CHAPTER 20: EXTRA SWEET
CHAPTER 20: EXTRA SWEET
“Mom!” I yelled when I saw her sitting outside the ER. She’s with Tita Caprice and Tito Arthur na bakas din sa mukha ang pag-aalala.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya at ng makalapit ako ay niyakap ko siya ng mahigpit. Parang pinipiga yung puso ko na makita si Mama na umiiyak.
“Heather...Ang Daddy mo…” She said and cried again. I tried not to cry in front of my mother dahil kailangan kong magpakatatag.
“Sshh…He will be fine, Mommy. I know hindi Niya pababayaan si Daddy.” I said at pinunasan ko ang mga luha niya. Hinawakan ni Mama yung kamay ko ng napakahigpit na parang doon siya kumuha ng lakas. Ngumiti ako sa kanya na parang sinasabi kong magiging okay ang lahat.
Tumingin ako sa parents ni Elijah at tumayo para magbigay galang. Tita Caprice kissed me in the cheek while Tito Arthur hugged me. I’m glad that they are here para damayan kami. We badly need their presence para hindi kami magbreakdown ni Mama sa pag-iyak.
“Are you okay, Heather?” Tanong sa akin ni Tita Caprice matapos naming maupo.
Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Elijah at kinuha ang kanang kamay ko at dinala yun sa mga labi niya.
“Everything will be fine, Heather.” He said at niyakap niya ako. Gumanti ako ng yakap sa kanya at doon ay hindi ko na muling napigilan ang hindi maiyak. I don’t know what we will do ni Mama kapag may nangyaring masama kay Daddy. We can’t afford to lose him. Naramdaman kong hinaplos-haplos ni Elijah yung likod ko at kahit papaano ay nakalma ako. Elijah wiped my tears and smiled at me so I smiled back.
We waited for hours nang sa wakas ay lumabas din ang doctor sa ER. Lahat kami ay lumapit sa kanya at naghintay ng sasabihin niya.
“The patient is now stable. He just had a mild heart attack but still we have to observe his condition. Ipapalipat ko na rin siya sa recovery room…” Marami pang sinabi yung doctor kay Mama tungkol sa kondisyon ni Daddy at kung paano siya aalagaan para hindi na maulit iyon. Para akong nabunutan ng tinik sa nalaman ko. I uttered a short prayer thanking God for taking care of my Father.
After a while, we are informed by the nurse na nailipat na si Daddy sa recovery room at pwede na namin siyang bisitahin.
Pumunta kaming lahat doon and we saw him peacefully sleeping. Lumapit ako kay Daddy and kiss him on his cheek. Matapos nun ay hinawakan ko si Mama na nasa tabi na noon ni Dad habang hawak hawak ang kamay ng huli. She smiled at me and held my hand. It’s a big relief to see Daddy peacefully sleeping.
Nang macheck nila Tita Caprice na okay na ang lahat ay nagpasya na silang umuwi ni Tito. Meron kasi silang importanteng meeting bukas na kailangan puntahan. Kung hindi nga lang daw yung sobrang importante ay nunkang aalis sila at mas pipiliin nilang samahan kaming bantayan si Daddy. Sobrang nagpasalamat ako sa kanilang dalawa at inihatid namin sila ni Elijah hanggang sa parking.
Pabalik na kami ni Elijah sa hospital ng naramdaman kong hawakan nito ang kamay ko. Hindi ko ineexpect yun kaya nagulat ako at di ko maiwasang di magblush sa ginawa niya. Holding hands while walking. Feeling ko bumalik ako sa pagiging teenager at kinikilig ako. Tahimik lang kami pareho habang naglalakad at wala sa amin ang gustong magsalita. Pero dahil sa katahimikang iyon, unti-unting bumalik sa alaala ko yung nangyari kanina sa kwarto ko. Syete! Feeling ko nag-iinit na naman yung mukha ko. Hindi ko akalain na aabot kami sa puntong iyon. Paano kaya kung natuloy yun? Erase. Erase. Hindi naman namin dapat iconsummate yung marriage kasi unang-una, maghihiwalay rin kami. Pero…pero okay lang naman sa akin kung sa kanya ko ibibigay yun. Mahal ko siya eh at wala naman akong ibang pag-aalayan kundi siya.
