CHAPTER 2: SILENT REVERIE
CHAPTER 2: SILENT REVERIE
"Ma'am, Sir Elijah is in line 2." I heard my secretary said as I answered the intercom.
"Okay. I'll take the call. Thanks." I answered. I count one to ten at huminga muna ako ng malalim before I pressed the button.
"Hi Elijah! Bakit ka napatawag?" Masayang bungad ko rito.
"Namiss kasi kita eh." I heard him laugh after he said that. Napangiti naman ako.
'namiss din kitang kumag ka kahit kagabi lang tayo huling nagkita.' I wanted to tell him that but I immediately restrained my self from doing so.
"May bago ba doon Mr. Montefalcon? You always miss me kahit ilang minuto pa lang tayong hindi nagkikita." I confidently said to him with goofy grin in my face. If someone sees me right now, they may think I’m lunatic for ridiculously beaming.
"How conceited you are, my lady." he chuckled.
"Why? I'm just telling you the truth and you know that very well." Sabi ko at tumawa ako ng malakas. Seriously, I’m having fun in this conversation with Elijah. "Anyway, why did you call?"
"You don't remember, do you?" narinig ko pa siyang napapalatak sa kabilang linya.
"Remember what?" I asked creasing my eyebrows.
"Oh, Heather, if you must know, its lunch time already and I guess, you haven't eaten anything. Am I right?" Sagot nito.
Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin ako bigla sa wall clock ng opisina ko. Nagulat ako ng makita kong pasado ala-una na pala ng hapon. Natampal ko ang noo ko dahil doon. I’ve been busy this morning checking and reviewing documents passed by our sales executives kaya halos hindi ko napansin yung oras.
"I guess, I'm right. Di ka na sumagot eh. I'll pick you up. Let's have lunch. My treat." Para akong natauhan ng marinig ko ulit magsalita si Elijah sa kabilang linya. Gusto ko sanang pumayag kaso marami pa akong kailangang tapusin kaya naman wala akong magagawa kundi ang hindian ito.
"Marami pa kasi akong gagawin, Elijah. Marami akong urgent na documents na kailangang i-release today. You go ahead. I'll take my lunch later—“
"No buts Heather. What did I tell you? Di ba sabi ko wag kang magpapalipas ng gutom? Alam mo namang ayaw kong nagkakasakit ka." He said cutting me off. Di ko na napigilang mapangiti ulit. This is one of many things I love about Elijah. He cares for me so much.
"Pero—“
"I already said no buts okay? This is a command from your superior. I'll fire you for insubordination if you won't obey me." I can almost see him grinning while saying that. Napailing na lang ako. Now, I really don’t have a choice but to agree with him. I lift my left arm and throw it in the air as if I’m surrendering.
"If you say so, BOSS." I said and hooted.
Isa sa mga ayaw itawag ni Elijah sa kanya ay ang salitang BOSS. He prefers first name basis but of course, some employees are too shy to address him like that. So they call him Sir.
Elijah is the President of Healijah Hotel and Resorts. The business that our parents built. And of course, where I also work. He is 2 years ahead of me. And despite of young age, he proves to the shareholders that he can manage the business very well. And so he got the position.
As for me, I've graduated last year. Kung gugustuhin ko lang, I can have higher position because this is our company but I immediately dismissed the idea when I got in here. Gusto ko kasi maexperience magwork na medyo mababa yung position na hawak ko though being the Sales Manager is not really that low. But still, in this position I can be also a simple employee who has superiors and has to follow the instructions given by the higher management.
"I hate you, Heather! You know I hate that word." He said.
"I love you more, Elijah." Di ko mapigilang di matawa habang naiisip ko yung itsura niya. I bet he’s doing his favorite habit when annoyed. Crinkling his nose.
"Whatever, Heather." sabi nito at tumawa ng malakas. "Give me ten seconds and I'll be there in your office."
