CHAPTER 5: STRAINED MARRIAGE
CHAPTER 5: STRAINED MARRIAGE
"You have to marry Elijah."
I was taken aback nang marinig ko ang mga salitang iyon. I can't believe it.
This is ridiculous!
Bakit kung kelan napag-isipan ko na dapat ko nang unti-unting patayin yung nararamdaman ko kay Elijah bigla bigla nilang sasabihin na kelangan ko siyang pakasalan?
"You're just joking aren't you?" This is exactly the same line Elijah said nung sabihin ni Tita Caprice na gusto niya kaming magpakasal. Hindi ko akalain na magagamit ko rin ang mga salitang ito sa kanila.
"We're very much serious this time, Heather. And Elijah already agreed with it." Sagot ni Daddy.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Daddy. ‘He agreed with it?’
Napabaling yung tingin ko kay Elijah. At nakita kong nakatingin din siya sa akin. Hindi ko mabasa yung expression ng mukha niya.
Kung noon nung sinabihan kami na magpakasal ay kitang kita sa mukha niya yung pagkadisgusto, ngayon naman ay napakablangko ng mukha niya. At nakakagulat lang na pumayag siya sa kasalang ito.
"Pero…b-bakit?" Iyon na lang yung nasabi ko matapos kong ibalik yung tingin ko kay Daddy.
"Heather, Listen. Para maiwasan na malipat ang control ng kompanyang ito sa kung sino man ang may hawak ng malaking share bukod sa atin, kelangan natin pagsamahin yung share na hawak ng pamilya natin at pamilya nila Elijah. At magagawa lang natin yun kapag nagpakasal kayo ni Elijah. Since the shares are under your names, mas madaling iprocess and imerge ang total shares ng bawat isa. To sum it all, if both of you will be married, 60 percent of the total shares of this company ay mapupunta sa inyo at wala nang paraan pa para mailipat sa iba ang control ng kompanya unless kayo mismo ang magbebenta." Mahabang explanation ni Daddy.
"Your Dad's right Heather. I hope pumayag ka sa naisip naming solusyon." Tito Arthur said with beseeching eyes.
I looked again at Elijah. Now, I know why he can't say no to this marriage. This will save our parents' precious company.
I took a deep breathe. Feeling ko naumid ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Para kasing hindi ma-process ng utak ko lahat ng mga sinabi nila sa akin. Bakit kasi ngayon pa? I’ve made up my mind. Ang sabi ko sa sarili ko kahapon, hindi na ako aasa pang mahalin niya and I should move forward. But now? How can I do that kung ganito naman yung nangyayari?
"Heather..." I was backed to reality when I heard Elijah’s voice. After a long moment of silence, nagsalita rin siya sa wakas. "I think we don't have any choice at this point but to marry each other." He said with a poker face.
Parang kumirot yung puso ko sa sinabi niyang iyon. Dahil lang sa wala kaming choice kaya niya ako pakakasalan?
Napangiti ako ng mapakla. Alam ko namang totoo iyon kasi kung wala kami sa sitwasyong ito nungkang pumayag siya na pakasalan ako pero para niya akong sinampal ng kaliwa't kanan sa sinabi niyang iyon. Ramdam ko kasi sa tono ng pananalita niya ayaw niya talaga pero ayaw niyang ipahalata sa parents namin. Alam ko naman kung bakit mas ayaw niya na ngayon magpakasal sa akin. Kasi nga sabi niya nakita na niya yung 'the one' niya.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Yeah... I guess so." I answered him in flat tone. Trying so hard to hide the pain that killing me inside. Ayokong mahalata niya na nasasaktan ako.
"So since both of you agree with it, we’ll prepare your wedding as soon as possible." Tita Caprice said in a cheerful voice. I know she really likes the idea of me marrying Elijah that's why hindi na ako nagtataka na despite the circumstances we have right now, she is still happy.
"Pero Dad, di kaya sila makahalata na we're just doing this to protect our right in the company?" I suddenly asked. I am trying to look for loopholes regarding this marriage para makapag-isip pa kami ng iba pang paraan. Not because I don't want this marriage to happen (because in spite of of the fact that I want to forget my feelings for Elijah, I still love him even more) but to give Elijah a chance to be free from this strained marriage.
Masokista na kung masokista, but what can I do? I love the guy. I can do anything for him even if it means I have to set him free just to make him happy.
"For sure, they won't notice it. Everyone here in this company look at you like a perfect couple. Na hindi niyo lang marealize na mahal niyo ang isa't isa. So it won't be a problem kung sasabihin natin that you both hit your head hard and realize you love each other." My dad is beaming while saying that.
I look at them except Elijah and they are all smiling. Seriously, how can they smile if we are in this serious situation?
