Chapter One: Whirlwind First Meeting (To be deleted)
This must be the end… sabi ko sa sarili ko habang patuloy akong inililipad ng lalaki sa kadiliman. Im an adventurous type pero ngayon lang ako natakot para sa aking buhay. This is really is it. Nakikita ko ang sarili ko in a painful death. Bibitawan niya ako sa ere saka ako magpapatimbulong sa lupa. Walang makakakilala sa akin tiyak dahil lasog-lasog na ako.
Pero ako si Stephanie Legaspi. Hindi ko ugali ang tanggapin na lang kung ano ang mga mangyayari. I always make sure na lahat ng bagay ay mangyayari in accordance of my own will!
Perahaps I could make a bargain. Yes, dito sa himpapawid.
Tiningala ko ang mukha ng abductor ko. Nakakunot ang noo nito, na para bang determinado siyang gawin kung ano man ang pinaplano niya.
“Ibaba mo ako,” pinatapang ko ang aking boses.
Hindi man lang siya tuminag. Nagdalawang-isip ako kung narinig ba niya o hindi.
“I said, ibaba mo ako!” I shouted.
Nagtagumpay ako na agawin ang kanyang atensyon. Ngunit nang tumingin naman siya sa akin, tila umurong naman ang dila ko. Shit! How could his eyes lure me and at the same time frightens me.
“Gusto mo bang gawin ko yon?” his voice came very manly. Very soothing siya sa pandinig ko.
“Y-yes.”
In an instant, he release me from his grip at natagpuan ko ang aking sarili na pumapaimbulong pababa gaya ng inasahan ko. Hindi ko alam kung ilang mura ang lumabas sa bibig ko o kung may boses pa akong inilalabas, wala na akong pakialam. All I cared about is that im dying in a matter of minute!
Lumusot ako sa makapal na ulap at tuluyan nang itinago niyon ang lalaking ngayon ko lang naisip na demonyo pala. Really. Looks could be deceiving.
“Hindi pa tayo tapos lalaki ka. Babalikan kita by all means!”
Isinara ko ang aking mata at inihanda ang sarili para sa kamatayan. Kung kailan nakapagpaalam na ako sa mga mahal sa buhay ko at ibinigay ang aking isang huling hininga, isang braso ang humagip sa akin.
Pagmulat ko, ang mala-demonyong lalaki. Iniligtas niya ako. And he was giving me an amused look.
Nang makababa kami sa lupa, doon na sumulak ang dugo ko. Pinagbabayo ko ang kanyang dibdib. “I hate you. I really hate you. How dare you na ihulog ako. Wala kang hiya. Demonyo ka!”
Parang nababagot ang itsura niya. “You’ve asked for it, lady. Binigay ko lang sa’yo.”
“Eh, gago ka pala. Hindi ganun ang ibig kong sabihin.”
Tinalikuran na siya nito. Pero tila may naalala siya at muling lumapit sa akin. Inabot niya sa akin ang kanyang kamay. Nagtatakang tumutok ang mata ko sa naghihintay na palad nito at lumipat sa mata nito.
“The mere fact you saw me change, you’re in danger now. No one should know who and what I really am. You will just end up as a tool para matalo ako ng mga kalaban ko. Pero masyado kang makulit. I tried to evade you pero nahahanap at nahahanap mo pa rin ako. And I shouldn’t have saved you in the first place. Dapat hinayaan an kitang mahulog. Doon ka rin naman mauuwi.”
“So para saan ang kamay na iyan?”
“I feel kind of responsible with you now. Ano man ang mangyari sayo ngayon ay kargo ko. So please… delikado ang gabi. It’s not safe to roam around.”
Inabot ko ang kamay niya. Ngumiti siya. This time im sure na ngumiti siya. And it’s breath-taking. He grip my hand at ikinawit niya iyon sa balikat niya at natagpuan ko ang aking sarili sa likod niya.
No, not again.
“Hawak ng mabuti, Lady.”
At muli naman niya akong inilipad sa langit. Yes, langit. Because this time, wala na ang takot. Ninamnam ko ang bawat sandali na malapit sa kanya at hinayaan ang aking atraksyon sa kanya noong una pa man na umibabaw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top