CHAPTER 29: EXCRUCIATING TRUTH

CHAPTER 29: EXCRUCIATING TRUTH

 

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Monique habang kausap ko siya sa phone. Mabuti na lang at gising pa siya kahit madaling araw na dahil kailangang kailangan ko ngayon ng makakausap. Feeling ko kasi sasabog na yung puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. I smiled bitterly and wiped away my tears.

“Y-yeah…I guess. I-I think this will be better for the both of us.” I answered trying to control my sob.

“Heather…” She paused for a minute and talked again. “I…I actually don’t know what to say. I know kung gaano kabigat yang nararamdaman mo ngayon pero pag-isipan mong mabuti yang desisyon mo. I don’t want you to suffer in the end…” Ramdam ko ang concern sa boses niya at hindi ko naman napigilan ang sarili kong muling mapaiyak.

 “No…A-ano pa bang dapat pag-isipan Monique? I love him and he loves somebody else. I am hurting for trying to keep him on my side while he is hurting too because he can’t be with Vera because of me. Isn’t it enough reason para tapusin na namin ang kalokohang ito? We are tormented because of this marriage. And if giving him his freedom will make him happy…No matter how painful it is, I’ll set him free.” Sagot ko kasabay ng patuloy ng paglandas ng mga luha ko sa pisngi ko.

I heard her grunt at kung nakikita ko lang siya ngayon ay siguro napapailing na ito. “Take a rest, Heather. Matulog ka na. I want you to clear your mind first before making a decision.”

“But I’m decided, Monique—“

“Yeah.  I know. Pero gusto kong mag-isip kang mabuti. Isipin mo yung mga consequences na kapalit ng paglayo mo kay Elijah. Sorry to say this, pero alam mo naman na kaya kayo ipinakasal for the sake of the company right? Hindi lang kayo ni Elijah ang involved dito. You have to consider also the welfare of the company as well as your employees. At isa pa, ang parents niyo ni Elijah. They may also be hurt by your decision. I’m not stopping you to do whatever you want to do, Heather. I just want you to think it over.” She said cutting me off.

Natahimik ako sa sinabi niya. Monique has a point. How can I forget that our marriage is not actually for us. I forgot that we married each other for the sake of the people who work in the company and also, for our parents. I’ve been selfish dahil sarili ko lang ang naiisip ako. Nang dahil sa sakit na nararamdaman ko, nakalimutan ko ang tunay na dahilan kung bakit kami nagpakasal. Pero…pero masama bang hilingin na tapusin na itong paghihirap ko? Hindi lang naman ako ang nasasaktan dito dahil sigurado akong pati si Elijah ay nahihirapan na rin. Napapikit ako ng mariin. I am torned. What should I gonna do now?

“I’m…I’m sorry for confusing you, Heather…” Narinig ko siyang bumuntong hininga.

“You don’t have to say sorry, Monique. You have your point. And I’m thankful you reminded me about that. I guess you’re right. I should really think it over…” Sabi ko sa kanya. “Sige na. Sorry for disturbing you, Monique. And thank you…thank you for listening and always being in my side.” I said with a weak smile on my lips.

“You’re always welcome, Heather. Just always remember that whatever your decision is, I will always be here to support you.”

“Yeah. That’s why I’m thankful for having you.” I answered. We bid goodbyes to each other and hanged up the phone.

Napahinga ako ng marahas. I need to decide.

 

---

Katulad kahapon ay nag-iiwasan pa rin kami ni Elijah na magkasalubong. Pero ngayon mas masasabi kong ako talaga ang unang umiiwas sa kanya. Sa tuwing alam kong makakasalubong ko siya ay nag-iiba ako ng daan at kapag meron naman akong kailangan papirmahan sa kanya ay inuutusan ko na lang ang secretary kong magdala nun sa kanya. Even phone calls ay iniiwasan ko rin. May mga times na tumatawag siya para hingin yung ibang important reports na hawak ko at ang ginagawa ko naman ay sa secretary ko na lang siya pinapakausap at nagdadahilan akong nasa meeting ako o kaya naman ay nasa restroom. Mahirap gawin dahil nasa iisang kompanya lang kami at magkakonekta ang trabaho namin pero pilit kong kinakayanan.

