CHAPTER 5: UNEXPECTED AFFIRMATION

CHAPTER 5: UNEXPECTED AFFIRMATION

 

“Hey Princess, gising na…Andito na tayo.” Nagising ako ng maramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Lance sa balikat ko. Iminulat ko ang mga mata ko at inilibot ang paningin sa paligid. Nakahinto na pala ang sasakyan at hindi ko man lang iyon naramdaman dahil sa nakatulog ako. Lumingon ako sa likod namin at nakita ko si Monique na tulog na tulog pa samantalang si Elijah naman ay pababa na ng sasakyan. Nag-inat inat ako ng kaunti at umayos ng upo. Medyo sumakit ang likod at pwetan ko dahil sa napakahabang biyahe. Ginising ko si Monique at ng makaayos na ito ay sabay sabay na kaming tatlo na bumaba ng sasakyan. Naiwan naman yung driver sa loob para i-park ang sasakyan ng maayos.

“Woah! Ang ganda ganda naman pala ng villa mo Elijah!” Namamanghang sabi ni Monique habang inililibot ang paningin nito sa malaking bahay na nasa tapat namin. Tama. Napakaganda nga ng villa na ito. Mula sa kinatatayuan namin ay kitang kita kung gaano kaganda ang istruktura nito. Meron itong dalawang palapag at ang kabuuan nito ay gawa sa matitibay na kahoy at pawid. Malaki rin ito at malapad kaya maaliwalas itong tingnan. Meron din itong malaking lanai na sa tingin ko ay masarap pahingahan. Inikot kong muli ang paningin ko at nakita ko sa gilid nito ay mayroong maliit na hardin na napapaligiran ng mga puno. Meron itong arko sa bungad at napapalibutan ng mga halamang gumapang. Para sa akin ay nakakakit iyong tingnan kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko at napalapit ako rito. Mayroong mayayabong na iba’t ibang uri ng bulaklak ang naririto sa hardin at merong iba’t ibang klase ng puno. Magaling kung sino man ang hardinero ni Elijah dahil napakaganda ng ayos nito at magaganda ang mga halamang nakatanim rito. Inikot ko na muli ang paningin ko at nakakita ako ng isang duyan na nakatali sa dalawang magkalapit na puno ng mangga. Naliliman iyon ng mga dahon ng puno kaya hindi tumatagos doon ang sikat ng araw. Lumapit ako roon at naupo. Napangiti ako ng dahan dahan kong isinway ang duyan habang nagmamasid sa paligid. Ang ganda ganda naman talaga dito. Ang tahimik at payapa pa. Ramdam na ramdam ko ang pagkaprobinsya ng lugar na ito. Bigla ko tuloy naihiling na sana ay meron din akong ganito kaganda na property.

Huminga ako at muling napangiti ng makasagap ako ng sariwang hangin. Amoy na amoy ko mula rito sa kinauupuan ko ang dagat. Hinding hindi talaga ako nagsisisi na pumayag na dito na lamang magbakasyon imbes na sa ibang lugar. Bigla ko tuloy naalala kung paano kami napunta rito.

~Flashback~

 

“Saan niyo ba balak pumunta Heather?” Biglang tanong ni Tita Caprice sa akin.

“Actually wala pa pong plano kung saan. Pero baka po sa Pagudpod na lang po since gusto ko rin pong makapunta roon.” Nakangiting sagot ko rito.

 

“I see. Maganda nga roon lalo na yung mga rock formations roon. Ay wait—maalala ko lang, bakit hindi na lang sa villa ni Elijah sa Sorsogon kayo pumunta? Believe me hija, napakaganda roon at tingin ko ay maeenjoy niyo yung lugar na iyon ng husto.” Napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Tita. Napatingin ako kay Elijah na seryosong kumakain.

