CHAPTER 18: ILL-FATED
CHAPTER 18: ILL-FATED
Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at makita si Elijah na expressionless. Isinara niya yung pinto pagkatapos at unti-unti siyang lumapit sa akin habang ako naman ay nakatulala lang sa kanya. Kinakabahan ako kapag ganyang blangko ang ipinapakita niya sa akin ekspresyon. Minsan kasi para siyang time bomb na anytime ay pwedeng sumabog.
"Why are you not answering my call?" Tanong niya habang hindi hinihiwalay ang tingin niya sa akin. Nakatayo na siya ngayon sa dulo ng kama ko.
Alam ko naman kung ano yung ikinagagalit niya eh—iyon ay dahil hindi ako nagpaalam sa kanya kung nasaan ako at hindi ko nasagot ang mga text at tawag niya. Pero dahil nabubwisit pa rin ako sa kanya hanggang ngayon dahil sa nakita at nalaman ko kanina ay hindi ko siya pinansin at tumayo na ako sa kama ko. Dire-diretso ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa pintuan. Pero bago ko pa man mabuksan iyon ay naramdaman ko yung kamay niya sa braso ko. Hindi ako nagsalita at pinilit kong tanggalin yung kamay niya sa braso ko pero masyadong mahigpit yung pagkakahawak niya kaya hindi ko ito maalis.
"Look, Heather. Yung nangyari kanina, it's not what you think it is—“
"You don't have to explain, Elijah. Kasi unang-una, hindi mo obligasyong magpaliwanag. At pangalawa, we're not romantically committed to each other. We may be married, but that doesn't mean I'm stopping you to look for another else. After all, hindi naman natin pinag-usapan na dapat lang tayong nakatali sa isa't isa within the duration of marriage,diba? So technically, you are free to do whatever makes you happy and same goes with me. Just make sure you do it privately para hindi ka mapagtsismisan ng iba at makarating sa parents natin. And also, so no one will know this silly set-up of ours." I said cutting him off and forcefully remove his hand off mine. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon na lumabas sa bibig ko kasi alam ko sa sarili ko na kabaligtaran nun ang gusto ko talagang sabihin. Siguro dala na rin ng galit at inis ko kaya ko nasabi ang mga iyon.
Nakita ko siyang napatiim bagang. Pero bago pa niya ako muling pigilan ay lumabas na ako kwarto. Alam kong nakasunod siya sa akin pero hindi ako nag-abalang lumingon. Dumiretso ako sa sala at nakita kong nakaupo doon ang parents ko. Huminga muna ako ng malamim bago lumapit sa kanila.
"Ma, Pa...uwi na po kami." Sabi ko matapos kung makalapit sa kanila.
"Hindi na ba kayo magdidinner dito ni Elijah, hijah?" Tanong ni Papa.
"Hindi na po, Papa. Tsaka late na rin po kaya kailangan na rin po naming umuwi." Inunahan ko na sumagot si Elijah. Ayoko naman na mahalata ng parents namin ni Elijah na magkaaway kami at makadagdag pa sa alalahanin nila.
"Sige. Siyangapala, sa saturday na yung birthday party ng Tita Clarice mo, Heather. And she's expecting both of you to be there. She texted me kanina na iremind kayo because she knows how busy both of you at baka makalimutan niyo daw." My mom said.
"Don't worry, Mama. We will go there for sure. Right, Heather?" I was taken aback ng maramdaman ko yung kamay niya sa balikat ko and gently pulled me to him. He's now slightly hugging me and giving my parents a fine-looking smile.
"O-of c-course, Mama. W-we will." I can't help but to stammer lalo na at eto na naman siya na sobrang lapit sa akin at ramdam na ramdam ko yung body warmth niya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti kaya napilitan akong ngitian din siya kasi alam kong nakatingin sa amin yung parents ko. Hindi ko nga alam kung ngiti nga ba yung nagawa ko o ngiwi sa sobrang pilit nun.
