CHAPTER 14: IN DANGER

CHAPTER 14: IN DANGER

 

-Boracay-

Two days na  kami ni Elijah dito sa Boracay para daw sa ‘honeymoon’ namin.

Actually, dapat sa France kami pupunta as part of the gift ng parents ni Elijah pero we both decided na huwag nang lumayo pa dahil hindi rin naman kami pwedeng matagal mawala ni Elijah sa office. Tsaka as if naman mangyayari nga yung ‘honeymoon’ na yun. Pinilit kami ni Tita Caprice pero hindi niya kami napilit. Sabi niya pa kahit saan na lang daw basta ‘maghoneymoon’ lang kami. Kakaloka nga eh. Feeling ko kasing pula na ng kamatis yung mukha ko nung sinasabi niya iyon. At dahil parang nakonsensya kami ni Elijah kaya nagdecide na lang kami na kung ‘maghahoneymoon’ kami eh, out of town na lang. So, we settled here at Boracay. Sa isa sa mga hotel namin dito. Napangiti ako ng maalala yung mukha ni Tita Caprice nang sabihin namin iyon. Ang laki ng ngiti niya sa mga labi. Akala mo nanalo sa lotto sa sobrang saya niya lang.

Inilubog ko muli yung ulo ko sa tubig at nag-umpisang lumangoy pabalik sa seaside. Umahon ako at bumalik sa pwesto ko kanina. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako lang mag-isa ang nagsiswimming. Iyon ay dahil nagpapakabusy sa pag-iikot si Elijah sa hotel namin.

Oh, well. Di na ako magtataka. Sanay na ako diyan kay Elijah. Workaholic eh. Inilatag ko yung towel ko at nahiga doon. Parang trip ko kasing magpa-tan. Nararamdaman ko na inaantok na ako pero parang biglang nagising yung diwa ko ng maramdaman kong merong tumabi sa akin. Dumilat ako at paglingon ko merong isang mama ang titig na titig sa katawan ko. Napabangon tuloy ako bigla at kinuha yung malaking tshirt na pang-ibabaw ko sa two piece swimsuit na suot ko at dali daling isinuot iyon. Medyo malayo pa naman kami sa karamihan ng tao kaya di ko maiwasan na hindi kabahan.

Ngumiti ng nakakaloko yung mamang mukhang ewan bago nagsalita. “Hi Miss. Ganda mo ah! Anong pangalan mo?”

Amoy alak yung lalaki. At medyo mapula na yung mga mata niya. Unti-unti siyang lumapit sa akin.

Tae. Lakas ng kabog ng puso ko sa sobrang takot. Umusog ako papalayo sa kanya. Pero sa bawat pag-usog ko, unti-unti naman siyang lumalapit. Dahi sa ginawa ng nakakatakot na mama na iyon ay dali dali akong tumayo. Pero hindi pa ako nakakahakbang ng hawakan niya yung braso ko.

“Miss, saan ka pupunta? Hindi mo pa nga sinasagot yung tanong ko eh iiwan mo na ako. Dito ka muna. Papaligayahin  pa kita eh.” Sabi niya at niyakap niya ako.

“BITIWAN MO AKO!” Sigaw ko habang nagpupumiglas sa kanya. Pero hindi ko magawang makaalis sa pagkakayakap niya sa akin. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

“Huwag kang malikot.  Di naman kita sasaktan eh. Masasarapan ka pa sa gagawin natin.” Ngumisi pa siya sa akin na parang isang demonyo at unti-unti niyang inilapit yung labi niya sa leeg ko.

“BITIWAN MO SABI AKO MANYAK KA!” Sabi ko sabay sipa sa *toot* niya.

“AAAAAAAAAAH!” Sigaw niya at napahawak siya ‘doon’.

Nabitawan niya ako kaya dali dali akong tumakbo pero di pa ako nakakalayo ng maramdaman kong nahawakan na naman niya ako sa braso.

“BWISIT KANG BABAE KA! PAGBABAYARAN MO ITONG GINAWA MO SA AKIN!” Sabi niya sabay sampal sa akin. Napahiga ako sa buhanginan ng dahil doon. Feeling ko umikot yung paningin ko at namanhid yung pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

Patayo na ulit ako pero sinipa naman niya ako sa tagiliran. Tatlong beses. Tatlong beses niya akong sinipa at di pa nakuntento ay sinuntok pa ako sa tyan. Mangiyak-ngiyak ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko di ko na kakayaning tumayo.

“Tulong...” Mahina kong sabi. Nanlalabo na yung tingin ko sa mga oras na to pero kahit ganoon nakita ko yung nakakalokong ngiti niya bago niya ako dinaluhong. Pero bago ko pa naramdaman na dumikit yung katawan niya sa akin, meron akong nakitang anino ng isang lalaki. Di ko na nakita yung mga sumunod na pangyayari dahil nawalan na ako ng malay.