 

“Really Elijah? May property ka sa Sorsogon?” Manghang tanong ko rito. Hindi ko alam na meron pala itong property sa probinsyang iyon. Pero sabagay, it’s been three years na wala akong balita sa kanya so ano pa bang inaasahan ko?

 

“Yes.” Matipid nitong sagot. Napaisip ako. Bakit nga ba hindi? Narinig ko na maganda rin daw ang probinsyang iyon at may mga puting buhangin din. Marami rin daw doong magagandang tanawin na pwedeng puntahan at i-explore. Doon nga din ata yung lugar na sinasabi nilang merong lumalangoy na butanding. Bigla tuloy akong nakaramdam ng excitement. Gustong gusto ko kasing makakita noon.

 

“What do you think Lance? Sa tingin ko mas okay kung doon na lang tayo para atleast hindi na natin kailangan magstay sa hotel. Tsaka gusto ko ring makakita ng butanding.” Ecstatic kong tanong kay Lance na noo’y nakamasid lang sa amin. “Iyon ay kung papayag si Elijah.” Dugtong ko pa sabay tingin naman kay Elijah.

 

“Walang problema sa akin.” Sagot ni Elijah sabay kibit balikat. Napangiti ako ng malaki sa sinagot niya at matapos nun ay tumingin ako kay Lance. “Ayan, okay naman na pala kay Elijah, doon lang tayo magbakasyon Lance. Please?” Sabi ko rito at nagpuppy eyes pa para pumayag ito.

 

Nakita kong bumuntong hininga ito at hinawakan nito ang kamay ko. “As you wish, princess.” Sabi niya at ngumiti.

 

~End of Flashback~

 

“Kelan mo pa na-acquire ang lupaing ito Elijah?” Tanong ko rito ng makita itong sumunod pala ito sa akin. Nasa likuran niya rin si Monique na manghang mangha pa rin sa nakikita samantalang si Lance naman ay naiwan siguro sa tapat ng bahay.

“I got this three years ago.” Sagot nito at tumingin sa malayo.

Three years ago? Hmm…Siguro nabili niya ito nung nakaalis na ako ng Pilipinas.’ Sabi ko sa sarili ko.

“Matagal na rin pala.” Nasabi ko na lamang sa kanya at inilibot muli ang paningin ko. Maya-maya ay nakita kong merong papalapit sa aming matandang babae na tingin ko ay nasa mahigit limampu na ang edad at lumapit ito kay Elijah.

“Magandang umaga Sir Elijah! Kamusta po ang naging biyahe niyo? Okay naman po ba?” Masiglang bati nito kay Elijah ng makalapit ito rito. Nagyakapan silang dalawa at matapos nilang magbitaw sa isa’t isa ay hinawakan ni Elijah ang kamay nito.

“Okay naman po Manang Lourdes. Maayos naman po ang naging byahe namin. Kayo po? Kamusta naman po kayo rito?” Nakangiting tanong naman nito sa matandang babae. Nangiti ako habang nakatingin sa dalawa. Eto ata ang unang beses na ngumiti si Elijah simula ng bumiyahe kami papunta rito. Masyado kasi siyang seryoso sa buong duration ng biyahe namin kanina at abala sa kung ano man ang ginagawa niya sa laptop niya. Madalas ay hindi rin siya sumasali sa usapan namin nila Monique at kung natanong lang ay tsaka lamang sasagot. Naisip na lang namin ni Monique na baka marami itong iniisip tungkol sa trabaho kaya hindi na lang namin ito inistorbo masyado.

“Maayos naman ako hijo.” Sagot nito at bumaling ng tingin sa amin ni Monique. “Siyangapala, sila na ba yung binanggit mo sa akin sa telepono noong nakaraang araw na mga bisita mo?”

“Ah, opo. Siyangapala, Heather, Monique. Si Manang Lourdes, siya ang katiwala ng rest house na ito. Manang Lourdes, mga kaibigan ko po.” Sabi ni Elijah sa amin. Ngumiti kaming pareho ni Monique sa kanya.

