CHAPTER 1: NEW LIFE. NEW HEATHER
CHAPTER 1: NEW LIFE. NEW HEATHER
“Aren’t you going home, Heather?” Tanong sa akin ni Mommy sa kabilang line. Napangiti na lang ako sa tanong niya. Eto na kasi ang pang-apat na beses na tumawag siya sa akin ngayong araw para lang tanungin ako niyan. Actually, everyday siyang tumatawag at hindi nawawala ang tanong niyang iyan sa akin sa tuwing magkakausap kami.
“Ma, marami pa kasi akong tinatapos dito and I can’t afford to go home right now.” I said apologetically. I heard her heaved a sigh tsaka nagsalita.
“It’s been 3 years since you left the Philippines honey at miss na miss ka na namin ng Daddy mo. Ni hindi mo kami nagawang bisitahin kahit isang beses lang. Kailangan kami pa ng Daddy mo ang pupunta diyan para lang makita ka namin. Hindi mo ba kami na-mimiss, anak?” Nagtatampong tanong nito. Bigla naman akong nakonsensya sa sinabi niyang iyon.
Tatlong taon na pala. Hindi ko namalayan na tatlong taon na pala ang nakakalipas mula ng lumipad ako papunta rito sa Athens.
“Of course not, Mom. I miss both of you. Masyado lang talaga akong busy kaya hindi ko magawang umuwi diyan.” Sagot ko rito. Narinig ko na namang bumuntong hininga muli si Mommy.
“I…I don’t know if we had the right decision nung pinayagan ka naming ikaw ang maghandle ng business natin diyan, anak. You have been distant to us Heather since you left. And we feel like that you are…you are slowly drifting away from us, anak…” Hindi ko man makita ang itsura ni Mommy ngayon ay alam kong maluha luha na siya which makes me feel more guilty.
Yeah. I’d decided to fly away here after that painful conversation I had with Elijah. Nasaktan kasi ako noon ng sobra sobra nung pumayag siyang maghiwalay kami. No more questions asked. Basta pumayag agad siya. Well, ano pa ba ang inaasahan ko ng mga panahon na iyon? He’s in love with somebody else. And being free from our marriage would give him the liberty to love that person.
Balak ko pa nga sanang bawiin ang sinabi ko noon because I truly regretted it that time but then I also realized that I shouldn’t be. I said those words not because it was just a slip of a tongue. I said it because I really wanted to get away from the pain that Elijah had inflicted in me. Sobrang nasasaktan na ako noong mga panahon na iyon at ang gusto ko na lang ay lumayo para makawala sa sakit na nararamdaman ko. I know, hindi ko dapat sisihin si Elijah sa lahat ng sakit ng naramdaman ko dahil in the first place ay wala naman talaga siyang alam sa nararamdaman ko para sa kanya but still, I also came to the point of blaming him. For being insensitive enough na hindi niya naramdaman na nasasaktan na ako.
What made me surer about my decision to fly away here was when I had this little tête-à-tête with Vera which happened the day after I had the conversation with Elijah. What she said to me back then made me realized that I am really no comparison to her. That even if I still want to hold on to Elijah, hindi na pwede at hindi na maaari.
Umalis ako ng bansa matapos kong makiusap sa mga magulang ko na ako na lang ang ipadala rito sa Athens para humawak ng bagong business namin rito. Sa totoo lang, meron naman na silang napili na maghahandle rito but I insisted na ako na lang ang humawak when I learned about this. They were reluctant at first at ayaw nilang pumayag sa gusto ko pero naging mapilit ako at napapayag ko rin sila kahit na alam kong labag iyon sa loob nila. Mabilis kong prinoseso ang mga papeles ko para makaalis agad. And when the time came na kailangan ko ng umalis ay hindi na ako nagpaalam pa kay Elijah. He even didn’t know that I was leaving. I told my parents not to tell everybody about my departure especially him. I also asked them not tell him kung nasaan ako once he knew that I left the country. Hinayaan ko na rin sila na ang magsabi kay Elijah tungkol sa fake marriage namin. After that, hindi ko na alam ang nangyari. When I left the Philippines, I promised myself na huwag ng makibalita pa sa kung ano nang nangyayari sa kanya. Alam ko kasing hindi ako makakapag-move on ng maayos hangga’t aware pa rin ako sa whereabouts niya. Sa tuwing tatawag ang parents ko sa akin at nababanggit ang pangalan niya ay kusa kong iniiba ang usapan para hindi na ako magkaroon ng interes pang muli na alamin kung ano na ang kalagayan niya. I had been like that for almost more than a year. Ayokong nakakarinig ng kahit anong tungkol sa kanya kasi bumabalik lang sa akin yung pain kapag naaalala ko siya at hindi ko maiwasang umiyak. Paulit ulit. I always cried whenever I remembered him. My unrequited love for him. Feeling ko ng mga panahon na iyon, hindi na ako makakapag-move on pa. Na kahit anong gawin ko ay siya pa rin ang magiging laman ng puso ko. Not until I learned how to finally move on.