At ngayon ko lang nalaman na ganun yung tingin sa amin ng mga tao dito sa kompanya. Hindi kaya nagiging transparent na ako sa nararamdaman ko kay Elijah kaya unconsciously eh naipapakita ko yung pagmamahal ko sa kanya? At iyon ang nakikita ng mga empleyado?
Pero bakit pati si Elijah? Imposible naman na pareho kami ng nararamdaman dahil mula't sapul, alam ko na wala siyang pag-ibig sa akin. Sumasakit lalo ang ulo ko dahil bukod sa hang-over, dumadagdag sa alalahanin ko itong sitwasyon namin.
Napahawak ako sa noo ko dahil medyo kumikirot ito.
"Are you okay?" Nakita ko yung concern sa mga mata ni Elijah na medyo lumapit sa akin.
"Yes. Medyo masakit lang ang ulo ko." sagot ko sa kanya.
Naramdaman ko na lang na hinawakan niya yung ulo ko at dahan dahan niya iyong hinilot.
"Thanks." Medyo na-ease yung pain habang minamassage ni Elijah yung ulo ko.
"Aaww…Honey, look at them? They really look so cute together." Napatingin ako kay Tita Caprice na ngiting ngiti habang nakasandal ang ulo nito sa dibdib ni Tito Arthur. Pati sila Mommy and Daddy nakangiti rin.
Pasimple kong inalis yung kamay niya sa ulo ko. Kahit na gustong gusto ko yung pagmamassage ni Elijah, kailangan ko siyang patigilin kasi bigla akong nakaramdam ng hiya sa parents namin.
Umayos ako ng upo at ganoon din si Elijah. Nagulat ako ng bigla siyang magtanong.
"When will be our wedding?" Ganun pa rin yung itsura niya habang tinatanong iyon. Blangko.
"In two weeks time. You don't have to worry about it. Kami na ang bahala sa preparations." sagot ng Mommy niya.
“Okay. Just inform me about the details. Can I go now? I have a meeting later with the marketing department.” He asked.
“Sure. After all, this meeting is adjourned.” Tito Arthur answered.
Matapos nun ay nagsitayuan na kaming lahat at lumabas ng boardroom. Dumiretso ako sa office ko at naupo sa swivel chair.
I can’t believe that this is really happening. Am I really going to marry Elijah?
Napapailing ako kapag naiisip ko ang katotohanang iyon.
‘Lord, bakit naman kung kelan pinag-iisipan ko na kalimutan ko na yung pagmamahal ko sa kanya, bigla bigla na lang merong ganitong sitwasyong susulpot at kelangan ko siyang pakasalan?’
Nakakaloko talaga minsan ang tadhana. Masyadong siyang malupit magbiro. Napayuko ako sa desk ko ng marinig kong tumunog ang telephone ko.
“Yes, Shiela?” sagot ko ng makita kong yung secretary ko ang tumatawag.
“Ma’am the CEO of IwantTravel wants to make an appointment with you regarding their room allocations.”
“Okay. When?” I asked.
“If possible daw po eh mamayang 3pm po.” Tumingin ako sa organizer ko at chineck kung meron akong appointment that time. Nung makita kong wala ay tsaka ako sumagot.
“Okay. Tell him I’ll meet him. Just inform me kung saan.”
“Yes, ma’am.”
“Okay. Thanks.” And I hanged up the phone.
Kinuha ko na yung mga documents na kailangan ko and started to work. Inabala ko ang sarili ko dahil ayoko munang isipin ang tungkol sa kasal. Hindi ko namalayan yung oras at past 2pm na pala. At hindi pa ako nakakapaglunch.
Bigla kong naalala na may meeting nga pala ako ng 3pm so I decided na kumain na lang after the meeting. At saka wala pa talaga akong ganang kumain sa ngayon.
Nang makita kong 2:30pm na sa wall clock ay tumayo na ako at umalis ng office. Nagpunta ako sa meeting place ng imimeet ko. I feel like familiar yung name nung kameet ko hindi ko nga lang maalala kung nakilala ko na ba siya o ano. And based on my secretary, he is on his early 20’s also.
I am 15 minutes early at wala pa yung ka-meeting ko so I decided to open my laptop and do some paper works while waiting for him. I am engrossed with what I am doing ng may narinig akong marahang pagtikhim sa gilid ko. I presume, he is the one I am meeting with. Dahan dahan kong itinaas ang tingin ko to see kung anong itsura niya. And I was stunned to see his face. Dali-dali kong sinort out ang sarili ko and forms a smile on my lips. Indeed, I know who is this man. How can I forget? He helped me last night. Lance Lagdameo. The man in the bar.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top