Aisst! Ano ba ‘tong pinag-iisip ko!
Napailing ako sa pinag-iisip ko. Nakakaloka. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Nagulat ako ng biglang huminto sa paglalakad si Elijah at humarang sa daan ko at tinitigan akong mabuti. FYI: Hindi niya pa rin binibitiwan yung kamay ko. Ang lapit lapit na naman ng mukha niya sa akin at eto naman ako, di ko maiwasang hindi mapalunok habang nakatingin sa mapupulang labi niya. Nailagay ko tuloy yung kaliwang kamay ko sa tapat ng dibdib ko ng hindi ko namamalayan dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
“May sakit ka ba? Bakit namumula ka?” Tanong niya sabay lapat ng likod ng kamay niya sa noo ko.
“W-wala. Okay lang ako.” Sabi ko sabay alis ng kamay niya at iwas ng tingin. Obvious ba talaga na namumula ako?
Ay, hindi Heather…Magtatanong ba siya kung hindi ka namumula?
Takte! Kung ano-ano kasi ang pinag-iisip ko eh yan tuloy nakita niya. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso lalo na at parang sirang plakang pabalik balik sa utak ko yung nangyari kanina.
Tiningnan niya muna akong mabuti na parang sinisiguradong okay nga talaga ako saka siya nagsalita.
“Okay.” Sabi niya sabay alis sa harapan ko at lakad ulit. Take note, hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Feeling ko tuloy nagpapawis na yun dahil kanina niya pa hawak yun. Hindi ko maiwasang hindi mangiti. Kahit sa simpleng hawak kamay lang ay kinikilig na ako.
Pumasok na kami sa ospital at naabutan namin si Mama na nakayukyok sa gilid ng higaan ni Daddy habang hawak pa rin ang kamay nito. Halata sa mukha ni Mama ang pagod kaya minabuti kong gisingin siya at pahigain doon sa sofa para makatulog siya ng maayos.
Napagdesisyunan namin ni Elijah na kami na muna ang magbabantay kay Daddy. Magkatabi kaming nakaupo sa gilid ng kama ni Dad habang nakatingin sa kanya na payapang natutulog. Maya-maya ay di ko na naiwasang hindi makaramdam ng antok kaya pumikit ako saglit kahit nakaupo. Antok na antok na ako dahil alas tres na ng madaling araw at wala pa akong pahinga. Naramdaman ko ang kamay ni Elijah na umakbay sa akin at inilapat niya ang ulo ko sa balikat niya at isinandal. Wala pa sana akong balak matulog pero dahil sa ginawa ni Elijah ay nakaramdam ako ng comfort at tuluyan na akong inantok. Per bago ako tuluyang nakatulog, pakiramdam ko merong kung anong mainit na dumampi sa labi ko.
***
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Ramdam ko na may nakayakap sa akin at nakasandal ako sa hindi ko mawari na kung ano pero ang sigurado ko lang ay mabango ito. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at tumingala. Bumungad sa akin ang napakaamong mukha ni Elijah na natutulog. Napangiti ako. Ang gwapo niya talaga at hinding hindi ako magsasawang tingna ang napakaamo niyang mukha.
Hindi kaya siya nangalay sa paghawak sa akin magdamag para maging komportable ako sa pagtulog? Aayos na sana ako ng upo para hindi na siya mangalay kaso biglang humigpit yung pagkakahawak niya sa akin na akala mo eh mawawala ako sa tabi niya. Napangiti ako. Takte! Aga-aga, kinikilig ako.
