CHAPTER 3: HIS 'THE ONE'

CHAPTER 3: HIS ‘THE ONE’

 

"Do you, Elijah Montefalcon accept Heather Lopez to be your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or worst, for richer or for poorer,in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" I look at Elijah after the priest spill his line for the wedding vows.  

I am nervous and the same time very happy to see him standing right in front of me. Wearing his black tuxedo that suits him well and looking at me tenderly. Lahat ng taong malapit sa puso namin are here at the church. Witnessing our union. I can see they are all happy to be here. And I can see our parents shedding tears due to happiness because they would be able to fulfill their promise to each other. 

"I do." He answered. 

"Do you, Heather Lopez, accept Elijah Montefalcon to be your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or worst, for richer or for poorer,in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" And now, it’s my turn to answer. I look at him again and my heart skips a beat as I meet his gaze. Oh, I really love this man. 

I am about to answer when someone shouted coming from the outside.

  

"Itigil ang kasalang ito! Hindi siya mahal ni Elijah! Ako ang mahal niya! At ako ang dapat niyang pakakasalan!" Bigla akong nakaramdam ng panginginig ng marinig ko ang mga salitang iyon. Parang paulit-ulit iyon na sumasaksak sa pagkatao ko.

Tumingin ako ulit kay Elijah. Malungkot ito. Sobrang lungkot. Nang magtagpo ang aming mga mata, tiningnan niya ako ng tingin na nagsasabing 'tama yung sinabi ng babaeng iyon.'

   

He mouthed ‘I'm Sorry’ to me at iniwan ako rito sa altar. Lumapit siya doon sa babaeng iyon at sabay silang tumakbo papalabas ng simbahan. Feeling ko napako ang mga paa ko mula sa pagkakatayo ko at hindi ako makakilos.

Rinig na rinig ko ang malakas na bulungan ng mga tao na nagsasabing kaawa awa daw ako dahil meron akong runaway groom. 

My heart shattered into small pieces seeing them leaving the church. I started to cry. He left me with a broken heart. Napaluhod ako at napahagulgol ng iyak.

"Huwag mo kong iwan! Mahal na mahal kita!" I yelled habang tuloy tuloy na umaagos ang luha ko. 

"Heather…" I heard a voice pero hindi ko magawang tingnan kung sino ito because I’m mourning for my heart na unti unting namamatay sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

  

"Heather…"

"Heather…"

"Heather, wake up!"  Napadilat ako bigla at napabangon. Nagulat ako ng makita si Elijah na nakaupo sa kama ko habang hawak ako sa magkabilang balikat.

‘Panaginip lang pala.’ Sabi ko sa sarili ko at napahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang dahil kung totoo iyon eh baka mabaliw ako sa sobrang depression. Muli akong tumingin kay Elijah tsaka ko lang na-realize na mukha akong bruha ngayon at baka nagmumuta pa ako dahil kagigising ko lang.

  

"What are you doing here?" I asked trying hard to cover my nervousness in my voice. Sino ba naman ang hindi? He’s only inches away from me and I am only wearing a night dress at manipis yun! Tinanggal ko pa man din yung bra ko bago matulog kaya kitang kita ang dibdib ko. Mabilis kong hinatak ang kumot at katawan ko. 

   

"It's past ten am already. I was calling you kanina but you didn't answer my calls that's why pumunta na lang ako dito. Nakalimutan mo ata na may lakad tayo ngayon." paliwanag nito at tumayo siya at pumunta sa may bintana.

"Shit!" I cursed. Oo nga pala, I promised na sasamahan ko siya bumili ng ipangreregalo niya sa kaibigan niyang babae na ikakasal na. It's sunday ngayon kaya wala kaming pasok. 

"I'm so sorry, Elijah. Napahaba yung tulog ko. Give me an hour para makapag-ayos." Tatayo na sana ako habang nakabalot pa rin kumot ang katawan ko nang bigla siyang lumapit sa akin at naupo muli sa kama ko. 

"You were crying kanina while you were asleep. Mind to tell me kung ano yung napanaginipan mo?" He looked at me intently. Mababakas mo sa mukha niya yung labis na pag-aalala. 

Napahawak ako sa mata ko. Oo nga. Totoo ngang umiyak ako kasi may traces pa ng luha. 

"A-ah..n-nanaginip kasi ako ng nakakatakot. O-oo. T-tama. N-naganinip ako na may halimaw na gustong pumatay sa akin. A-ayon, sa sobrang takot ko siguro napaiyak ako nang hindi ko namamalayan." Pagsisinungaling ako at umiwas ako ng tingin sa kanya. Kilalang kilala niya kasi ako. Madali niyang nalalaman kapag nagsisinungaling ako o hindi. At iyon ang isang bagay na hindi ko alam kung paano niya nagagawa.

Hindi siya umimik na ipinagtataka ko. Tumayo na siya ulit at dumiretso sa pintuan. Bago siya lumabas ay nagsalita siya. 

