag ng makita ako. Naramdaman ko na naman tuloy ang sundot ng konsensya habang nakatingin sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa amin at naramdaman ko na lang ang biglang paghila niya sa akin at ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso nito at ang unti-unting paghinga niya ng maluwag habang nakakulong ako sa mga braso nito. Para namang merong kung anong mainit na humaplos sa puso ko habang yakap yakap ko siya. Siguro masyado akong na-touch sa pag-aalala niya sa akin na hinanap niya talaga ako kung saan-saan. Gumanti ako ng yakap rito at ngumiti.

“Akala ko may masamang nangyari na sa’yo. Mabuti na lang at ligtas kang nakauwi rito.” Narinig kong sabi niya sa akin at bumitaw siya sa pagkakayakap. Ikinulong niya ang mukha ko sa dalawang palad niya at mataman akong tinitigan.

“Wala namang masakit sa’yo?” Kitang kita ko sa mga mata nito na hindi pa rin tuluyang naaalis ang pag-aalala nito kaya naman ngumiti ako sa kanya at pa-tip toe na inabot ang labi nito. Ngumiti siya sa akin matapos ko siyang halikan at hinawakan ako sa kamay.

“Ahem! PDA Alert! May ibang tao pa po rito kung hindi niyo napapansin.” Pareho kaming natigilan ni Lance ng marinig naming magsalita si Monique. Tiningnan ko ito at nakaramdam ako ng pamumula ng makita kong nakapagkit sa mga labi nito ang isang nanunuksong ngiti. Nakaramdam tuloy ako ng pagkapahiya at nang tuluyan ng magsink in sa akin ang sinabi niya ay biglang nanlaki ang mga mata ko at marahas akong napalingon kay Elijah.

‘Great. Just great, Heather.’ I mentally slapped my head for being so insensitive. How can I forget that Elijah is here?

Nang tingnan ko siya, parang gusto kong sampalin at sabunutan ang sarili ko dahil sa pagiging reckless ko. I saw pain in his eyes while he’s looking at us. At nung makita niya akong nakatingin sa kanya ay agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin at nagpaalam na.

“Pasok na muna ako sa loob. Meron pa kasi akong gagawin.” Sabi niya at tumalikod na siya sa amin. Umakyat na siya sa villa habang kami naman ay nanatiling nakatayo sa kinatatayuan namin. Napabuntong hininga ako. I don’t know how Elijah managed to easily shift his emotion from being hurt to being cold. I know he did it because he wanted to hide from me what he really felt. I heaved a sigh again. I felt a pang of guilt as I stared on the ground. This makes everything so complicated. Sana hindi ko na lang alam yung nararamdaman niya sa akin…sana hindi ko na lang nalaman kung gaano niya na ako katagal na minamahal…edi sana I won’t be feeling like I am the most horrible person in the world for giving him pain.

“Problem?” Napaangat ako ng tingin ng marinig kong muling magsalita si Lance. He’s intently looking at me as if trying to read what’s on my mind.

“Nothing.” Sagot ko rito at umiwas ng tingin. Tumingin ako kay Manang Lourdes at nakita kong kahit nakangiti ito sa akin ay hindi iyon umabot sa mga mata nito. Alam kong naaawa ito kay Elijah dahil sa nangyari. And because of that, I felt more remorseful. Iniwas ko ang tingin ko kay Manang at ibinaling ko naman ang tingin ko kay Monique na kasalakuyukang nakatulala kung saan dumaan si Elijah. I don’t know what’s running in her head and I hope she didn’t see what I’d seen earlier. Pakiramdam ko kasi ay hindi pa ako handang ikwento sa kanya ang mga nalaman ko tungkol kay Elijah.

“Let’s go inside? Doon na lamang tayo mag-usap.” Para akong natauhan ng maramdaman ko ang marahang pagpisil ni Lance sa kamay ko. Ngumiti ako rito at tumango. Nag-umpisa na kaming maglakad at sumunod na sa amin si Manang papasok pero napansin kong hindi pa rin natinag si Monique sa pagkakatayo kaya naman tinawag ko na ito.

