CHAPTER 12: MEMORIES OF FIRST LOVE
CHAPTER 12-MEMORIES OF FIRST LOVE
3 Days.
3 days na lang at ikakasal na kami ni Elijah. Ipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ako nakakaramdam ng excitement sa tuwing naiisip ko yun. Kahit ano pang dahilan ng pagpapakasal namin, di ko pa rin maiwasan ang hindi matuwa.
Napangiti ako. Ready na lahat ng kailangan. Pati yung isusuot namin ni Elijah ay tapos na din. Speaking of Elijah, Hindi ko alam kung para saan yung hug at kiss sa cheeks na ginawa niya sa akin nung nakaraang araw. Tinanong ko siya kinabukasan kung para saan yun pero hindi siya sumagot at ngumiti lang sa akin. Napailing ako. Madalas talaga, meron siyang mga bagay na ginagawa na hindi ko maintindihan. Binalik ko ulit yung tingin ko sa computer ko nang biglang tumunog yung cellphone ko.
Si Lance. Tumatawag. Hindi pa pala kami nag-uusap simula nung araw na nasuntok siya ni Elijah.
Napabuntong hininga ako at sinagot ko yung tawag niya.
"Lance.." Pambungad ko.
"Heather…pasensya na kung tumawag ako..Pero...pero gusto ko lang sana tanungin kung pwede ba tayong magkita mamaya?" Hindi ko alam pero parang ang lungkot ng boses ni Lance habang nagsasalita siya. Napaisip ako. Siguro eto na yung tamang oras para mag-explain kay Lance.
"Sige. Pero pwedeng after office hours na lang?" Pagpayag ko.
"Talaga?" Parang nabuhayan si Lance sa sagot ko. "Sige, after work na lang. Sunduin na lang kita diyan sa office niyo, okay lang ba?"
"Oo naman. Sige. See you later, Lance."
"Same here. Bye, Heather."
"Bye." And I ended the call.
Ibinalik ko ulit yung cellphone ko kung saan ko ito inilagay kanina. Mamaya ko na iisipin kung ano klaseng pagsisinungaling ang sasabihin ko kay Lance kapag nagtanong siya kung bakit kami ikakakasal ni Elijah. Kahit na magkaibigan na kami, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yung totoo. Inalis ko sa utak ko muna yung mga alalahanin ko tungkol doon at bumalik na ako muli sa pagtatrabaho.
---
“Lance!” Tawag ko sa kanya ng makita ko siya sa labas ng building namin at nakatayo sa tapat ng kotse niya. Marahil, kanina pa siya naghihintay sa akin. Medyo marami din kasi akong tinapos at hindi ko namalayan yung oras. Nakita ko siyang tumingin sa akin at ngumiti. Kumaway pa ito sa akin. Dali dali naman akong naglakad papunta sa kanya.
“Sorry. Kanina ka pa ba? May tinapos pa kasi ako kaya late na ako nakababa.” Hinging paumanhin ko ng makalapit ako sa kanya.
“It’s okay, Heather. Hindi pa naman ako ganoon katalagal na naghihintay.” Sabi niya na nakangiti sa akin. Napansin kong pinagtitinginan kami ng ibang empleyado. Hindi ko alam kung bakit kaya minabuti ko na lang na ayain na si Lance umaalis doon.
“’Lika na?” Aya ko sa kanya.
“Sige.” Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat ng kotse niya at sumakay ako doon. Matapos niyang isara yung pintuan eh umikot siya sa gawi ng driver’s seat at sumakay na rin. Binuhay niya yung engine ng sasakyan at nag-umpisa na siyang magdrive.
Dinala niya ako sa isang restaurant. Napakaganda ng ambience doon. Napakapeaceful at tahimik. Naupo kami sa may bandang gilid kung saan malapit sa may maliit na fountain na napapaligiran ng magagandang bulaklak. Ang cute lang nun tingnan. Very refreshing sa paningin.
Nakita kong papalapit sa amin yung isa sa mga waiter at kinuha yung order namin. Nang makaalis yung waiter eh tsaka lang nagsalita si Lance.
“Thanks, Heather sa pagsama.” Nakangiting sabi niya sa akin.
“Ano ka ba? Para eto lang eh.” Natatawang sabi ko sa kanya.