"Mag-ayos ka na. Hintayin na lang kita sa sala niyo." At isinara niya na ang pinto.  Napahinga ako nang malalim. Maya-maya ay dali-dali akong tumayo sa kama at dumiretso sa banyo.

  

---

"Eto na lang bilhin mo. Hindi ba mahilig siyang magluto? Oh ayan, para kapag lulutuan niya yung husband niya magagamit niya yan." pagsasuggest ko sa kanya.

Andito kami sa kitchenware area sa isang department store dito sa mall.  Naninibago ako sa katahimikan ni Elijah. Simula pa kanina sa bahay ay hindi siya masyadong umiimik. Sobrang tipid din nitong sumagot kapag tinatanong ko.

  

"Sige. Iyan na lang." Tinawag niya yung isa sa mga sales lady na nagpacute muna sa kanya bago lumapit.

  

"Yes sir?" Maarteng tanong nito. 

"We'll take this one. And pakigift wrap na rin. Thanks." Sabi ni Elijah sa babae.

"Okay po sir. Pakibayaran na lang po sa counter." Sagot nito at kinuha yung item. Sinundan namin yung sales lady papunta sa may counter at binayaran ni Elijah yung binili namin.  Hinintay naming matapos i-wrap yung binili namin at matapos nun ay lumabas na kami sa department store.

Past three pm ng pagtingin ko sa orasan kong pambisig kaya naman inaya ko muna si Elijah na magmerienda muna. Medyo nagutom din kasi ako kakalibot at kakahanap namin ng pwedeng ipangregalo sa kaibigan niya. Kumakain na kami sa isang restaurant ng maisipan kong magtanong sa kanya. Sobrang tahimik niya kasi at hindi siya masyadong palakwento na sobrang ipinagtataka ko.

"Uy, may problema ka ba? You've been silent simula pa kanina. Care to tell me?" kanina pa kasi ako naiintriga kung bakit ang tahi-tahimik niya. Not that Elijah is talkative but there is something in his silence that bothers me so much.

Hindi siya sumagot agad. Maybe tinitimbang niya kung sasabihin niya ba o hindi yung saloobin niya kung ano man iyon.

"Heather…" Finally he talked. "Just in case, there is someone na manakit sa'yo in any way, don't hesitate to tell me, okay? Para naman maiganti kita kahit isang suntok lang." seryosong sabi niya sa akin.

Ano bang nangyayari kay Elijah? Bakit bigla-bigla naman siyang nagsasabi ng kung ano ano. Nauntog ba siya kanina at kung ano-ano ang pinagsasabi? 

"Oo naman. Ikaw ang best friend ko diba? Kaya siyempre magsasabi ako sa'yo. Tsaka don't worry, as of now, wala pa namang nananakit sa akin. Subukan lang nila. Hahaha." sabi ko na lang. Feeling ko kasi iyon yung mga salitang gustong marinig ni Elijah mula sa akin.

"Glad to hear that." Sabi niya at inabot ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Ngumiti ako sa kanya at ganun din naman ang ginawa nito.

Matapos nun ay Ipinagpatuloy na namin yung pagkain at bumalik yung dating sigla niya. Minsan talaga, ang hirap hulihin ng mood nitong si Elijah. Paiba-iba. 

Nagpaalam si Elijah na pupunta muna siyang comfort room. Nakakailang hakbang pa lang siya mula sa table namin nang may bumunggo sa kanyang babae. 

Napasinghap ako ng makita kong natapunan si Elijah ng juice na hawak hawak nung babaeng nakabangga sa kanya.

"I'm so sorry, mister. Sorry for my clumsiness." Hinging dispensa nung babae at parang di magkandaugaga sa pagpunas sa damit ni Elijah gamit ang panyo nito. 

The girl is beautiful. She looks like a model and has finesse the way she talks.

Napatingin ako kay Elijah. Hindi ito nagsalita agad. He is just still looking at the girl. Napagdesisyunan ko nang lumapit. 

"Are you okay, Elijah?" I said when I come near him. 

"Y-yes. I'm okay." Nagsalita din siya sa wakas. Panay pa rin punas ng panyo nung babae dun sa chest part ng damit ni Elijah na nabasa. "Don't worry miss, It's okay. You don't have to do that." sabi nito. 

"I am really sorry for what happened. How can I compensate you?" she asked.

  

"It's really nothing. You don't have to worry. Anyway my name is Elijah Montefalcon and this is my best friend, Heather Lopez. And you are?" pagpapakilala ni Elijah dun sa girl.

"I'm Vera. Vera Louise Santiago. I'm really really sorry, Elijah. Maybe I can treat you dinner para makabawi man lang ako sa'yo." Sagot nito at inabot ang nakaabang na kamay ni Elijah. They shook their hands and smiled to each other. The way this Vera girl smile to Elijah, I knew she’s flirting. Bigla  tuloy nag-init ang ulo ko at feeling ko ay kumukulo ang dugo ko sa inis.

