CHAPTER 7: NEVER LET GO
CHAPTER 7: NEVER LET GO
Lumabas ako ng villa at naisipan ko na maglakad lakad. Kailangan kong mag-unwind. Masyado ng maraming gumugulo sa isip ko at lalong gumulo pa dahil sa ikinwento sa akin ni Manang Lourdes. Baka mabaliw ako kakaisip kung nasa loob lang ako ng villa. Bago ako tuluyang lumabas ng gate ay nilingon ko muna ang villa.
‘Villa Healijah, Heather. Villa Healijah.’
Napabuntong hininga ako. Hindi mawala wala sa isip ko ang tinuran na iyon ni Manang. Hindi ko akalain na binili ni Elijah ang property na ito para sa akin. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako natuwa sa nalaman kong iyon. Sino ba ang hindi diba? He put a lot of effort para lang maitayo niya ang villa na ito para maipakita niya sa akin at tirahan pagdating ng panahon. Kaso hindi nga lang dumating yung ‘panahon’ na iyon dahil sa mga nangyari. Napabuntong hininga muli ako at tumalikod na. Habang naglalakad ako ay pilit kong inaanalyze ang mga pangyayari. Sa totoo lang, bukod sa mga sinabi sa akin ni Manang Lourdes at Elijah ay meron pang isang bagay na labis na bumabagabag sa akin. Yun ay yung sinabi sa akin ni Vera bago ako umalis. Hindi kaya nagsinungaling lang siya sa akin? Pero kung nagsinungaling nga siya, bakit naman niya iyon gagawin? Anong mapapala niya kung magsisinungaling siya? Ipinikit ko ang mga mata ko ng mariin at nag-isip ng dapat na gawin. Matapos noon ay idinilat ko ang mga mata ko ng makapag-isip ako at naglakad ng muli.
‘Tama. Kailangan kong makita si Vera at makipag-usap sa kanya. Hindi masasagot ang mga tanong ko hangga’t hindi ko siya nakakausap.’
Dahil masyado akong nahulog sa malalim na pag-iisip habang naglalakad ay hindi ko na napansin na masyado na pala akong napalayo sa villa. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit kundi paso ang balat ko dahil wala man lang akong dalang payong. Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Nasa may kalsada ako ngayon at napapaligiran iyon ng mga puno kaya medyo malilim pa rin ang daan. May mangilan-ngilang ding bahay na gawa sa pawid ang nakatirik sa gilid nito. Wala rin masyadong nadaang sasakyan. Napangiti ako. Eto ang isa sa mga gusto ko sa probinsya. Hindi ka masusuya kakatingin sa matataas na building dahil madalas ang makikita mo rito ay mga puno at halaman. Sariwa pa ang hangin hindi tulad sa Maynila na masyado ng polluted. Tumingin ako sa kanan ko at nakakita ako isang malaking aplaya. Nakita kong parang nagkakasiyahan ang mga mambubukid doon habang yung iba ay nagtatanim at ang iba naman ay naroon sa maliit na kubo habang nagpapahinga. Naengganyo tuloy akong lumapit pero parang bigla akong nagsisi na ginawa ko iyon. Hindi ko kasi akalain na ito pala yung sinasabing aplaya ni Manang Lourdes. Kitang kita ko kasi mula sa kinatatayuan ko ang topless na si Elijah. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon dahil sa mga sinabi niya sa akin kagabi. Nakakaramdam kasi ako ng hiya at pagkaalangan sa kanya kaya ayoko muna sana siyang makaharap at makausap kaya naman nakapagdesisyon ako na umalis na lamang. Patalikod na sana ako pero huli na dahil meron ng nakakakita sa presensya ko at lumapit sa akin.
“Magandang umaga, hija. Naliligaw ka ba?” Tanong sa akin ng isang matandang lalaki na may suot na salakot sa ulo. Ngumiti ako rito at umiling.
“Hindi po. Ang totoo po niyan ay naglalakad lakad lang po sana ako para mamasyal at napadaan lang ako rito.” Sagot ko rito. Ngumiti siya sa akin at tinanggal niya ang suot niyang sombrero.
