CHAPTER 3: THE ONE THAT DOESN'T CHANGE
CHAPTER 3: THE ONE THAT DOESN’T CHANGE
“Naririto na pala kayo.” Di ko namalayan na nakalapit na pala sina Mommy at Daddy kina Tita Caprice at nakipagbeso beso rito. Tumayo ako ng may mga ngiti sa labi at sasalubungin ko na sana sila ng maramdaman kong hinawakan ni Lance ang kanang kamay ko. Tumingin ako rito at nakita kong ngumiti siya sa akin at tumayo rin. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon pero ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at ngumiti sa kanya. Matapos nun ay sabay kaming naglakad papunta kina Tita.
“Hi Tita, tito!” Masiglang bati ko sa mag-asawa ng makalapit kami ni Lance sa kanila. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Lance sa akin at niyakap ko si Tita Caprice samantalang tinapik naman ako sa balikat ni Tito Arthur. Pinakilala ko sa kanila si Lance at kinamayan naman ito ni Tito Arthur. Si Tita Caprice naman ay ngumiti rito pero sa hindi ko malamang dahilan ay parang nakita kong merong kung ano sa mga mata nito habang pasalit salit ang tingin niya sa amin ni Lance na noo’y nakaakbay na sa akin. I just shrugged my shoulders with the thought thinking na baka guni-guni ko lamang iyon. Matapos batiin ni Lance ang mag-asawa ay tumingin naman ako sa likuran ng mga ito at sinalubong ang mga matang alam kong kanina pa nakatingin sa akin. Honestly speaking, na-miss ko talaga ang lalaking ito. It’s been three years since the last time I saw him and I’m really happy na makita siya ngayon. I smiled at him nang magtagpo ang tingin namin.
“Hi Elijah!” Masiglang bati ko rito and waved my hand. Marahan kong inalis ang braso ni Lance sa aking balikat at lumapit sa kanya. “Kamusta ka na?” Sabi ko pa rito.
Hindi ito sumagot bagkus ay mataman niya lang akong tiningnan. Hindi ko din alam kung bakit pero pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang paligid at lahat ng atensyon ng mga taong kasama namin ay nasa sa amin ni Elijah. Weird. Kita rin sa mukha nila ang pagkagulat sa ginawa kong pakikipag-usap kay Elijah. Napaisip tuloy ako kung bakit sila nagkaganun nung marealize ko ang dahilan. Natawa ako sa sarili ko bigla ng maisip ko iyon. Akala siguro nila ay magiging cold ang treatment ko kay Elijah after what happened way back then. Tsk tsk. Hahaha. Really. Napapailing na napapangiti na lang ako habang tinitingnan sila. Muli akong tumingin kay Elijah at nakita kong nakatitig pa rin ito sa akin.
“Hey, Elijah!” I snapped my fingers sa harap ng mukha niya para kunin ang atensyon nito. Para naman itong natauhan at alanganing ngumiti sa akin.
“H-heather…” Banggit nito sa pangalan ko. Aww…bigla ko tuloy namiss ang pagtawag niya sa pangalan ko. Ngumiti ako sa kanya at muling nagsalita.
“Long time no see, best friend! Na-miss kita.” I honestly said to him still having the big smile on my face. Parang saglit itong natigilan sa sinabi ko tsaka siya nagsalita.
“Yeah…I m-missed you too.” Sagot nito at muling ngumiti sa akin. I don’t know why but it seems like Elijah is not on his usual self. Para kasing wala ito sa sarili habang mataman na naman niya akong tinitingnan. Siguro kung ako pa rin yung dating ako ay hindi ko kakayaning salubungin ang mga tingin niya ngayon at maiilang pero sabi ko nga, iyon ay kung ako pa rin yung dating ako. Tiningnan ko na lang din siya at ngumiti. Habang tinitingnan ko ang mukha niya ay narealize ko na halos wala pa rin pala itong pinagbago. Gwapo pa rin ito tulad ng dati. Kung meron mang pakiramdam ko ay naiiba sa kanya ngayon ay siguro ay ang mga mata nito. Meron kasing kung ano sa mga mata nito na nagsasabing sa kabila ng mga ngiti sa labi nito ay nagtatago roon ang isang hindi maipaliwanag na kalungkutan which I actually find it weird. Ano naman ang magiging dahilan ng kalungkutan niya hindi ba? Nabangggit kasi sa akin ng Mommy niya kaninang naglalunch kami na okay naman ito.
‘Perhaps, work related kaya siya ganyan.’ Sabi ko sa sarili ko and shrugged my shoulders.
