P A M P A L I P A S


Isa, dalawa, tatlo 
Kakanta muna ako.
"Lets kill this loveee!
 Rampapampapampalipas oras ka lang niya. . ."
Teka, teka
Nagulat ka ba?
'Yung nagmahal ka lang naman,
Pero ginawa ka lang niyang pampalipas oras niya.

Tahimik lang naman yung buhay ko,
Pero bigla kang pumasok
Parang napintig yung puso ko
Nang ika'y naka-usap ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto,
Pero nagpatuloy ako, dahil masaya ako sa piling mo.

Ilang araw tayo nagkausap ng matino
Para bang hindi na ako sanay kapag wala ka na sa tabi ko.
Ang bilis ko pala mapalapit sa tao
Kaya natatakot na ako,
Na baka masanay ako,
At malalaman ko na pampalipas oras mo lang pala ako.

Sandali, sandali
Tama nga yung hinala ko.
Naiinis ako sa sarili ko.
Sapagkat naniwala ako sa mga sinabi mo.

Isa lamang akong pampalipas oras mo,
Ano kaya ang pakiramdam kapag ika'y totoong pagmamay-ari ko.
Hindi ko na alam ang mararamdam ko,
Masasaktan ba ako, o hindi nalang papansinin dahil wala naman akong karapatan sayo.

Sa dami ng pwedeng gawin dito sa mundo
Bakit ako yung ginawa mong pampalipas mo?
Mukha ba akong bagay dito?
Na hindi karapat-dapat sa oras mo?
Ngunit, mananahimik na ako.
Wala ka rin namang pakialam sa nararamdaman ko.

Katulad ka rin ba sa nangyari sa akin na ito?
Tara, magdamayan na tayo.
Samahan mo akong kumanta dito.
Magbibilang na ako.
Isa, dalawa, tatlo

"Lets kill this loveeee! Rampapampapampalipas oras ka lang niya."


---

Kishika's;

Hello, you can request tittles po susubukan ko gawan ng tula hehe. Salamat!








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top