CHAPTER 6: HIS SIDE

CHAPTER 6: HIS SIDE

 

“Hindi ko gusto si Lance para sa’yo, Heather. Not for anybody else. I don’t want to see you hanging out nor dating with other men. Ayokong makarinig na meron ng nagmamay-ari at umaangkin sa’yo. Because honestly speaking, I only want you for myself.” Tuloy tuloy niyang sabi habang seryosong nakatingin sa akin.

I was taken aback after hearing those words and it made me speechless. I don’t know what to say. It feels like I do get his point but I actually don’t. I am confused. What is he implying to?

“I love you Heather…matagal na.

Napanganga ako sa sinabi niya. Feeling ko huminto sa pag-ikot ang mundo ko sa narinig kong iyon at hindi ako makakilos. I can’t even find my voice and I’m just plainly staring at him. Pakiramdam ko rin panandaliang nagshut down yung utak ko at walang ibang laman iyon kundi ang mga salitang binitiwan niya. Did he just really confessed to me right now or I’m just imagining things? Pero hindi eh. I heard it loud and clear para pumasok iyon sa kokote ko. Hindi nga lang basta basta pumasok eh. Bumaon pa. I’m not imagining things nor dreaming. I’m in reality. Freaking reality!

Isn’t it too ironic? The person I used to love in the past just affirmed his love for me. I moved my head sideways and smiled indignantly. Is he really telling me the truth or is this some kind of a joke? Kung joke lang ito, pwes hindi siya nakakatawa. Hindi siya pwedeng joker. At kung…at kung totoo naman ito, why does he need to say it to me right now? Kung kailan nakapagmove on na ako sa kanya ay tsaka niya sasabihing mahal niya ako. Bakit hindi niya sinabi sa akin dati pa? Kung siguro noon niya pa sinabi ang mga salitang iyon, iba siguro ang naging sitwasyon namin ngayon. Hindi ako lumayo at mas lalong hindi ako nasaktan. Masaya siguro kami ngayon sa piling ng isa’t isa. Pero hindi eh. He did otherwise. Hindi ko alam at hindi ko man lang naramdaman na we shared the same feeling back then. Bakit niya hindi ipinaramdam sa akin iyon noon? And now, my question is, what is his purpose of telling me that? Anong gusto niyang mangyari? Naiinis ako sa kanya. Sobrang naiinis ako sa kanya ngayon. At…at naiinis rin ako sa sarili ko. Bakit ba ako naapektuhan sa sinabi niya? Di ba dapat hindi na? Naka-move on na ako eh. Pero ano ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako nakakaramdam ng confusion sa kaloob-looban ko? Hindi ba dapat balewala na lang sa akin kung ano man ang sinabi niya kasi katulad ng paulit ulit kong sinasabi, NAKAPAGMOVE ON na ako. Pero bakit ganito? Bakit hindi ako mapalagay at matahimik?

Ibinuka ko ang bibig ko para sabihin ang saloobin ko pero itinikom ko iyong muli. Para kasing nawalan ako ng lakas na isatinig ang lahat ng tanong na naglalaro sa isipan ko. Iniwas ko din ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko kayang makipagsabayan ng titigan sa kanya ngayon. Masyado kasi akong nararattle sa presensya niya at sa mga sinabi niya. Napakagat ako sa labi ko. Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya? Gusto kong sabihin sa kanya na wala akong pakialam kung mahal niya ako dahil matagal ko ng nakalimutan ang pagmamahal ko sa kanya pero bakit hindi ko magawang isatinig iyon? Parang merong kung anong pwersa na pumipigil sa akin na sabihin sa kanya iyon. At isa pa…alam ko sa sarili kong hindi rin naman iyon totoo. I am way too much affected with his confession na hindi ko kayang ipagkibit balikat na lamang iyon.

“I really meant what I said Heather. Mahal kita. Mahal na mahal. At kahit kailan ay hindi nagbago iyon.” He said breaking the silence and looked at me again intently.  “Alam kong wala na akong karapatan pang sabihin pa ito sa’yo ngayon dahil huli na ang lahat…dahil…d-dahil sabi mo nga ay n-nakalimutan mo n-na ako. But still, gusto ko pa rin malaman mo kung ano talaga ang n-nararamdaman ko para sa’yo. I am taking the risk of telling you that…because kahit na alam kong w-wala ng pag-asa, I am still hoping…” I can sense his pain while hearing those words from him at hindi ko rin maiwasan ang makaramdam din ng ganoon.