“Monique! Pasok na tayo.” Tawag ko rito. Para naman itong natauhan sa pagtawag ko kaya tumango ito at sumunod sa amin.

---

“What’s bothering you, Heather?” Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakayukyok sa tuhod ko ng marinig kong merong nagsalita. Nakita ko si Monique na naupo sa katapat kong upuan at mataman na tumingin sa akin. “And please, don’t you dare lie to me coz I know when you are tell the truth or not.” Sabi pa nito.

Napangiti ako sa kanya. Akala ko ay mahimbing na itong natutulog kanina pero mali pala ako.

I sighed. Really, Monique knows me too well. Ibinaba ko ang mga paa ko at umayos ng upo at tumingin sa labas. Nasa balcony kasi ako ngayon at nagpapahangin dahil hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi ang mga nangyari kanina.

Huminga muna ako ng malalim bago ko ibinaling muli ang tingin ko sa kanya. Nakapangalumbaba na ito habang naghihintay sa sasabihin ko.

“Elijah confessed to me…” Nag-aalangan kong sabi sa kanya.

She creased her eyebrow and asked, “Confessed what?”

“He told me that…he told me that he loves me…” I murmured but enough for her to hear me. Nakita ko na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at napaupo ng diretso.

“HE SAID WHAT?!” She yelled. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya at tinakpan ang bibig nito. Pinanlakihan ko ito ng mata na para manahimik ito. Tumango tango ito tsaka ko inalis ang kamay ko sa bibig niya.

“Really, Monique. Do you really have to shout? Magigising mo ang lahat ng taong natutulog dito sa lakas ng boses mo eh.” I told her with annoyed face.

“I’m sorry. What you said just caught me off guard.” Sagot nito. “Pero paanong…paanong nangyari iyon?” Confusion can be read all over her face. I heaved a sigh and started to tell her what happened last night pati na rin ang kinwento sa akin ni Manang Lourdes kaninang umaga. Nakinig naman itong mabuti and not a single time that she interrupted me from talking. She just silently listening to me.

“So…that’s what happened.” I said finishing the story. I looked at her at kitang kita sa mukha nito ang gulat at pagkamangha sa mga sinabi ko.

“I…I can’t believe it. Are we really talking about Elijah here? The Great Elijah Montefalcon? This is preposterous.” Sabi nito sa akin at napakamot pa sa ulo nito. Nagkibit balikat na lamang ako rito at binigyan siya ng malungkot na ngiti.

“Kaya pala…Kaya pala ganun na lang ang reaksyon niya kanina ng makita niyang hinalikan mo si Lance! Goodness gracious! He’s really jealous! Akala ko hallucination ko lang yung nakita ko or what pero tama pala ang hinala ko.” Sabi pa nito at napapailing pa. Now I get it why she suddenly became at trance when Elijah left. Nakita niya rin pala ang nakita ko. “Aaaarggh! Bakit ba ngayon lang sinabi ni Elijah ito sa’yo? Edi sana matagal na kayong merong happy ending!” She creased her eyebrow again and crinkled her nose.

Gusto kong panatilihin ang seryoso kong mukha pero di ko mapigilang di mangiti habang nilulukot ni Monique ang mukha niya.

“Paano na yan ngayon? Dati Team HeaLan na ako but now? I don’t know anymore where I should put my bet. Knowing what Elijah did for you, though it’s late, it was very commendable. Hindi ko lubos maisip na this villa is made just for you.” Napapalatak na sabi pa nito. “Nakakainis naman kasi kayong dalawa eh! You won’t be placed in this complicated situation if you’d been braved enough to tell what you felt to each other way back then.” Inis na dugtong niya pa.

Matipid akong ngumiti sa kanya. May punto naman talaga ito. Pero wala eh. We cannot take back what happened in the past. Sabi nga nila, past is past. We’re both living in the present and sad to say, I can’t return the love he’s offering me now. Just like what I did before, he should just also forget his feelings for me and move on.

