Chapter 9: Surrender Your Pin & ATM













Bago magbukas ang klase, lumipad si Uncle Manny pabalik sa Dubai.

Hinabilin niya sa akin na kung meron kaming kailangan, magsabi lang kay Tita Gloria.

"Kami ang pamilya ninyo at nandito kami para tumulong." Paalala niya bago sumakay sa kotse.

Kung alam lang ni Uncle na pagbalik ni Tita Gloria galing sa airport, kinausap niya na naman ako.

Kailangan ko daw ibigay sa kanya ang ATM card at ang PIN code nito.

"Bakit po?" Nagtatakang tanong ko.

Malapit na kaming sumahod at inaabangan ko ang araw na iyon dahil gusto kong kumain kami sa labas si Len.

Balak kong pumunta kami sa mall para bilhan siya ng bagong damit at sapatos.

"Anong klaseng tanong iyan?" Sigaw ni Tita.

"Gusto ko lang naman pong malaman kung bakit gusto niyong hawakan ang ATM card ko?"

"Ganyan ba? Porke't kumikita ka na at dahil wala si Manny, sasagot ka na sa akin?"

"Hindi po sa ganoon. Gusto ko lang malaman ang rason ninyo."

"Ano pa eh di para ingatan ang pera mo? Dumaan din ako sa pagiging dise-siyete. Sigurado ako na pagsahod mo, pupunta ka sa mall at magsa-shopping o di kaya kakain sa labas kasama ang mga katrabaho mo. Before you know it, wala ng natirang pera sa sweldo mo at mag-aabang ka ng susunod na sahod."

Hindi ako naniniwala sa kanya.

Nilahad niya ang kamay niya pero nanatili ako sa pwesto ko.

"Ibibigay mo ba ang card mo o hindi?"

"Eh marunong naman po akong humawak ng pera at hindi naman po ako magastos."

"Ano naman ang alam mo sa pag-iipon at sa pagba-budget?"

Gusto kong sabihin sa kanya na onse anyos pa lang ako, sa akin na pinagkakatiwala ni Lola ang perang napagbentahan niya ng baboy.

Hindi kasi marunong sumulat at bumasa si Lola.

Ang alam lang niyang bilang ay hanggang bente.

Paglumampas na dun, di na siya makasunod.

Tiwala lang ang pinanghahawakan ni Lola pero sino ang makapagsasabi kung walang nanloloko sa kanya?

"Ano pang hinihintay mo? Kunin mo na ang card at ibigay mo sa akin. Bibigyan kita ng allowance at yung matitira, para sa savings mo. Maigi na yung may naitatabi lalo na kung may emergency." Pangungumbinsi pa niya.

Labag man sa kalooban ko, pumasok ako sa kuwarto para kunin ang ATM card.

Magalit man ako, wala akong magagawa.

Baka kung hindi ako sumunod sa gusto ni Tita ay palayasin niya na lang kami.

Malayo pa naman si Uncle.

Kung noong nandito siya ay sunod lang siya sa sinasabi ng asawa, wala siyang magagawa lalo na at nasa abroad siya.

Mahigpit ang hawak ko sa card ng iabot ko kay Tita.

"Anong PIN nito? At siguraduhin mo na yung tama ang ibibigay mo ha?"

"1001 po." Tiim-bagang na sagot ko.

"O siya. Maglinis ka na at kumakapal na ang alikabok."

Tumayo na siya at iniwan ako na nagpupuyos ang damdamin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top