Tumingin ako sa gawi ni Mama at nakita kong tulog pa ito. Maya-maya’y tumingin ako sa gawi ni Daddy at nagulat akong makitang gising na siya at nakangiting nakatingin sa amin ni Elijah. Nahiya naman ako bigla kay Daddy kaya aalis sana ako sa pagkakayakap sa akin ni Elijah pero pinigilan niya ako. Itinaas niya yung kamay niya at ginalaw yun na parang sinasabing huwag ako umalis sa pagkakayakap sa akin ni Elijah baka magising ito at ngumiti siya pagkatapos nun.
Inabot ko ang kamay niya at hinalikan yun. I’m so thankful to see my Dad smiling at me that’s why I can’t help it but to cry once more not because of sadness but because of joy.
“Don’t…cry, baby…I’m…fine…” He said sa paos niyang boses. Tuluyan na akong kumawala sa yakap ni Elijah at nilapitan si Daddy at niyakap siya.
“I love you, Dad.” I said to him. He wiped my tears and smiled at me again.
“I love you too, Heather.” He answered at matapos umingin siya sa likod at ngumiti. “Hi, Elijah…”
Napalingon ako at nakita ko si Elijah na gising na at nakangiti.
“Hi Dad. Glad to see you awake and smiling.” Sagot ni Elijah at lumapit ng kaunti. Nginitian naman siya ni Dad at nagsabi ng ‘thank you’.
“Hon!” Napatingin kami kay Mama na pupungas pungas at dali-daling lumapit kay Daddy. Umalis ako sa tabi ni Dad to give way to my mother. They hugged each other at matapos nun ay kinamusta namin siya ni Mama at nagtanong kung meron siyang nararamdamang masakit. After a while ay tinawag ni Elijah yung Doctor para icheck si Daddy at sinabi naman nito na okay na ito at kelangan lang magpahinga at uminom ng gamot. Maya-maya ay nakatulog ulit si Daddy.
Sinabihan kami ni Mama na umuwi na muna kami ni Elijah para makapagpahinga at siya na lang daw muna ang magbabantay kay Daddy. Hindi sana ako papayag kaso pinilit kami ni Mama at inassure niya na okay lang sa kanya na mag-isang magbantay, Tsaka meron naman daw mga nurse na aassist sa kanya kung saka-sakaling kelangan niya ng tulong kaya pumayag na ako sa gusto niya. Nang matiyak kong lahat ng kailangan ni Mama at Daddy ay nandoon na ay tsaka ko napagpasyahan na ayain na si Elijah at umuwi sa bahay. Matapos maligo at makapgpalit ng damit ay nagpaalam si Elijah na kelangan niyang pumuntang opisina dahil meron daw siyang meeting na kelangan puntahan pero pinangako niyang maaga siyang uuwi para samahan ako sa pagbabantay kay Daddy. Inihatid ko muna siya sa pintuan at nagulat ako na bago siya umalis ay bigla niya akong hinalikan sa labi. Para akong nashock sa ginawa niya at di nakakilos. Ngumiti siya sa akin bago tuluyang umalis. Para akong naestatwa at nakatingin lang sa paalis na sasakyan ni Elijah habang hawak ang labi ko.
Bakit niya ako hinalikan? Oo. Ilang beses na niyang nagawa yun sa akin pero sa mga pagkakataong iyon ay dala lamang siguro iyon ng bugso ng damdamin pero ngayon? Wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ginawa yun. Ay, mali pala. Meron pala pero hindi ko kinoconsider na rason yun dahil napakaimposible ng kung ano mang dahilan na naglalaro sa isipan ko.
***
Limang araw na ang nakalipas at nakalabas na si Daddy sa hospital. Nagrequest pa ako kina Mama na kung pwede ay magstay sila sa bahay kahit pansamantala lang para maalagan ko rin si Daddy. Pumayag naman sila na magstay kahit one week kaya ang laki ng tuwa ko. Pero dahil sa tuwa ko nakalimutan ko yung consequence ng pag-aaya ko kina Mama.