Ala una na ng hapon ng magdesisyon akong magtanghalian. Pababa na ako ng hagdan sa labas ng building ng parang bigla akong nahilo kaya naman hindi ko natantya yung hakbang ko at natapilok ako. Inaabangan ko na ang pagbagsak ko sa lupa pero hindi nangyari iyon. Merong sumalo sa akin at di ko inaasahang makita siya.

“L-lance…” Tanging nasambit ko habang nakayakap pa rin ang dalawang braso niya sa bewang ko habang ang kamay ko naman ay nakahawak sa chest part niya.

“Okay ka lang?” Halata sa boses niya ang pag-aalala habang mataman akong tinitingnan. Ang lapit lapit ng mukha niya sa akin at nakakaramdam na ako ng pagkailang. Kaya naman ibinaling ko sa iba ang tingin ko matapos kong tumango rito.

Kaso, sana hindi ko na lang ginawa iyon. Atleast sana, hindi na nadaragdagan ang bigat ng loob ko.

I saw him giving us cold stares while Vera’s hand is clutching his arm. The familiar pain shot through me. Kahit ilang beses kong ipaulit ulit sa sarili ko na masanay na makita siyang may kasamang iba ay hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan. Ang tanga tanga ko lang.

 

Iniwas ko ang tingin sa kanila at muling tumingin kay Lance at dahan dahan kong inilayo ang sarili ko. Kaso parang nanlambot ang tuhod ko kaya napakapit pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at umakbay iyon sa akin. Parang wala na akong lakas na alisin ang kamay niya sa balikat ko kaya at hinayaan ko na lamang iyon. Di ko naiwasan pero muli ay napatingin ako sa lugar kung nasaan nakatayo si Elijah at si Vera. Nakita ko silang naglalakad papalayo. Napailing na lang ako sa sarili ko at pinigilan ang sarili kong huwag umiyak.

“Are you sure na okay ka lang? You’re so pale.” Nakakunot noong tanong niya sa akin.

“Y-yeah…I’m fine.” Feeling ko nanghihina ako sa mga oras na ito at kailangan ko ng masasandigan. Napapikit ako. Pakiramdam ko ay umiikot na ang tingin ko at nahihilo na ako. “A-anong…anong ginagawa mo rito—“

“HEATHER!”

---

“Mahal na mahal kita Heather…I’m sorry kung nasasaktan na kita sa kakapilit kong manatili ka sa tabi ko. I’m sorry for being selfish. At kung…at kung ang magpapasaya sa’yo ay palayain ka…gagawin ko kahit na…kahit na masakit.”

 

Pakiramdam ko ay merong kumakausap sa akin pero halos hindi ko maintindihan iyon kaya iminulat ko ang mga mata ko. Pero nasilaw ako sa liwanag kaya napapikit akong muli. Maya-maya ay sinubukan kong muling dumilat. Nung maka-adjust ang mga mata ko sa liwanag ay inilibot ko ang tingin ko.

Puti. Puting kisame at puting dingding. Napatingin ako sa kamay ko at nagulat ako ng merong nakaturok na swero roon. Teka…nasa ospital ako? Inilibot kong muli ang paningin ko at nasiguradong kong nasa hospital nga ako. Pero bakit ako naririto? At…at kanino yung boses na narinig ko kanina?

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Lance. Nakangiti siya sa akin habang merong hawak na plastic sa kamay.

“Kamusta na ang pakiramam mo? Okay ka na ba?” Tanong niya sa akin ng makalapit siya. Naupo siya sa upuang malapit sa bed ko at inilagay yung hawak niyang plastic sa side table.

