CHAPTER 12: ELIJAH AND I
CHAPTER 12: ELIJAH AND I
“Can I ask you a question?” I tilted my head to see his beautiful face while he’s still hugging me from behind.
“Hmmm…Sure. What is it?” Nakangiting tanong niya at mas lalong hinigpitan ang yakap niya sa akin at hinalikan ako sa sentido. I smiled widely and leaned on his shoulder. We’re still outside the tent. Cuddling each other and savoring the moment that after all the heartaches we’ve been through, finally we’re together. It feels surreal but still I am very aware that this is reality. Reality with him.
I am so thankful to God that it didn’t take me so long to realize that I’m still in love with him. I love him. And will always be. Thanks also to Elijah for telling and showing me how much he loves me. For loving me unconditionally and not giving up on me kahit na noong una ay nireject ko siya. Parang naging eye opener iyon sa akin para tanggapin ko sa sarili kong kahit kailan ay hindi ko naman talaga nakalimutan ang pagmamahal ko sa kanya. Siguro noong mga panahong sinasabi kong nakamove on na ako ay iyong mga panahong natutunan kong itago sa isang sulok ng puso ko ang pagmamahal ko sa kanya ng hindi ko namamalayan. Pero kahit ganoon ay never kong naiwala iyon o nakalimutan man lang. Di ko rin namalayan na nalagyan ko ng invisible barrier yung puso ko para hindi na ulit ako umiyak at masaktan kaya naman sobra ang pagtanggi ko rito na wala na akong gusto sa kanya. Mabuti na lang ngayon at alam ko na. Alam na alam ko na. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap kung patuloy pa rin akong nagmatigas at dineny sa sarili ko na mahal ko siya. We may end up hurting each other all over again and worse, even the friendship that we both value so much may be ruined.
“Do you still remember the first time we saw Vera at a restaurant and you said to me that ‘she’s the one’? Totoo ba yun? Did you really feel na siya na talaga yung meant to be mo?” I asked.
Naramdaman kong ngumiti siya kaya naman umalis ako sa pagkakasandal ko sa kanya at tiningnan ko siya. He pinched my nose and bent down to kiss it. I slowly closed my eyes and felt the tingling sensation when his lips touched my skin kaya marahan kong sinapak ang braso niya para pagtakpan ang nag-iinit na pisngi ko. He laughed at me at hinuli ang mga kamay ko.
“Do you know that you’re really attractive when you’re blushing?” Pakiramdam ko ay mas lalong nag-init ang mukha ko sa sinabi niya kaya naman nag-make face ako sa kanya para itago ang kilig na nararamdaman ko.
“You didn’t answer my question. Siguro totoo no?” Kunwaring hinampong sabi ko at medyo lumayo sa kanya. Pero bago ko pa yun nagawa ay nahawakan niya na akong muli sa magkabilang braso ko at niyakap ako ng mahigpit. Lihim akong napangiti sa ginawa niya.
Naramdaman kong ngumiti na naman siya at iniharap niya ako sa kanya. He caressed my cheeks while intently looking at me. Pakiramdam ko tuloy ay para akong yelong unti-unting natutunaw sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin.
“Of course not. Hindi yun totoo kasi alam ko sa sarili ko nung umpisa pa lang na ikaw lang ang nag-iisang meant to be ko. Dahil ang puso ni Elijah ay para kay Heather lang.” Pakiramdam ko tuluyang nalusaw ang buong katawan ko sa sinabi niyang iyon at hindi ko mapigilang hindi maiyak sa sobrang saya na nararamdaman ko sa mga oras na ito. He immediately wiped away my tears and kissed my eyes.
I opened my eyes again after I closed it at ngumiti sa kanya, “Same goes with me, El. Ang puso ko ay para sa’yo lang.”
I saw him smile widely at muli na naman akong niyakap from behind.
“Then why did you tell me that she’s you’re the one?” I asked again matapos ang ilang sandaling katahimikan.
“I lied to you back then when I told you that Vera is ‘the one’ for me.” Muli akong bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin at binigyan ko siya ng nagtatanong tingin. “...I just told you that to see if you’ll be jealous. And I was damned in pain when I thought you’re not.” He smiled feebly.
“Huh?” I creased my eyebrows. Papaanong?... If he only knew that I almost cry a river when he told me that Vera’s the one for him. Napailing ako.
