CHAPTER 11: PANDA

CHAPTER 11- PANDA

"WHY THE HELL ARE YOU KISSING MY FIANCÉ??!!" Galit na galit na sabi ni Elijah kay Lance.

Hindi ko maintindihan kung anung pinagsasabi nitong si Elijah. At hindi ko rin alam kung sinong unang lalapitan ko sa dalawa. Si Lance ba na duguan ang labi at napaupo sa lupa dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya o si Elijah para awatin siya at pakalmahin.

I took a deep breathe and count 1 to 10 para kalmahin din yung sarili ko. Matapos nun ay nakapagdesisyon na ako. I decided na lumapit kay Lance. Siya ang naagrabyado dito at dapat siya ang tulungan ko. Maling mali si Elijah sa ginawa niya kaya huwag niyang aasahan na kakampihan ko siya. Bigla bigla na lang nanununtok ng walang dahlian.

“Okay ka lang?” Tanong ko kay Lance at inalalayan ko siyang tumayo. Pinunasan ko rin ng panyo yung dumudugo niyang labi.

“HEATHER!!” tawag sa akin ni Elijah na kung makatingin eh akala mo ay kakainin niya ako ng buhay.

Hindi ako natatakot sa kanya. Wala akong ginagawang masama kaya hindi ako dapat matakot. Tiningnan ko siya ng masama at ibinaling muli ang tingin ko kay Lance.

“Anong sinasabi niya, Heather? Totoo ba yun? Magfiancé na nga ba kayong dalawa?” Parang naguguluhang tanong niya sa akin.

Oo nga pala. Hindi ko nga pala nasabi kay Lance yung tungkol sa amin ni Elijah.

“Kasi Lance…” Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Feeling ko nagiguilty ako kahit hindi naman dapat. Nagnail bite muna ako bago muling nagsalita. “Lance, kasi…engganged na kami ni Elijah. At…at magpapakasal na kami.”

“W-what?” Parang natutulalang sabi niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang naging reaction niya sa sinabi ko pero ipinagkibit balikat ko na lamang iyon. Hindi ito ang oras para magpaliwanagan.

“HEATHER ANO BA?!” Naramdaman ko na lang na hawak hawak na ni Elijah yung braso ko at pilit na inilalayo kay Lance.

Marahas kong inalis yung pagkakahawak niya sa braso ko at binigyan ko siya ng tingin na ‘Shut-up-I’ll-deal-with-you-later-look’. Matapos nun ay hindi na siya umimik. Pero alam ko anytime ay pwedeng-pwede niya ulit suntukin si Lance.

“Lance, saka na tayo mag-usap. Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Elijah. Di niya kasi alam kung anong GINAGAWA NIYA.” Binigyang diin ko talaga yung last two words ko para maramdaman ni Elijah kung gaano ako kainis sa kanya.

Tumango lang si Lance sa akin. Nakipagsukatan muna siya ng tingin kay Elijah bago tumalikod papunta sa sasakyan niya. Nang makaalis na siya ay tsaka ko hinarap si Elijah.

“ANO BANG PROBLEMA MO?! BAKIT NANUNUNTOK KA AGAD AGAD??” Sigaw ko sa kanya. Di ko maiwasan, pero naiinis talaga ako sa kanya. Kahit mahal ko siya, hindi naman pwedeng kampihan ko na lang siya kasi alam kong wala siya sa katwiran.

“BAKIT AKO NANUNTOK?? BAKIT DI MO TANUNGIN YANG SARILI MO?! BAKIT NAKIKIPAGHALIKAN KA SA IBA EH ALAM MO NAMAN NA IKAKASAL NA TAYO? AT DITO PA TALAGA SA TAPAT NG BAHAY NIYO PA GINAWA!” Sigaw din niya sa akin. Disgust can be read all over his face.

W-wait? Ano daw ulit? Sinong nakipaghalikan?

