CHAPTER 10: LANCE' DAY-DATE?
CHAPTER 10: LANCE’ DAY—DATE?
“Huuuyyy!!”
“Ay! Palaka ka!” Nagulat ako ng biglang merong sumundot sa tagiliran ko at nagsalita.
“Ang gwapo ko namang palaka?” Natatawang sabi niya sa akin.
“Eh, Bakit ka naman kasi nanggugulat, Lance? Tsaka anong ginagawa mo dito?” Tanong ko rito habang nakakunot ang noo. Andito kasi ako sa may garden namin at nakatulala ng bigla na lang siyang sumulpot.
“Ang seryoso mo kasi diyan eh. Ni hindi mo nga ako namalayan na papalapit ako eh.” Nakangiting sabi niya sa akin.
Tama siya. Hindi ko nga namalayan yung presensya siya. Nagngingitngit pa rin kasi ako sa inis ko kay Elijah. Iniisip ko kung bakit niya pinuntahan si Vera. At ano kaya ang ginagawa nila sa mga oras na ito.
Napabuntong hininga ako.
“Para saan naman yang buntong hininga mo? Lalim ah.” Tanong niya sa akin.
“Wala. May naisip lang. Teka nga. Paano ka nakapasok dito? Tsaka hindi mo pa sinasagot yung tanong ko kung bakit ka andito.” Balik tanong ko sa kanya.
“Ahm…Sa first question mo kung paano ako nakapasok dito, well..dumaan ako sa pintuan niyo— I mean, pinagbuksan ako ng gate ng maid niyo at sinabing andito ka nga daw kaya nagpasama ako sa kanya papunta dito.” Natatawang sagot niya sa akin matapos ko siyang bigyan ng infamous death glare ko. Loko lokong Lance to, mamimilosopo pa. “Sa second question mo, andito ako para ayain ka sana na mamasyal at kumain sa labas.”
“Eh?” Ang tagal bago nagprocess sa utak ko yung sinabi niya. Bakit naman ako aayain ni Lance na mamasyal at kumain sa labas? “Bakit?” Tanong ko sa kanya.
“Bakit masama bang ayain kang lumabas at mamasyal? Ang alam ko friends naman tayo sa tingin ko wala namang masama doon. Tsaka wala ka namang pasok ngayon not unless kung meron kang ibang lakad.” Sagot niya.
Oo nga naman. Ano namang masama kung sasama ako sa kanya? Utak ko talaga minsan di nagana. Tsk tsk. Sasama ba ako kay Lance?
Hmm…sasama na nga lang ako kesa naman magmukmok ako dito kakaisip sa kung anong ginagawa nila Elijah at Vera sa mga oras na ito.
I was about to answer ng bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Elijah.
“Please refrain from seeing other guy. Ikakasal na tayo at nakakahiya kung may makakakita sa’yo na meron kang ka-date na ibang lalaki.”
Aish. Hindi naman ako makikipagdate ah! Magkaibigan lang naman kami ni Lance. At wala naman akong nakikitang masama kung sasama ako sa kanya. Hindi ko kailangan maguilty. Siya nga eh kasama si Vera. At alam na alam ko na hindi naman sila magkaibigan ni Vera. It’s more than that. Siya ang dapat maguilty at hindi ako.
“Sige. Sasama ako. Wala naman akong ibang lakad. Wait for me here, okay?” Sabi ko sa kanya at tumayo na ako mula sa pagkakaupo.
“Sure.” Nakangiting sagot niya sa akin.
Nag-utos ako sa maid na dalhan si Lance ng meryenda para hindi naman siya mainip sa paghihintay sa akin at matapos nun ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.
***
“Meron ka bang gustong puntahan pa?” tanong sa akin ni Lance habang nakaupo kami sa park at kumakain ng ice cream.
Ngumiti lang ako sa kanya at sumagot ng “Wala na.”
Marami rami na rin yung napuntahan namin ni Lance. Nag-joyride kasi kami at kapag nagustuhan namin yung lugar ay hihinto kami para ikutin yun.
Tulad ngayon. Nasa isang park kami or should I say, Chindren’s Playground. Inaya ko siya ko rito dahil namimiss ko na magslide at magswing. Naaalala ko pa, madalas kaming dalawa ni Elijah ang magkasama sa tuwing tatakas kami ng bahay para lang makapaglaro doon sa playground malapit sa amin. At sa pag-uwi namin, sabay din kaming pagagalitan ng parents namin dahil hindi kami nagpaalam.