“Kamusta po? Ako po si Monique. At eto naman po si Heather.” Bati ni Monique sa matanda at hinawakan ang kamay nito. Ngumiti si Manang Lourdes sa kanya at gumanti ng hawak sa kamay ni Monique.

“Mabuti naman ako hija. Sana maeenjoy niyo ng husto ang pananatili niyo sa lugar na ito.” Nakangiting sabi ni Manang Lourdes sa kanya. Tumango sa kanya si Monique na mayroon pa ring mga ngiti sa labi at matapos nun ay inilipat na ni Manang Lourdes ang tingin sa akin. Hindi ko alam pero parang meron kung ano sa mga tingin niya sa akin na hindi ko mapangalanan. Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay ko.

“Ikaw pala…ikaw pala si Heather…” Sabi ni Manang Lourdes at marahang pinisil ang dalawang kamay ko na hawak niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit…bakit pakiramdam ko ay kilala niya ako? Napakibit balikat ako. Marahil ay naikwento sa kanya ni Elijah ang pagiging kaibigan namin.

“A-ah, opo. Ako po ang best friend ni Elijah.” Sabi ko na may alanganing ngiti sa labi. She gave me a knowing smile that made me more bemused with her action.

“Sana hija, ngayong bumalik ka na ay maayos na ang mga bagay na nasira magmula ng umalis ka.” Halos pabulong at makahulugang sabi niya sa akin na bigla ko namang ikinagulat. Ano ang tinutukoy niya?

“P-po?” Nagtatakang tanong ko. Ngumiti siya sa akin at umiling. Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay iniba niya ang usapan at tumingin sa mga kasama ko.

“Halina kayo sa loob at ng makapananghalian na kayo. Marami akong nilutong pagkain para sa inyo dahil bilin na rin ni Sir Elijah.” Nakangiting yakag niya sa amin. Nagsitanguan naman ang mga kasama ko at nag-umpisa na silang maglakad papunta sa bahay samantalang ako ay naiwang natulala dahil sa sinabing iyon ng matanda.

---

Matapos naming makapananghalian ay nagpahinga kami sa kwartong nakalaan sa amin. Merong tatlong kwarto sa ikalawang palapag ng villa na ito at napagdesisyunan na lang namin ni Monique na magsama na lang sa isang kwarto samantalang magkahiwalay naman yung dalawang lalaki. Pumasok kami sa kwarto at sabay kaming tumakbo at dumapa sa king size bed na kama. Natawa pa kaming pareho at matapos noon ay tumayo na akong mulli samantalang siya ay nanatiling nakahiga. Naglakad ako papunta sa pinaglapagan ng mga bagahe namin at kinuha iyon at dinala malapit sa closet. Inisa-isa kong inilabas ang laman noon at pinasok sa loob ng cabinet.

“Ang ganda ng rest house na ito ni Elijah ano?” Narinig kong sabi ni Monique.

“Oo nga eh. Hindi ko nga akalain na meron siyang ganito kagandang property rito.” Nakangiting sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya at ipinagpatuloy ang pagtutupi ng damit ko.

“Bru…tanong ko lang, nung nagkita ba kayo for the first time after three years ay wala ka man lang naramdaman sa kanya?” Natigilan ako sa tanong niya at this time ay nilingon ko siya na ngayon ay nakapangalumababang nakatingin sa akin habang nakadapa pa rin.

“Meron? I mean, ano ba specifically na feeling ang gusto mong itanong? Kasi sa totoo lang, na-miss ko rin naman siya kahit papaano. So I must say na meron nga. Yung feeling na na-miss mo yung best friend mo.” Sabi ko sabay kibit balikat.

“What I mean is wala na bang kabog diyan sa puso mo nung makita mo siya?” Curious niyang tanong. Napakunot naman ang noo ko sa tanong niyang iyon. “Don’t get me wrong, bru. Team HeaLan pa rin ako. I’m just wondering what did you felt when you saw him after a long time of separation.”