“A-anong nakikipaghalikan?” Naguguluhang tanong ko.

“Ide-deny pa Heather? Kitang kita ng dalawang mata ko na naghahalikan kayo ni Lance!” Parang bwisit na bwisit na sabi niya sa akin.

ANO DAW? AKO NAKIPAGHALIKAN KAY LANCE?? Aish! Baliw pala ‘to si Elijah eh! Napagkamalan niya siguro na nakikipaghalikan ako ng hipan ni Lance yung mata ko na napuwing.

“Unang-una sa lahat, wala akong dapat ideny kasi wala naman akong ginagawang masama! Pangalawa, hindi ako nakipaghalikan kay Lance!” Inis kong sabi sa kanya.

“Kung di ka nakipaghalikan, anong tawag mo dun?” he said in a disdainful look. “Aray! What was that for?!” sabay tingin niya sa akin.

Paano, binatukan ko nga. TH (Tamang Hinala) kasi eh.

“Di ba nga ang sabi ko, di ako nakikipaghalikan! Kung lumapit ka pa sana ng kaunti, sana nakita mo na iniihipan niya yung isang mata ko na napuwing! Hindi yung bigla ka na lang nanununtok agad agad!” Asar kong sabi sa kanya.

Hindi siya nakaimik sa sinabi ko. Buti nga. Para marealize niya na mali siya.

“T-totoo?” Parang maamong tupang tanong niya sa akin habang mataman niya akong tinitingnan. Kita mo to! Mukha ba akong nagsisinunangaling?!

“Ewan ko sa’yo Elijah! Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan!” Sabay talikod ko sa kanya at pumasok na ako sa bahay.

Narinig ko na tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga. Nakakaasar lang talaga siya. Bwisit! Narinig kong tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Si Elijah.

Di ko sinagot yung tawag niya at pinatay ko yung cellphone ko. Naaasar talaga ako sa kanya. Parang di naman niya ako kilala. Bakit ako makikipaghalikan kay Lance? Eh hindi naman kami. Tsaka bakit ba ganun na lang siya kung makapagreact? Akala mo naman inagawan ng isang bagay na napakaimportante sa kanya. Siguro nga masyado niya lang iniisip yung sasabihin ng ibang tao. Baka akalain nila na nagchi-cheat ako kay Elijah lalo na ngayo’t marami nang nakakaalam na ikakasal na kami.

I sighed. Ayaw ko na masyadong isipan pa yung nangyari kanina. Bukas ko na lang kakausapin si Lance tungkol sa tanong niya sa akin.

Feeling ko, kelangan ko mag-explain sa kanya pero syempre hindi ko pwedeng sabihin kung ano yung tunay na dahilan kung bakit kami magpapakasal ni Elijah. At si Elijah? Ewan. Wala pa akong balak kausapin siya kasi hanggang ngayon ay badtrip ako sa kanya.

Ipinikit ko na ang mata ko at nagpasyang matulog.

***

Nagising ako ng sa init ng araw na tumatama sa mukha galing sa bintana. Oo nga pala. Lunes na naman at kelangan ko ng pumasok sa opisina.

Tumayo na ako at ginawa yung ritwal ko sa umaga. Matapos kong mag-ayos ay ready na ako para bumaba para mag-almusal. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, muntik na akong matalisod dahil merong nakaharang sa may pinto.

Isang cute na cute na medium size na panda stuff toy ang nakaharang sa daanan ko.

Kinuha ko yun at niyakap. Nagulat na lang ako ng bigla itong nagsalita.

“I’m Sorry, Heather…” Aww… Parang alam ko na kung kanino galing ito.

Niyakap ko pa lalo ng mahigpit yung panda. Ayaw ko mang aminin, pero kinikilig ako sa sweet gesture na ito ni Elijah. Kahit na medyo inis pa rin ako sa kanya eh feeling ko makakalimutan ko na yun dahil  lang dito.