Now, after 3 years of being away from him, I can say that I have succeeded. All my wounds that I got in the past were already healed. Pwede ko na nga siyang harapin ngayon ng hindi umiiyak sa harapan niya at makipagkwentuhan ng hindi nagiging bitter eh. I smiled. Memories. Nangingiti na lang ako sa tuwing naaalala ko ang pinagsamahan naming dalawa. If you will ask me if I still love him? I can confidently say to you na hindi na. Sabihin niyo ng charotera ako or whatever, pero iyon ang totoo. Kung meron man akong nararamdaman ngayon para sa kanya ay iyon ay pagiging kaibigan na lang. He’s still my bestfriend after all. Napapaisip tuloy ako. Kamusta na kaya siya? Nabanggit sa akin ni Mommy na matagal na palang alam ni Elijah kung nasaan ako pero hindi siya kumontak sa akin. Not even once. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayari sa kanya kasi wala namang binabanggit sila Mommy tungkol sa kanya. Siguro dahil na rin sa pakiusap ko noon sa kanila na ayokong may marinig na balita tungkol sa kanya kaya iniiwasan nilang banggitin ang pangalan niya. Nadulas nga lang noon si Mommy kaya niya nasabi sa akin na alam ni Elijah kung nasaan ako. Gusto ko siyang kamustahin kina Mommy sa tuwing nakakausap ko sila kaso nakahiyaan ko na. Baka kung ano pa ang isipin nila kaya hindi na rin ako nagtatanong tungkol rito.
“Of course not, Mom. Feeling niyo lang yun. I will never do that. Wala akong dahilan para lumayo sa inyo. I’m sorry if hindi ako nakakauwi riyan because of my busy schedule here but that doesn’t mean na iniiwasan ko kayo. You know how much I love both of you, right?” I answered.
“Kung hindi nga ganun, why can’t you atleast go home here? Kahit ilang araw lang? Matatag na ang kompanya natin diyan at kahit mawala ka diyan ng kahit ilang buwan pa, hindi yan babagsak. Meron naman tayong competent employees na pwedeng humawak niyan habang wala ka.” Sabi ni Mommy sa akin.
Napabuntong hininga ako. I don’t understand kung bakit nila nasasabing unti-unti akong lumalayo sa kanila because alam ko sa sarili kong hindi naman.
“Mom—“ Dedepensa pa sana ako ng biglang putulin ni Mommy ang sasabihin ko sana.
“Let’s make a deal, anak. Kung mali nga ang pakiramdam namin, uuwi ka rito. Tamang tama, magbibirthday na ang daddy mo at hinihiling niya na sana ay umuwi man lang ang unica hija niya. Don’t disappoint him, Heather. Don’t disappoint us. We’ll expect to see you here on your father’s birthday. At kung hindi ka uuwi, magtatampo na talaga kami sa iyo ng Daddy mo.”
“Pero Mom—“
“No buts, Heather. Goodbye and see you soon.” Sabi ni Mommy at in-end na ang call. Napabuntong hininga ako ng marahas. Ayoko pa sanang umuwi dahil marami pa talaga akong inaasikaso rito but I guess, wala na akong magagawa kung hindi sumunod.
---
“Flowers for the beautiful girl.” Napangiti ako ng napatingin ako sa lalaking nagsalita sa harapan ko.
“Aww…Thank you, Lance.” Sabi ko rito at kinuha ang mga bulaklak sa kanya. Inamoy ko iyon at napangiti ng maamoy ko ang halimuyak noon.
“Like it?” Nakangiting tanong niya.
