CHAPTER 16: STARS

CHAPTER 16: STARS

 

-6th day-

 

Today is our 6th day here at Boracay at bukas ay babalik na kami sa Manila. In all fairness, Super nag-enjoy ako at narelax dahil sa dami ng activities na meron dito. But of course, above all, iyon ay dahil kasama ko si Elijah. Andami naming pinuntahan while we are here. Nagsurf, kayaking, island hopping at kung ano ano pang activities.

Kakabalik ko lang ng kwarto ko galing sa paglalakwatsa namin ni Elijah. Namili kami ng mga souvenirs na ipampapasalubong namin. Humiga ako sa kama ko at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sana ganito na lang kami palagi ni Elijah. Yung palagi kaming magkasama at masaya at walang iniisip na problema. Yung pakiramdam na kami lang yung tao sa mundo at walang iniisip na iba. Pero alam ko naman na hindi naman pangmatagalan ito kasi alam ko rin na sa pagbabalik namin sa Manila eh marami pa kaming kelangan harapin at gawin. Tulad na lang ng pag-iimbestiga kung sino ang anonymous buyer ng malaking share sa kompanya. Hanggang ngayon kasi eh wala pa ring balita kung sino ito at hindi pa ito lumalantad. At wala pa rin kaming kaalam alam kung ano ang plano niya talaga sa kompanya. Sa totoo lang, masama na kung masama, pero nahiling ko na sana ay tagalan niya pa ang pagpapakita. Bakit? Kasi selfish man sabihin, pero gusto ko pang makasama ng matagal si Elijah.

Hinding hindi mawawala sa isip ko ang 6 months na kasunduan namin pero gusto kong iextend yun. Or kung pwede nga lang eh panghabang buhay na kaming kasal sa isa’t isa. Pero alam ko naman sa sarili ko na imposible yun eh. Pero sabi nga nila, libre lang ang mangarap.

‘Haaaaaaaaayy..’

Bumangon ako muli sa pagkakahiga at napagdesisyunan kong pumunta sa verandah ng kwarto ko. Binuksan ko ang glass door at sumalubong sa akin ang panggabing hangin at amoy na amoy ko ang dagat. Gustong gusto ko talaga ang ganitong lugar na malapit sa dagat. Napangiti ako. Tumingala ako sa langit at nakita kong napakaraming bituin. Hindi ako maalam sa mga constellations pero kahit ganoon ay hilig ko pa rin tingnan ang stars sa langit lalo na kapag  ganitong maaliwalas ang kalangitan at napakarami nila. Isip bata man kung iisipin, pero mahilig ako magconnect the dots kapag napapatingin ako sa mga bituin. Katulad ngayon, sa pagcoconnect ko, nakabuo ako ng rosary at  parang aso.

Nang medyo mangalay yung leeg ko ay ibinalik ko muli yung tingin ko sa dagat. Parang crystal iyon at kumikinang ito nang tamaan ng liwanag buwan. Biglang umihip muli ang hangin at nakaramdam ako ng lamig.  Napagdesisyunan ko na bumalik sa kwarto para kumuha ng jacket pero napigilan ako sa pagtalikod ng maramdaman kong merong yumakap mula sa likod ko.

Alam na alam ko kung sino yun. Amoy pa lang ng pabango alam ko na.

Si Elijah.

Napangiti ako. Ni hindi ko man lang naramdaman na nakapasok siya sa kwarto ko.

Siguro may sa ninja itong si Elijah at  hindi ko man lang ako nakarinig nang kahit anong kaluskos. Hehe.

“Uy…Trespassing ka. Pwede kitang kasuhan.” Biro ko sa kanya.

“Kung kaya mo.” Sabi niya at bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. Gusto ko sanang magprotesta pero sinarili ko na lang.

Ano naman ba kasi ang karapatan ko na hilingin sa kanya na yakapin pa ako ng matagal diba?

“Ano nga palang ginagawa mo dito?” Tanong niya habang nakatingin sa dagat.

“Ahmm…Magsu-suicide?” Pamimilosopo ko pero nang makita kong bigyan niya ako ng matalim na tingin eh, bigla ko ring binawi. Natakot ako eh. Hehehe. “Joke lang. Eto naman , di na mabiro.  Malamang, nagpapahangin ako. Eh ikaw? Ano naman ang ginagawa mo dito sa kwarto ko?”