Oo. Ako na mababaw. Ganun talaga kapag mahal mo yung tao. Kahit simpleng effort lang, kayang kaya mo siya patawarin.

Pumasok ako ulit sa kwarto ko at inilagay ko yung panda sa kama ko. Pinisil ko muna yung ilong nun bago ako lumabas ulit ng kwarto. Dumiretso na ako ng kitchen at nag-almusal. Maagang umalis sila mama at papa kaya ako na lang mag-isa ang kumain. After nun ay lumabas na ako ng bahay para dumiretso na sa office. Nagulat ako ng pagbukas ko ng gate eh nakita ko si Elijah. Nakasandal ito sa kotse niya na akala mo model sa pagkakatayo. Nang mapansin niya ako ay tumingin siya sa akin at ngumiti. Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ako gumanti ng ngiti. Ewan ko ba. Parang trip ko siyang asarin.

Alam ko na balak niya akong isabay sa pagpasok kaya siya naghihintay sa labas ng bahay namin. Pero dahil nga trip ko siyang asarin, hindi ako lumapit sa kanya at nag-umpisa na akong maglakad. Kung nagtataka kayo kung bakit wala akong sasakyan, well nasa pagawaan siya at mamayang hapon ko pa siya makukuha.

“Heather!”

Narinig kong tawag sa akin ni Elijah. Dineadma ko pa rin siya. Kunwari, wala akong narinig. Pero sa totoo lang, kanina pa ako kating kati na lapitan at kausapin siya. Nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla kong naramdaman na may yumakap sa akin mula sa likod.

Back hug kung baga. Feeling ko mabilis na nag-init yung mukha ko sa ginawa niya. Shemay! Di ko maiwasan pero kinikilig na naman ako. Mabuti na lang di niya nakikita yung mukha ko kasi pakiramdam ko kasing pula na ng kamatis yung kulay ng mukha ko.

Kinalma ko muna yung sarili ko bago ako tumikhim at nagsalita. “Bitiwan mo nga ako.” Malamig kong sabi sa kanya.

Ang lakas lang ng trip ko ngayong araw na ito. Alam ko naman sa sarili ko na napatawad ko na siya pero di ko alam kung bakit parang trip ko maggalit-galitan pa rin sa kanya.

“I’m sorry, Heather..I’m so sorry for acting like a child. Sana patawarin mo na ako. Di ko kayang nakikita kang galit sa akin.” Sabi niya sa akin na hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap sa akin.

I flinch ng maramdaman ko yung hininga niya sa batok ko ng magsalita siya.Ibinaon niya pa lalo yung mukha niya sa neck ko at niyakap ako ng mahigpit. Sinong di maiinlove sa kanya kung ganito siya kasweet?

Fine. Tama na ang pagpapahirap kay Elijah. Tinanggal ko yung kamay niya na nakayakap sa akin at humarap ako sa kanya. Napakaamo talaga ng mukha niya. Napabuntong hininga ako. Kahit anong pagmamatigas ko, hindi ko talaga siya kayang tiisin.

“Mapapatawad lang kita basta gagawin mo yung three conditions na ibibigay ko sa’yo.” Sabi ko sa kanya.

Para siyang nabuhayan ng pag-asa at tumingin sa akin. “Ano yun?” tanong niya.

“Una, Ask for Lance’s forgiveness. Hindi ka lang sa akin may kasalanan. Mas malaki yung kasalanan mo sa kanya. Sinuntok mo siya dahil sa sadya kang tamang hinala.”

“Pero—“

“No buts, Elijah. You know very well na nagkamali ka. And Lance deserves an apology from you.” Pagcut ko sa sasabihin niya. Alam ko naman na tatanggi siya eh. I know men have what we so called ego. Pero dapat hindi niya pairalin iyon.

“Fine. Second?” tanong niya.