“B-but why now Elijah? B-bakit mo sinasabi ito sa akin ngayon? Alam mo naman na wala na akong nararamdaman na sa’yo ngayon diba? Bakit kailangan mo pang sabihin na mahal mo ako? At bakit…bakit hindi mo sinabi sa akin ito noon?” Tanong ko na napapailing pa. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader ng malinawan ang utak ko. Gulong gulo na ako at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin.

Nakita ko siyang bumuntong hininga at napapikit sa mga tanong ko.  “A-alam ko naman iyon eh. Masakit mang tanggapin na wala ka ng nararamdaman ngayon para sa akin ay wala naman na akong magagawa pa doon. After all, it’s entirely my fault. I’d been a big coward. And I’d been too scared to lose you. Hinayaan ko ang sarili kong matakot na sumugal para sa nararamdaman ko sa’yo. Nanaig sa akin ang takot na ma-reject mo. Masyado akong naging takot sa sakit na pwedeng idulot sa akin kapag nalaman mo ang nararamdaman ko sa iyo. Katulad ng mga dahilan mo kung bakit itinago mo sa akin ang katotohanang mahal mo rin pala ako.” Sagot nito at bumuntong hininga. Matapos nun ay tumingin siyang  muli sa akin. “But now, I am taking my chances, Heather. I’ve learned my lesson when you left me at hinding hindi na ako papayag na maulit pang muli iyon. I’ll do everything I can para maibalik ang pagmamahal mo sa akin. Ayoko ng matalo na hindi man lang lumalaban and it’s enough that I wasted so many years and chances at ayoko ng dagdagan pa iyon. Mahal na mahal kita na sobrang nasasaktan ako kapag naiisip kong hindi ako ang makakasama mo habang buhay.” Kitang kita ko sa mga mata niya ang determination habang titig na titig sa akin.

Napapikit ako ng mariin sa pahayag niyang iyon. Aaminin ko, parang merong kung anong mainit na humaplos sa puso ko ng marinig ko ang mga sinabi niyang iyon. Pero hindi. Hindi ako dapat makaramdam ng ganito. Hindi ako dapat ma-confuse sa nararamdaman ko. Kung ano man ang naramdaman ko sa kanya noon ay matagal ko ng tinuldukan iyon. Ayoko ng madugtungan pa iyon at umasa na naman sa isang bagay na makakasakit lang sa akin. Ayoko ng muling maramdaman ang sakit na naramdaman ko ng dahil sa kanya. Okay na ako at naka-move on na ako at dapat ipagsawalang bahala ko na lamang ang mga sinabi niya. Isa pa, meron na akong Lance sa buhay ko. Hindi ko basta-basta bibitawan kung ano man ang meron kami dahil lang naguguluhan ako sa mga pinahayag niya sa akin. Nililito niya lang ako at hindi ako dapat magpaapekto…At higit sa lahat, hindi ako dapat lubos na maniwala sa sinabi niya. Hindi ko pa rin nakakalumutan kung ano man ang sinabi ni Vera sa akjn noon. I should not fall to his trap again. Napalatak ako. Tama. Kailangan kong maging matigas kung ayaw kong maulit muli ang naramdaman kong sakit noon.

Tinigasan ko ang mukha ko at tumingin sa kanya. “I’m not letting you, Elijah. Whatever you said to me right now didn’t even change a bit my feelings toward you. Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin. Tulad ng paglimot ko ng pagmamahal ko sa’yo. We don’t share the same feelings anymore at masasaktan ka lang kung ipagpipilitan mo yang gusto mo.” I said grimly. Tumayo na ako at nagtangkang umalis pero nahagip niya ang kanang kamay ko at hinawakan niya iyon.

