B.P. - I

Candayce P.O.V.

Sa aming byahe sinulit namin ang mga magagandang tanawin at nag picture picture. Tawanan at kulitan ang ginawa namin hanggang sa nakarating na kami malapit sa Baguio. Naramdaman ko na medyo lumalamig na.

Pagkarating namin ang saya saya namin dahil naibsan na ang init na aming naramdaman sa Manila. Selfie dito, selfie doon ang nangyari. Pagkatapos naming igala ang aming mga mata, naisipan na nilang pumunta sa aming titirahan pansamantala. Base sa aming usapan sa bahay daw ng Tita ni Kathleen  kami tutuloy kasi nag paparenta daw sila.

So si Kathleen na ang nagpara ng taxi kasama ang boyfriend niyang si Chad. Kinailangan namin ng dalawang taxi upang magkasya ahaha sa dami namin sa iisang taxi hindi kami magkakasya. Tahimik lang kami sa aming byahe, kung may magtatanong man, magtatanong lang ito at tapos na ang usapan.

Pagkarating namin sa bahay binati namin ang Tita ni Kathleen na nasa mid-40s na siguro at nagpaalam na papasok na kami sa aming kwarto.

“Guys, ganito ang set up dalawang room ang rerentahan natin so bale ganito girls sa first room at boys sa second room.” Sabi ni Cairo.

So umakyat na kami at dumiretso na sa first room. Kasama ko si Sabina, Kathleen, at Mackie.

“Ohh, thanks Lord malamig na, hindi na siya gumagaya sa akin na sobrang hot.” Nagtawanan kami sa sinabi ni Mackie, sadyang may sayad itong si Mackie ehh.

Lumabas kami ng medyo pagabi na. Kakain daw kami sa labas ehhh.

Nang lumabas kaming mga babae ay siyang paglabas din nang mga lalaki.

So parang ganun lang kanina  pumunta kami sa aming titirahan ay dalawa rin ang pinara naming taxi. Yieee sa SM daw kami kakain, I mean sa restaurant sa SM.

Pagkatapos naming kumain, naglibot libot muna kami sa SM and then shopping. Pumasok rin kami sa Quantum. Nagkantahan kami sa may videoke. Matapos naming mag laro mga 9:30 na.

“Punta tayong Burnham Park, maganda dun lalo na at gabi na.” Sabina suggested.

Naglakad na lang kami papuntang Burnham dahil medyo malapit naman na ito.

Totoo nga ang sinabi ni Sabina, ang ganda nga rito, sayang nga raw at hindi namin naabutan ang dancing fountain.

“Sakay tayo sa bangka, sakay tayo!” Exited na saad ni Mackie.

Sumakay na sila ng bangka. Naiwan ako at si Cairo na naka upo sa may bench. Takot kasi akong sumakay sa bangka o kahit anong transportation sa tubig.

“Bakit hindi ka sumakay? Takot ka rin ba sa bangka?” Tanong ko kay Cairo.

“Ahhh, hindi anim lang daw kasi ang pwedeng sumakay sa isang bangka, baka lumubog daw ehh.” Lumingon siya sa akin. Tumango lang ako sa sinabi niya.

“Gusto mong kumain? Tara bili tayo.”
Anyaya niya.

“Sige ba! Basta treat mo ahh” Sabi ko sabay ngiti.

“Oo na.” Sabi niya at umiling.

Naglakad lakad kami, at naghanap ng mabibili.

“Cairo, gusto ko ng ice cream. Yun ohh libre mo ko!” Sabi ko at hinila ko siya papunta doon kay manong na nagtitinda ng ice cream.

“Manong dalawa nga pong ice cream.”

“Manong strawberry po sa akin.” Sabi ko kay manong.

“Dalawa nalang pong strawberry.” Sabi ni Cairo kay manong.

Nang makabili na kami bumalik na kami sa inupuan namin kanina. Nagbabangka parin sila, sinusulit talaga nila ehh.

Kahit na malamig ang ice cream at malamig dito sa Baguio, okey parin sarap kaya. Its like, ang sarap sa feeling.

~★~★~★~★~★~★~★~★~★~★~★~

To be continue...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top