Dumating yung order namin at nag-umpisa na kaming kumain. Habang kumakain ay panay kwentuhan namin ni Lance. Tulad ng dati, wala pa rin siyang kupas sa pagpapatawa. Ang dami niyang jokes na sinabi pati mga pick up lines. At ako naman etong si mababaw eh madaling natatawa sa mga banat niya.
Matapos namin kumain ay nag-aya siyang maglakad lakad muna. Para daw bumaba yung kinain namin. Pumayag naman ako at sa paglalakad namin eh nakarating kami sa isang park. Naupo kami sa isa sa mga bench doon. Pareho lang kaming tahimik habang pinapanood yung mga batang naglalaro sa buhanginan. Nagulat na lang kami pareho nang makita namin yung masayang naglalarong mga bata kanina ay biglang nag-away away.
Mga bata nga naman.
Napatingin ako kay Lance at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Matapos nun ay para kaming timang na sabay tumawa.
“Alam mo nung bata pa kami ni Elijah, ganyan din kami. Hahahaha. Para kaming sira noon. Yung tipong ang saya saya ng laro namin tapos dahil lang sa maliit na bagay, bigla kaming mag-aaway. Hahaha.” Natatawang sabi ko ng maalala ko yung nakaraan namin ni Elijah.
Hindi siya nagsalita at ngumiti lang sa akin. Napatingin kami pareho ulit doon sa mga batang naglalaro. Nakita namin yung isang batang lalaki na ipinagtatanggol niya yung katabi niyang batang babae na noo’y umiiyak na dahil sa pang-aasar ng iba pa nitong kalaro.
Napangiti ako. Ganyang-ganyan din noon sa akin si Elijah sa tuwing may nang-aaway sa akin. At kahit man ako ay ganoon din sa kanya. Hindi nga lang kasing galing ng kung paano niya ako pinoprotektahan pero ipinapakita ko naman sa kanya na kakampi niya ako kahit na anong mangyari.
Napangiti ako. Nakakatuwa talagang balikan yung kabataan namin ni Elijah.
“Alam mo...” Nagulat ako ng biglang nagsalita si Lance na noon ay nakatingin pa rin doon sa mga bata. “Noong bata pa ako, wala ako masyadong kalaro noon. Palagi lang kasi akong nasa bahay at bibihira lang palabasin kasi natatakot yung parents ko na baka mapaano ako sa labas. Ang higpit no?” Natatawang sabi nito.
“Oo nga.” Sagot ko. Parang nakakaawa naman yung kabataan ni Lance. Pakiramdam ko hindi niya masyado yun naenjoy.
“Pero alam mo, one time, napilit ko yung yaya ko na dalhin ako sa park malapit sa amin. Ang saya saya ko noon kasi nga makakapaglaro din ako sa labas at may chance na makipglaro sa ibang bata.” Nakangiting sabi niya. “Pero nung andun na ako, para akong naoutcast. Walang gustong makipaglaro sa akin. Siguro kasi noon lang nila ako nakita. Kaya naglaro na lang ako mag-isa. Pero habang naglalaro ako, biglang may lumapit sa akin na batang babae. Ang cute cute niya. May hawak pa siyang Barbie doll sa kanang kamay niya. Ngumiti siya sa akin at tumabi pa sa akin na noon ay naglalaro ako ng buhangin. Sumali siya sa ginagawa ko. Ang saya saya ko noon, kasi finally, meron akong kalaro. Umuwi ako sa bahay namin na masaya. Simula noon, parati kong inaaya yung yaya ko na pumunta sa park pag wala yung parents ko para lang makalaro yung batang babaeng iyon. At sa tuwing nagpupunta ako doon ay saktong andoon din siya. Meron din siyang kasama sa tuwing nakikita ko siya pero humihiwalay siya doon sa iba niya pang kalaro at lalapit sa akin para lang makipaglaro sa akin. Sobrang saya ko noon sa tuwing magkasama kami at naglalaro.” Kwento niya.
Aww…Ang cute tingnan ni Lance habang kinukwento yung kabataan niya. Parang ang saya saya niya lang talaga noong mga panahon na yun.
“Pero bigla na lang dumating yung time na sabi ng parents ko eh lilipat na raw kami ng bahay. Nalungkot ako nung malaman ko yun. Biglaan yung naging pagligpat namin at di ko na nagawang makapagpaalam dun sa kaisa-isang batang nakipaglaro sa akin.” Sabi niya pa.