“Second, promise me na hindi muna uulitin yun. Think before you act.” Sabi ko sa kanya. Para akong teacher na naglelecture sa isang estudyante sa ginagawa kong ito.

“Okay, ma’am! I promise!” Sabi niya pa sabay salute sa akin. Baliw lang. “What’s the last?”

“Lastly…hmm...” ano nga bang pwedeng last? “Libre mo ako ng ice cream.” Sabi ko at ngumiti ako sa kanya.

“Yun lang?” parang naaamaze na tanong niya sa akin.

“Oo. Bakit? Gusto mo pang dagdagan? Sabihin mo lang, mag-iisip pa ako.” Biro ko sa kanya.

“Eto naman di na mabiro. Okay na okay na yun. Anong ice cream ba gusto mo? Yung sa DQ, Ben & Jerry’s,  Blue bell, Kemp’s, name it?” natatawang sabi niya sa akin.

“Pwedeng lahat yun?” natatawa kong sabi.

“Pag-ice cream talaga, ang takaw mo. Wala kang pinapatawad” Sabi niya sabay tawa.

Nagpout ako sa sinabi niya. “Eh sa favorite ko yun eh.”

“Oo na. Basta okay na tayo ha?”

“Hindi pa. Gawin mo muna yung conditions ko tsaka tayo magbabati.” I said and stuck out my tongue.

“Yes, ma’am.” Sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko. Feeling ko nakaramdam ako ng kuryente ng hawakan niya yung kamay ko at ang lakas ng kabog ng puso ko. “Halika na. Pasok na tayo sa office. Baka malate pa tayo.”

Hinila niya ako papunta sa kotse at pinagbuksan ng pinto sa may passenger’s seat. Matapos kong makaupo ay isinara niya na yung pinto at umikot siya para makaupo sa may driver’s seat. Nang makaupo siya ng maayos ay ngumiti siya sa akin at nagstart na magdrive.

Habang nasa daan ay panay kwentuhan namin. Nag-aasaran pa kami. Parang dating gawi lang. Tawa lang kami ng tawa. Nang madaan kami sa edsa eh medyo traffic kaya para di kami mainip ay binuksan ko yung radyo ng sasakyan niya.

 

Pinagbibigyan mo lamang ba ako ngayon?
Nasa gilid ko amoy ko ang iyong pabango.
Ano 'tong dagang gumagapang sa aking dibdib,
habang tinititigan ka kunwari nakikinig.

 

Wow lang. Parang saktong sakto sa nararamdaman ko yung kantang tinutugtog sa radyo.

'di makapaniwala kasama kita ngayon at walang hadlang.
Hindi makapaniwala, ang sarap maligaw sa ating kwentuhan.

Sa tuwing magkasama kami tulad ngayon eh napakasaya ko na. Nahihiling ko palagi sa Diyos na sa tuwing meron kaming moment na ganito eh sana huminto yung oras. Na sana huminto sa pag-ikot yung mundo para hindi matapos yung masayang pakiramdam ko at contentment na nararamdaman ko kapag kasama ko siya.

Iniipon ko lahat ng aking mga tanong,
sana'y humina ang baterya ng ating relo.
Pwede bang hayaan mo akong basahin ka,
parang ka kasi tula sana ako ay iyong katugma.

Hindi makapaniwala, kasama kita ngayon at walang hadlang.
Hindi makapaniwala, ang sarap maligaw sa ating kwentuhan.

Ang sarap maligaw sa ating kwentuhan...
sa ating kwentuhan...

Wala na akong hahanapin, susulitin ko nalang.
Wala na akong iisipin, susulitin ko nalang.
Wala na akong hahanapin, susulitin ko nalang.
Wala na akong iisipin...

Ang sarap maligaw.....
Ang sarap maligaw.....
Ang sarap maligaw.....
Ang sarap maligaw..... (sa ating kwentuhan..)
Ang sarap maligaw..... (sa ating kwentuhan..)
Ang sarap maligaw..... (sa ating kwentuhan..)
Ang sarap maligaw sa ating kwentuhan...

