CHAPTER 15: BALLOONS
CHAPTER 15: BALLOONS
“Yes, Vera?” Sabi ni Elijah sa kausap niya habang nakatingin pa rin sa akin.
Dali dali akong tumayo at umalis doon. Ayokong marinig kung ano man ang pag-uusapan nila. At isa pa, nahihiya ako kay Elijah. Hindi ko alam kung anong nangyari sa amin kanina at kung bakit nangyari ang hindi dapat mangyari. Mabuti na lang at hindi niya ako pinigilan umalis kaya nagtuloy tuloy ako papunta sa hotel hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Inilock kong mabuti yung pinto pati doon sa connecting door sa kwarto namin Elijah. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin.
At isa pa, naiinis ako sa ideyang kausap na naman niya si Vera. Nakakabwisit.
Haaaaaaaaaaaayy…Parang sirang plaka na paulit ulit na nagrereplay sa utak ko yung nangyari kanina.
Kahit na hindi ako tumingin sa salamin, alam kong namumula ako ng sobra ngayon.
Ghaaaaaaaaaaaaaaaaaaaad..Nakakahiya talaga!
Dumapa ako sa kama ko at nagtakip ng unan. Pilit kong inaalis sa utak ko yung nangyari kanina pero hindi ko magawa. Kahit papaano, parang natuwa ako sa nangyari. Bakit? Kasi napatunayan ko na hindi lang kapatid yung turing sa akin ni Elijah. Hindi naman niya siguro gagawin yung ang tingin niya lang sa akin ay nakababatang kapatid lang diba? Ibig sabihin, nakikita niya rin ako bilang isang babae.
Tae. Kinikilig ako. Kahit na walang confirmation na tama nga ang hinala ko, di ko pa rin maiwasan ang hindi matuwa. Dahil so sobrang kinikilig ako di ko mapigilang hindi tumili.
“Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah—“
“HEATHER! ANONG NANGYAYARI SA’YO? BAKIT KA SUMISIGAW? BUKSAN MO NGA TONG PINTO!”
Napahinto ako sa pagtili ko ng marinig ko ang boses niya. Napatakip tuloy ako bigla ng bibig. Bumalik na pala siya sa kwarto niya at parang kulang na lang eh gibain niya yung connecting door ng kwarto namin sa sobrang lakas ng pagkalampag niya.
“A-ANO…W-WALA LANG TO! A-AKALA KO KASI MAY NAKITA AKONG IPIS!” Sigaw ko at hindi pa rin ako lumalapit para pagbuksan siya.
‘Maniwala ka sana’ cross fingers na sabi ko.
“EH BAKIT NILOCK MO TONG PINTO? BUKSAN MO NGA TO!”
Hala. Anong gagawin ko? Ayoko pa muna siyang harapin kasi nahihiya ako sa kanya pero kapag hindi ko binuksan yung pinto baka wasakin niya yun mabuksan lang. Napakagat ako sa daliri ko dahil hindi ko alam kung anong dapat na gawin ko. Kinalma ko muna yung sarili ko at huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
“SANDALI LANG. BUBUKSAN NA!” Sigaw ko at dahan dahan akong lumapit sa pintuan.
‘This is it. Kaya ko to!.’ Sabi ko sa sarili ko.
Dahan dahan kong binuksan yung pintuan at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Elijah.
“H-hi…” Sabi ko at iwinave ko pa yung kanang kamay ko.
Shit! I’m stammering. Hindi naman obvious na kinakabahan ako diba? Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
Tae. Pwede bang pakitalian ang puso ko? Mukhang lalabas na sa rib cage ko sa sobrang pagwawala eh.
“El—“
“Okay ka lang? Akala ko kung ano naman ang nangyari sa’yo. Natakot ako.” Sabi niya na hindi pa rin niya ako binibitawan sa higpit ng pagkakayakap niya.
Hindi pa siya nakuntento at lalo niya pang isinubsob yung ulo niya sa leeg ko. Feeling ko hinaplos yung puso nang marinig ko yung sinabi ni Elijah at makita ko ang nag-aalala niyang mukha. Ilang minuto kaming nakaganun lang kasi pakiramdam ko ayaw niya akong bitiwan. Pero as much as I want na nasa ganoon lang kaming posisyon, umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya dahil nahihirapan na akong huminga sa sobrang higpit ng yakap niya.