“Ahem.” Para akong nabalik sa huwisyo mula sa pag-eeksamin ko kay Elijah ng marining ko ang malakas na pagtikhim ni Lance. Tumingin ako rito at nakita kong seryoso itong nakatingin kay Elijah. Nakita kong tiningnan rin ito ni Elijah at nakita ko ang pagtiim bagang nito bagay na ikinakunot ng noo ko. Nagtitigan silang dalawa at nakaramdam ako ng pagkailang. Pakiramdam ko kasi ay merong namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.
“O-oh, by the way Elijah. Si Lance. Natatandaan mo pa ba?” Sabi ko na lang to caught their attention. Muling ibinaling sa akin ni Elijah ang tingin niya at tumango. Matapos nun ay seryosong tumingin itong muli kay Lance at inilahad ang kamay.
“Kamusta Lance?” He asked in a very serious tone. I looked at Lance at nagulat na lang ako ng bigla itong nagsmirk.
“I’m fine, dude. Very much fine. Right, Heather?” Sabi pa nito at tumingin pa sa akin. Bigla tuloy ako naguluhan sa inakto niya at napatango na lang sa tanong niya. Nakita kong inabot nito ang kamay ni Elijah at nakipagshake hands rito pero ramdam ko na mahigpit ang pagkakahawak niya rito at ganoon din si Elijah. Pakiramdam ko tuloy ay nagtatagisan sila ng lakas.
“W-well, let’s have dinner?” Halos gusto kong takbuhin at yakapin si Mommy ng marinig ko siyang magsalita at basagin ang nakakabinging katahimikan at tensyon na bumalot sa amin. Hindi ko kasi maintindihan ang ikinikilos ni Elijah at Lance kaya laking pasasalamat ko ng magsalita si Mommy at mag-aya ito. Nakita kong nagbitaw na rin silang dalawa sa wakas at parehong tumingin kay Mommy.
“Tara na? Mukhang masarap ang iniluto mong hapunan Hailey at naamoy ko mula rito.” Sabi naman ni Tito Arthur.
“Oo naman! Sinarapan ko talaga yung niluto ko dahil ayaw ko namang mapahiya sa inyo.” Nakangiting sagot ni Mommy.
“Ano ka ba Hailey? Dati ka naman ng masarap magluto kaya effortless lang sa’yo iyon.” Sabi naman ni Tita Caprice. Nagtawanan ang mga magulang namin ni Elijah samantalang ramdam kong nagpapakiramdaman pa rin silang dalawa ni Lance.
“Tara na po?” Yakag ko sa mga ito. Ngumiti naman sa akin sila Mommy at Daddy at nag-umpisa na silang maglakad kasama sina Tita Caprice papuntang dining area. Gusto ko na sanang sumunod kina Daddy kaso hindi pa rin gumagalaw itong dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko.
“U-uy, di pa ba kayo nagugutom?” Tanong ko sa dalawa. Sa pagkakataong ito ay tumingin sa akin si Lance at ngumiti. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya at hinawakan ang kanang kamay ko ng mahigpit.
“Halika na?” Nakangiting sabi niya sa akin. Napatango na lamang ako rito at nag-umpisa na kaming maglakad. Nilingon ko si Elijah at nakita ko ang pagkuyom ng palad nito habang nakatingin siya sa amin. Hindi ko alam kung bakit pero meron akong kung anong naramdaman nang makita ko ang itsura nito pero dali-dali ko rin yung tinanggal sa isipan ko at ipinagkibit balikat ko na lamang. Maya maya ay naramdaman kong sumunod na ito sa amin.
---
Masaya kaming nagkwentuhan sa hapag kainan habang si Elijah naman ay nanatiling tahimik. Gusto ko sana siyang kausapin at kamustahin pero hindi ito sumasali sa usapan. Kapag tinatanong ito ay sobrang tipid ng isinasagot nito. Si Lance naman ay parang naging bangkero ng kwento. Panay ang banat nito ng mga jokes at panay kwento sa mga pinaggagagawa namin nung nasa Athens kami samantalang tawa naman ng tawa ang mga magulang ko at magulang ni Elijah sa kanya.
“…At alam niyo po bang etong si Heather nung isang beses na namasyal kami sa may National Garden? Halos ayaw niya na pong umuwi kasi nainlove daw siya sa place. Sabi niya pa papatayo daw siya ng bahay doon as if naman pwede. Nagmukha pa kaming mga may sayad doon dahil naghilahan kaming dalawa para lang makauwi.” Narinig kong tumawa sila Daddy sa kinwentong iyon ni Lance kaya bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Walanjo talaga itong lalaking ito. Pinaalala pa. Psh.