“Dahil andito sina Mama, we have to share the same room.” Sabi ni Elijah sa akin habang nakaupo paharap sa akin. Nasa kwarto niya kami at masinsinang nag-uusap tungkol sa pagstay ng parents ko sa bahay namin. Andito na sila mama at nandoon sila sa guest room at natutlog dahil gabi na rin.
“B-bakit?” Nauutal na tanong ko. Obvious naman yung sagot sa tanong ko kaso parang wala akong maapuhap na sabihin kundi ang salitang yun.
Napakamot ng ulo si Elijah sabay iling habang halatang pinipigilan ang sarili na huwag matawa.
‘Ikaw naman kasi, Heather. Obvious na nga ang sagot, tatanong ka pa!’ Sabi ko sa sarili ko.
“O-of course, alam nilang kasal tayo and kahit na it was arranged, they expect us to act like couple.” He said at tumayo siya at naglakad papunta sa bintana at tumanaw doon.
Napabuntong hininga ako. Oo nga. Tama siya. Paano ko nakalimutan na wala silang alam sa set up namin ni Elijah dito sa bahay bukod sa mga kasambahay namin na kinausap din namin na huwag ipagsasabi sa iba kung ano yung nakikita nila sa amin. Masyado kasi akong naging enthusiastic ng pumayag sila mama at nakalimutan ko ito.
“Ayoko naman na mag-isip sila ng masama kapag nakita nilang magkahiwalay tayo ng kwarto.” Dugtong pa niya at humarap sa akin.
Part ng utak ko ay nagsasabing huwag akong pumayag at gawan na lang ng paraan pero malaking part ng utak ko ang gustong gusto ang ideyang iyon. Ayaw kasi natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin kapag nasa iisang kwarto kami lalo na at muntik na kaming umabot sa puntong iyon. Alam kong nasabi ko noon na okay lang kung sa kanya ko ibibigay iyon pero narealize ko rin na mas okay kung ibibigay ko yun sa kanya kung alam kong mahal niya ako. Ayokong mangyari na sa bandang huli ay magsisisi siya at hihingi siya ng tawad dahil ginawa niya lang yun dahil sa init ng katawan. At natatakot ako na kung saka-sakaling mangyari nga yun ay bigla siyang lumayo sa akin. Gusto kasi alam niyo naman ako kung gaano kabaliw kay Elijah diba? Alam niyo naman kung gaano ko kagusto na palaging malapit sa kanya. Kaya siguro naman hindi ko na kailangan magpaliwanag kung bakit malaking parte ng utak ko ay sumasang-ayon sa ideya niya.
“O-okay.” Nagulat ako sa sinagot ko. Niready ko ang utak ko na magcontest pero takteng puso ‘to, hindi marunong makisama. I saw Elijah smirk at me kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Pero sa sofa ka matutulog at ako sa kama.” Sabi ko sabay cross arms. Kala mo ha!
“Heather naman! Alam mo naman na makitid yung sofa. Baka sumakit yung likod ko niyan.” Sabi niya sabay lapit sa akin at nagpout pa. Sarap lang panggigilan ng pisngi niya.
“Hindi yan.” Sagot ko. Naaawa ako sa kanya at parang gusto kong sabihing okay lang na magshare kami ng bed pero kelangan ko mag-ingat. Baka kasi maipagkanulo ko na naman ang sarili ko at kapag nagkataon ay baka matuklasan niya yung matagal ko ng itinatago sa kanya. Ang katotohanang mahal ko siya.