***

Unti-unti kong idinilat yung mga mata ko. Nasilaw ako sa liwanag na sumalubong sa akin. Pinilit kong bumangon pero di ko nagawa. Ang sakit ng katawan ko. Naramdaman kong meron palang nakahawak sa kanang kamay ko. Tiningnan ko kung sino ang may hawak at nakita ko si Elijah na natutulog habang nakayukyok sa gilid ko. Napangiti ako ng makita ko siya. SInubukan kong alisin yung pagkakahawak niya sa kamay ko dahil nangangalay na ako pero kinuha niya ulit yun at mas lalong hingpitan yung hawak. Napangiti ulit ako. Mapatulog, ang gwapo pa rin ni Elijah. Mapilantik yung pilik mata niya at matangos ang ilong. Ang kinis rin ng mukha niya na parang mahihiya ang pimple na tumubo doon. At ang mga labi niya napakapula noon.

Tumagilid ako sa side niya para makita ko siya ng maayos. Itinaas ko yung kaliwang kamay ko at dahan dahan kong trinace yung mukha niya. Mula mata papuntang mga labi. Pero napapitlag ako ng makita kong papagising na siya kaya inalis ko yung kamay ko at nahiga ng maayos. Magpapanggap pa sana akong tulog kasi nakita na niya akong gising.

“Hi...” Sabi ko at ngumiti sa kanya.

“Okay ka na? May masakit pa ba sa’yo? Nagugutom ka na ba? Ano gusto mong kainin?” Sunod sunod na tanong niya sa akin habang pupungas pungas na umayos ng upo.

“Bibo lang, Elijah? Daming tanong ah? Isa isa lang. Mahina ang kalaban.” Natatawang sabi ko.

Ngumiti lang siya sa akin at muling hinawakan yung kamay ko. “Seriously Heather, Are you okay now?”

“I’m okay na. Medyo masakit pa rin yung katawan ko but it’s tolerable.” Sabi ko sa kanya then I gave him a reassuring smile.

“Thank God! You really scared me the hell out of me when I saw you passed out.” Para siyang nakahinga ng maluwag matapos niyang marinig yung sagot ko.

“I’m sorry...” Sabi ko. “I just wanna happened after I passed out. And who brought me here? Tsaka anong nang nangyari sa mamang rapist?” Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

“That…I was the one who brought you here. Nag-iikot ikot ako sa Hotel nung mapadako ako dun sa lugar na muntik ka nang madisgrasya. I saw you lying on the sand and someone’s beating you so I ran as fast as I could to get there and save you from that assh*le!” He clenched his teeth and closed his fist while telling me that. I can sense how angry Elijah is to my assailant.

“W-where is he now?” tanong ko.

“He’s in the jail. And I’ll make sure hindi na siya makakalabas pa doon.” Seryosong sabi niya sa akin. Hindi na ako nagsalita ng sumagot siya. Pero nagulat ako ng nagsalita siyang muli.

“Huwag ka nang aalis ng hindi ako kasama ha? At kung aalis ka man at wala ako, make sure na meron kang kasamang guards.” Sabi niya.

“Pero—“ Aangal sana ako sa sinabi niya pero natahimik ako dahil sa mga sumunod na sinabi niya.

“No buts Heather. You almost scared me to death of what happened yesterday. I can’t afford to lose you. So please listen and understand why I’m doing this.” Seryosong sabi niya at muling hinawakan niya yung dalawang kamay ko at tinitigan ako. “I just realized na hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka...”

Aww...Ang sarap pakinggan ng sinabi ni Elijah. Kahit hindi niya ako mahal, He cares for me so much to the point na sasabihin niyang he can’t afford to lose me.

“Okay.” Sabi ko. “Siyangapala, sinabi mo ba sa parents natin yung nangyari?” Tanong ko ulit. Ayoko kasing malaman nila. Mag-aalala yung mga iyon at for sure kahit busy sila eh pupuntahan talaga nila ako dito.

“Hindi pa. But I am about to call them now. Hindi ko kasi nagawang tawagan sila dahil—“

“No. Don’t tell them.” I said cutting him off. “Ayoko silang mag-aalala pa. Tsaka medyo okay na rin naman ako. So please don’t tell them, El.”

“Pero—“

“Please?”

“Fine. I won’t tell them.” Pagpayag niya. “Do you want to eat? Magpapadala ako ng pagkain dito.” Sabi niya.

“No. Pero gusto ko sanang matulog ulit.”

“Okay. Magpahinga ka na. Dito lang ako sa tabi mo.” Sabi niya at muling hinawakan yung kamay ko. Napangiti ako kahit nakapikit ako.

Kahit masakit ang katawan ko, hindi ko maiwasan ang hindi sumaya lalo na at andito si Elijah sa tabi ko habang hawak hawak ang kamay ko at hindi ako iiwan.

Papaidlip na ako ng maramdaman kong hinalikan ako ni Elijah sa noo at narinig kong bumulong siya sa akin pero hindi ko na naintindihan dahil sa antok ko. “Masdfghjk na zxval kiqwer…”

---

This is our fifth day here at Boracay. Nakalabas na ako ng hospital at todo bantay sa akin ni Elijah na kulang na lang itali niya yung katawan niya sa akin. Hahaha. May mga benda pa ako sa katawan pero hindi naman naging sagabal yun para makakilos ako ng maayos.