“Baliw ka talaga Lance! Dami-daming pwedeng ikwento iyon pa.” Sabi ko rito at pinalo ang braso nito. Tumawa lang siya sa akin kaya naman napa-pout na lamang ako. Maya maya ay naramdaman ko na kinurot niya ang pisngi ko.
“A-aray, Lance! Masakit yun ah!” Sabi ko sa kanya at inalis ang kamay niya.
“Ang cute cute mo kasi eh kapag nagpapout eh.” He said while grinning at me pero inismiran ko siya at gumanti ako. Napa-aray siya sa ginawa ako at nagulat ako ng hawakan na naman niya ulit yung pisngi ko at pinisil muli iyon.
“A-aray! Bitaw na Lance! Ma-mashakit na!” Sabi ko rito. Loko loko tong lalaki na ito! At gumanti pa talaga. Takte!
“A-y-a-w. I-ikaw unang bumitaw.” Sabi nito at mas lalong pinanggigilan ang pisngi ko. Narinig kong nagtawanan sila Daddy at inaawat kaming dalawa na tigilan na namin yung ginagawa namin pero sadyang sadista itong si Lance at ayaw bumitaw ang loko.
“Tama na kashi Lance—“
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng pareho kaming natigilan kasi biglang umingit ng malakas ang upuan ni Elijah at tumayo ito.
“Pasensya na po pero kailangan ko na pong umalis. May importante pa po kasi akong pupuntahan.” He said with a blank face while looking at my parents.
“Elijah! Hindi pa kami tapos kumain. Let us finish first before you leave. Nakakahiya naman kina Tita Hailey mo.” May diing sabi ni Tita Caprice.
“No, Caprice. Okay lang. Naiintindihan namin. Kung kailangan mo na talagang umalis, okay lang talaga Elijah. Just come back another time.” Masuyong sabi ni Mommy. Nakita kong tumango at ngumiti si Elijah kay Mommy at matapos nun ay naglakad na ito papalabas ng dining area. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa amin ni Lance at tuloy tuloy na naglakad papalabas. Napasunod na lamang ako ng tingin rito at ng hindi ko na ito matanaw ay nagkibit balikat na lamang ako.
---
“Can you stay na lang here, anak? I hope you won’t come back sa Athens.” Sabi sa akin ni Mommy. Naririto ako sa may lanai at nagpapahangin ng lumapit sa akin si Mommy. Umalis na ang mga bisita namin at si Daddy naman ay umakyat na para magpahinga. Naupo sa tabi ko si Mommy at hinawakan nito ang dalawa kong kamay. “Please anak? Please stay here.”
I sighed at my mother’s request. This isn’t the first time my mother requested that. Even before nung nasa Athens pa ako, everytime na magkausap kami sa phone ay palagi niyang sinasabi iyan which I always refused.
“Mom, you know naman na I can’t right? If I’ll stay here, wala ng magmamanage ng business natin doon.” I explained.
“You can always manage the business there from here Heather. What’s the use of technologies, right? Isa pa, we have competent workers there who can handle the business kahit na naririto ka sa Pilipinas. We are getting older anak. At ang gusto lang namin ay makasama ang nag-iisang unica hijah namin. Mahirap bang pagbigyan iyon anak?” She pleaded. I sighed again. Actually, she has a point. Kayang kaya ko namang i-manage ang business namin doon from here pero hindi ko din kasi alam kung bakit ayaw kong magstay rito sa Pilipinas. Oh, let me rephrase that, hindi naman sa ayaw pero gusto ko na kasi ang environment ko doon sa Athens kaysa rito kaya ayaw kong pagbigyan ang request ni Mommy. I know I’m being selfish given what she said why I should stay here but…but…basta. Something inside me is stopping me from staying here. Siguro…siguro kasi feeling ko I do not belong here anymore.
“Please think it over, again. Please.” She almost begged when she said that. Para namang nakonsensya roon kaya kahit labag sa loob ko ay napatango ako. My mom smiled wildly when she saw me nodded and patted my hair.
“Thank you anak.” Sabi niya sa akin. I smiled back at her and hold her hand.
“I love you, Mom.” I said sincerely while looking directly in her eyes.
“I love you too, Heather.” She answered and embraced me. I smiled when I felt my mom’s warmth. It really feels so good to be with her arms. I can feel calmness and happiness sa tuwing niyayakap ako ni Mommy ng ganito.