“Tingin ko ay hindi ka taga-rito, ineng. Taga-maynila ka. Tama ba?” Tanong nito sa akin. Tumango ako rito bilang sagot at ngumiti. “Halika roon sa may kubo. Mayroong maliit na salo-salo doon. Nagkataon din kasi na dumating yung may-ari ng aplaya kaya nagpakain siya. Tiyak na magugustuhan mo ang mga nakahaing pagkain roon.” Aya nito sa akin.
“Ay naku Manong, okay lang po ako ako. Huwag na po. Tsaka busog pa naman po ako. Salamat na lang po.” Magalang kong tanggi rito. Ayoko kasing lumapit roon at baka makita pa ako ni Elijah.
“Heather…Anong ginagawa mo rito?” Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang malamig na boses niyang iyon. Dahan dahan akong lumingon at napakagat ako sa labi ko ng masigurado kong siya nga ang tumawag sa akin. Tiningnan ko siya at napaatras ako ng isang hakbang ng marealize ko kung gaano siya kalapit sa akin. Di ko naiwasang hindi mapatingin sa katawan niya at para akong natuyuan ng laway habang nakatingin roon. Katulad ng nasabi ko kanina ay naka-topless ito.Tagaktak ang pawis nito pero kahit ganoon ay mabango pa rin ang amoy nito. At ang abs? Kahit na nabahiran ito ng putik dahil sa pagtatanim ng palay ay ang sarap pa ring mapamura dahil kitang kita pa rin na well defined ito. Iniwas ko ang tingin ko roon at pilit na nagconcentrate sa mukha niya.
“A-ah…n-napadaan lang ako r-rito.” I stammered. Takte! Bakit ba ako kinakabahan sa presensya niya? Nakita kong tumango lang siya sa sinagot ko at matapos nun ay ibinaling niya ang tingin niya sa matandang lalaking kausap ko ng magtanong ito.
“Sir Elijah, siya po ba yung naikwento niyong isa sa mga kasama mong nagpunta rito galing Maynila?” Tanong nito at nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Elijah.
“Opo. Si Heather nga po pala. Best friend ko po.” Sagot nito at tumingin sa akin. “Heather, siya si Mang Berto. Asawa ni Manang Lourdes.”
“Ay, ikaw pala iyong naikwento sa akin ni Lourdes, hija. Nagagalak akong makilala ka.” Nakangiting sabi sa akin ni Mang Berto at inabot nito ang kamay ko.
“Ganoon rin po ako Mang Berto.” Nakangiting sagot ko rito. Nagshake hands kami at matapos nun ay bumitaw na rin kami sa pagkakahawak sa isa’t isa.
“Kung gayon na magkakilala pala kayo ni Sir Elijah, mas mainam kung sasaluhan mo kami roon. Si Sir Elijah ang nagpahanda ng maraming pagkain roon at tiyak kong magugustuhan mo iyon.” Muling aya sa akin ni Mang Berto. Tatanggi na sana akong muli pero hindi ko na naituloy ng marinig kong magsalita si Elijah.
“Halika na. Sumama ka na sa amin.” Sabi niya sa akin na parang nakikiusap pa ito sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Gusto ko pa sanang tumanggi kaso nakahiyaan ko na lang kaya naman napatango na lamang ako rito.
---
“Alam mo bang napakabait na bata niyan ni Sir Elijah? Kung hindi dahil sa kanya siguro wala na kaming sinasaka ngayon at wala kaming hanap buhay ngayon.” Napalingon at napakunot ang noo ko kay Mang Berto dahil sa sinabi niya. Nakita kong nakatingin ito kay Elijah na abalang abala sa pagtatanim ng palay. Andito kami ngayon sa kubo at kanina pa kami tapos kumain. Bale nagpapalipas na lang kami ng oras samantalang bumalik sa palayan si Elijah matapos nitong makakain.
“Bakit niyo naman nasabi iyon, Mang Berto?” Tanong ko rito.