"Mauna na po kami ni Heather, Mama, Papa." Paalam niya at humalik siya kay mama at niyakap si papa.
Ganoon din ang ginawa ko at matapos ng paalaman ay lumabas na kami ng bahay. Dumiretso ako sa kotse ko at pumasok doon pero bago ko pa yun napaandar ay biglang bumukas ang pinto sa gawi ko at hinawakan ako ni Elijah at inilabas doon.
"What are you doing?!" I tried to maintain my voice as low as it is after he dragged me to ride on his car. I don't want anyone to see that we are fighting.
"WE'RE GOING HOME." Madiin niyang pagkakasabi.
Napataas yung isang kilay ko. Eh, ano bang gagawin ko bago niya ko hinatak at pasakayin dito sa kotse niya?
"EH ANO BANG GAGAWIN KO DAPAT KANINA? DIBA UUWI? BAKIT KELANGAN MO PA AKONG HATAKIN AT PASAKAYIN DITO?" Bwisit na bwisit kong sabi.
"I said WE are going home. I did not tell that you will go home ALONE." He said and started the engine of his car. Hindi na ako nagsalita pa at tumingin na lang sa labas. Ayoko nang makipag-argumento sa kanya kaya minabuti kong manahimik na lang.
Kapag nang-iinis pa yung tadhana, traffic pa sa daraanan namin so mas matatagalang mastuck kami sa kotse niya. But still, I did not bother to talk. Inis pa rin ako sa kanya at alam kong hindi ito katulad ng mga dating inis ko sa kanya na mabilis lang mawawala. Siguro maiintindihan niyo naman ako kung bakit diba?
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising na lang ako na parang merong humahaplos sa mukha ko. Idinilat ko ang mata ko at nanlaki iyon ng makita kong sobrang lapit ng mukha ni Elijah sa mukha ko. Yung tipong isang maling galaw lang eh magdidikit yung lips namin.. Dali-daling humiwalay sa akin si Elijah at umayos ng upo.
"Ahem.. T-tinanggal k-ko l-lang y-yung d-dumi sa m-mukha mo." Sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin.
Magtatanggal lang pala ng dumi, bakit ganoon ka-close? Tae. Lakas pa rin ng kabog ng puso ko sa pinaggagagawa nitong si Elijah. Para tuloy merong naghahabulang aso't pusa sa tiyan ko.
"O-okay." Sabi ko na lang. Alam ko na nagbablush ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Napatingin ako sa labas at ngayon ko lang narealize na andito na pala kami sa bahay namin. Kanina pa kaya kami rito? At kung oo, bakit parang walang balak ata tong si Elijah na gisingin ako?
"Kanina pa tayo nandito. Ayoko lang gisingin ka dahil ang sarap ng tulog mo." Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.
Hala. Narinig niya ba yung sinabi ng utak ko? Di kaya psychic tong si Elijah kaya niya nal—
"Hindi ako psychic. Madali ka lang basahin." Napatingin ulit ako kay sa kanya.
Holooo! Naririnig nga ni Elijah yung sinasabi ko sa utak ko. Nagmake face ako sa kanya and after nun ay bumaba na ako ng kotse. Dumire-diretso ako sa kwarto ko at nilock ko yun ng makapasok ako. Mahirap na. Baka kung ano namang pakana ang gawin ni Elijah para mapatawad ko siya. Hindi pa ako ready na i-forgive siya. At alam ko sa sarili kong konting lambing lang niya ay bibigay din agad ako.
Hindi ako nakatulog agad kaya nagfacebook, twitter, tumblr, wattpad at kung ano-ano pang social networking site yung inopen ko para alawin yung sarili ko. Pero maya-maya ay nakaramdam ako ng gutom.