“Di kasi ako makatulog. Chineck ko lang kung tulog ka na kaya pumunta ako rito. Akala ko nga maabutan kitang naghihilik eh. Yun pala, wala ka sa kama mo.” Natatawang sabi niya.

“Adik! Di ako humihilik kapag natutulog no!” Sabi ko sabay pout.

“Aber, paano mo nasabi? Naririnig mo ba yung sarili mo kapag tulog ka? Ilang beses na kaya kitang naaabutan na humihilik kapag napunta ako sa kwarto mo.” Pang-aasar niya.

“Hoy! Hindi yan totoo ha! Imbento ka, Elijah!” Depensa ko.

Lumapit siya sa akin at pinisil niya yung ilong ko. “Joke lang. Hehehe.” Sabi niya at ngumiti siya sa akin.

Naupo siya sa upuan na malapit sa akin at tumingin sa dagat. Pareho lang kaming tahimik at nakangiti habang pinagmamasdan yung paghampas ng alon sa dalampasigan.

“Alam mo…” Panimulang sabi ko para basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“Hindi ko pa alam.” Sabi niya matapos niyang humarap sa akin at magsmirk.

“Pilosopo!” Sabi ko sa kanya sabay belat. Adik lang kasi eh. Hindi pa nga ako tapos magsalita eh may sagot na agad siya.

“Hehehe. Joke lang. Ano nga yung sasabihin mo?” Tanong niya.

“Wala. Nakalimutan ko na eh. Adik ka kasi eh. Di mo muna ako pinatapos magsalita.” Sa totoo lang, nakalimutan ko talaga yung sasabihin ko. Kulit lang kasi nito ni Elijah eh.

“Di nga? Ano nga yun? Dali, makikinig na ako.” Sabi niya pa.

“Nakalimutan ko na nga. Kulit mo kasi eh.” Sagot ko.

“Edi ako na lang yung may sasabihin. Rather, may ibibigay pala.” Sabi niya.

“Ano naman yun?” Tanong ko.

Niligay niya yung kamay niya sa likod ng pants niya at parang merong kinuha doon.

“Eto oh…” Sabay abot sa akin nun.

Aww…Binigyan niya ako ng isang Crystal Star Keychain. Ang ganda lang.

“Wow. Ang ganda naman nito! Thank you Elijah!” Sabi ko and I gave him a hug.

“You will always welcome, Heather.” Sabi niya matapos kong bitiwan siya mula sa pagkakayakap ko.

“Bakit mo pala ako binigyan nito?” Tanong ko habang titig na titig pa rin ako sa keychain. Ang ganda kasi eh kahit simple lang yun. At lalong gumanda yun kasi bigay niya.

 

“Wala lang. Nakita ko kasi yan sa isa sa mga souvenirs shop dito. Eh naalala kita na bukod sa panda, hilig mo ang mga stars kaya binili ko.” Sabi niya sabay ngiti.

Sheeetness. Kinilig ako sa sweetness ni Elijah.

“W-well, Thank you again.” Sabi ko.

“Let’s go inside. Late na rin kaya matulog ka na.” Sabi niya sa akin at hinawakan niya yung kamay ko at hinila papasok ng kwarto.

Nagpahila naman ako sa kanya. Matapos niyang isarang mabuti yung glass door ng papunta sa veranda ay iginaya niya ako papunta sa kama ko at pinahiga ako doon. Sa totoo lang, kinikilig ako sa ginagawa sa akin ni Elijah. Yung pakiramdam na iniingatan niya talaga akong mabuti. Nang makahiga ako ng maayos ay kinumutan niya pa ako tsaka ngumiti sa akin.

“Good night, Heather.” Sabi niya at nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi.

Tae. Mabuti na lang at hindi ko masyadong naigalaw yung mukha ko pakanan kasi kung nagawa yun, sa lips tatama yung kiss ni Elijah. Ngumiti siya sa akin bago lumabas ng kwarto ko. Napahawak ako sa pisngi ko na hinalikan ni Elijah. Ramdam ko pa rin kasi yung labi niyang dumikit sa pisngi ko. Napangiti ako.

Indeed, this is really a very good night.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top