“Paano kasi isinanla ang lupang ito ng unang nagmamay-ari sa bangko dahil sa nagkabaon baon ito sa utang. Plano na itong ilitin ng bangko noon dahil hindi na nakakapagbayad ang may-ari kaya labis ang naging takot namin. Mawawalan kasi kami ng kabuhayan dahil may sabi-sabing meron daw nais bumili ng lupang ito at tayuan ng commercial building. Kapag nagkaganoon ay marami kaming magsasaka na mawawalan ng trabaho. Mabuti na lamang at sobrang bait niyang si Sir Elijah at nung nalaman niya ang tungkol doon ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa na bilhin niya ang lupang ito. At alam mo ba hija? Matapos niyang bilhin ang lupa ay hinayaan niya kaming mga taga rito na patuloy na magsaka at ang tanging hinihingi niya lang na kapalit sa amin ay tig-iisang kaban lang ng bigas tuwing anihan. Kaya sobra sobra ang pasasalamat naming mga taga-rito sa kanya dahil kung hindi dahil sa tulong niya ay wala na kaming hanap buhay at at labis na naghihirap ngayon.” Nakangiting kwento niya sa akin. Parang tumaas lalo ang paghanga ko kay Elijah sa narinig kong iyon. Oo, alam kong mabait si Elijah pero hindi ko akalain na aabot iyon sa ganitong punto.
“Napakabait po talaga niyang si Elijah. Kahit noon pa man ay matulungin na po iyan.” Sabi ko rito. Ramdam ko kung gaano kalaki ang paghanga at respeto ni Mang Berto kay Elijah kaya naman hindi ko maiwasang hindi mangiti para rito. Napatingin ako sa gawi ni Elijah at nakita kong umahon ito sa putikan at lumapit sa amin. Inabot niya ang baso sa mesa at kumuha ng tubig sa water container. Matapos nun ay naupo siya sa tabi ko.
“Maiwan ko muna kayong dalawa rito at ako ay babalik na muna sa pagsasaka.” Nakangiting sabi sa amin ni Mang Berto. Gusto ko sanang pigilan si Mang Berto umalis dahil ayaw kong maiwan kasama si Elijah pero hindi ko naman iyon nagawa.
“Okay ka lang ba rito?” Tanong niya sa akin matapos makaalis ni Mang Berto. Tumango lamang ako sa kanya at tumingin sa palayan. Binalot kami pareho ng nakakabinging katahimikan matapos noon. Hindi siya nagsalita at ganoon rin ako pero maya-maya ay hindi rin ako makatiis dahil hindi ako komportable sa katahimikan naming dalawa.
“A-ano, E-elijah…Naikwento sa akin ni Mang Berto na…na binili mo pala itong sakahan para sa kanila.” Sabi ko para mabasag ang katahimikan sa aming dalawa.
Nagkibit balikat lamang siya at ngumiti. Nang mapagmasdan ko ang mukha niya ay nakita kong sobrang tumatagaktak ang pawis nito kaya naman dali dali kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ko iyon. Huli na ng marealize kong hindi ko dapat ginawa iyon. Napatigil ako sa pagpunas sa mukha niya dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tinitigan ang mabuti. Napalunok ako habang nakikita kong unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Pakiramdam ko ay parang nagsisirko ang puso ko habang hawak hawak niya na ang dalawang kamay ko.
DUGDUGDUG.
Alam ko kung ano ang balak niyang gawin pero bakit parang wala man lang akong maramdamang pagtutol sa kaibuturan ko? Ang alam ko lang ay ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay huminto ang oras sa pagitan naming dalawa. Ilang pulgada na lang ang pagitan namin at magdidikit na ang mga labi namin kaya naman napapapikit na lang ako.
1…2…3…4…Ilang segundo ang lumipas pero parang wala akong naramdaman kaya naman dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at nagulat akong makitang malapad niyang ngiti habang pinagmamasdan ako.
PAKSH*T LANG! Nakakahiya! Feeling ko pulang pula ako sa nangyari at ang walang hiyang Elijah naman ay ngiting ngiti pa rin habang hawak hawak pa rin ang dalawang kamay ko.
“As much as I want to kiss you, hindi pa pwede. I don’t want you to get angry with me.” Nakangiting sabi niya sa akin. Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko at bahagya ko siyang tinulak upang magkaroon kami ng distansiya. Matapos nun ay binigyan ko siya ng masamang tingin. Pakiramdam ko kasi ay pinaglalaruan niya ako kaya hindi ko maiwasang mainis. Tumayo na ako at magtatangka na sana akong umalis pero pinigilan niya ang kamay ko. Pumiksi ako pero mahigpit ang pagkakahawak niya roon.
“Let me go, Elijah.” I said in cold threatening voice.