“Okay lang sa akin. Masaktan na kung masaktan. But still, I want to give my best on you. I know you have doubts about me loving you but I’ll prove it to you. Mahal kita at hinding hindi kita susukuan.” Ramdam ko ang sincerity at determination sa boses niya pero madali ko iyong inalis sa isipan ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at binigyan ko siya ng malalamig na tingin.

“You’ll just waste your time and effort Elijah.” Sabi ko at tinalikuran ko na siya.

---

Buong gabi akong gising dahil sa pag-iisip sa mga sinabi sa akin ni Elijah. Para kasing hindi kapani-paniwala yung mga narinig ko at baka nananaginip lang ako. Pero hindi eh. Nakailang beses ko ng kinurot at sinampal ang sarili ko at sa tuwing ginagawa ko iyon ay nasasaktan ako. Ibig sabihin ay totoo ang lahat ng iyon. Papasikat na ang araw ng nakatulog ako kaya naman nagising ako ng pasado alas diyes na ng umaga. Bumangon ako sa pagkakahiga at nakita kong maayos na nakaligpit ang kama ni Monique. Tumayo ako at dumiresto sa cr upang gawin ang morning routines ko. Matapos nun ay bumaba na ako para makapag-almusal. Bigla akong nakaramdam ng gutom ng makaamoy ako ng mabangong amoy ng nilulutong pagkain habang naglalakad papuntang kusina. Pagkarating ko roon ay nakita ko si Manang Lourdes na abala sa pagluluto.

“Magandang umaga Manang Lourdes.” Bati ko rito ng makalapit sa kanya.

“Magandang umaga rin, hija.” Nakangiting bati niya sa akin. “Hala…maupo ka na diyan at ipaghahanda kita ng agahan.”  Sabi pa nito. Sumunod naman ako rito. Nangalumbaba ako sa mesa habang inililibot ang tingin sa kusina habang si Manang naman ay kumuha ng plato sa lagayan. Nang pumunta ako rito ay hindi ko man lang napansin ang tatlong kasama ko. Nasaan kaya sila?

“Ahm, Manang Lourdes, alam niyo po ba kung nasaan sila Monique?” Tanong ko rito.

“Ay, oo nga pala. Ipinagbilin ni Monique at Lance na pupunta sila bayan dahil mayroon lang daw silang kailangan bilhin. Gusto ka nga daw sana nilang isama kaso masyado daw mahimbing ang tulog mo kaya hinayaan ka na lamang nila.” Paliwanag nito.

“Ah, okay po.” Sagot ko at tumango ako rito. Kaya pala ni anino nung dalawa ay hindi ko nakita dahil wala sila rito. Meron pa pala akong isang taong gustong malaman kung nasaan ito kaso bigla ako nakaramdam ng hiya na itanong iyon kay Manang. Ewan ko ba. Pero maya’t maya ay naiisip ko siya at pakiramdam ko ay hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko alam kung nasaan ito kaya minabuti kong itanong na lamang din.

“Manang…si ano po…si…Elijah po? Nasaan po?” Nahihiyang tanong ko rito.

Nakita kong ngumiting muli si Manang at inilapag ang isang bandehadong kanin sa harapan ko. “Nagpunta sa aplaya. Ang sabi niya ay gusto niyang tulungan ang asawa ko sa pagsasaka kaya sumama siya rito.”

“Talaga po? Marunong ba iyon? Hindi po kaya makakagulo lang siya roon? Ang alam ko ay hindi po iyon marunong ng gawaing bukid.” Nakangiting sabi ko rito. Parang hindi ko lubos maisip na marunong ng gawaing bukid si Elijah dahil napakalayo ng imahe nito bilang mangbubukid.

“Hay naku, hija. Sanay na sanay na iyon sa gawaing bukid. Simula ng mabili niya ang property na ito at sa tuwing napupunta siya rito ay hindi niya nakakaligtaang tumulong sa aking esposo sa gawaing bukid. Napakabait talaga ng batang iyon.” Kitang kita ko sa mga mata ni Manang Lourdes ang fondness niya kay Elijah habang nagsasalita ito kaya naman hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang nakikinig rito.

“Mabait po talaga iyon. Kahit na makulit iyon, ay napakamalalahanin po nun at matulungin.” Sabi ko rito.