“Ayy…Sayang naman.” Sabi ko. “Siguro nainlove ka dun kahit bata ka pa kaya di mo siya nakakalimutan.” Pang-aasar ko.
“Oo. Tama ka.” Nagulat ako ng bigla siyang sumagot ng ganyan at mataman niya akong tiningnan. “Hanggang ngayon pa rin naman. Nakakatawa lang isipin na kahit bata pa ako nun ay natuto akong mainlove.”
“T-talaga?” I faltered. Feeling ko ang awkward ng pagkakatingin sa akin ni Lance. “Eh…eh paano yun, alam mo ba kung nasaan na siya ngayon?” tanong ko.
“Oo. Alam ko kung nasaan siya at nakita ko na rin siya.” Sabi niya sabay ngiti sa akin. “Actually, matagal na.Matagal ko na siyang nakita…”
“I see.” Sabi ko na lang. Hindi ko kasi alam kung ano pa ang dapat kong sabihin. Hindi na muna ako umimik at tumingin na lang ulit sa mga bata na naglalaro na ulit na akala mo hindi nagsipag-away kanina.
“Siyanga pala Lance…” Sabi ko nang maalala ko kung bakit ako pumayag na sumama sa kanya. “Sorry talaga sa ginawa ni Elijah sa’yo ha?”
Hinging paumanhin ko.
“Tungkol nga pala doon, Heather...totoo ba yun?” seryosong tanong niya sa akin.
Ang dali lang naman ng dapat isagot ko sa tanong ni Lance pero parang ang hirap hirap sabihin.
Tumingin ako ulit sa mga bata tsaka sumagot. “Oo.”
“Pero bakit?” parang meron kung anong emosyon sa boses ni Lance na hindi ko madistinguish nang magtanong siya. Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Hindi ko pa man din ako ganoon kabihasa sa pagsisinungaling.
“A-anong bakit? M-magpapakasal kami kasi m-mahal namin ang isa’t isa.” Pagsisinungaling ko.
“Akala ko…akala ko hanggang magkaibigan lang kayo ni Elijah..Yun pala mali ako…” Sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin.
Napakunot ang noo ko sa naging reaksyon ni Lance. Pero bakit? Bakit niya kailangan malungkot? Hindi ba dapat masaya siya at dapat icongratulate niya ako kasi ikakasal na ang kaibigan niya?
Napabuntong hininga ako. Bakit ba ang hirap initndihin ng mga lalaki?
“Kelan ang kasal?” Tanong niya.
“3 days from now.” Sagot ko. Sabay abot sa kanya ng invitation card. Naalala ko kasing hindi ko pa siya nabibigyan nun.
Napakunot yung noo niya sa sagot kong iyon. Binuksan niya yung invitation at binasa iyon.
“Parang ang bilis naman ata?” sabi niya matapos ibalik mula sa sobre yung card.
“H-hindi. M-matagal nang nakaplano yan.” Pagsisinungaling ko ulit at umiwas ako ng tingin sa kanya.
“Ganun ba?” sagot niya at tumingin ulit doon sa mga bata. Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong medyo late na kaya inaya ko na si Lance umuwi.
“Sorry Lance pero kasi medyo late na kaya kung pwede uwi na tayo?” Sabi ko sa kanya.
“Sige.” Sagot niya. Tumayo na kami at naglakad papunta sa pinagparkan niya ng kotse.
Papasakay na ako ng kotse ng kotse ni Lance ng meron akong nakita.
Shit! Sa dami dami ng pwede kong makita, iyon pa.
Hindi ko namalayan na tuloy tuloy na pala sa pag-agos yung luha ko.
Ang sakit.
Ang sakit sakit…
Hindi ba siya makapaghintay matapos yung anim na buwan na sinabi niya? At kelangan bang makita ko pa ang tagpong ito?
Sagad sa buto ang sakit.
“Heather?” Nagulat ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Lance na noon ay nasa loob na ng kotse. Dali dali kong pinunasan ang aking luha. Sana hindi niya nakita kung ano yung nakita ko.
Bago ako tuluyang pumasok sa kotse ni Lance ay tumingin ulit ako sa gawi roon. At nagulat akong makitang nakatingin na siya sa akin.
Dali kong iniwas yung tingin ko sa kanya at sumakay na ng kotse. Mabuti na lang at pinaandar agad ni Lance yung sasakyan. Pero ramdam ko na sinundan niya ako ng tingin.