“I won’t. Now that I am sure what you really feel towards me, I’ll never let go of your hand. Ever.” Seryosong sagot niya habang matamang nakatingin sa akin.
Napailing ako at napakunot ang noo ko. What is he trying to say? Anong pinagsasabi niya?
“What are you saying Elijah?” Naguguluhang tanong ko rito.
Ngumiti lang siya sa akin at tumayo. Binitiwan niya saglit ang kamay ko at inabot ang tshirt niya. Matapos nun ay hinawakan niya ang kamay ko ulit at nag-umpisang maglakad. Parang bigla akong nakaramdam ng warmth habang hawak hawak ni Elijah ang kamay ko pero isinantabi ko iyon sa isipan ko.
“Hey, saan mo ako dadalhin?” Takang tanong ko rito habang napasunod na lamang ako dahil hila-hila niya ang kamay ko.
“Sa isang lugar na siguradong magugustuhan mo ng husto.” Sagot nito at kumindat pa sa akin. Feeling ko naman nag-summersault naman ang puso ko sa ginawa niya.
Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya naman napahinto rin ako. Sa harap namin ay isang puting kabayo na nakatali sa puno habang kumakain ng damo. Binitawan niya ang kamay ko at lumapit sa kabayong iyon at tinanggal ito sa pagkakatali. Matapos nun ay inilahad niya sa akin ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa renda ng kabayo.
“Sakay na.” Sabi niya sa akin. Napatunganga lang ako habang nakatingin sa kabayo. Never in my whole na nakasakay ako sa kabayo for goodness sake! Tsaka takot ko lang na magwala yan at baka bigla akong ihulog.
“M-malayo ba ang pupuntahan natin? Di ba pwedeng maglakad na lang?” Nag-aalinlangan kong tanong sa kanya.
“Matatagalan kung maglalakad lang tayo.” Sagot nito. I just looked at him with a worried face pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong hatakin at buhatin para makasakay sa kabayo.
“AAAYYY!” Napasigaw ako sa gulat ng maramdaman ko ang pag-angat ko sa lupa at pagdikit ng pwetan ko sa likod ng kabayo. Nakita kong ngumiti sa akin si Elijah at matapos nun ay sumakay na rin siya. Bale, nasa likuran ko siya at parang yakap yakap niya ako habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa renda ng kabayo. Bigla tuloy na-tense yung likod ko ng maramdaman kong dumikit iyon sa katawan niya at ng maramdaman ko ang init na nagmumula rito.
“S-saan ba kasi tayo pupunta?” Kinakabahang tanong ko habang pilit winawaksi sa isipan ko ang kakaibang nararamdaman ko habang magkalapit ang katawan namin ni Elijah.
“Basta.” Feeling nagtayuan ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang init ng hininga nito ng magsalita ito. Ipinilig ko ang ulo ko at kinalma ang sarili ko.
‘Kalma Heather, kalma.’ I muttered to myself at tumingin na lang sa dinadaanan namin.
Hindi ko man makita ang mukha ni Elijah ay ramdam kong nakangiti siya habang pinapatakbo ang kabayo. Hindi ko rin alam kung bakit nawala na rin yung takot ko na baka ihulog kami ng kabayong sinasakyan namin. Siguro kasi may tiwala ako sa nagpapatakbo nito.
---
Nakarating kami sa dalampasigan at matapos nun ay bumaba na kami sa pagkakasakay namin sa kabayo. Itinali niya muna iyon ng mahigpit at matapos nun ay muli niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta doon sa bangka kung saan merong isang lalaking mukhang may-ari nito.
“Sir Elijah! Tamang tama ang dating niyo. Maya-maya ay maglalabasan na ang mga iyon.” Nakangiting sabi nung lalaki ng makalapit kami.
“Talaga po?” Ngiting ngiting sagot ni Elijah habang nakatingin sa dagat samantalang ako ay nakakunot ang noo. Hindi ko kasi alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.
“Oho. Kaya ang mainam ay sumakay na po kaya para maabutan natin sila.” Sabi naman nung lalaki.
“Sige ho.” Sagot naman ni Elijah at tumingin sa akin. “Siyangapala, bago ko makalimutan, Heather si Mang Tonyo pala. Siya yung may-ari ng bangkang ito.” Ngumiti ako kay Mang Tonyo at ganun din naman ito sa akin.