“Ang adik mo, Chu. Napasigaw lang eh.” Sabi ko to lighten up the atmosphere sa pagitan naming dalawa. Ramdam ko kasi yung awkwardness between the two of us.
“Ayan ka na naman sa kaka-chu mo eh. Gusto mong kilitiin ulit kita?” He said with a playful smile on his face.
Ramdam ko na nag-instant blush na naman ako sa sinabi ni Elijah. Kasi naalala ko na naman yung nangyari. Doon kasi sa kilitian portion nag-umpisa yun.
I mentally shook my head. Ano ba tong pinag-iisip ko.
‘Bad, Heather…’ I said to myself.
“Sabi ko nga po, Hindi na kita tatawaging Chu eh. Hehehe.” I said and made a peace sign out of my fingers.
Hindi siya nagsalita at bumalik ulit yung seryosong mukha niya habang nakatitig sa akin.
“Heather…” Sabi niya at hinawakan niya pa yung kamay ko.
“A-ano yun?” Kinakabahang tanong ko. I can sense na uungkatin na niya yung nangyari kanina.
“Y-yung n-nangyari k-kanina..” Sabi niya at parang nag-alangan pa siya kung itutuloy niya yung sasabihin niya o hindi samantalang ako ay napayuko na lang. Hindi ko kasi kayang makipagtitigan sa kanya ngayon. “I’m so sorry. Hindi ko dapat ginawa yun…”
Bakit kelangan niya magsorry? Nagsosorry siya kasi pakiramdam niya incest yung naganap sa amin? O dahil pakiramdam niya nagcheat siya kay Vera sa ginawa niya?
Ang sakit sakit naman. Linsyak lang!
Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Masyado akong naging assumera na akala ko higit pa sa kaibigan yung turing niya sa akin kaya eto ang napala ko.
Heartache...again.
Mabuti na lang at nakayuko ako at hindi niya nakikita yung unti-unting namumuong luha sa mata ko. Huminga muna ako ng malalim at pinalis yung luha sa mga mata ko tsaka ko siya tiningnan.
“I-it’s okay. Huwag kang mag-alala. N-nadala lang tayong pareho. It’s j-just a plain kiss after all. L-let’s just forget about it, okay?” Sa totoo lang pwede akong manalong best actress sa ginagawa ko ngayon. Nakapaskil pa sa mukha ko ang isang pekeng ngiti.
Hindi ko alam pero parang napatiim-bagang si Elijah sa sinabi ko at parang nagalit or nainis?
Ewan. Naguguluhan ako. Bakit ganyan yung reaksyon niya? Hindi ba’t pabor pa nga sa kanya yung sinabi ko?
“So, ganun na lang yun para sa’yo?” He said sternly.
T-teka nga. Anong problema nito ni Elijah? Siya na nga lang yung iniisip ko kahit sobrang sakit sa parte ko nitong ginagawa ko tapos siya pa may ganang magalit?
“S-saglit nga, Elijah. Bakit parang galit ka? Anong problema mo?” Naiinis kong sabi.
“WALA!” Sabi niya sabay alis sa pintuan at umalis sa harapan ko.
Narinig ko na lang na isinara niya yung front door niya ng malakas. Marahil ay lumabas siya. Bumalik ako sa kama ko at parang nanghihina akong naupo doon. Bakit siya nagwalk out? Anong problema niya?
Ang sakit sakit na nga ng puso ko kasi mas inaalala niya pa si Vera kesa sa akin tapos magagalit lang siya ng ganun. Ang unfair naman niya.
Di ko na napigilan ang sarili ko hindi mapaiyak.
‘Bwisit ka Elijah. Palagi mo na lang akong pinaiiyak.’
***
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa pag-iyak. Mabuti na lang at hindi masyadong halata na namamaga yung mata ko kundi mahihirapan akong mag-explain kay Elijah kapag nakita niya yun. Iminulat ko ang mga mata ko at nanlaki ang mga mata ako sa nakita ko nang mapatingin ako sa ceiling. Nagkalat ang mga balloon sa ceiling na merong nakasabit pa na rose at may nakasulat na ‘I’m sorry, Heather.’
