Chapter 7: The Interview







Nakaupo si Sir Albert sa dulong bahagi ng room malayo sa sikat ng araw.

Pagpasok ko, inabot niya agad ang kamay at nagpakilala ulit sa akin.

Pinaupo niya ako sa tapat niya.

May hawak na yellow folder si Sir Albert na may logo din ng Happy Chicken at ang una niyang tanong ay tungkol sa personal information ko.

Hindi tulad sa kwentuhan namin nina Janina, hindi ako nag-volunteer ng mga personal na bagay tungkol sa akin kung hindi naman kailangan.

Alam ko na parang beneverify niya kung tama ba ang mga nakasulat sa resume ko.

Nang tinanong niya kung bakit ako dapat I-hire sa Happy Chicken, sinabi ko na masipag ako at marunong magpahalaga sa trabaho.

"How can you prove to me that you are hardworking?"

Sinabi ko na nung nasa probinsiya kami, may mga alagang baboy at manok si Lola.

Alas-kuwatro pa lang, gumigising na ako para pakainin ang mga ito bago ako pumasok.

"Iyon po ang routine ko at pagdating naman sa hapon, uulitin na naman ang mga gawaing bahay."

"Kung sakali, ito ba ang first job mo?"

"Opo."

"Eh paano kung mahirapan ka sa trabaho mo?"

"Wala naman pong trabahong madali. Para sa akin, kahit mahirap, kailangang kumbinsihin mo ang sarili mo na gawin kung ano ang expected sa'yo."

Napangiti si Sir Albert at mukhang satisfied naman sa sagot ko.

"May preferred shift ka ba?"

"Free schedule po ako." Sagot ko.

"So, okay lang sa'yo ang magtrabaho sa gabi?"

"Okay lang po."

Pinaliwanag niya na walong oras ang full time duty at merong half-hour break ang mga staff.

"Kung wala masyadong tao, pwede kaming magdecide na bigyan kayo ng one-hour break. Alam mo naman na nakabase sa sales ang lahat di ba?"

"Yes, sir."

"Minsan, hindi maiiwasan na ma-extend kayo sa duty lalo na kung hindi makakapasok ang reliever ninyo. Okay lang ba yun sa'yo?"

"Ilang oras po ang duty kapag nangyari yun?"

Medyo natigilan siya.

Hindi niya yata inexpect ang tanong ko.

Pero dahil parang mini-orientation ang ginagawa niya, ito ang tamang oras para magtanong ng mga ganitong bagay.

"Depende sa sitwasyon. We try to find a reliever but if we can't, ibig sabihin you are taking two full shifts. Of course, overtime yun. Bilang managers, aayusin namin ang schedule para naman kung closing shift ka, hindi mo kailangang pumasok ng alas-sais ng umaga para sa opening shift. Okay ba iyon sa'yo?"

"Basta po pwede akong tumawag sa bahay, wala pong problema."

"Oo naman."

"May cellphone ka ba?"

"Wala po. Phone number po ng pinsan ko ang nakalagay diyan."

"No problem. Alam mo ba kung magkano ang rate dito?"

"Hindi po."

Pinaliwanag niya na minimum wage daw.

"Sir, ibig sabihin po ba nito eh tanggap ako?"

"Yes." Nakangiting sabi niya.

Doon lang nawala ang panlalamig ng mga kamay ko.

Tulad nina Paulie, sinabihan niya ako na kumuha ng uniform at maghintay para sa iba pang detalye tungkol sa trabaho namin.

Paglabas ko, excited na nagtanong sina Janina kung tanggap ako.

Napasigaw sila sa tuwa ng malaman ang sagot ko.

"Margo, ikaw na ang susunod."

Tumayo na siya.

"Napi-pressure tuloy ako." Pag-amin niya.

"Kayang-kaya mo iyan." Pampalakas loob na sabi naman ni Eddie.

Iniwan ko na sila para kunin ang uniform ko.

Pagdating ng alas-tres, dumating si Kuya Ethan kasama si Len.

Sinabi ko sa kanya na natanggap ako.

"Wow, congrats!" Tinapik niya ako ng malakas sa balikat.

Si Len pumalakpak.

Tuwang-tuwa sa magandang balikat.

Sinabi ko na may part two pa ang orientation at kung gusto ni Kuya, magta-tricycle na lang ako pauwi.

"Di na. Hintayin ka namin tapos kain tayo to celebrate your hiring."

Napatingin siya sa mga kasama ko.

Nakilala niya si Janina at nagkwentuhan sila.

Napansin ko na biglang tumahimik si Margo.

Una kong pinakilala si Paulie at si Eddie at bago ko maipakilala si Margo ay binati niya ito.

"You're Margo, right?"

Tango lang ang sinagot nito.

"Kalaro ko sa basketball ang kuya mo."

Namula ang pisngi nito.

Naflatter siguro dahil pamilyar siya kay Kuya Ethan.

Sinabi ko kay Kuya at Len na sa dining area na lang ako hintayin.

Lumabas ulit si Sir Albert at niyaya kaming mga bagong empleyado na sumama sa kanya.

Iniwan ko kay Len ang dalawang set ng uniform ko.

Habang naglalakad pabalik sa interview room ay tuwang-tuwa ako.

Bukod sa meron akong mga bagong kaibigan, natanggap din ako sa trabaho.

Tahimik akong nagdasal at nagpasalamat sa Diyos sa tulong niya.

Naisip ko din si Lola Adelfa.

Siguro, nakatingin siya sa langit at binabantayan kaming magkapatid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top