“Bakit ako naririto Lance? At ilang oras na ba akong naririto?” Tanong ko ng hindi man lang nag-abalang sagutin ang tanong niya.

Huminga muna siya bago nagsalita. “Halos tatlong oras ka na naririto. Hinimatay ka kasi kanina nung nakasalubong kita sa labas ng building ng kompanya niyo. Nagpanic ako kaya minabuti kong dalhin ka na lang dito sa ospital. Ang sabi ng doctor over fatigue daw tsaka stress ka kung bakit ka nawalan ng malay. Tapos ulcer na rin dahil nagpapalipas ka ng gutom.” Paliwanag nito.

Napayuko na lang ako at napakagat labi sa narinig ko. Over fatigue. Stress. Yeah. Siguro nga kaya bumigay ang katawan ko. Naramdaman kong hinawakan ni Lance ang kamay ko kaya napatingin akong muli sa kanya. Serysong seryoso ang mukha nito habang mataman akong tinitingnan.

“May problema ka ba Heather? Pwede mo akong sabihan. Alam mong andito lang ako kung kailangan mo ako hindi ba?” Parang may pagsusumamong sabi niya sa akin.

Pinipigilan kong huwag umiyak dahil ayokong malaman ni Lance ang totoo. Ayokong malaman niya dahil ayoko siyang mainvolve sa problema ko.

Lumunok muna ako tsaka nagsalita. “W-wala naman. Stress lang siguro ako d-dahil sa trabaho.” Pagsisinungaling ko at umiwas ako ng tingin sa kanya. “Siyangapala, alam ba ng parents ko na andito ko?” Pag-iiba ko ng usapan.

Narinig kong bumuntong hininga siya muli tsaka sinagot ang tanong ko. “Oo. Kakatawag ko lang sa kanila kanina at maya-maya’y nandito na rin sila.”

Napatango na lang ako. Si Elijah kaya? Alam niya kayang naririto ako?

 

Parang nabasa ata ni Lance ang laman ng utak ko at nagulat ako ng sagutin niya ang tanong na naglalaro sa isipan ko. “Tumawag rin ako kanina sa secretary ni Elijah para sabihin sa kanya na naririto ka sa ospital pero wala pa rin akong natatanggap na response mula sa kanya.” Muli akong napatungo at napakagat sa labi.

Wala na talaga siyang pakialam sa akin. Ang sakit sakit isipin na hindi na siya nag-aaalala. Na wala na siyang paki. Kahit man lang sana bilang kaibigan eh. Pero wala eh. Walang Elijah na dumating na nag-aaalala. Walang Elijah’ng dumating para pagalitan ako dahil pinababayaan ko ang sarili ko. At walang Elijah’ng dumating para alagaan ako. Sa pagkakataong ito ay hindi ko napigilan ang paghikbi na ikinataranta naman ni Lance.

“H-hey, Heather….Bakit ka umiiyak?” Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. Umiling lang ako at ngumiti ng mapakla sa kanya.

“W-wala…masakit kasi eh…” At napakagat ako sa labi para pigilan ang muling paghikbi.

“Ha? Saan ang masakit? Wait—tatawagin ko yung doctor.” Tatayo na sana siya pero pigilan ko ang kamay niya.

“H-huwag na. O-okay lang ako. M-mawawala rin ito. G-gusto ko lang na magpahinga ulit.” Mahina kong sabi.

“Pero—“

“Please?...” Nakita kong nag-isip muna siya bago tumango. Matapos nun ay inayos niya ang kumot ko. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Matapos nun ay pinilit ko na lang ulit ang sarili kong matulog.

---

Nagising ako ng pakiramdam na meron ay humahaplos sa ulo ko kaya naman ay idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Mama.

“Ma…” tawag ko rito. Nakita kong teary eyed ito habang minamasdan ako.