“Very much.” I answered. Wondering why Lance is also here in Athens? Well, he’s also here for family business. Actually, 6 months pa lang siyang naririto at aksidente lang kaming nagkita. Isa rin siya sa mga taong hindi nakaalam ng pag-alis ko kaya naman nung nagkita kami ay labis ang paghinging paumanhin ko rito.
“Bakit ka nga pala naririto?” Tanong ko rito. Nagulat na lang kasi ako ng biglang sabihin ng secretary ko na andito ang kumag na ito.
“Bakit? Bawal bang bisitahin ang nililigawan?” Nakangiting tanong nito at nangalumbaba pa sa may table ko habang pinagmamasdan ako. Feeling ko tuloy nagblush ako sa sinabi niya.
Yeah. Lance is courting me. He started courting me after malaman niya yung nangyari kung bakit ako umalis ng Pilipinas. He asked me the real reason kung bakit ako umalis at hindi ako nangiming itago sa kanya ang totoo. After all, he knew my feelings toward Elijah back then kaya siguro hindi ako natakot na sabihin sa kanya iyon at saka tapos na rin naman ang chapter na iyon ng buhay ko kaya parang wala na lang sa akin na ikwento sa kanya iyon. Nung matapos niyang marinig ang lahat, bigla na lang siyang nagdeclare na liligawan niya raw ako. Kung noon daw ay hindi niya nagawa dahil akala niya ay ‘wala’ ng pag-asa, now, he’s taking his chance to prove to me kung gaano niya daw ako kamahal. Sabi niya pa, he never outgrew his love for me kaya hiniling niya na sana ay bigyan ko siya ng pagkakataon. Isang bagay na hindi ko naman ipinagkait sa kanya. Pumayag ako na ligawan niya ako. After all, alam ko naman sa sarili ko na matagal na akong handa na iopen ang puso ko para sa iba.
“Really, Lance? Tanghaling tapat, oh? May lahi ka bang intsik?” Nang-aasar na tanong ko. He grinned at me and cross his arms.
“Wala. Pero gusto ko silang gayahin. Sabi nga nila, daig ng maagap ang masikap.” He answered and grinned at me. Naiiling na natatawa na lang ako sa sinabi niya.
“Seriously Lance. What brought you here?” Nakangiting tanong ko sa kanya.
“Nanliligaw nga. Kulit.” Sabi pa nito at nagpout pa. Ang adik lang talaga nito ni Lance, oh. Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Ngumiti pa siya lalo ng malapad at itinaas niya ang dalawang kamay niya na animo’y tatanggap ng isang yakap mula sa akin pero ang ginawa ko ay kinurot ko ang magkabilang pisngi niya.
“Ang cute cute mo talaga.” Sabi ko rito habang pinanggigilan ang pisngi niya.
“A-aaray naman Heather!” Sabi nito at inalis ang kamay ko sa pisngi niya. Napa-pout na naman siya at hinaplos niya ang magkabilang pisngi niya. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Bumalik ako sa upuan ko at bumunghalit ng tawa.
“Hahaha. Kyut kyut mo talaga.” Ulit ko pa rito. Sinamaan niya ako ng tingin at lalo pang tumulis ang nguso nito. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko sa pagtawa pero hindi ko talaga magawa. Bakit ba ang cute cute ni Lance kapag nagpa-pout? Alam niyo yun? Palibhasa kasi malakas ang loob dahil hindi naman siya nagmumukhang bading kapag ginagawa niya yun.
Nakita kong sinamaan niya ulit ako ng tingin kaya hindi ko na naman napigilan ang paghagalpak ng tawa.
“Enjoy na enjoy ka talaga eh no?” Sabi niya sa akin at nagcross arms pa. I nodded and grinned at him tapos tumawa ako ulit. Nung makalma ko na ang sarili ko sa pagtawa ay tsaka ako muling nagsalita.
“Seryoso na kasi Lance. Bakit ka nga naririto?” Tanong kong muli sa kanya.
“Hay naku. Manliligaw—“
“Seryoso nga kasi.” I cut him off. Nanggu-good time na naman kasi itong kumag na ito eh.
I saw him sighed and smiled at me. “Actually, I have something important to say to you.” I don’t know why pero parang merong hint of sadness sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
“What is it?” I asked.
“I’m going back to the Philippines this Saturday.” Sagot niya sa akin.
“For good?” I asked again.