‘If I only knew…’
“Do you remember the day we met Vera was exactly the same day that I’d caught you crying because of your bad dream?” Napaisip ako bigla. Yeah. Tama nga. Naalala kong naabutan niya akong umiiyak while still asleep dahil nanaginip ako noon na naging runaway groom ko siya at sumama sa ibang babae. Marahan akong tumango sa kanya at mas lalong kumunot ang noo ko. Ngumiti siya sa akin at hinawi ang buhok kong nakawala mula sa pagkakaipit sa tenga ko.
“I still remember that you were murmuring something like ‘wag mo kong iwan’ na phrase while you were asleep. I was so hurt back then after hearing those words thinking na baka meron ka ng gustong iba na kahit sa panaginip mo ay dala-dala mo siya. Hindi ko alam kung paano kita haharapin noon ng hindi naipapakitang nasasaktan ako that’s why nanahimik ako at hindi kita masyadong kinakausap while we’re at the mall. Naalala ko pa, when I got the courage to finally talk to you, I told you to tell me if someone hurts you so that I can hit his face kahit isa lang coz I don’t want to see you in pain. Ang sagot mo pa nga sa akin noon ‘of course. You’re my best friend kaya magsasabi ako sa’yo.’ Sobrang nalungkot ako noon nung marinig ko iyon kasi sabi ko sarili ko, ‘Shit! Ano pa ba ang dapat kong gawin para tingnan mo ako ng higit pa sa isang kaibigan?’ So when Vera accidentally bumped me, bigla kong nakaisip ng ideya na baka kapag nakita mong meron na akong ibang taong gusto ay marealize mo na hindi lang ako pang best friend lang. That I am more than that to you.” He continued and held my hand.
Napanganga na lang ako sa sinabi niya at hindi nakapagsalita. Habang pinag-uusapan namin ang nakaraan, unt-unti kong narerealize yung mga nasayang na panahon na kung parehong naging matapang lang kami na umamin sa isa’t isa tungkol sa nararamdaman namin, matagal na siguro kaming masayang nagsasama at hindi na nagkasakitan pa.
“I’m so sorry El if you felt that way back then.” I said and looked at pinisil ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
“No. You shouldn’t be. I know you were also hurt back then when I told you that Vera’s the one for me. Hindi ko lang napansin iyon noong una coz you know, you’re really good at hiding your feelings.” Nakangiting sabi nya, Napangiti rin ako sa kanya at tumango.
“Ikaw din naman. Ni hindi ko nga napansin na inlove ka rin naman pala sa akin.” I grinned.
“Hindi kaya. Maraming beses ko na kayang sinubukang ipakita sa’yo kung gaano kita kamahal. I even told you, I love you.” He said confidently.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napakunot ang noo.
“Hey, I never heard of that not until I came back from Athens.” I defended.
“No. Sinabi ko na sa’yo iyon. In different language nga lang.” He smirked.
“Huh?” Mas lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya, “Sige nga, kelan?” I asked and crossed my arms.
“Remember when I went to Palawan and you didn’t come with me because you were sick?” Napatango ako sa kanya
“Do you also remember the talk we had on the phone when I first landed in Palawan?”
“Yes.” I answered at tumango tango.
“Then, do you still remember the word ‘Ech hun dech gaer’ I said to you before I immediately hanged up the phone?” I creased my eyebrow at nung medyo naalala ko ang eksenang iyon ay alanganin akong tumango sa kanya. I somehow remember that. Hindi ko nga lang masyadong napagtuunan ng pansin dahil hindi ko naman narinig masyado dahil akala ko nabingi lang ako or he was just saying something else.
“So?…” I said still creasing my eyebrows.
“Ech hun dech gaer is a Luxembourgish language that means I love you.” Seryosong sabi niya.
Muli na naman akong napanganga sa nalaman kong iyon. I mentally shook and slapped my head. Kung binigyan ko lang pala sana ng pansin noon yung sinabi niyang iyon eh di sana matagal ko ng alam.
Naramdaman ko na lang na muli niya akong niyakap from behind at pinag-intertwine ang mga daliri namin.
“I love you, Heather. So love you that I that I don’t know how to breathe without you near me.” He whispered in my ears. Parang meron kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ko ng marinig ko ang tinuran niyang iyon. Ang sarap sarap sa pakiramdam na paulit ulit marinig mula kay Elijah kung gaano niya ako kamahal.