---
Pagkahigang pagkahiga ko sa kama ko ay parang nagmarathon yung luha ko at nag-uunahang umagos.
Ang sakit na makita yung taong mahal mo merong kayakap na iba. Scratch that. Hindi pala yun iba pagdating kay Elijah. Yung ‘the one’ niya nga pala yun.
Ilang ulit ko bang dapat ipaalala sa sarili ko na hindi ako dapat masaktan at umiyak pagdating kay Elijah? Pero kahit anong gawin ko, sadyang matigas itong ulo ko at eto ang kinahihinatnan ko.
Yakap yakap ko si Heal habang umiiyak ako. Mabuti pa tong pandang ito, kahit anong mangyari ay hindi ako iiwan at sasaktan. Narinig kong tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko yun mula sa side table.
1 Message Received.
From: Elijah
“Why are you with Lance again?!”
Nang mabasa ko yung text niyang yun di ko maiwasan na hindi mainis. Eto na naman siya. Si Mr. Conscious sa sasabhin ng iba. Parang gustong gusto kong sabihin sa kanya na “The hell you care?! Bakit, pagmagkasama ba kayo ni Vera tinatanong ba kita?! Pero siyempre hindi ko kayang sabihin yun sa kanya. Napaisip tuloy ako. Nakita niya kaya akong umiiyak kanina? Sana hindi.
Binitiwan ko yung cellphone ko at nag-isip kung sasagutin ko ba o hindi yung text niya. Maya maya ay biglang nagring yun at nakita kong si Elijah yung tumatawag.
Kakainis. Ayoko pa man din siyang makausap dahil inis ako sa kanya. Nakailang ring muna yung phone ko bago ko napagdesisyunan na sagutin iyon.
“Hello.” Sagot ko.
“Bakit ang tagal mong sumagot?!” Tae lang. Ang gandang pamungad niya lang.
Hindi ba dapat ako ang galit sa nakita ko? Bakit parang siya pa yung inis na inis. At bakit ba kelangan namin paulit ulit mag-aaway sa tuwing nalalaman niyang magkasama kami ni Lance? May lihim na galit ba itong si Elijah kay Lance na hindi niya sinasabi sa akin?
“Bakit bawal maiwan yung cellphone sa higaan at magpuntang cr?” Pagsisinungaling at pamimilosopo ko na rin. Asar ako eh.
“Bakit kasama mo na naman si Lance kanina?”Hindi niya pinansin yung pamimilosopo ko at ganyan pa yung sinagot niya sa akin.
At dahil sa inis ko eto ang nasabi ko sa kanya. “Ano namang masama? Bawal na magkita ang magkaibigan?”
“Oo, masama! Lalo na kung...lalo na kung…”Ewan. Parang nagdadalawang isip pa ata siya na ituloy yung sinasabi nya.
“Lalo kung ano?” Tanong ko. Ang tagal bago niya kasi dugtungan yung sinasabi niya.
“Lalo na kung…Lalo na kung merong makakakita sa inyo! Ikakasal na tayo at kapag may nakakakita sa inyo na ibang tao baka bigyan nila yung masamang kahulugan at masira ang reputasyon mo at pati na rin ako!”
So ang reputasyon lang ang issue dito? Eh bakit siya nakikipagyakapan kay Vera?! In public pa talaga ha?! Sino kaya sa aming dalawa ang ang makakasira ng reputasyon?!
Bwisit!!
“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na MAGKAIBIGAN nga lang kami! Tsaka bakit ikaw?? Nakikipagyakapan ka pa kay Vera in public? Inaalala mo yung sasabihin ng ibang tao pero ikaw ginagawa mo yung gusto mo!” Tuloy tuloy kong sabi. Inis ako eh.
“Look, Heather. It’s not what you think—“
“It doesn’t matter to me kahit anong gawin niyo pa ni Vera kasi in the first place, hindi naman natin mahal yung isa’t isa, right? Pero please lang naman, huwag mo kong utusan sa mga dapat na ikilos ko lalo na kung wala naman akong ginagawang mali!” I cried when I said those words. Wala na akong paki kung malaman ni Elijah na umiiyak ako. Sobra na kasi siya eh. As in sobra na.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at inend ko yung call. Matapos nun ay pinatay ko din yung cellphone ko.
Ano ba yan. 3 Days na nga lang at ikakasal na kami pero nag-away pa kami.
Iyak pa rin ako ng iyak hanggang sa nakatulog ako.