"Wha—“ Naputol yung sasabihin ko when I saw him entered my office. Great. All the while he was just outside. Napailing ako habang nakangiti. Minsan talaga may pagkabaliw itong si Elijah. Pwede namang pumasok rito sa loob ng office ko hindi yung parang timang na tatawag pa sa telepono para kausapin ako.
"Let's go?" He said while beaming at me. Lumapit siya sa akin at bigla akong hinila papalabas ng office.
"W-wait lang naman Elijah! yung bag ko naiwan!" sabi ko at binitawan niya ako. Bumalik ako sa table ko at kinuha yung gamit ko. No time for retouch dahil nagmamadali ang kumag na to.
"Please cancel all her appointments for the next hour." Narinig kong sabi niya sa secretary ko ng makalabas ako ng office.
"Yes sir." Magalang na sagot naman ng secretary ko.
"What are you doing?" nakakunot noong tanong tanong ko sa kanya.
"Err-cancelling your appointments?" sagot nito at hinawakan niya muli yung kamay ko at hinila ako papunta sa elevator.
"Why did you do that? I have a meeting with Mr. Christian Del Rosario of Agoda Travel at 1:30pm regarding their bookings." naiinis kong sabi sa kanya.
Kahit naman na mahal ko yang si Elijah, may mga times na naiinis din naman ako sa kanya. Katulad ngayon, pinangungunahan na naman niya ako which I hated the most.
"Set another appointment. It's your fault. Hindi ka kumain on time. I told you many times before, kumain ka palagi sa oras nang hindi ka nagiging payatot!" He glowered.
"Sinong payatot? Hindi ako payatot no! Slim lang talaga ako." I retorted and stuck out my tongue.
Honestly speaking, isa sa mga frustrations ko ang tumaba. Kain naman ako ng kain eh (yun nga lang minsan wala sa oras. Hehe) kaso hindi talaga ako tumataba kahit anong gawin ko. Yung iba naiingit sa katawan ko kasi daw di ako tabain pero ang akin lang, maranasan ko man lang na tumaba kahit konti minsan.
"Slim daw, Malnourish!" pang-aasar niya sa akin sabay takbo pag-open ng elevator. Hinabol ko siya hanggang makarating kami sa car park. Nakita ko pang natatawa yung ibang employees na nadaanan namin. Minsan talaga nakakahiya kaming dalawa ni Elijah kumilos. Kapag kasi nasa mood kaming magkulitan, nawawala yung pagiging professional namin at para kaming mga bata mag-isip at kumilos.
"Wooh! Namiss kong tumakbo ng ganito!" hinihingal niyang sabi at pinagbuksan niya ako ng sasakyan.
"Edi sumali ka sa marathon para di mo namimiss." Pamimilosopo ko sa kanya.
"Very funny Heather." He said and laughed saractically. I just looked at him and smiled sweetly. Matapos nun ay pumasok na ako sa loob ng sasakyan at isinuot ang seatbelt. Ganun din naman ang ginawa niya at inistart na niya yung engine.
"Where do you want to eat?" tanong nito ng mailabas na niya yung sasakyan mula sa car park.
"Hmm..Jollibee tayo?" Sagot ko rito. Para kasing bigla kong na-miss yung burger yum nila eh.
"Ano ka ba Heather? Ang laki laki mo na Jollibee pa rin? Marami namang fine dining restaurant diyan eh." Natatawang sabi nito.
"Eh sa doon ko gusto eh. Tsaka namimiss ko na kasi yung burger nila. Sige na Elijah, please.." nagpacute pa ako para lang pumayag siya sa gusto ko.
"Oo na. Pasalamat ka at labs kita kaya di kita mahindian." Nakangiting sabi niya sa akin at tinutok ang mga mata sa daan.
"Sana mahal mo ako ng higit pa sa pagkakaibigan." Natampal ko bigla ang bibig ko dahil unconsciously ay nasabi ko ang laman ng utak ko.
"Ha? May sinabi ka Heather?" Nakakunot noong tanong niya nung tumingin siya sa akin.
Shit! I'm really dead.