“Mang Tonyo, si Heather po. Best friend ko po.” Pakilala naman ni Elijah sa akin kay Mang Tonyo.
“Nagagalak akong makilala ka, hija. Panigurado akong magugustuhan mo ang makikita mo mamaya.” Sabi nito sa akin.
“Mawalang galang na ho pero ano po ba iyon? Saan po ba tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ko rito. Wala na akong balak pang tanungin si Elijah dahil nakailang beses na rin akong nagtanong rito pero puro ‘basta’ at ngiti na lang ang sinasagot niya sa akin.
Para naman akong biglang na-frustrate ng ngumiti lang sa akin si Mang Tonyo at nagkibit balikat. Seriously, wala bang may balak magsabi sa akin kung saan kami pupunta?!
Naramdaman ko na lang na hinatak na naman ni Elijah yung kamay ko at sumakay kami sa bangka. Ganoon rin naman si Mang Tonyo at maya-maya’y nag-umpisa na itong magsagwan. Inabot sa akin ni Elijah ang isang life vest at pinasuot sa akin. Sinunod ko na lang siya at tahimik na nagmasid sa paligid habang patuloy na nagsasagwan si Mang Tonyo.
Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumigil sa pagsagwan si Mang Tonyo. Nasa kalagitnaan na kami ng dagat at halos hindi ko na matanaw ang dalampasigan.
“Bakit tayo huminto?” Nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa. Ngumiti lang muli sa akin si Mang Tonyo samantalang tumingin naman sa orasan niya sa braso si Elijah. Maya-maya ay nakita kong ngumiti ito.
“Malapit na.” Nakangiting sabi niya sa akin at tumingin tingin sa dagat. Sa totoo lang, kanina ko pa gusto maglupasay sa inis dahil wala man lang ni isa sa kanila ang may balak sabihin sa akin kung bakit kami naririto sa kalagitnaan ng dagat. Bumuntong hininga na lang ako at nangalumbaba habang nakatingin sa mangasul ngasul na tubig na dagat.
Ilang minuto ring bumalot ang katahimikan sa aming tatlo ng bigla na lamang nagsalita si Elijah.
“Ayan na sila.” Excited na sabi ni Elijah habang nakatingin sa iisang direksyon. Sinundan ko iyon ng tingin at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Isa…dalawa…tatlo…apat…lima…Limang mga malalaking butanding ang naglalanguyan sa paligid ng bangka namin!
“Waaaah! Mga butanding!!!” Halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa pagkamangha sa nakikita ko ngayon. Grabe! Hindi ko akalain na makakakita ako ng ganito karaming butanding. Sabi ko dati masaya na ako kahit isa lang pero tingnan mo naman, ang dami dami nilang nagpakita sa akin. Para silang sumasayaw habang lumalangoy sa dagat. Tapos merong isang medyo lumapit sa bangka namin. Gusto ko sanang mahawakan kaso bigla akong natakot.
“Hawakan mo na. Don’t worry, mababait ang mga butanding. Hindi sila nananakit unless nakakaramdam sila ng threat sa paligid.” Nakangiting sabi sa akin ni Elijah. Kahit na medyo nag-aalangan ako ay sumunod ako sa sinabi ni Elijah. At totoo nga, hindi man lang natinag yung butanding. Saglit kong hinawakan ang balat nito at para akong kinilig sa sobrang tuwa. Madulas ang balat nito na para ka lamang humawak ng isda. Maya-maya ay umalis na sa pagkakalapit sa amin yung butanding at nakipagsabayan sa paglangoy sa mga kasama nito.
Tuwang tuwa ako sa nakita ko at hindi ko inalis sa paningin ko ang mga butanding na patuloy sa paglangoy hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Matapos nun ay ngumiti ako ng malapad at bigla kong niyakap si Elijah na nakatingin na pala sa akin.
“Thank you, Elijah. Hindi ko alam kung paano mo nalaman na gusto kong makakita ng butanding pero maraming maraming salamat talaga.” Nakangiting sabi ko rito. Naramdaman kong niyakap niya na rin ako at ngumiti.
“Don’t mention it. I’ll do anything for your happiness, Heather.” Sabi niya sa akin.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top