"Maybe, next time Vera, may pupuntahan pa kami ni Elijah later." singit ko. Feeling ko kasi nakalimutan na nila na andito lang ako sa harap nila.

  

"Ganoon ba? Well, here's my number. Just call me when will you be free para makabawi ako sa kasalanan ko sa'yo." sabi nito sabay abot ng calling card kay Elijah na kinuha nito mula sa purse niya. 

Gusto kong mag-roll ng eyes ng kinuha naman iyon ni Elijah.

  

"Okay. If you insist. Anyway, I have to go to the bathroom. I'll just fix this. Nice meeting you, Vera." sabi niya at inabot ang kamay niya for a shake hand.

"Nice meeting you too, Elijah and again, my apology." She said and smiled sweetly. Matapos nun ay ibinaling naman niya ang tingin niya sa akin at ngumiti. Gusto kong mapapalatak sa inis habang kaharap ang babaeng ito. Now that Elijah’s leaving, tsaka niya lang ako papansinin? Ang sarap lang sabunutan. Bwisit. Bigla ko tuloy naisip na baka she really intentionally bumped Elijah for a purpose. Flirt.

"Nice meeting you also, Heather." 

"Same here." Labas sa ilong kong sabi. Ayokong makipagplastican sa kanya, but out of courtesy kahit naiinis ako ay hindi ko pwedeng gawin iyon.

"Excuse me." Paalam ni Elijah at nagpunta ng bathroom.

"I guess I also need to leave. Naghihintay yung kasama ko outside. Hope to see you both of you again." At nakipagbeso beso siya sa akin.

  

'Sana hindi na.' Sabi ko sa sarili ko and fake a smile to her.

Umalis na siya at bumalik ako sa table namin. After few minutes, bumalik na si Elijah at naupo sa harap ko. Tinanong nito kung nasaan na si Vera at sinabi kong umalis na dahil may naghihintay ito sa labas.

"Heather, I think I found 'the one'!" excited niyang sabi sa akin.

Napakunot yung noo ko sa sinabi niyang iyon. 

"What do you mean?" tanong ko sa kanya. 

"Remember what I told you long time ago. Yung tungkol sa babaeng gusto ko makasama habang buhay? I think I already found her." He said with a dreamy voice.

Parang kumirot yung puso ko sa sinabi niyang iyon. Ibig sabihin, walang wala na talagang pag-asa na maging ako iyon. Para akong sinampal sa katotohanang iyon. 

"T-talaga? S-sino naman yung malas na babae?" Pinilit kong huwag pumiyok at pinigilan kong umiyak habang sinasabi iyon.

"Malas talaga? Swerte niya kaya sa akin." sabi nito at tumawa ng malakas. 

'Oo, ang swerte swerte niya. Kasi mararanasan niyang mahalin ng isang Elijah Montefalcon na habang buhay ko na lang na pangarap.' sabi ko sa sarili ko. 

"So, sino nga?" I forced myself to smile at him. Ayokong ipakita sa kanya na unti unting nadudurog yung puso ko sa mga oras na ito.

"Yung girl kanina. Si Vera. She looks like an angel to me. Feeling ko huminto sa pag-inog yung mundo ko kanina habang kaharap ko siya." nangingiting sabi nito.

Ouch. It hurts. It hurts na malaman na hindi ko nagagawa sa kanya yun kapag magkasama kami.

Naiinis din ako sa mga oras na ito. Bakit sa dinami daming babae, bakit si Vera pa? Hindi ko pa man din siya gusto.

"T-talaga? W-well, congrats. Gawin mo lahat ng makakaya mo if you think she is 'the one' you're telling me." I said to him habang pinipigilan kong huwag umiyak. "I think I need to go to the rest room." sabay tayo ko at naglakad ng mabilis papuntang cr. Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa dahil baka makita niya ang unti-unting namumuong luha sa mga mata ko. 

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle ng cr at umiyak ng umiyak. Ang sakit sakit ng puso ko.

Hindi ko akalain na ganoon niya kabilis makikita yung 'the one' niya. Akala ko, magkakaroon pa ako ng pagkakataon na mahalin siya ng mas matagal. Pero sa nangyayari, mukhang kailangan ko ng itigil ang kahibangan ko.

Kailangan ko na rin atang matutunan yung sinasabi nilang 'art of letting go' para sa ikakasiya niya.

At para na rin huminto na ako sa kakaasa sa isang bagay na imposibleng mangyari.

Ang mahalin din niya.

Hinamig ko ang sarili ko at nag-ayos. Hindi pwedeng makita ni Elijah na umiyak ako. Kasi alam kung kukulitin niya ako kung bakit. At ayaw kong mangyari iyon dahil baka hindi mapigilan ang sarili ko at masabi ko sa kanya yung nararamdaman ko.

Lumabas na ako sa rest room at lumapit kay Elijah. Isang ngiti ang muling pinakawalan ko.

Isang ngiting magtatago ng hapdi at kirot ng puso ko nararamdaman ko sa mga oras na ito.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top