Shemay! Di nga pala ako nakapagdinner dahil sa pag-iinarte ko. Napatingin ako sa orasan at nakita kong halos mag-aala-una na ng madaling araw. Siguro naman, tulog na si Elijah kaya di ko na siya makikita kapag lumabas ako. Lumapit ako sa pintuan at pinakiramdaman ko muna sa labas kung meron akong maririnig na yabag. Nang matiyak kong wala na ay tsaka ako patip toe na lumabas ng kwarto ko. Di na ako nag-abalang magbukas ng ilaw dahil baka merong magising. Kawawa naman yung mga kasambahay namin na nagpapahinga na kung maiistorbo lang sila sa ganitond dis oras ng gabi. Binuksan ko yung cupboard at kumuha ako ng bread at sandwich spread. Eto na lang siguro yung dinner ko. Nagtimpla na rin ako ng juice. Matapos kong ihanda yung kakainin ko ay nagready na ako para bumalik sa kwarto ko ng magulat ako ng biglang bumukas yung ilaw. Tumingin ako sa gawi kung nasaan yung switch ng ilaw at nakita ko doon si Elijah na nakatayo habang nakasanadal sa wall at nakahalukipkip pa yung braso niya. Ang mas lalo kong ikinagulat ay yung fact na walang suot na pangtaas si Elijah.
Para tuloy merong Greek God na bumaba mula sa langit at napunta sa harapan ko.
‘Oh, Jusko! Nagkakasala ang inosente kong mga mata!’
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at dire-diretso ako sa paglalakad pabalik ng kwarto ko. Isang hakbang na lang at malalampasan ko na siya pero bago ko pa man magawa yun ay niyakap niya ako ng mahigpit.
“I’m so sorry if I become a jerk. I hope you could forgive me, Heather.” He said while hugging me so tight na parang akala mo mawawala ako. Parang hinaplos na naman yung puso ko sa sinabi niyang iyon. Pero…pero ayokong mag-give in ng ganun kadali. It’s high time for him to learn his lesson. I didn’t bother to answer. I just look at him with a poker face. Tao lang din naman ako. Nasasaktan din at sa tingin ko kahit papaano ay may karapatan din naman akong magmatigas diba?
Kahit na gusto ko din siyang yakapin ay pinigilan ko ang sarili ko. Nang maramdaman kong lumuwag yung pagkakayakap niya sa akin ay tsaka ako unti-unting lumayo. Tiningnan ko muna siya bago ako tuluyan umakyat ng hagdan paakyat sa kwarto ko.
I saw pain in his eyes as I turned my back to him. Maybe…Just maybe, by doing this, he’ll realize that I also get hurt.
---
“Ma’am, here’s the copy of the contract of Expedia Travel. They requested to extend their partnership with our hotel since their contract will expire this coming April 30.” Sheila told me and gave me the contract.
“Okay. Just tell the admin to make a draft for the new contract and send it to me tomorrow so I can review it before I sign it.” I answered matapos kung kunin yung folder na inabot niya. “And also, before I forget, please tell our sales executive that we will be holding a meeting on Friday.”
“Noted, Ma’am.” She answered. “Ay ma’am, bago ko rin po pala makalimutan, meron pong board meeting mamaya pong ala-una ng hapon.”
“Board meeting? Regarding what matter daw?” I asked creasing my eyebrow.
“Regarding po sa plan sa pagpapatayo po ng bago nating hotel sa exclusive island po natin sa Palawan. Aattend din po kasi yung mga investors natin para makita yung proposal po ni Sir Elijah.” Sagot naman niya.
“Aah. Okay. Sige. Is that all?” I replied.
“Yes, ma’am.” She said at ngumiti muna siya sa akin bago lumabas sa ng office ko.
Napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak hawak yung sign pen ko na nilalaro ng mga daliri ko matapos makalabas ng secretary ko.