Natawa ako sa sinabi niya. “Seriously, Monique. You’re asking me that question?” Amused na tanong ko. Nakita ko siyang tumango at seryoso na ang mukha nito habang matamang nakatingin sa akin.

“Okay, once and for all, nothing. Really. Wala na yung kabog na sinasabi mo. I’d already told you a long time ago na matagal na akong nakapagmove on. And seeing him didn’t change a bit my feelings for him right now.” Seryosong sagot ko rito.

“Really?” Tanong niya pa ulit habang matamang nakatingin pa rin sa akin.

“Really.” I answered with conviction.

“But why do I have this feeling that it’s the other way around…”

 

“Huh?” Narinig kong merong sinabi si Monique pero hindi ko iyon naintindihan iyon dahil halos pabulong niyang sinabi iyon. Umiling siya sa akin at ngumiti.

“Wala. Sabi ko swimming tayo.” Sabi niya.

“Oh…okay. Wait. Let me finish this first.” I said at binilisan ang pagliligpit ng mga gamit ko.

---

“Why you’re still up?” Nasapo ko ang dibdib ko sa gulat ng marinig kong may nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako at ng mabistahan ko kung sino ito ay napahinga ako ng maluwag.

“Seriously, Lance. Do you really have to scare me?” Tanong ko rito at tinaasan siya ng kilay.

“Did I?” Painosente niyang sagot. Inirapan ko na lang siya at tumingin na muli sa labas. Narito ako ngayon sa lanai at nagpapahangin. Medyo namamahay kasi ako at nahihirapan akong matulog kaya naman napagdesisyunan ko na lamang magpunta rito.

“Seryoso nga, bakit gising ka pa?” Tanong niya sa akin at naupo siya sa may tabi ko.

“Papahangin lang. You? What are you doing here?” Tanong ko rito.

“Kukuha lang sana ako ng water sa kitchen ng mapansin kong open yung ilaw dito kaya napadaan ako.” Sagot nito. “Do you like me to accompany you here?”

“No. it’s okay. Alam kong napagod ka na rin dahil sa mga activities na ginawa natin kanina. Matulog ka na lang ulit.” Nakangiting turan ko rito.

“Sure?” Tanong niyang muli sa akin. Tumango ako sa kanya at muling ngumiti.

“Okay.” Sabi niya at tumayo na. “Good night Heather.” Dugtong pa nito and gave me a peck on my lips. Oops. Don’t be surprised about that. Actually, Lance and I shared kisses kahit nung nasa Athens pa kami. We may not be officially a couple but we act like one. Sabi ko nga sa inyo, I’m just waiting for the right time na sabihin sa kanya na pumapayag na akong maging girlfriend niya  though minsan naiisip ko na hindi na rin iyon kailangan dahil para kaming merong silent conformity sa isa’t isa. Mutual Understanding kung baga. But still, I want it to be official. When the right time comes.

“Good night too.” Nakangiting sagot ko rito.

He tapped my cheeks at umalis na siya samantalang ako ay muling naiwan mag-isa rito sa lanai. Muli akong tumingin sa labas at maya maya ay nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip. Hindi kasi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ni Manang Lourdes sa akin kanina at paulit ulit yung nagrereplay sa utak ko.

“Sana hija, ngayong bumalik ka na ay maayos na ang mga bagay na nasira magmula ng umalis ka.”

 

Hanggang ngayon ay iniisip ko ang ibig niyang sabihin sa tinuran niyang iyan. Ano ba ang nasira ng umalis ako? Bakit niya sinabi iyon sa akin? At bakit pakiramdam ko ay kilala na niya ako dati pa?

