CHAPTER 8: CONFUSED

CHAPTER 8: CONFUSED

"Are you listening, Heather?"

"Y-yes." I spluttered. Di ko namalayan na lumilipad na naman pala yung utak ko at nakalimutan kong kasama ko si Lance ngayon.

"I don't think so. Sige nga, kung nakikinig ka nga, anong sinabi ko?" Nakangiting sabi niya.

"You said na...You said na…" ShIt! I'm out of words. I didn't really heard what he said earlier. "Look, Lance I'm sorry that I wasn't able to pay attention to you. My mind flew off somewhere." I said in remorseful tone.

"It's okay Heather. Care to tell me what's bothering you?" masuyong tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung tama bang ikwento sa kanya itong gumugulo sa utak ko o huwag ko nang sabihin sa kanya.

"I believe I'm a good listener. And diba sabi ko sa'yo if may problema ka, I'm always here to listen." He said in reassuring voice at inabot niya ang isang kamay ko at pinisil iyon.

I don't know why but there is something with Lance that makes me feel at ease na pakiramdam ko I can confide to him anytime.

"I d-don't have a problem. Thanks anyway." I lied.

Pakiramdam ko nagiging hobby ko na ang pagsisinungaling at hindi na maganda ito.

"If you really don't want to talk about it, it's fine." Sabi niya at ngumiti sa akin. Nag-umpisa na siyang kumain ng inorder namin matapos niyang magsalita samantalang ako ay parang hindi mapakali. Feeling ko I need someone to vent out lahat ng saloobin ko ngayon so I decided to divulge it to Lance. Napalunok muna ako bago nagsalita.

"Lance…"

"Yes?" tanong niya at tumingin sa akin.

"W-what if...what if meron kang friend na merong gusto sa close friend niya tapos yung close friend niya wala namang gusto sa kanya? Tapos etong si close friend—“

"Wait..Naguguluhan ako. Can we atleast name the persons you are referring to? Let's say Ms. A and Mr. B? Is that okay? Para di ako maconfuse." Natatawa niyang sabi.

Natawa din ako sa sinabi niya.

“Okay. Aahmm… I have a f-friend na papangalanan nating Ms. A na merong problema. Need niya kasi ng advice.” Ayokong direktang sabihin kay Lance na ako yung may problema. Nahihiya kasi ako sa kanya kahit na medyo komportable ako sa kanya kapag kausap at kasama ko siya.

“I see. Is that what’s bothering you?” Lance is teasing me. Halata sa boses niya.

Hindi ako sumagot and I pout. Kung kelan naman gusto kong sabihin itong nasa isip ko (though indirectly nga lang) eh tsaka naman mang-aasar itong si Lance.

“Hey! What’s with the face? Shoot. Tell me what it is. Maybe I can help your Friend.” Sabi niya na pilit pinapaseryoso ang mukha.

“I hate you Lance for mocking me.” Pabiro kong sabi.

“I’m not!” Sabi nito at umiiling iling pa obvious naman na pinipigilan niyang tumawa. “Tell me kung anong problema ng friend mo at baka  sakaling matulungan ko.”

I sighed.

“Yun nga. Bale ak-etong friend ko na si Ms. A meron siyang gusto dun sa isa pa naming close friend na si Mr. B. Ngayon, walang kaalam alam etong si El-Mr. B na merong gusto sa kanya si Ms. A. At etong si Mr. B eh meron nang mahal na iba. Gusto ko-este nito ni Ms. A na magmove on at kalimutan na yung nararamdaman niya kay Mr. B kaso biglang merong problemang nangyari at kelangan nilang magpakasal.” Mahabang paliwanag ko sa kanya. Muntik ko nang ibuko yung sarili ko dahil sa pagtuloy tuloy kong pagsasalita eh nakakalimutan kong gumamit ako ng ibang tao.

“Edi pabor dun sa friend mo yung sitwasyon kasi may pagkakataon na siyang maiparamdam sa kanya yung nararamdaman niya or malay mo, pwede ring sa duration ng pagsasama nila eh mainlove sa kanya yung male friend niyo.” Parang as a matter of fact na pagkakasabi niya.

“Hindi naman kasi yun ganun kasimple Lance eh.” I sighed.

“Paano mo naman na sabi? Kala ko ba friend mo yung may problema niyan?” He said with a smirk on his face.

"Yung friend ko nga. Ang adik mo Lance! A-affected lang talaga ako sa problema ng friend ko na yun." depensa ko.

"Woah! Chill Heather! I'm just joking." sabi nito at tumawa ng malakas.