Sa totoo lang, palaisipan sa akin kung ano yung ibinulong sa akin ni Elijah nung nasa hospital pa kami. Tinanong ko nga siya kung ano yun pero ang sabi niya hindi naman daw siya nagsalita. Nanakot pa na baka daw multo yung bumulong sa tenga ko. Baliw lang.

“Chu ‘lika na! Bagal mo naman!” Tawag ko kay Elijah.

“I told you to stop calling me that.” Sabi niya ng makalapit sa akin.

“Why? It’s cute! Bagay sa’yo.” And I grin.

“Do I really look like a dog to call me like that?” He grimaced.

“Naah..But you act like a cute dog following me everywhere.” Sabi ko sabay kurot sa magkabilang pisngi niya. “Kulang na lang pati sa pagcr ko sumama ka.” Sabi ko pa sabay tawa.

“Know what? I think that’s a good idea. Sige samahan kita pati pag-cr mo.” Now, he’s smirking at me.

Feeling ko nagblush ako sa sinabi niya. PInalo ko siya sa braso at nagsabi ng “Baliw!”

“Ouch! Amazona ka talaga! Kinurot mo na nga ako sa pisngi, Pinalo mo pa ako. Ano kala mo sa akin?” Sabi niya habang hinihimas yung braso niyang pinalo ko.

“Punching Bag.” Sabay belat ko sa kanya.

“Aah...Ganun?” Sabi niya sabay unti-unting lumapit sa akin.

Umatras ako. Alam ko na kung ano ang gagawin niya.

Nung medyo malapit siya sa akin tsaka ako kumaripas ng takbo. Alam ko kasi na kikilitiin niya ako. Nakarating kami ng seaside na naghahabulan. Para nga kaming timang na tawa ng tawa. Pati yung mga guest at empleyadong nadaanan namin ay nakatawa sa amin.

Mabuti na lang at medyo magaling na yung mga sugat ko na natamo mula sa mamang rapist na yun kundi di ako makakatakbo ng ganito.

Naabutan niya ako. Tawa ako ng tawa habang pinipigilan ko yung kamay niya na kilitiin ako.

“TAMA NA! HAHAHA! EL, TA-HAHAHA-MA NA HAHAHA SABI EH! HAHAHA!” Sabi ko habang walang humpay na tumatawa.

“AYOKO NGA!” Sabi niya at patuloy niya akong kiniliti.

Siguro ilang minuto na kaming ganoon. Nakakahiya nga kasi nakakaagaw kami ng pansin ng ibang nandoon. Pero kiber lang. Nang pareho kaming napagod ay sabay kaming nahiga sa buhanginan. Mabuti na lang at hapon na kaya hindi na masyadong mainit.

“Ang adik mo talaga Chu! Lakas ng trip mo!” Sabi ko sa kanya habang humihingal pa at nakangiti eh.

“Aba’t! Ayaw mo talaga akong tigilan sa kakatawag mo ng Chu ha? Gusto mo kilitiin ulit kita?”  Sabi niya at tumagilid siya papaharap sa akin.

“Hindi! Awat na! Hehehe.” Sabi ko at ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.

Ngayon ko lang narealize na sobrang lapit niya pala sa akin. Umusog pala siya. Kaya naman yung pagitan namin pakiramdam ko eh mga two inches na lang. Napalunok ako at napatingin sa mga labi ni Elijah. Tae. Isang maling galaw ko lang eh magdidikit yung mga labi namin.

Nakita kong titig na titig siya sa akin. Pakiramdam ko nga eh matutunaw ako sa klase ng tingin niya sa akin. Iba eh. Unti-unting lumapit sa akin si Elijah at maya-maya’y nagdikit ang mga labi namin. Nanlaki yung mga mata ko nung una dahil nagulat ako sa ginawa ni Elijah. Pero napapikit din ako dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot na halik ni Elijah sa akin. His kiss deepened and it feels like the world stop rotating. We are sharing a one passionate kiss and I can’t help myself to respond to him. He lifted his weight and now he’s on top of me. I put my arms around his nape and touch his hair. Naramdaman ko na lang na his hands is starting to roam around my body. Alam ko kung ano ang kahihinatnan nito kapag hindi ko siya pinigilan. But I can’t bear to stop. It’s Elijah. The man I love.

His lips leave mine but he continued kissing me and now he’s down on my neck. His kiss is giving me such an unexplainable sensation. But suddenly he stopped. Napatigil siya sa ginagawa niya ng biglang magring yung cellphone. Bigla kaming napabangon pareho.

Shocks! Ngayon ko lang narealize yung pinaggagagawa namin ni Elijah!

Nakakahiya! Ghaaaaaaad! Ramdam kong tumingin sa akin si Elijah habang hawak yung phone niya. Pero di ko kayang tingnan siya. Nakakahiya yung pinaggagagawa namin. To think na nasa public place kami. My goodness!

Narinig kong sinagot niya yung tawag at nainis ako  bigla ng marinig ko kung sino ang caller.

Si Vera.

 

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top