Biglang umihip ang malakas na hangin at nakaramdam ako ng lamig. Itinaas ko ang mga paa ko at niyakap ko ang mga tuhod ko para mabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Wala kasi akong suot na roba at tanging ang pajama ko lamang ang suot ko ng bumaba ako rito.

Maya maya ay naramdaman ko na lang na merong kung anong ipinatong sa balikat ko. Jacket.

“Lance? Di ba sabi ko sa’yo matulog ka—“ Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng marealize kong hindi si Lance ang naglagay ng jacket sa balikat ko.

“E-elijah…A-anong ginagawa mo rito?” Gulat na tanong ko rito. Nakita ko siyang naglakad papunta sa harapan ko at naupo kung saan naupo si Lance kanina. Matapos nun ay tumingin sa akin.

“Watching you.” Mas lalo akong nagulat sa sinagot niyang iyan. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. At ang mga mata niya…kitang kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Pero bakit? Bakit siya malungkot?

“H-huh?” I stuttered. I’m confused. Anong gusto niyang sabihin?... At…at ano ang dahilan ng kalungkutan ng mga mata niya?

“I am watching you. Actually, kanina pa. Doon ako nakapwesto.” Sabi niya at nginuso ang duyan doon sa may garden. Bakit hindi ko siya napansin doon kanina? At…at kung andun siya kanina pa, malamang nakita niya yung…yung pagkiss sa akin ni Lance. I mentally slapped my head. Shoot! Malamang nakita niya nga iyon. Feeling ko tuloy nakaramdam ako ng pagkapahiya. Pero saglit. Bakit naman ako mahihiya, diba?

‘Eh ano naman kung nakita niya? Wala naman na siyang pakialam doon.’ I said to myself. Pero bakit ganun? Bakit hindi ako komportable sa katotohanang na nakita niya iyon? Bakit hindi ako mapakali? At bakit ko ba inaalala kung ano ang maaari niyang isipin tungkol doon? Ipinilig ko ang ulo ko at inalis iyon sa isipan ko. I shouldn’t be bothered about that.

“B-bakit?” I asked.

Nagkibit balikat lamang siya sa akin at matapos nun ay tumingin siya sa malayo. There is an awkward silence after that. Wala ni isa sa amin ang kumikibo. We both stared outside at tingin ko ay pareho kaming nagpapakiramdaman sa isa’t isa.

“Can I ask you a question?” After a long time of silence, nagulat na lang ako muli ng biglang siyang nagsalita. I looked at him and this time I met his gaze.

“S-sure. A-ano yun?” Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kaba habang nakatingin sa kanya. Nakita ko siyang bumuntong hininga at matamang tumingin sa akin.

 “Kayo na ba ni Lance?” He asked seriously. Napalunok ako sa tanong niyang iyon. I was about to answer his question pero bigla akong nakaramdam ng pagkaalangan. At iyon ay hindi ko maintindihan kung bakit. I breathed and cleared my throat before I answered.

“Hindi pa.” I answered nonchalantly.

“Hindi…pa…” Narinig kong sabi niya and I’m sure this time I saw him smiled bitterly. Umiling siya at muling itinuon ang mga mata sa akin. “Can I be honest with you?”

Siguro kung nakikita niya lang ang utak ko, makikita niya ang isang napakalaking question mark roon.

“S-sure. T-tungkol ba saan?” Tanong ko na merong alanganing ngiti sa labi. I don’t know what he’s up to and that makes me more upset and nervous at the same time.

“Hindi ko gusto si Lance para sa’yo, Heather. Not for anybody else. I don’t want to see you hanging with other men. Ayokong makarinig na meron ng nagmamay-ari at umaangkin sa’yo. Because honestly speaking, I only want you for myself.” Tuloy tuloy niyang sabi.

I was taken aback after hearing those words and that made me speechless right now. I don’t know what to say. It feels like I do get his point but I actually don’t. I’m confused. What is he implying to?

“I love you Heather…matagal na.

Now, I am literally flabbergasted.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top