‘Great, Heather. You just did a great job.’ I said to myself and mentally shook my head.
"W-wala. A-ang sabi ko bilisan mo magdrive dahil nagugutom na ako." Pagdadahilan ko sabay tingin sa bintana. Ayokong salubungin yung tingin niya. Natatakot ako na baka mabuko akong nagsisinungaling ako.
"Ah..okay. I thought you were saying something." He said and shrugged his shoulders. Nakahinga ako ng maluwag. Goodness! Mabuti na lang talaga at magaling ako magpalusot.
After 15 minutes, huminto yung sasakyan sa tapat ng Jollibee na malapit sa office namin. Matapos niun ay ipinark niya yung sasakyan ay bumaba na kami.
Naghanap ako ng vacant seats at hinayaan ko na siya ang pumila sa counter at umorder. Habang naghihintay ay nangalumbaba ako. Tanaw na tanaw ko mula sa kinauupuan ko si Elijah. Napakagwapo niya sa suot niyang three piece suit kaya di na ako nagtataka kung bakit halos lahat ng kababaihan na narito ngayon ay nakatingin sa kanya. Lumingon siya sa akin and waved his hand. Kumaway din ako sa kanya at nung inilibot ko muli ang paningin ko sa paligid ay nakita ko yung inggit sa mga mata nung mga babaeng nakatingin sa kanya kanina pa. Yung mga matang nagsasabi na sana sila yung nasa lugar ko. Napailing ako. Kung alam niyo lang.
Siguro mga ilang minuto din yung lumipas bago siya lumapit sa akin. Dala dala niya na yung tray na puno ng pagkain. Take note, may kasunod pa siyang waiter sa likod na meron ding dalang tray.
"Yung totoo Elijah? Hahatulan na ba tayo ng bitay mamaya? Ang dami mong inorder na pagkain!" Manghang sabi ko sa kanya nung makaalis yung waiter. Grabe! Feeling ko binili ni Elijah lahat ng nakasulat sa menu board ng Jollibee!
"Oo. Hahatulan na tayo ng parents natin mamaya ng bitay dahil ayaw natin sumunod sa gusto nila." Sabi nito. Alam ko namang nagbibiro lang siya pero di ko maiwasang hindi malungkot at matahimik bigla sa sinabi niya. Bigla ko na naman kasing naalala ang itsura ni Tita Caprice bago kami umuwi. Sobrang lungkot ng mukha niya habang nagpapaalam kami sa kanya. Pinagpilitan niya pang kakausapin niya daw si Elijah tungkol doon at sana din daw ay pag-isipan ko daw ng mabuti.
"Elijah, nagiguilty ako sa parents mo." Di ko mapigilang sabi ko rito. Di ko kasi maatim na nakikita si Tita Caprice na malungkot ng ganoon.
"Eh anong gusto mo? Magpakasal tayo? Tapos maghihiwalay din tayo in the end kasi di naman natin mahal yung isa't isa." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin.
'Mali ka.. Maling mali ka kasi ako mahal na mahal kita.' Gusto ko sanang sabihin pero itinikom ko na lamang ang bibig ko.
"Sabagay.." yun na lang yung nasabi ko at nag-umpisa na kong kumain. Hindi na rin masyadong nag-ungkat si Elijah tungkol sa kasal at nagpatuloy na lang kami sa pagkain.
Panay ang kwento niya at banat ng mga jokes na dahilan kung bakit kami tawa ng tawa. Halos di namin namalayan na naubos na pala namin yung pagkain na inorder niya at parang kinulang pa kami.
"Ang takaw takaw mo talaga! Di ko alam kung saan napupunta yang lahat ng kinain mo eh ang payat payat mo naman. Tapos nagreklamo ka pa kanina na ang dami kong inorder yun pala kukulangin tayo!" natatawa niyang sabi matapos niyang isubo yung kahuli-huliang fries namin.
"Eh sa gutom ako eh! Ikaw nga din dami nakain eh. Hahaha" sagot ko naman rito at isinubo ko ang last bite ng burger ko.