 

Natapos yung kanta na nakangiti ako.

“Siya nga pala, thank you dun sa panda na stuff toy. Ang cute!” Sabi ko sa kanya.

“Walang anuman yun. Peace offering ko yun sa’yo kasi alam ko naman na may kasalanan ako sa’yo.” Sabi niya sa akin sabay ngiti.

“Buti alam mo!” At tumawa ako. “Teka, wala pa siyang pangalan. Ano papangalan natin sa kanya?”

“Ano bang pwede? Chuchu pwede na?”

“Ay, adik! Ano yun, aso? Hahahaha” Sabi ko sa kanya.

“Ang hirap naman kasi mag-isip ng pangalan eh! Ikaw na lang kaya mag-isip.” Nakapout niyang sabi sa akin.

Awww…Ang cute lang tingnan ni Elijah. Sarap pisilin ng pisngi.

“Hmm..ano ba magandang pangalan dun?” Sabi ko sabay isip. “Ah! Alam ko na! Heal na lang!” Tuwang tuwa kong sabi.

“Bakit naman Heal? Dagdagan mo na lang ng I-J-A-H pangalan na nang kompanya natin.” Natatawang sabi niya sa akin.

“Exactly! Kasi diba yung name ng company natin eh galing sa name natin pareho? So naisip ko na ganun na lang din yung ipangalan  dun kay panda. Tsaka cute naman ah!” Depensa ko.

“Oo na po. Whatever you say, princess.” He said with a smirk on his face.

Napangiti ako. Parang anak lang namin ni Elijah yung panda. Hehehe.

Ilang minuto pa yung lumipas at nakarating na rin kami sa office.

“Huwag mong kakalimutan yung ice cream ko ha!” Bilin ko sa kanya bago kami maghiwalay sa elevator.

“Opo ma’am. Mamayang lunch. Malulunod ka sa dami ng ice cream na bibilhin ko.”  Sabi niya.

“Siguraduhin mo lang!” Sabi ko at nagwave na ako. Nagsara na yung elevator at dumiretso na ako sa opisina ko.

Pag-upong pag-upo ko sa upuan ko ay binuksan ko yung computer ko at nagcheck ng emails. Nagulat ako ng makita kong madami akong emails. Nang icheck ko is puro Best Wishes and Congratulations ang laman. Oo nga pala. Kalat na kalat na si Business world yung kasal namin ni Elijah dahil nagstart na silang magpamigay ng invitations nung nakaraang araw.

I sighed. Maraming aattend ng kasal namin ni Elijah. Business tycoons, politicians, socialites and some celebrities. Maraming inimbitahan yung parents namin. Masyado silang excited na parang akala mo sila ang ikakasal. Ano kayang magiging reaction nila kapag nalaman nila yung usapan namin ni Elijah tungkol sa divorce? For sure, it will really become big news.

Sa totoo lang, kung ako at si Elijah ang tatanungin, gusto namin sana na maging private at solemn lang yung kasal. Kaso hindi pumayag yung parents namin. Kelangan egrande daw. Kaya sa tuwing iniisip ko yung kasal, hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala. Kasi for sure, kahit ano pang gawin namin, masasaktan at masasaktan pa rin yung parents namin.

Isinantabi ko lahat ng alalahanin ko tungkol sa nalalapit na kasal namin ni Elijah at nag-umpisa na akong magtrabaho. Naging busy ako ngayong araw na ito at hindi ko naramdaman na lagpas na pala ng alas siyete ng gabi at kami na lang ang naiwan ng secreraty  ko ang naiwan sa floor namin.