I sighed. It’s been two days simula ng hindi ko pansinin si Elijah. At ang nakakainis lang, parang di ko na kayang tikisin siya. Maraming beses na siyang nag-attempt na kausapin ako pero dahil sadyang nag-iinarte ako eh dineadma ko lahat iyon. Pero tingnan niyo naman? Para akong tanga kasi nahihirapan na akong di ko siya pansanin.
Ang hirap niyang tikisin lalo na’t kung ano-ano na yung pinaggagawa niya para lang kausapin siya. Andun na yung gumamit pa siya ng puppets. Oo. As in nag-effort pa talaga siya na gumawa ng puppet out of sock tapos gumawa siya ng script na nakakatawa para lang mapatawa ako at pansinin ko siya. Pinaghanda niya pa ako ng breakfast kahapon. Breakfast in bed daw. Tapos nung gabi, siya pa ang nagluto ng dinner. O diba? Sinong kaya siyang tikisin sa pinaggagagawa niya? Ako lang ata.
Hindi ko namalayan ang oras at 1 o’clock na pala ng hapon. Naalala kong meron nga pala kaming board meeting kaya nagmadali akong magpunta sa boardroom.
Shemay lang! Galing pang ground floor yung elevator kaya kelangan ko pang maghintay. Nasa 10th floor lang naman ako kaya keribels lang. Ayoko gumamit ng stairs kasi nakakapagod. Nakakapagod kasi nasa 17th floor pa yung board room.
Nung tumunog na yung elevator at nag-open iyon ay dali-dali akong pumasok ng hindi tinitingnan kung sino yung kasabay ko. Abala ako sa pag-aayos ng buhok ng biglang merong nagsalita.
“Hi Heather. Kamusta ka na?” Napalingon ako sa likod ko at di ko inexpect kung sino ang nakita ko.
“L-lance!” Sabi ko habang titig na titig sa kanya. It’s been weeks since the last time I saw him and I didn’t expect him to see him here at the office. “W-what are you doing here?”
“Visiting the ever beautiful Ms. Heather Lopez.” He said and sweetly smiled at me.
I blushed when I heard that. Of course, kahit naman papaano nakakaflatter ang masabihan ng maganda. Sabihin niyong hindi, sasakalin ko kayo. Hehe.
“Seriously, Lance. What are you doing here? I guess hindi talaga ako ang rason kung bakit ka andito. Kasi kung ako nga, dapat sa 10th floor ka pumunta kasi andoon ang office ko.” Sabi ko.
“I’m just kidding. Actually, kaya ako nandito is because of my father.” Sagot niya.
“Your father?” Tanong ko habang nakakunot ang noo.
“Yes. My father is one of the investors of your new project in Palawan. And he asked me na kung pwedeng ako muna ang umattend sa meeting today dahil meron daw siyang importanteng aasikasuhin.” Sabi niya habang nakatingin sa akin.
“Don’t tell me your father is Mr. Ferdinand Lagdameo—You’re the sole heir of Lagdameo group of companies?!” God. Bakit ngayon ko lang naisip yun? Malamang siya yun. Lance Lagdameo…Ferdinad Lagdameo…Goodness! Ni sa hinagap di ko naisip yun ah! Akala ko magkaapelyido lang sila.
“Unfortunately, yes.” Sabi niya na nagpipigil ng tawa.
I pouted in his reaction but immediately composed myself. Kakahiya naman. Medyo matagal ko na rin siyang kilala pero ngayon ko lang naisip yun. Paano naman kasi kilala siya dahil sa sarili niyang business at hindi dahil sa anak siya ni Mr. Lagdameo. Lagdameo Group of Companies is really a very big company. When I say BIG, it really describes it all. It caters different industries kaya napakayaman ng kompanyang iyon.
Tumunog na yung elevator at nagflash na sa screen na nasa 17th floor na kami kaya bumaba na kaming pareho. Dumiretso kami sa board room at pagbukas na pagbukas ng pinto, hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Sadya bang pinaglalaruan ako ng tadhana?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top