“I love you too, El.” I answered with a big smile in my face.
We stayed like that for a couple of minutes until we saw that the fire in the bonfire went out. Tumayo na kami at niligpit ang mga gamit at pumasok na sa tent. Nauna na akong nahiga at maya-maya’y naramdaman ko na lang na tumabi siya sa akin at ipinatong niya ang ulo ko sa braso niya. I smiled at mas lalo akong lumapit sa kanya. I even wrapped my right arm around his waist to feel his body’s warmth. I slowly closed my eyes at maya-maya’t ay naramdaman kong hinalikan niya ako sa forehead.
“Can I also ask you a question?” narinig kong tanong niya.
“Hmmm…sure. Ano yun?” Sagot ko habang nananatiling nakapikit. Lihim akong napangiti ng maramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa buhok ko na parang ipinararamdam niya sa akin kung gaano niya ako iniingatan.
“Did you really fell in love with Lance?” Naidilat ko bigla ang mga mata ko sa tinanong niya at napakagat labi. Bigla akong nakaramdam ng guilt sa kaloob looban ko ng maalala ko si Lance. He’s patiently waiting for me to love him back and I thought I really did, yun pala ay hindi. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin once na magkita kami. I don’t want to hurt him anymore but I guess it’s inevitable now that I know what I really feel towards him.
“I guess, I really wasn’t. He has a soft heart in my heart at naipagkamali ko iyon na ‘pagmamahal’. I love him but not the same way that I love you. I believe I really never fell in love with him. Siguro masyado lang akong namesmerize sa fact na alam kong mahal niya ako at sa lahat ng effort na ginawa niya para mahalin ko din siya kaya naman dumating kami sa point na we became ‘unofficial lovers’. Unofficial kasi I was waiting for him to ask the five word question.” I mumbled. Now, alam ko na kung bakit hindi ko masagot sagot ng ‘oo’ si Lance noon. Kasi part of me alam ko kung para kanino lang ang sagot na iyon. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang medyo matagal na rin nung huli niya akong tanungin if I am ready to enter a relationship with him or not. I sighed. Maisip ko pa lang lahat ng effort na ginawa niya at kabutihan niya sa akin ay nginangatngat na ako ng konsensya ko.
“What was that for?” He asked ng maramdaman niya ang malalim kong pagbuntong hininga. I skewed my head to meet his gaze and I saw concern in his eyes.
“I’m just thinking of Lance…Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin once na magkita kami at sabihin sa kanya ang tungkol sa atin. I feel guilty coz he’s been patiently waiting for me yet I know he’s waited for nothing. Pakiramdam ko rin ay ako na ang pinakamasamang tao sa mundo dahil hindi ko man lang magawang ibalik sa kanya lahat ng kabutihan niya sa akin.” Malungkot kong sabi sa kanya.
Hinaplos niya ang mukha ko at tinitigan akong mabuti, “Don’t feel that way, Heather. Ang nagmamahal, hindi humihingi ng kapalit. If Lance really loves you so much, he’ll understand. Even if that means he has to let you go.”
“Yeah…I know that…Hindi ko lang mapigilang hindi ma-guilty.” I said and bit my lips.
He bent down and gave me a short yet a sweet kiss. He smiled and wiped away my tears na hindi ko naramdamang tumulo.
“Sleep now, Heather. Don’t stress yourself too much. We’ll get through this. Sabay natin siyang haharapin, okay?” Marahan akong tumango sa kanya at matipid na ngumiti. Matapos nun ay ipinikit ko na ang mga mata ko at niyakap siya ng mahigpit. Inalis ko sa utak ko ang lahat ng alalahanin ko at tinira ang pinakamagandang bagay na nangyari ngayong araw.
Finally, we’re together.
---
“Hmmmnn…” I was sleeping pero pakiramdam ko ay meron kung anong mainit ang dumadapo sa labi ko at sa iba’t ibang parte ng mukha ko. I slowly opened my eyes and was surprised to see Elijah smiling widely at me at walang sabi-sabing hinalikan ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya kaya naman napalayo ako kaunti sa kanya bigla.
Goodness gracious! Ni hindi pa ako nagtu-toothbrush tapos kung makahalik naman itong si Elijah oh! Pakiramdam ko nag-iinit na naman ang mukha ko sa pinaggagagawa ng lalaking ito.