“O-okay ka na ba anak? Meron ka bang gustong kainin? Gusto mo ba ng maiinom—“

“Ma…” Saway ko rito. Alam kong nag-aaalala siya sa akin kaya siya nagkakaganyan. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap at di ko napigilang mapangiti.

“Hay naku, Heather! Alam mo bang sobrang nag-alala kami ng Daddy mo sa’yo! Ano ka ba naman, anak! Bakit di ka kumakain? Marami naman tayong pagkain sa bahay, tinitipid mo ang sarili mo. Nagda-diet ka ba? Hindi mo naman kailangan yun kasi payat ka na. kaya please lang, kumain ka na ng marami at please ulit sa tamang oras, okay?” Natawa ako sa simpleng banat na iyon ni Mama.

“Opo.” Sagot ko. This is the first time I smiled genuinely since the tsunami hit me. And I’m thankful for my mother because of that. Bumitiw siya sa akin at ngumiti.

“Where’s Dad?” I asked ng mapansing wala ito sa paligid.

“Pinagstay ko na lang muna siya sa bahay. Alam mo naman. Kagagaling lang niya at baka madapuan pa siya ng ibang sakit kapag pumunta siya rito sa ospital.” Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.

Naupo ako sa kama at tinulungan ako ni Mama. Matapos nun ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

“Okay ka na ba talaga, anak?” Nanumbalik na naman ang pag-aaalala sa mga mata ni Mama. Dahil sa tinging iyon ni Mama at marahang pagpisil niya sa kamay ko ay parang merong kung anong nagtrigger sa mga luha ko at muli na naman itong naglandas sa pisngi ko. Naramdaman kong niyakap na naman ako ni Mama at hinaplos ang likod ko.

“Anak, kung may problema ka sabihin mo kay Mama. Makikinig ako.” Sabi niya sa akin at marahang hinaplos ang likod ko. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi sa mga oras na ito at kahit na alam kong masasaktan si Mama kapag nalaman niya ang nangyari ay di ko napigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

I told her what happened between my sobs habang inaalo niya ako. Pati na rin ang kinikimkim na pagmamahal ko kay Elijah at ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing magkasama sila ng Vera ay sinabi ko sa kanya. Wala na akong tinago. Kinwento ko na lahat. After all, she’s my mom and I know maiintindihan niya ako.

“Pero anak…” Kitang kita sa mukha ni Mama ang lungkot. Marahil ay nalulungkot siya para sa akin. “Mahal ka ni Elijah. Alam naming lahat iyon. At iyan lang ang isang bagay na masisigurado ko sa’yo.”

Umiling ako sa kanya at ngumiti ng mapakla. “No, Ma. He did not…he does not…and…a-and he will not.” Sabi ko na parang merong bikig sa lalamunan ko. “Mali lang kayo ng akala. Sa kanya na galing noon na nakita na niya ang ‘the one’ niya and that happens to be Vera. Kaya imposible yang sinasabi mo. At saka I’ve seen it with my two eyes. H-how much he cares…and how much he loves Vera. At ako? I’m just his only bestfriend. Nothing more. Nothing less.” I said with conviction kahit ang sakit sakit tanggapin ng katotohanang iyon.

Nakita kong napailing si Mama. “Tingin ko meron lang misunderstanding dito.”

Ako naman ang muling napailing sa pagkakataong ito. “W-wala Ma. It’s very c-clear. Na kulang na lang isampal sa akin ang katotohanang kahit anong gawin ko, ay hindi na magbabago ang tingin niya sa akin.” Sabi ko at napaiyak na naman ako. Pinunasan ni Mama ang mga luha ko at nakita ko sa mga mata niya na nasasaktan din siya para sa akin.

“Ma…” Sabi ko at mataman ko siyang tiningnan. “N-nakapagdesisyon na po ako…”

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at saka nagsalita. "Nakapagdesisyon na?”