Nagulat na lang ako ng biglang lumapit si Elijah at pinunasan yung gilid ng bibig bibig ko gamit ang tissue. My body stiffened and at the same time I felt something like electricity rushed in my skin when his fingers touched the side of my lips.
"You're an adult already pero kung kumain ka parang bata pa rin. Makalat."
Reality hits me ng marinig ko siyang magsalita. Feeling ko saglit huminto yung pag-inog ng mundo nang pinunasan niya yung ketchup sa gilid ng bibig ko.
"Eh, bata pa naman talaga ako ah! Palibhasa matanda ka na!" idinaan ko na lang sa pang-aasar yung kaba at kilIg na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
“Excuse me, I’m just two years older than you kaya hindi pa ako ganoon katanda.” Sabi nito at dinilaan niya pa ako.
Eto yung mga moment na chinecherish ko kasama si Elijah. Yung palagi kaming masaya at minsan (minsan nga lang ba? Sa tingin ko kasi hindi. hahaha) nagiging isip bata. Yung parang pakiramdam na sa amin lang dalawa umiikot yung mundo.
Napagdesisyunan namin na umalis na sa fastfood na iyon ng may lumapit sa table namin.
“Elijah! Oh, Hi!” lumapit sa kanya yung babae at sabay hinalikan sa labi.
Nanlaki ang mata ko at parang natuod mula sa kinauupuan ko ng makita kong halikan si Elijah ng babaeng iyon.
Alam kong wala akong karapatang magselos, but seeing him kissing another girl just right in front of my face, parang gusto kong sapakin itong si Elijah at sabunutan yung buhok ng babaeng yun.
“Hi Tricia! What are you doing here?” tanong ng bruhong to dun sa babaeng talande. Mukhang nag-enjoy pa ang kumag na ito sa ginawa sa kanya nung babaeng haliparot na iyon. Bwisit!
“I am supposed to meet someone here but unfortunately, we’ll be changing our meeting place. It’s been a while since the last time I saw you! Hindi mo na ako inaayang magdate.” Nagpout pa yung babae sa harap ni Elijah. Akala mo naman cute. Kainis lang.
I rolled my eyes after magsalita yung Tricia na yun. I almost mimicked her the way she talked sa sobrang inis ko. Buti na lang di niya ako napapansin—or should I say, sinasadya niya talaga akong huwag pansinin.
“I’m so sorry. I’ve been busy these past few weeks so I forgot to get in touch with you. I’ll treat you once na lumuwag yung schedule ko.” And he gave her his famous smile that every girl will fall in love. “Anyway, I’m sorry but we have to leave. Kailangan na kasi naming bumalik sa office.” He hugged the girl and bid goodbyes to each other. After that he pulled my hand at lumabas na kami.
I was silent all the while habang nasa sasakyan kami dahil naiinis talaga ako. I know I shouldn’t be acting this way but I can’t help it. Bumuntong hininga ako and release all the tensions I have at saka binasag ang katahimikan.
“Girlfriend mo?” I asked trying to be expressionless.
“No. One of my flings.” Sabi niya na parang proud pa siya. I rolled my eyes. Really, such a conceited man.
“Napaka mo talaga Elijah! Ikaw na talaga ang ultimate Cassanova!” Sabi ko. Pero in fairness, nakahinga ako ng maluwag sa sagot niyang iyon. Kahit na alam kong fling niya lang yun, atleast, hindi GIRLFRIEND.
Mabibilang lang talaga sa daliri ko yung naging girlfriend niyan ni Elijah.
Para kasi kay Elijah, kapag sinabi niyang girlfriend, ibig sabihin, serious yung relationship niya with the girl at talagang mahal niya yung babae.
Napangiti ako sa nang maisip ko yun.
‘Sana..sana balang araw, maranasan kong maging girlfriend niya..or kung ipagkakaloob ni Lord, sana siya na yung makakasama ko habang buhay..’
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top