L A R O
Ang mundo ay mapag-laro
Ang tadhana ay mapag-laro
Ang sarili nating puso ay para bang pinaglalaruan din tayo
Lahat nalang ba ng bagay dito sa mundo gagawin nating laro?
Katulad ng ginawa mo sa akin, na para bang isang laruan ako
Akala ko dati, 'yung nga laruan lang 'yung pwedeng laruin
Masyado naman akong nagulat
Na kahit pala tao ay nilalaro na rin
Masyado pala akong nagtiwala sayo na hindi ko nakitang paglalaruan mo lang din pala ako
Napapatanong nalang talaga ako
Ano ba ang nagawa kong mali?
Mali ba na nagmahal ako?
O, mali na minahal kita?
Sabi nga nila love is sacrifice.
Love is sacrifice daw ngunit bakit parang hindi ko maramdaman?
Para bang nagiging one-sided love na ako nalang ang nagmamahal
Ako nalang ba talaga palagi?
Ako nalang ba talaga?
Minahal naman kita,
Nagsakripisyo naman ako sayo, dahil nga mahal kita
Ah, oo, siguro nga hindi mo na ako mahal
Baka hindi mo talaga ako minahal
Gusto ko lang klaruhin,
Hindi naman ako laruan
Na pwede mong paulit-ulit saktan
Meron naman akong damdamin,
Meron naman akong nararamdaman
At higit sa lahat, tao ako, na iyong nasasaktan.
Kung lahat ng ito ay laro?
Kung ikaw nga ay tunay na nakikipaglaro
Ah, siguradong-sigurado
Ikaw na ang panalo
Sandali, naisip mo ba kung okay ako,
Patuloy na bumubuhos ang luha dahil natalo
Dahil dyan sa peste mong pakikipaglaro
Kamusta ka naman ngayon?
Masaya ka na ba?
Nagpapakasaya ka na ba dahil ikaw ang nanalo.
Sorry ah, nandito pa ako nasasaktan dahil natalo.
Sabi nga nila, love is Sacrifice.
Sa ating dalawa, nag-sakripisyo ka ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top