I sighed. Kahit saan talaga akong magpunta, hindi pwedeng hindi ko siya maiisip.
“Penny for your thoughts?” Nagulat ako ng biglang nagsalita si Lance.
I smiled at him and looked again sa mga batang naglalaro. “I just remembered my childhood. Namimiss kong maging bata.”
“Mukha nga. Halika.” Sabi niya sa akin at tumayo siya at inabot sa akin ang kamay niya.
“Where?” Nakakunot noong tanong ko sa kanya.
“Sa lugar kung saan babalik tayo sa pagkabata.” Sagot niya sa akin sabay kindat.
Bago pa ako nakasagot ay hinila na niya ako sa direksyon ng may slide. Umakyat kami sa taas habang tulak tulak niya ako sa likod. Tawa ako ng tawa sa ideya ni Lance. PInagtitinginan tuloy kami ng ibang bata na naglalaro din doon pati yung mga kasama nilang matatanda. Mabuti na lang at nakapants ako kaya okay lang na magslide ako.
“Ready?” He asked while grinning at me matapos naming maupo sa pinakataas at pumosisyon para sa pagpapadulas. Nakaupo siya sa likod ko habang hawak hawak niya ako sa balikat.
“Ready!” Nakatawang sagot ko.
“Okay!” Sagot niya tapos tinulak na niya ako. Sabay kaming nagslide pababa.
“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!” Sigaw ko habang tumatawa. Medyo mataas din yung slide at merong ding mga curves kaya nakakatuwa.
Nung malapit na kami sa baba, ay niready ko ang sarili ko sa pagtayo para hindi ako masubsos sa lupa pero bigla na lang na-out of balance ako. Ramdam ko na malapit ng humalik yung pwet ko sa lupa ng mahawakan ako ni Lance sa bewang at itinayo. Nauntog tuloy ako sa chest niya sa lakas ng pagkakahatak niya sa akin. Tumingala ako at nakita ko siyang matamang nakatingin sa akin. Parang merong kung ano sa tingin niya na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam kaya bigla akong humiwalay mula sa pagkakayakap niya sa akin.
“Hehe. Thanks Lance sa pagsalo. Wooh. Muntik na akong humalik sa lupa! Hahaha.” Sabi ko na pilit kong itinatago yung awkwardness na naramdaman ko kanina.
“Welcome.” Sagot niya sabay ngiti. ”Andito lang ako at palagi kitang sasaluhin sa tuwing pakiramdam mo ay mahuhulog ka na.”
Parang meron pang sinabi si Lance pero hindi ko na narinig dahil bigla siyang tumalikod sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kanya.
Naglaro pa kami ni Lance ng kung ano-ano at nung napagod kaming pareho ay naupo ako sa swing habang siya ang tumutulak sa akin para iduyan ako.
“Thanks Lance ha.” Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa papalubog na araw.
“For what?” tanong niya.
“Para sa araw na ito. Nag-enjoy talaga ako ng husto.” Nakangiti kong sabi. Naramdaman ko na bigla na lang siyang huminto sa pagtulak sa akin at pumunta siya sa harapan ko.
“It will always be my pleasure, Heather.” He said habang nakaluhod yung isang paa niya. “Meron sana akong gustong sabihin sa’yo.” Sabi niya pa sabay abot ng isang kamay ko. Mataman niya akong tinitingnan habang hawak ang isang kamay ko. Nakakaramdam na ako ng kaba at pagkailang.
“A-ano yun?” Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Kinakabahan ako sa sasabihin ni Lance at hindi ko alam kung bakit.
“Heather I—“
Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil pareho kaming natigilan ng biglang nagring yung cellphone niya.
“Excuse me, sasagutin ko lang ito.” Paalam niya sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanya at matapos nun ay lumayo siya ng konti.
Napahinga ako ng marahas ng makalayo siya. Feeling ko natense ako kanina habang hinihintay yung sasabihin niya sa akin. Napagdesisyunan kong tingnan yung cellphone ko at nakita kong andaming miscalls sa akin ni Elijah. Meron ding mga text tulad ng:
“Where are you?”
“Sabi ng maid niyo umalis ka daw. Saan ka nagpunta?”
“Bakit mo na naman kasama si Lance?”
“Nakakailang tawag na ako, di mo pa rin sinasagot.”
“Answer my call.”
Nainis ako sa mga text ni Elijah sa akin. Para kasi siyang imbestigador kung makapagtanong pero nung nabasa ko yung huli niyang message sa akin, lihim akong natuwa at kinilig doon.