“Sinabi mo pa hija. Kaya sobrang mahal ko iyong batang iyon. Hindi man siya galing sa sinapupunan ko ay itinuturing ko siyang tunay na anak. At ganun din naman ang aking esposo rito.” Sabi nito. Muli akong napangiti sa narinig kong iyon. Maswerte si Elijah na makakilala ng taong katulad ni Manang Lourdes. Nakakatuwang isipin na maraming tao ang nagmamahal sa kanya.

“Siyangapala, meron pala akong nais na ibahaging kwento sa iyo. Gusto mo bang marinig?” Pag-iiba ng usapan ni Manang. Tumango naman ako rito at habang kumakain ay nakinig ako rito. Naupo siya sa katabi kong upuan at matamang tumingin sa akin.

“Ang kwentong ito ay hango sa tunay na buhay. Hindi ko alam kung tama bang sa akin manggaling ang kwentong ito pero sa tingin ko ay mainam na ako na lamang ang magbahagi sa iyo nito.” Napatigil ako sa pagsubo at napakunot ang noo ko sa tinurang iyon ni Manang. Ibinaba ko ang kutsara ko at binigyan siya ng nagtatanong tingin. Ngumiti lang siya sa akin at nagpatuloy sa pagsasalita.”Sa isang matayog na lungsod ng Pilipinas, merong isang lalaking papangalanan nating Jael. Si Jael ay isang mayaman na tao ngunit napakamapagkumbaba nito. Mabait rin ito at matalino. At higit sa lahat ay habulin ng babae.” Tumawa si Manang at kumindat sa akin. Mas lalong napangunot ang noo ko sa ginawa niya. Seriously, ano ba ang gustong iparating sa akin ni Manang? “…Pero kahit maraming nagkakandarapa rito ay merong isang babae itong labis na itinatangi. Oo, nagkaroon siya ng mga flings pero kailanman ay hindi iyon lumampas roon. Masyado niya kasing mahal ang babaeng iyon na hindi niya magawang palitan ito sa puso niya. Walang kaalam alam ang babaeng iyon sa nararamdaman ni Jael. Wala kasing lakas ng loob si Jael na sabihin rito ang nararamdaman niya. Masyado kasi siyang pinangungunahan ng takot. Takot na baka lumayo ito at masira ang pagkakaibigan nila kapag nalaman nito ang totoo. Oo. Magkaibigan si Jael at ang babaeng iyon. Matalik na kaibigan…” Hindi ko maiwasang hindi mapalunok sa kinukwento ni Manang. Bakit pakiramdam ko ay kapareho ito ng kwento namin ni Elijah?

“…Maraming beses na sinubukan ni Jael na sabihin sa babaeng iyon ang nararamdaman niya ngunit hindi siya nagtatagumpay. Madalas ay pahaging na lang ang nagagawa niya at ipinaparamdam niya na lamang ang pagmamahal niya sa iba’t ibang paraan. Pero kahit ganoon ay hindi man lang nagkaroon ng hinala ang babae. Dumating ang isang araw na nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay nila. Ipinagkasundo si Jael sa babaeng iyon na magpakasal. Masaya si Jael nung nalaman niya iyon ngunit hindi niya lubusang magawa dahil iniisip niya ang nararamdaman ng babae. Alam niya kasing wala itong nararamdaman para sa kanya kaya kahit na masakit ay tumanggi siya na pakasalan ito…Pero may nangyari na naman at sa pagkakataong ito ay wala na silang nagawa kundi pakasalan ang isa’t isa.”

“…Kahit na masaya si Jael sa nangyari ay hindi pa rin naalis sa isip nito na hindi siya mahal ng babaeng iyon kaya naman kahit masakit sa kanya ay bago sila nagpakasal ay gumawa siya ng kasunduan na anim na buwan lamang sila magsasama. Hanggang sa maayos lamang ang problema na siyang tunay na dahilan kung bakit sila magpapakasal. Pero kahit ganoon ay ipinangako niya sa sarili niya na habang magkasama sila ay ipaparamdam niya rito kung gaano niya ito kamahal.”