“I am actually not certain about it. I may stay there for good or I may come back here. It depends.” Napakunot ang noo ko sa sagot niya.
“Depends on what?” Tanong ko ulit.
“Basta.” Sabi niya na lang.
“Well then, Ingat sa byahe Lance.” Sabi ko na lang rito at napakibit balikat.
“Aren’t you going to stop me?” Nakangiting tanong niya sa akin.
“Why should I?” I answered back.
“Well, because…you will certainly miss me and you know you can’t live without me?” He answered with a playful smile on his lips.
Natawa na naman ako sa sagot niya. Really, Lance is so full of himself at times.
“You’re imagining things, Lance. Why don’t you make an appointment to your doctor para macheck if you are still mentally fit?” Biro ko rito.
“Ouch. Is that your way of saying na hindi mo ako mamimiss?” Sabi nito na may himig ng pagtatampo at lumungkot ang itsura nito. Bigla naman akong nakonsensya sa sinabi ko kaya binawi ko rin agad.
“Sensitive naman nito oh! I was just joking okay. Of course, mamimiss kita. You know you’re my best buddy, right?” Sabi ko rito. Nakita kong lumiwanag muli ang mukha niya at ngumiti ng malapad. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon. Ngumiti ako sa kanya at bumitaw sa pagkakahawak niya.
“Really, Heather. I will miss you. Why don’t you come with me? Matagal ka na ring hindi umuuwi ng Pilipinas. Maybe it’s time to visit your family.” Sabi niya sa akin. Napaisip ako bigla doon. Why not? Naalala ko kasi tuloy bigla yung conversation ni Mommy tungkol sa pag-uwi ko.
“Kailan ka nga ulit aalis?” I asked him.
“This coming Saturday.” Sagot nito. This Saturday? Hmmm. Pwede naman. Since next week naman na ang birthday ni Daddy. “Why?” Tanong niya pa.
“I am considering na sumama sa iyo pag-uwi sa Pilipinas.” Nakangiti kong tugon sa kanya. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at halata sa kanya ang pagkaexcite.
“Really? You should be! Huwag mo ng pag-isipan pa. Umuwi ka na rin. Tsaka I’ve heard that it’s your father’s birthday next week kaya dapat lang na makauwi ka.” He said enthusiastically.
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. “So it’s settled then. Sabay tayong uuwi ha?” Sabi pa nito.
“Hey wait. Ang sabi ko pag-iisipan ko pa.” Pagtutol ko.
“Ano pa ba ang dapat mong pag-isipan? You’ve been here for three years at hindi ka man lang umuwi ni minsan doon. I think it’s high time to come back.” Sabi nito.
“Pero—“
“Di kaya dahil ayaw mong umuwi ay dahil may nararamdaman ka pa rin kay Elijah, Heather? Are you still afraid to see him?” I can sense Lance’s sadness when he said those words.
“Of course not, Lance! You know naman na matagal na akong naka-move on. He has nothing to do about it. Pinag-iisipan ko pa kasi alam mo namang marami akong ginagawa rito diba?” I defended. Nakita kong para siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko at ngumiti.
“C’mon Heather. What’s a week or a month away from this company? It can still survive I tell you. Tsaka you deserve a vacation. You’ve been working your ass off since you came here. Magrelax ka naman paminsan minsan.” Argumento pa nito.
Napabuntong hininga ako. Tingin ko matatalo lang ako sa diskusyong ito namin Lance. Kahit na gusto ko pang tumutol ay ipipilit niya pa rin ang pinupunto niya. I guess I really left with no choice kundi pumayag. After all, may punto naman siya eh. Even si Mommy. Siguro nga panahon na para umuwi ako sa Pilipinas para makapagbakasyon kahit saglit lang.
“Fine, fine. I’m coming, okay? Satisfied?” Nakangiting sabi ko sa kanya.
Natawa ako sa kanya ng makita kong napasuntok siya sa ere at napasigaw ng ‘yes’.
“Excited na akong umuwi kasama ka.” Sabi nito at lumapit siya sa akin at yumakap. “This mean, hindi ko na kailangang malungkot dahil hindi kita makikita kasi makakasama kita.” Bulong niya pa. Napangiti na lang ako sa sinabi niya at tinap ang balikat niya.
‘I hope everything will be fine sa pag-uwi ko.’ Nakangiting sabi ko sa sarili ko.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top