---
I woke up early today to do my morning routine. Matapos kong mag-ayos at magpalit ng attire na pangjogging ay bumaba ako at dumiretso sa dining area. Nagulat ako ng makita ko si Daddy na gising na at umiinom ng kape.
“Hi Dad! Good morning.” Masayang bati ko rito at humalik sa pisngi nito.
“Good morning too, Heather.” Sagot niya sa akin at ngumiti. “Jogging?” Tanong nito matapos niya akong tingnan.
“Yeah. And I’ll also take the chance na ikutin ang subdivision natin since I almost forget where’s this and that after so long being away from here.” I said beaming at him.
“Okay. Take care.” Sabi nito sa akin at ngumiti.
“I will.” Sagot ko rito at ngumiti. Matapos nun ay nagpunta ako sa dirty kitchen at kumuha ng bottled water sa ref na dadalhin ko sa pagja-jogging. Pagbalik ko sa dining area ay nagpaalam na ako kay Daddy.
“See you later, Dad.” Sabi ko at naglakad na papalabas ng dining area. I am almost one step away from the door when he called my name.
“Heather.”
“Yes Dad?” I answered matapos ko itong lingunin.
“Would you like to come with me later to visit our office?” Tanong niya sa akin. Parang naexcite ako bigla sa sinabi nito at napangiti ako. I gladly nodded at him.
“Sure Dad. After all, namiss ko na rin yung mga co-employees ko doon.” Nakangiting sagot ko rito. Ngumiti ito sa akin at tumango. Matapos noon ay tuluyan na akong nagpaalam at naglakad papalabas.
Nang makalabas ako ng bahay, I put my earphones on and scroll my phone to choose songs na pakikinggan ko while jogging. Nang makapili na ako ay nag-umpisa na akong tumakbo. I smiled when I felt the morning breeze passed through me.
‘Aaahh, this is life!’ I said to myself na meron pa ring ngiting nakapagkit sa labi ko.
Sa pagtakbo ko, marami akong napansin na pagbabago sa subdivision namin at na-aamuse na lang ako habang tinitingnan ang iyon. Halimbawa, mas lumaki yung club house at yung badminton court naman eh napalitan na ng pintura at mas marami na ang bleachers.
Nang mapadaan naman ako sa basketball court ay napangiti ako ng may makita akong mga binatilyong naglalaro. Their faces are not familiar and I guess, sila yung mga bagong neighbors namin na hindi ko na naabutang dumating kasi nga umalis ako. Medyo malayo layo na rin yung natatakbo ko when I suddenly stop ng makita ko ang particular na area na iyon.
I smiled. Memories flooded me. Kung meron mang isang lugar sa subdivision na ito na marami akong alaala, of course bukod sa bahay namin, ay itong lugar na ito iyon. Parang merong kusang utak ang mga paa ko at dahan dahan akong lumapit sa isang swing na naroon at naupo. Tinanggal ko ang earplugs sa tenga ko at matapos nun ay inilibot ko ang paningin ko. Napangiti akong makita ang mangilan-ngilang bata na naglalaro. Aww…If there is one place na hindi nagbago sa subdivision namin, marahil ito na iyon. Parang kung ano ang itsura nito bago ako umalis ay ganoon pa rin ito.
I gently swayed the swing para maiduyan ako nito at itinangala ko ang mukha ko habang nakapikit. Muli na naman akong napangiti. Sobrang namiss ko ang lugar na ito. Nang mapagod ako sa pagsu-swing ay huminto ako at nangalumbaba. Napatingin ako doon sa batang babae at lalaki na masayang naglalaro sa buhanginan. Bigla ko tuloy naalala si Elijah. Ganyan din kasi kami noong mga bata pa kami. Masayang naglalaro na walang pinoproblema. I smiled with the thought.
Engross na engross ako sa panonood sa dalawang batang iyon na hindi ko namalayan na may naupo na pala sa katabi kong swing. I nearly jump dahil sa gulat ng bigla na lang may nagsalita.
“How are you Heather?” Hindi ko na kailangan lingunin pa para alamin kung sino ang nagsalita. Kilalang kilala ko ang boses na iyan kahit na hindi ko pa nakikita ang mukha nito. Hindi ko man siya nakita at nakausap sa loob ng tatlong taon, alam na alam ko pa rin ang boses nito. Nilingon ko siya at sinalubong ang mga mata niyang matamang nakatingin sa akin.
“Perfectly fine, Elijah.” I answered while beaming at him.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top