“Answer my call please. Nag-aalala na ako sa’yo.”
Napagdesisyunan ko na itext na lang siya. Ayoko siyang tawagan kasi for sure sesermunan lang ako nun dahil hindi ko sinasagot yung tawag niya.
To: Elijah
0917*******
I’m at the park with Lance. Pauwi na rin ako. Don’t worry too much.
Matapos kong isend ay binalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nagswing ulit. Hindi pa tapos makipag-usap si Lance sa phone niya kaya hinayaan ko na lang muna.
Narinig kong tumutunog yung cellphone ko kaya kinuha ko ulit ito mula sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Calling..
Elijah
Nag-isip muna ako kung sasagutin ko ba yung tawag o hindi. Pero dahil saydang hindi ko talaga siya matiis kaya sinagot ko na lang.
“Hello.”
“Heather! Finally, you answered your phone!”
“Why are you calling? Anong nangyari? May problema ba?” tanong ko sa kanya.
“W-wala naman. I-I’m just l-looking for you.” Halos pabulong na sabi ni Elijah sa akin.
“Bakit?” tanong ko.
“W-wala lang.”
Ay, grabe lang to si Elijah! Problema nito? Wala naman palang nangyari kung makatawag sa akin, panalo. Biruin niyo, I received 25 miscalls and 30 texts na pare-parehong message galing sa kanya. Tapos nang tinanong ko kung bakit niya ako hinanap, wala lang? Ano kaya yun? Ang adik lang.
“A-are y-you with L-lance?”
“Yes. Nagtext ako sa’yo ah. Di mo ba nareceive?” Napakunot yung noo ko sa tanong ni Elijah. Ang weird lang niya ngayon.
“Nareceive ko naman. Pero bakit na naman kayo magkasama?” parang naiinis na sabi niya sa akin. Hala. Bakit ba siya ganyan? Bakit ba issue sa kanya kapag magkasama kami ni Lance?
“Eh kasi—“ Naputol yung sasabihin ko ng makita kong papalapit si Lance sa akin habang nakangiti. “Mamaya na tayo mag-usap. Pauwi na rin kami. Bye.” Sabi ko na lang at inend ko yung call kahit na wala pa siyang sinasabi.
“Uwi na tayo?” Aya ko kay Lance.
“Sige.”
Naglakad na kami papunta sa kotse niya. Di ko na inungkat kung ano yung sasabihin niya sana kanina at nagpapasalamat akong ganun din siya. Ewan ko ba. Feeling ko hindi ako magiging komportable sa kung ano man ang sasabihin niya sana sa akin.
***
“Salamat ulit Lance ha? Super duper nag-enjoy talaga ako sa araw na ito. Sarap bumalik sa pagkabata! Hahaha” sabi ko sa kanya. Nasa may tapat na kami ng bahay namin ngayon at magpapaalam na ako sa kanya.
“Hahahaha. Oo nga eh. Ulitin natin ulit yun sa susunod.” Sabi niya sa akin habang nakangiti.
“Oo ba!” Game na game kong sabi.
“Hahahaha.Sabi mo yan ha!” Tuwang tuwa na sabi ni Lance.
“Oo nga. Basta sabihin mo lang kung kelan.” Sabi ko sa kanya.
“Okay. Sige. Alis na rin ako.” Sabi niya sa akin. Naglalakad na siya papunta sa driver’s seat ng kotse niya ng biglang humangin ng malakas at napuwing yung isang mata ko.
“Ouch!” Sabi ko habang kinukusot yung mata ko. Kapag minamalas ka nga naman, mapuwing pa. Kakainis.
“Are you okay?” Nagulat ako ng biglang bumalik at lumapit sa akin si Lance at hinawakan ako sa balikat.
Di ko siya masyadong makita kasi nga, may dumi yung isang mata ko.
“Wag mong kusutin. Wait, ihipan ko.” Sabi niya sa akin at tinanggal niya yung isang kamay ko na pinangkukusot ko. Lumapit siya sa akin ng kaunti at medyo inopen niya yung mata kong merong dumi at hinipan yun.
Nagulat na lang ako ng biglang nahinto sa pag-ihip sa mata ko si Lance at may sumuntok dito.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Si Elijah.
Galit na galit at parang nagbabaga yung tinging ipinupukol niya kay Lance at sa akin.
“WHY THE HELL ARE YOU KISSING MY FIANCÉ??!!”
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top