---
Nagising ako ng naramdaman kong merong nakatingin sa akin.
Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko siyang nakaupo sa kama ko at mataman akong tinitingnan.
Napaupo ako bigla ng makita ko siya.
“Anong ginagawa mo ri—“
Hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
“I’m sorry…” Sabi niya na hindi pa rin ako binibitawan.
Ang lakas ng kabog ng puso ko. Sa tuwing niyayakap niya ako ng ganito, pakiramdam ko merong maliit na daga na naghahabulan sa tiyan ko. At sa tuwing magkakadikit ang balat namin, parang merong kuryenteng dumadaloy sa balat ko na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Hindi ako nagsalita. Hindi dahil sa meron akong morning breathe kung hindi dahil sa hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
“I’m really sorry Heather…Pinaiyak na naman kita…” Malungkot na sabi nito.
Siyete! Pinaalala pa! Hindi pa rin ako kumibo sa sinabi niya. Bahagya siyang lumayo sa akin para tingnan ako pero hawak hawak niya pa rin yung kamay ko.
Shemay! Parang merong malilikot na pusang naghahabulan sa puso ko. Lalo bumilis ang tibok nun nang magkasalubong ang aming tingin.
“It hurt me so much when I know you are crying because of me…Sorry for my stupidity…” He said and kissed my knuckles.
Aww..Eto na naman ako. Konting kembot lang, ramdam ko na napatawad ko na si Elijah. Gusto ko pa ring manaig yung inis ko sa kanya kaso alam ko sa sarili ko na mabilis na yung naglaho.
Hinawakan ko yung mukha nga niya. Sa tuwing malapit ako sa kanya katulad nito, ang saya saya ng pakiramdam ko.
“Just promise me you won’t do it again.” I said habang tinitigan ko siya.
Ang sarap talagang masdan ng mukha ni Elijah at hindi ako magsasawang titigan siya tulad nito.
“I promise.” Sabi niya sabay yakap muli sa akin.
“Okay.” Sabi ko at gumanti na rin ako ng yakap sa kanya. Siguro ilang minuto rin kaming nasa ganitong posisyon ng biglang bukas yung pintuan at bumungad sa amin si daddy. Napahiwalay kami bigla at feeling ko namula ako.
I saw my dad looking at us with a playful smile on his lips.
“Breakfast is ready. Bumaba na kayong dalawa.” Sabi niya na hindi pa rin nawawala yung ngiti niya sa labi.
Nahihiya tuloy ako kay daddy. Baka kung anong isipin niya sa nakita niya.
Bago niya isara yung pinto ay lumingon muna siya sa amin at nagsalita. “Huwag muna kayong maghoneymoon ha? Hindi pa kayo naikakasal.” Sabay sarado ng pintuan. Pero bago niya naisara yun ay rinig ko yung pagtawa niya ng malakas.
Feeling ko pulang pula ako sa sinabi ni daddy. Gaaaaaaaaahd! Anong pinagsasabi niya.
Nailang tuloy ako bigla kay Elijah. Sobrang lapit niya pa rin kasi sa akin.
“A-aah..a-ahh..A-ano..Una ka na sa baba. M-maghihilamos lang ako.” I stuttered.
“O-okay. Hintayin kita sa baba.” Sabi niya sabay tayo na sa kama at lumabas ng kwarto ko.
Feeling ko nakahinga ako ng bigla. Pakiramdam ko kasi kanina, parang biglang uminit at di ako makahinga ng maayos.
Shocks! Nakakahiya yung sinabi ni Daddy! Napanail bite tuloy ako ng magsink in sa utak ko yung sinabi ni Daddy.
Oo nga pala. Magpapakasal na kami at pagkatapos syempre nun ay yun na yun. Ni hindi namin napag-usapan ni Elijah yung tungkol dun.
Sheeet…Bakit ngayon ko lang naisip yun?
At bakit para akong nanlalamig at kinakabahan?
2 Days.
2 Days na lang at kasal na namin.
Tae. Di ko alam kung anong gagawin ko.
Wala naman kaming napag-usapan na ikoconsumate namin yung marriage…
But…But bakit parang merong binubulong itong utak ko na parang—
No. I mentally shook my head. Dali dali kong inalis sa isip ko yung bagay na iyon. Bahala na si Batman pagdating ng oras na yun. Ayoko muna isipin yun. Tumayo na ako sa kama ko at dumiretso sa banyo.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top