“I…I actually don’t know what to do, Monique. You know, matagal na akong nakaget over sa kanya. I can’t love him the way I did before. Sinabi niya sa ajkin na he will take his chances to me even if it might hurt him but I don’t want him to do it. I don’t want him to undergo with that misery. I know the feeling first hand. He’s still my best friend and it will also hurt me to see him suffering just because of me.” Naiiyak na sabi ko rito.

Tumayo si Monique sa pagkakaupo at lumipat sa tabi ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at mataman akong tiningnan. “Be honest with me Heather. What did you felt ng malaman mo ang totoo?”

Hindi ko alam kung bakit niya bigla iyong tinatanong but I sincerely answered her question. “Honestly speaking? It…it made me confused, Monique. I’m a hypocrite kung sasabihin kong hindi ako natuwa ng malaman ko iyon. Who wouldn’t be anyway? He’s my first love and knowing what he feels toward me m              akes my heart skip a beat. But still, hindi maaalis nun ang katotohanang hindi ko na siya mahal. Isa pa, si Lance… I love—I like him a lot. He’s been there for me even before I left the country. He loves me endlessly and he’s patiently waiting for me. Who am I to turn down such a wonderful person like that, Monique?” Dugtong ko pa rito.

Marahan niyang pinisil ang mga kamay ko at pinunasan niya ang mga luhang pilit kumakawala sa mata ko. “This is what I can only say to you Heather…” Umpisa nito at mataman niya akong tiningnan. “You won’t be confused if you are really sure to yourself that you don’t have feelings for him…“ Napailing ako sa sinabi niya. What is she trying to say? That I haven’t still moved on?

“But Monique—“

“I know…I know, Heather. Hindi ko nalilimutan ang sinabi mo na ‘nakapagmove on’ ka na. I asked you how many times tungkol diyan pero hindi nagbabago ang sagot mo. And I respect that. Pero come to think of it. You wouldn’t be affected by what you’d known if you really forgotten him, right? Yeah. Probably, knowing it made you happy. First love mo yun eh. But that doesn’t mean also that knowing the truth will mess up what you’ve already made up in your mind if you really moved on.”

Natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Gusto kong sabihin na mali siya pero parang meron kung ano sa utak ko na nagsasabing may punto ito. Ipilinig ko ang ulo ko at tinampal ang noo ko. Ano ba itong pinag-iisip ko? Di ba sigurado na ako sa nararamdaman ko? Bakit may parte na ng utak ko ang nagsasabing tama ang sinabi ni Monique? NAKAPAGMOVE ON na ako at kaya lang ako naguguluhan ngayon ay dahil iniisip ko lang ang nararamdaman ni Elijah. Pero…pero bakit ko ba kailangan isipin pa ang nararamdaman niya? Hindi ba dapat wala na akong pakialam doon? Siguro kasi ayaw ko lang maranasan ang naranasan ko sa kanya noon. Ayokong masaktan siya dahil alam ko sa sarili kong wala naman na siyang aasahan sa akin. Tama. Ganoon nga iyon.

Magsasalita na sana akong muli ng tumayo si Monique at marahang tinapik ang balikat ko. “I know what you’re thinking, Heather. Don’t make excuses for yourself. Minsan, dahil sa sobra tayong nasaktan, sinasadya nating iwasan ang katotohanan at panindigan ang isang bagay na pilit nating pinaniniwalaan. Pero madalas, ang mga taong gumagawa noon ay yung mga taong sa bandang huli ay puno ng regrets. Yung puno ng mga tanong na ‘what if’. Yung mga taong bukamibibig ang mga salitang ‘sana ganito, sana ganyan’. I don’t want you to end up like that, Heather. Take things slowly at pag-isipan mong mabuti. Don’t make decisions na in the end ay pagsisihan mo rin. I am not saying this para paboran kung sino ang sino o mas lalong guluhin ang pag-iisip mo. I just want you to realize things, bru.” Sabi niya at tuluyan ng naglakad papaalis samantalang ako ay naiwang natutulala sa mga sinabi niya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top