Nahiya naman ako sa secretary ko at pinauna ko na siyang umuwi. Bale ako na lang talaga mag-isa dito. Nagmadali na akong kumilos at tinapos ko na ang mga dapat pang tapusin. Ayokong mag-isa. Takot pa man din ako sa mga multo and the like. Kahit naman na sabihin na merong mga umiikot na guards dito sa building namin eh hindi pa rin nawawala yung takot ko lalo na at ako na lang ang tao dito. Pinapatay ko na yung computer ko ng bigla akong merong narinig na kaluskos.

Shemay! Eto na nga yung sinasabi ko eh! Konting kaluskos lang eh natatakot na ako.

Huhuhuhuhu. Lord, please watch over me.

Lalo ko pang binilisan yung kilos ko sa sobrang takot ko. Ang lakas na ng kabog ng puso ko at any moment ay pakiramdam ko eh magpapass out ako sa sobrang takot. Papalabas na ako ng opisina ko ng parang meron akong nakitang dumaan na nakaputi at nakalutang.

Sa sobrang takot ko eh napasigaw ako nagtatakbo papuntang elevator.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!”

Sa sobrang takot ko eh halos hindi ko na makita yung dinadaanan ko kaya nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko at niyakap ako.

“Are you okay?”

Feeling ko kumalma kahit papaano yung puso ko ng marinig ko yung boses niya. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin at rinig na rinig ko yung tibok ng puso niya. Katulad ko eh napakabilis din nun. Nung marealize ko na medyo matagal na siyang nakayakap sa akin eh bumitaw na ako kahit ayoko pa. Grabe, pakiramdam ko namumula ako sa mga oras na ito.

“O-okay na ako Elijah.” Sabi ko sa kanya at tumayo ako ng maayos.

“Ano bang nangyari sa’yo at nagsisisigaw ka na lang bigla at tumatakbo ng mabilis?” Tanong niya sa akin. Naalala ko na naman yung multo at nakaramdam na naman ako ng takot.

“Eh kasi…kasi…” Parang ayokong ikwento sa kanya at baka pagtawanan niya lang ako.

“Kasi?” Nakakunot noong tanong niya sa akin.

“K-kasi nakakakita ako ng white lady…” Halos pabulong kong sabi.

Ramdam ko na in 5 seconds, tatawa na siya.

5

4

3

2

1

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”

Sabi na eh.

“Kahit kelan talaga napakamatatakutin mo! Hahahahahahaha” Tawa ng tawa na sabi niya sa akin. Kulang na lang eh gumulong siya sa floor kakatawa.

“Eh sa totoo naman talagang meron akong nakita eh! Tumigil ka nga sa kakatawa! Nakakainis ka na!” Pikon kong sabi. Kakainis eh. Nakakaloko yung tawa niya.

“Fine! Fine! Titigil na ako.” Huminga muna siya ng malalim para kalmahin siguro yung sarili niya at pigilang tumawa.

Pero kahit ganun eh, mababakas pa rin sa mukha niya yung pinipigilan niyang tawa. Sa inis ko eh tinalikuran ko siya at dumiretso sa elevator.

“Uy..Sorry na. Wag ka na magalit.” Sabi niya matapos niya akong sundan. He even poked my left arm para pansinin ko siya. Pero dinedma ko lang.

Nagbukas yung elevator at pumasok na ako sa loob. Ganoon din yung ginawa niya. Matapos magsara ng elevator ay pinindot ko yung ground floor button. Kinukulit niya ako pero deadmabelles lang. Asar ako eh.

I was shaken ng biglang namatay yung ilaw ng elevator at parang naging jumpy yung galaw nun. Maya-maya ay hindi na kumilos yung elevator.

Napalapit ako kay Elijah at napahawak ako sa laylayan ng damit niya sa takot ko.

“Elijah…” Natatakot kong sabi. Ewan ko ba. Feeling ko any moment eh merong lalabas na multo sa harap ko para kunin ako.

Syete! Ang creepy na nga ng elevator, pati ba naman yung naiisip ko? Naramdaman kong kinuha niya yung kamay kong nakahawak sa damit niya at hinawakan niya iyon ng mahigpit. Matapos nun ay iginiya niya ako na maupo.

