W A L A T A Y O N G L A B E L
Na-attract ako sa isang katulad mo,
Sinubukan kang kausapin ngunit bakit pinagtatabuyan mo ako?
Maraming ginawa para mapansin mo ako,
Ngunit parang walang epekto ang lahat ng ginagawa ko.
Lumipas ang mga araw ng pangungulit ko,
Finally, napansin mo na ako.
Nagbago ang ang ihip ng mundo,
Parang umiba yata ang iyong trato.
Naging sweet ka ng todo,
Dahil sa usapan nating parang tinotoo ko.
Masyado na akong nadadala dito,
Pwede bang totohanin na natin ito?
Sa bawat iyong ginagawa,
Grabe ang saya na nadarama.
Hindi na mapigilan ang puso,
Sapagkat grabe ito tumibok sayo.
Nagulat sa iyong halik,
Biglang akong napa-isip.
Mahal na yata kita,
Pero teka, teka
Ano na bang meron tayo?
Parehong may nararamdaman,
Ngunit bakit maraming humahadlang?
Sinubukan kang ipaglaban,
Ngunit wala naman akong kapatan.
Mahal kita. . .
Ngunit mas kailangan ka niya. . .
Nilayuan kita, dahil 'yun ang alam kong tama.
Inilihis ang atensyon sa iba,
Upang ika'y makalimutan na.
Lumipas ang taon,
Kinasal na ako. . .
At hindi na sa 'yo.
Iniisip kung tama ba ang desisyon ko.
Sinusubukan kang kamustahin,
Masaya ka na ba sa buhay mo?
Huli ko na nalaman,
Ipinaglaban mo rin pala ako.
Minahal mo rin pala ako.
Ngunit ako 'tong naging sarado,
Para hindi makita ang pagmamahal mo.
Kung maibabalik lang ang nakaraan...
Siguro meron ng tayo?
Totoong nagmamahalan ng todo...
Wala sigurong masasaktan ng ganito.
Noon. . .
Minahal kita ng todo,
Mahal mo rin pala ako.
Mukha namang tayo,
Pero hindi naman sigurado.
Kaya ano?
Mahal mo ako?
Nanjan ako sa puso mo?
Pasensya, dahil mukhang nahuli na ako.
Mananatiling nasa nakaraan 'yung kung anong meron tayo.
Balewala naman ang pagmamahalan natin dito.
Kasi hindi naman sigurado kung anong meron 'tayo.'
Sorry, mali pala ako.
Wala namang tayo. . .
Wala naman tayong label dito.
----
Inspired po 'to sa 'Wala Tayong Label' ni athengstersxx. Hiiii po, hindi pa ako naka-move on sa wala tayong label, hehe. Sana magustuhan mo po hehe. God bless!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top