“Fine. Edi sa sofa matutulog.” Sabi niya sabay tayo at kuha ng unan. Naglakad siya sa papuntang sofa at padabog na nahiga doon. Tumawa lang ako sa itsura niya at nagpunta sa kwarto ko saglit para magshower at magpalit ng damit. Pagbalik ko ay nakita ko siyang hirap na hirap sa paghiga. Nakapatagilid siya habang nakacross arms at nakapikit. Naawa tuloy ako at di ko na napigilang dahan dahan na lumapit sa kanya. Nakapikit siya pero halata sa kanya na hindi siya komportable dahil nakakunot ang noo niya. Di na ako nakatiis at tinapik ko siya para gisingin.
“Sa kama ka na lang matulog. Mukhang nahihirapan ka na diyan eh.” Sabi ko. Singbilis ng kidlat yung pagdilat ng mata niya sabay ngisi sa akin. Hindi pa pala natutulog ang kumag na to. Dali dali siyang tumayo at naglakad ng mabilis papunta sa kama niya. Dumapa siya doon at umikot ikot pa.
“I miss you kama!” Sabi niya sabay dipa doon at ngiting ngiti ang loko. Di ko mapigilang hindi matawa sa itsura ni Elijah habang papalapit ako sa kanya. Nung makalapit ako sa kanya ay nagcross arms ako sabay ngisi sa kanya.
“Grabe! Ilang minuto ka lang nahiwalay diyan sa kama mo, namiss mo na agad?” Pang aasar ko. OA kasi eh. Hahahaha.
“Actually…”Sabi niya sabay upo sa harap ko at tiningnan ako at ngumiti ng nakakaloko.”Hindi lang ito ang namiss ko…pati ito!”
“Aaaaaaaaaaaaaaaayy!” Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin. Napahiga tuloy kami sa kama. Nasa likod ko siya habang ang kamay niya ay nakapulupot sa bewang ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa sobrang lapit ni Elijah sa akin. Feeling ko pa lalong nag-init yung mukha ko ng maramdaman kong ibinaon niya yung mukha niya sa leeg ko.
“Namiss ko to…” Halos pabulong niyang sabi.Hindi ko makita kung nakapikit ba siya o nakatingin sa akin dahil nakatalikod ako sa kanya. Napalunok ako nung maramdaman ko yung hininga niya sa leeg ko at parang nakikiliti ako.
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya na nakayakap sa akin at hindi umalis sa tabi niya. Maya-maya ay naramdaman ko ang banayad niyang paghinga. Marahil ay nakatulog na siya. Dahan dahan kong inalis yung kamay niyang nakayakap sa akin pero lalo lang humigpit ang hawak niya sa akin. Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang nakapikit na. Napangiti ako. Ang gwapo talaga.
*tsup!*
Nanlaki yung mata ko at di nakapagreact agad ng bigla akong i-kiss ni Elijah. Matapos nun ay idinilat niya yung mga mata niya at ngumiti sa akin at nagsalita. “Tulog na.” Sabay pikit ulit at yakap sa akin ng mahigpit kaya napasandal lalo tuloy yung mukha ko sa matipuno niyang dibdib.
‘Ano bang ginagawa mo sa akin, Elijah? Gusto mo na rin ba ako?’
Naguguluhan ako sa mga actions niya. Simula nung nangyari yun ay naging sweet siya sa akin. Ay mali. Sweet na pala siya sa akin dati kaya mas okay gamitin ang salitang naging extra sweet siya sa akin. Katulad na lang ngayon. Bigla na lang nanghahalik at nangyayakap. Gawain pa ba ito ng magbestfriend? Napailing ako. Malamang hindi. Pero anong maitatawag niyo sa amin? Hindi ko mabigyang pangalan etong sitwasyon namin. Shemay ka talaga Elijah! Kahit kelan talaga gingulo mo ang buong sistema ko!
Napatingin ako ulit sa mukha niya na halatang payapa na siyang natutulog. Kapag napapatingin talaga ako sa mukha niya ay hindi ko maiwasang hindi mangiti. Isinantabi ko lahat ng alalahanin ko at sumiksik ako lalo sa kanya at yumakap tsaka ko napagdesisyunang matulog.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top