Natawa na rin ako sa sarili ko. Parang baliw lang ako sa mga reaksyon ko. Di niya nga pala alam na ako yung may problema nun.

"Thanks Lance ha?" genuine kong sabi ko sa kanya.

"For what?" kunot noong tanong nito.

"For everything. Kahit na kakakilala lang natin, pakiramdam ko ang tagal na nating magkaibigan. Tapos ngayon, kahit na we meet for business purposes only, you give some of your precious time para makinig sa akin." nakangiti kong sabi sa kanya.

"It's my pleasure to help you." Sagot nito at ngumiti. Matapos nun ay kumain na kaming dalawa. Panay tawa naming dalawa dahil sa mga hirit niyang jokes.

"Hey, merong sauce sa gilid ng bibig mo." sabi niya sa akin. Pupunasan ko na sana ng pigilan niya ako.

"Let me do it for you." He said at lumapit sa akin ng kaunti para punasan ang gilid ng bibig ko.

I am touched with Lance gestures. Napakasweet nito...parang si Elijah.

Napailing ako sa naisip. I should not compare Lance to Elijah. They are both two different people with different personalities.

"Done." He said at umayos siya ng pagkakaupo.

"Thank you Lance." I sweetly smiled to him.

"You're always welcome." he answered.

Matapos namin kumain ay umuwi na kami. Nag-alok si Lance na ihatid ako at pumayag ako. It's almost 11pm na at halos hindi namin ni Lance yung oras dahil sa sobrang dami niyang kwento at jokes. I really do enjoyed his company. Bumaba ako ng kotse niya matapos niyang ihinto ito sa tapat ng bahay namin. Pati siya ay bumaba rin.

"Thanks again, Lance. I really really enjoyed your company." Thankful kong sabi sa kanya.

"Kanina ka pa thank you ng thank you sa akin. You know naman na you will always be welcome." He said at hinawakan niya yung kamay ko.

Nagulat kaming pareho ng marinig naming merong tumikhim. Napatingin ako sa gawi kung saan galing yung boses.

And I saw him. With a gloomy face.

Bumitiw ako agad sa pagkakahawak ni Lance. Feeling ko nahuli akong gumagawa ng isang krimen kahit hindi naman.

"Elijah! Bakit nasa labas ka pa?" feeling ko natetense ako. Ewan ko ba kung bakit.

"I am waiting for you. Bakit ngayon ka lang?" parang nang-uusig na tanong niya sa akin.

“A-ahmm..napasarap kasi kami ng kwentuhan ni Lance kaya ngayon lang ako nakauwi.” Paliwanag ko.

“Hi Pare! Pasensya na late ko na naihatid si Heather.” Sabi ni Lance na nakatingin kay Elijah.

Hindi sumagot si Elijah at tumango lang siya.

“Anyway, I have to go. Thanks for the time, Heather. See you some other time.” Bumaling siya sa akin at nagulat ako ng niyakap niya ako sabay bulong ng..”time will come marerealize niya rin kung gaano kalaki yung mawawala sa kanya kapag pinabayaan ka niya.”.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at kumindat pa sa akin. Nagpaalam na siya kay Elijah. Kitang kita ko kung gaano kadilim yung aura ni Elijah habang nakatingin kay Lance na papasakay na ng kotse nito.

Nang makita kong umandar yung kotse ni Lance papaalis ay napagpasyahan kong pumasok na ng bahay. Ayokong kausapin si Elijah. Para kasing anytime eh sasabog siya na hindi ko naman malaman kung bakit.

Bubuksan ko na sana yung gate ng bigla niyang hinawakan yung kaliwang braso ko at pigilan ako sa pagpasok.

“Why?” I asked fretfully to him.

“Please refrain from seeing other guy. Ikakasal na tayo at nakakahiya kung may makakakita sa’yo na meron kang ka-date na lalaki.” He said seriously and strode out.

Napanganga ako sa sinabi niya. Ni hindi man lang niya ako hinintay na magsalita at iniwan akong nakatanga dito sa labas ng bahay namin.

Don’t tell me?—No. Impossible itong naiisip ko. Natawa ako sa bigla sa sarili ko. Makapag-assume lang naman talaga ako. Sobrang napakaimposible naman kasi na nagselos siya kay Lance. Siguro iniisip niya lang yung sasabihin ng ibang tao kaya niya nasabi iyon.

Pero naman! In the first place, hindi naman ako nakipagdate! It’s for business. Tsaka wala naman kaming masamang ginagawa ni Lance. MAGKAIBIGAN LANG NAMAN KAMI!

OA lang makapagreact ni Elijah ha? Kakainis. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at dumiretso sa kwarto ko.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top