“Good morning, baby.” He grinned at me. Marahan ko siyang sinapak sa braso sa pinaggagawa niya at nagmake face ako sa kanya.
“Is that the proper way of waking someone from sleeping?” Nakasimangot na tanong ko sa kanya para na rin itago ang kilig na nararamdaman ko. Kakagising ko lang pero kilig na kilig na naman ako na kulang na lang ay matunaw ang kaloob looban ko. Akala ko nananaginip lang ako na kami na talaga ni Elijah but it wasn’t. It was neither a dream nor imagination. Totoo lahat ng nangyari kagabi.
“Yes. Only when it comes to you.” He smirked and kissed me in my cheeks. Feeling ko lalong nag-init na naman ang pisngi ko kaya naman pinisil ko ang pisngi niya.
“Really, Elijah? If I know, you’re just taking advantage of me while I was asleep.” I smiled. Hinuli niya ang mga kamay ko at dinala iyon sa mga labi niya. Pakiramdam ko maghahyperventilate na ako sa sweetness na ipinapakita sa akin ni Elijah.
“Pwede na rin. But I like it more when you’re awake when doing this.” Sabi niya and give me another peck on my lips. Hinampas ko siya sa dibdib niiya matapos nun at naupo na ako.
“Adik ka talaga!” Nakangusong sabi ko sa kanya at tinaasan ng kilay. Narinig ko siyang humalakhak ng malakas at bigla ko la lang naramdaman na ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at hinila ako pahigang muli.
“Ay!” Napasigaw ako ng bumagsak ako sa ibabaw niya at nauntog pa sa chest part niya. Napahawak tuloy ako sa noo kong nauntog at tiningnan siya ng masama.
“Aga aga, para ka namang nababaliw. Nakainom ka ba ng gamot mo?” Pang-aasar ko rito at pilit na tumayo pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa baywang ko kaya naman di ko nagawa. Nakakaramdam na ako ng pagkailang sa pwesto naming dalawa lalo na’t titig na titig pa siya sa akin.
“U-uyy…E-elijah, bitaw na. ‘Di ba ano…aakyat p-pa tayo sa tuktok?” Sabi ko na merong alanganing ngiti sa labi. Hinawi niya ang buhok kong kumawala sa pagkakaipit sa tenga ko at mataman akong tinitigan.
“Alam mo, namiss ko ito…Namiss kong gumising sa umaga na ikaw ang una kong nakikita…” Seryoso niyang sabi, “…Ang tagal tagal kong hinintay na mangyari itong muli. Na sa pagdilat ng mga mata ko, ikaw ang una kong makikita at wala ng iba pa.”
Gusto kong mangisay sa kilig habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Bakit ba ang sweet sweet ni Elijah? Hulog na hulog na nga ako sa kanya pero pakiramdam ko ay meron pa akong ihuhulog.
Ngumiti ako sa kanya at hindi na ako nagdalawang isip na halikan siya sa labi. This is my first time that I did this. At masarap sa pakiramdam habang magkahinang ang mga labi namin. It’s a sweet passionate kiss that I know only Elijah and I can share. We’re kissing each other as if to fill up the times that we were away from each other.
“Mahal na mahal kita.” Nakangiting sabi ko rito matapos naming magbitiw sa isa’t isa. Ngumiti siya ng malapad at hinawakan ang mukha ko.
“Mas mahal kita.” Punong puno ng emosyon niyang sabi.
---
“Woah! Ang ganda!” Manghang sabi ko habang nakatingin sa papasikat na araw. Andito na kami ngayon sa tuktok ng bundok at pinapanood ang unti-unting pagsikat ng araw mula sa silangan. The scenery was a breathtaking indeed. Isa ito sa mga moments hinding hindi ko makakalimutan sa tanang ng buhay ko.
I felt Elijah’s arm wrapped around my waist at isinandal niya ang kanyang baba sa balikat ko.
“Mas maganda ka pa diyan.” Sabi niya. Kinilig naman ako sa narinig kong iyon.
“Tse! Bolero.” Nangingiting sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Tumawa siya at hinalikan ako sa pisngi. Matapos nun ay pareho kaming muling natahimik at pinagmasdan ang haring araw.
Maya-maya’y naramdaman kong iniharap niya ako sa kanya habang hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak niya sa bewang ko at mataman akong tiningnan.
“Let’s get married, Heather…For real.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top