“…Bilang regalo sa babaeng mahal niya, naisip ni Jael na magpagawa ng isang villa para dito. Sinabi niya rin sa kanyang sarili na kapag natapos na ang villa ay aaminin niya na rito ang totoo nitong nararamdaman at aayain niya itong muling magpakasal. Kaunting ayos na lang at matatapos na sana ang villa ng merong hindi inaasahang pangyayari ang dumating. Bigla na lamang humiling ang babae na maghiwalay na sila…” Nakita ko na nangilid ang mga luha ni Manang habang nagkukwento. Para namang kumikirot ang puso ko sa pakikinig sa kanya. Alam ko. Hindi ako tanga para hindi malaman kung kaninong kwento ang ikinukwento niya. Ang kwento  niya ay ang kwento naming dalawa ni Elijah. “…Kahit masakit kay Jael ang hinihiling ng babae ay wala siyang magagawa kundi ang sumang-ayon. Matapos ng pag-uusap nila tungkol doon ay hindi na nagpakita sa kanya ang babae. Nalaman niya na lang isang araw na umalis ito ng bansa. Labis na nasaktan noon si Jael sa pangyayari. Halos hindi siya kumakain at puro na lamang pag-inom ng alak ang ginawa niya. Naging masungit din ito at naging palaaway matapos ang pangyayaring iyon. He became a total havoc. Pero nahinto lahat ng iyon ng isang beses ay kausapin ito ng mga magulang ng babae. Nalaman niya rito kung ano ang tunay na nararamdaman ng babae sa kanya kaya naman labis ang naging pagsisisi niya. Nang malaman niya ang totoo ay ginusto niyang puntahan agad ang babae kung nasaan man ito pero dahil sa naging sunod sunod na problema ng kompanya kaya hindi niya iyon nagawa.”

“…Nang magkaroon na siya ng pagkakataon para makita ito ay dali-dali siyang nagdesisyong pumunta kung nasaan ang babae iyon pero pagkarating niya roon ay hindi niya nagawang magpakita sa babae. Nakita niya kasing masaya na ito sa buhay niya at meron ng ibang taong nagpapasaya dito…” Hindi ko akalain na nagpunta pala si Elijah sa Athens para lang makita ako. Siguro nung pumunta siya roon ay yung mga panahong unti-unti ko nang natutunang i-open ang sarili ko sa iba at makipagdate. “…Kaya bumalik si Jael sa Pilipinas na malungkot. Magkaganoon pa man ay patuloy pa rin niyang minahal ang babae. Hanggang sa dumating ang panahon na nagbalik na nga ito.”

Huminto si Manang Lourdes sa pagsasalita kaya naman napatingin ako rito. Nangingilid ang mga luha nito habang malungkot na nakatingin sa akin. “Bumalik nga ang babae pero nagbago na ito.” Huminga ng malalim si Manang at inabot ang kamay ko. “Dito ko na tatapusin ang kwento ko. Dahil ang totoo niyan ay wala pa itong ending. Alam ko hija, alam mo kung sino ang tunay na bida sa kwentong ito at ang ending nito ay nakasalalay sa dalawang taong iyon. Alam ko rin na wala akong karapatang ikwento at panghimasukan ang buhay nung dalawang tao na iyon pero nais ko talagang makatulong. Hindi man maging happy ang ending nila, at least alam nila kung ano ang nararamdaman nila sa isa’t isa. Alam nila pareho na pareho lang silang nasaktan at nahirapan. Kung saka-sakali man na maging happy ending ang kinwento ko sa’yo na sobrang hinihiling ko na mangyari ay ako na ang isa sa mga taong lubos na magiging masaya.” Sabi nito at ngumiti. Hindi ako nakakibo at natulala na lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Masyado ng maraming impormasyon sa utak ko na nahihirapan akong i-digest. Binitawan niya ang kamay ko at tumayo na siya. Pinatay niya na ang kalan at inayos ang mga pinaglutuan niya. Matapos nun ay naglakad na siya palabas ng kusina. Pero bago siya tuluyang lumabas ay nilingon niya ako at ngumiti.

“…Alam mo ba kung ano ang pangalan ng Villa na ito?” Umiling ako sa kanya at napakunot ang noo.

Villa Healijah, Heather. Villa Healijah.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top