“N-nakapagdesisyon na po a-ako na layuan na si Elijah…” At muling tumulo na naman ang mga pesteng luha ko. “H-hindi ko na po k-kasi talaga ka-kaya eh. Ang sakit sakit na po…”

Muli ay niyakap ako ni Mama at hinagod ang likod ko habang patuloy ako sa pagluha. “Tahan na, anak. Tahan na…”

Binitiwan niya ako nakita kong naiiyak na rin siya. “I’m so sorry anak…Kasalanan namin ito eh. I am really really sorry.” At tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Mama.

Parang bigla akong naguluhan sa sinabi niya. Anong kasalanan nila? Pinahid ko ang mga luha ko at mataman siyang tiningnan. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Anong ibig sabihin ni mama?

“A-ano pong ibig niyong s-sabihin?” Sabi ko na parang hirap na hirap akong itanong iyon sa kanya.

“Anak…k-kasalanan namin ito. K-kung hindi lang k-kami n-nanguna sa n-nararamdaman niyo, sana hindi k-ka nasasaktan ng ganito.” Patuloy pa rin sa pagluha si Mama. At mas lalong hindi ko naiintindihan kung ano ang sinasabi niya.

Lumunok muna ako bago nagsalita. “H-hindi kita maintindihan, Ma.”

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon habang tigmak pa rin ng luha ang mga mata niya. “I’m really sorry anak kung nagsinungaling kami sa inyo…”

Nagsinungaling? T-teka. E-eto na ba yung lihim na itinatago sa amin ng parents namin ni Elijah?

“…A-akala kasi namin matutulungan namin kayong ipa-realize sa inyo kung ano talaga ang n-nararamdaman niyo sa isa’t isa. I-iyon pala, masyado kaming naging atribida at nakialam sa buhay niyo.”

Hindi ako nagsalita. Parang unti-unti kong nang naiintindihan kung anong gusto niyang iparating. Kaso…natatakot ako. Natatakot ako na marinig yung katotohanan. Kasi alam kong masasaktan lang ako.

Nakita kong napalunok muna si Mama habang ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. “H-hindi totoo ang tungkol sa problema ng kompanya na sinabi namin sa inyo ni Elijah, anak para magpakasal kayo. Gawa gawa lang namin iyon kasi…k-kasi akala namin kapag nagpakasal kayo ay matatauhan na kayo at masasabi niyo na rin sa isa’t isa ang nararamdaman niyo. P-pero ngayon alam ko na. Narealize ko na mali kaming pinangunahan namin kayo. Nang dahil sa ginawa namin, nagkakasakitan na p-pala kayo.”

Para akong natuod sa mga narinig ko. S-so all the w-while, nagsisinungaling lang p-pala sila s-sa amin?

“At…at y-yung kasal niyo anak…” Napapikit ako ng mariin. Kulang pa ba na nagsinungaling sila sa amin? Ano pa bang kalokohan ang ginawa nila?! “N-naisip rin namin noon na k-kung s-sakaling hindi magwork out a-ang r-relasyon niyo ay hahayaan n-namin kayong m-maghiwalay. K-kaya ang ginawa n-namin ay hindi muna namin i-isinumite yung m-marriage contract niyo sa munisipyo. Itinago na muna namin. Ifa-file na lang namin s-sana iyon kapag n-nakita naming okay n-na kayo. K-kaya hindi pa kayo l-legal na mag-asawa, anak.”

Parang bombang sumabog ang mga rebelasyong iyon. Para akong natulala at hindi ko mahagilap ang boses ko. Basta ang alam ko lang ay patuloy sa pag-agos ang luha ko.

“I’m so sorry anak…Sana mapatawad mo kami.” Narinig kong humikbi si Mama.

Ang sakit sakit.

Hindi ko lang alam kung ano sa dalawa ang mas masakit: Ang katotohanang nagsinungaling ang parents namin sa amin at pinaikot nila kami o ang katotohanang hindi ko naman pala talagang asawa si Elijah?

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top