Tahimik lang kami pareho at hawak hawak pa rin niya yung kamay ko. Mabuti na lang at medyo madilim kaya hindi niya nakikita kung gaano na kapula yung mukha ko.

“I’m really sorry, Heather…” Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.

Napatingin ako sa kanya pero siya diretso pa rin yung tingin niya sa pintuan.

“For what?” tanong ko.

“For everything.” Seryosong sabi niya.

Ano bang problema nito? Bigla na lang nagseseryoso?

“Alam ko nainis ka sa akin sa ginawa ko kahapon kay Lance. At pati na rin kanina. Sorry talaga.” Sabi niya at tsaka lang siya tumingin sa akin.

“Kalimutan mo na yun. Okay na yun. Pinapatawad na kita.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Salamat.” Sabi niya at pinisil yung kamay kong hawak hawak niya. “Alam ko na iniiwasan natin pag-usapan yung tungkol sa kasal…”

Napatungo ako sa sinabi niya. Oo nga. Tama siya. Hangga’t maaari, iniiwasan namin yung topic na yun kapag mag-uusap kami. Para kaming merong silent na kasunduan na huwag pag-usapan yun hangga’t maaari.

“Alam ko naman na hindi mo gusto ang ideyang iyon. Kasi hindi mo ako mahal at mawawalan ka ng pagkakataon para makita yung nararapat para sa’yo. Pero sana hangga’t hindi pa nasosolve yung issue natin dito sa kompanya ay huwag ka munang bumitaw. 6 months lang at malaya ka na ulit.” Sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero bakit ganun? Bakit ako yung lumalabas na parang ako talaga yung may-ayaw magpakasal sa kanya? Hindi ba dapat siya nga yun? Kasi nga may Vera na siya? Siya nga yung may idea ng 6 months chuchu na yun tapos parang ako pa yung may gusto nun? Tsaka bakit ganun yung pagkakasabi niya. Parang malungkot..na ewan? Hindi ko maintindihan. Ang gulo niya lang.

Tumango na lang ako at hindi na lang umimik. Siguro ilang minuto yung lumipas na ganun lang kami. Tahimik pero hawak pa rin namin yung kamay ng isa’t isa. Mabuti na lang at mabilis ding bumalik yung power nung elevator kaya nakahinga ako ng maluwag. umayo na kami pareho at ngumiti siya sa akin. Ganun din ako sa kanya. Nang makarating kami ng ground floor ay dumiretso na kami sa sasakyan niya nakaabang na sa labas ng building at sumakay na kami doon.

Nung nasa biyahe kami ay natanong ko sa kanya kung bakit andun pa siya sa office eh lagpas office hours na. Ang sabi niya ay may tinapos pa daw kasi siya at nung sinabi nung guard na andun ba ako sa office at hindi pa umuuwi matapos niyang tanungin iyon ay dumiretso na siya sa floor ng office ko. At iyon nga daw yung nakita niya akong nagtatatakbo at nagsisigaw.

Para ngang baliw eh. Nagre-enact pa siya nung pagsigaw ko. Kaya tuloy tawa kami ng tawa habang nasa biyahe. Nang makarating kami sa bahay ay bumaba na ako ng sasakyan niya. Bubuksan ko na sana yung gate ng naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kanya. Napakunot yung noo ko sa ginawa niya. Matapos nun ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

At bigla siyang nagsalita ng “Thank you.” At hinalikan niya ako sa pisngi.

Di ako nakapagreact agad. Nakita ko na lang na nakatalikod na siya sa akin at papasok na sa sasakyan niya. Lumingon pa ito sa akin at ngumiti bago tuluyang pumasok sa bahay nila. Ako? Para akong naestatwa sa labas ng bahay namin dahil sa ginawang iyon ni Elijah.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top