Aww…Alam na alam ko na kung sino ang may gawa nito. Napangiti ako. Kahit na inis ako sa kanya, natuwa ako kasi nag-effort talaga siya para magsorry. Pero napaisip ako kung bakit niya kelangan magsorry. Siguro dahil sa nilayasan niya ako kagabi.
Tumayo ako mula sa kama ko at pilit inabot yung isa sa mga lobo. Pero dahil sadyang mataas yung ceiling kaya hindi ko siya maabot. Bumaba ako sa kama ko at kumuha ng mataas na upuan na sakto lamang para maabot ko yung balloon. Malapit ko nang maabot habang nakatingkayad ako nang magulat ako ng biglang bumukas ang pintuan. Nawalan ako ng balanse at alam ko na maya-maya lang ay hahalik sa sahig ang pwet ko. Napapikit ako. Pero ilang segundo yung lumipas pero parang wala akong naramdamang sakit. Unti-unti kong idinilat yung mata ko at nakita ko siya.
Narealize ko na kaya pala hindi ko naramdaman na sumayad man lang yung pwet ko sa sahig ay iyon ay dahil nasalo ako ni Elijah. Alam niyo yung parang buhat pangkasal? Ganun na ganun yung posisyon namin ni Elijah. Cliché may it seems but I’m enjoying this. My arms wrapped around his neck while he is carrying me as if I weigh like cotton. Again, it feels like the world stop rotating and there is only the two of us. I can smell his manly scent that I know I can never forget. I stopped staring at him when I heard him chuckle.
“Stop staring, Heather. Alam kong gwapo ako.” He grinned.
‘Oh, lamunin mo na ako lupa please.’ I’m such an idiot to do that.
“S-sorry. G-gwapo kasi ng…” Lumunok muna ako bago ipinagpatuloy yung pagsasalita ko. “B-bestfriend ko.”
“I know and I know that I am irresistible for you not to stop doing so. Pero please lang, stop staring. You know that staring is rude.” Sabi niya pa na parang nang-aasar pa ang loko.
“Baliw!” Sabi ko sabay batok sa kanya.
‘Alam ko naman yun eh. Kaya nga ako na-fall sa’yong baliw ka eh.’ Gusto kong sabihin sa kanya yun but of course I decided to keep it to myself na lang.
“Aray! Sakit yun ha! Pasalamat ka maasdfghjkal kiqwertyta…” Sabi niya pero di ko na naintindihan yung dulo. Binulong niya kasi. Adik lang.
“Pasalamat ako na ano?” Tanong ko.
“W-wala po. Baba ka na. Bigat mo eh. Kapayat payat mo pero para akong nagbuhat ng limang sako ng bigas.” Sabi niya at ibinaba nga ako.
Oo nga no. Kakahiya. Kanina pa kami nag-uusap pero karga karga niya pa rin ako.
“H-hoy! Di ako mabigat ah! Ang sama mo naman! Di naman ako ganoon kabigat!” Sabi ko sabay pout.
Tumawa lang siya at pinisil yung ilong ko. Adik lang.
“Ano bang ginagawa mo kanina at muntik ka nang mahulog?” Tanong niya sa akin.
“Aah...Kukuha sana ako ng isang lobo.” Sabi ko na parang nahihiya.
“Uuuyyy..Natuwa siya sa piece offering ko. Pero, seriously Heather, I’m really sorry kasi nilayasan kita kagabi.” Sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko at mataman akong tiningnan. Feeling ko matutunaw ako sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin kaya tumalikod ako sa kanya bago nagsalita.
“O-okay lang yun.” Sabi ko at naupo ako sa isa sa mga upuan sa kwarto ko. “Dami dami nitong balloons. Mahihirapan yung room attendant na linisin to. Hehehe.” Sabi ko.
“Okay lang yan. Let’s have breakfast. Nagparoom service ako at andoon na sa kwarto ko.” Sabi niya at lumapit sa akin.
Inabot niya yung kamay ko at hinawakan yun.
Napangiti ako. It really feels so good kapag hawak hawak ni Elijah yung kamay ko. Tumayo na ako at sabay kaming nagpunta sa kwarto niya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top