Chapter 34: Now That I Found You




Nang sumali ako sa The Chosen, nakakita ako ng paraan para makalaya sa piling ni Tita Gloria.

Kahit hindi ko alam kung may pag-asa akong manalo ng grand prize, namuhunan ako.

Ang hindi ko alam, ang contest na ito pala ang magiging daan para malaman ko kung nasaan ang aking ina.

Pagbalik namin sa bahay ni Tito Kin, sinabi niya na kailangang bumalik kami agad sa studio.

Gusto akong makausap ng mga producers tungkol sa pag-alis ko sa show.

Naiwan si Len sa bahay kasama si Manang Ising.

Binigay ni Tito Kin kay Manang ang phone number niya kung sakaling may kailangan sila.

Marami pa kaming kailangang ayusin at isa na dito ay kung saan mag-aaral si Len.

"Ako na ang bahala." Sabi ni Tito.

"Unahin muna natin ang tungkol sa show."

Sumama sa amin si Ellis.

Kailangan niya na daw harapin si Direk Bertie.

Pagdating sa studio, pinagtitinginan kami ng mga staff.

Dahil siguro sa magkasama kami ni Tito Kin.

Dumiretso kami sa isang opisina at pagdating doon ay naabutan namin ang isang babae.

Tsinita siya, payat at maitim ang unat na unat na buhok.

Nakikita ko siya sa studio pero hindi ko siya kilala.

Siya pala si Miss Chari Montalban, isa sa producer ng The Chosen.

Tuwang-tuwa siya ng makita si Tito Kin.

Nagbeso pa sila.

Paglapit sa akin, tinanong niya ako kung ano daw ang pakiramdam ko ng malaman na kamag-anak ko pala si Tito Kin.

"Hindi pa din po ako makapaniwala. Parang panaginip ang lahat."

Ngumiti siya.

Totoo naman kasi.

Hanggang ngayon, mahigpit pa din ang kapit ko sa rollercoaster.

Hindi pa din tumatatak sa isip ko na kanina lang ay pumunta kami kina Tita Gloria para kunin ang mga gamit namin ni Len.

Tapos ngayon, nandito ako sa studio para pag-usapan ang show na ipapalabas sa darating na Biyernes.

Sinabi na sa akin ni Tito Kin ang balak nilang gawin.

Wala daw sa mga contestants ang nakakaalam tungkol sa tunay kong katauhan.

"It will be the big reveal on Friday so don't make the mistake of telling anyone." Babala ni Tito Kin.

Mabuti na lang at sinabihan niya ako.

Pagdating kasi kanina sa bahay ni Tito, tinext ko si Janina.

Sunod-sunod ang message niya.

Nagtatanong kung ano daw ba ang nangyari sa akin.

Nag-aalala na daw silang lahat kasi ilang araw na nila akong hindi nakikita.

Hinahanap na din daw ako ng mga kasama ko sa trabaho.

Ang sagot ko lang, mahabang kuwento.

At saka ko na lang sasabihin sa kanya kapag nagkita kami.

Hindi ko na din naman magawang makipagdaldalan dahil kailangan na naming umalis ni Tito.

Pagkatapos naming makipag-usap kay Miss Chari, tinawag nila ang isang PA.

Pinasamahan ako sa make-up and wardrobe.

Sunod lang ako ng sunod sa gusto nilang gawin.

Wala ng panahon para mag-isip.

Nirarush ang lahat para umabot sa Friday.

After ko ayusan, sinama ako sa isang room.

Ready na ang lights at camera.

Nandoon ang director ng The Chosen.

Tinanong niya ako kung alam ko daw ba ang reason kung bakit ako nandoon.

Ang sabi ni Tito Kin, gumagawa kami ng special episode.

Iyon din ang sagot ko sa kanya.

Ngumiti lang siya pero wala ng ibang sinabi.

Pinaupo niya ako sa isang upuan na nasa harap ng puting backdrop.

Tumayo siya sa harap ko at sinabi niya na magkuwento ako kung bakit ako sumali sa The Chosen.

Eh di nagkuwento ako.

Gumigiling ang camera at daldal lang ako ng daldal.

Hindi ko alam kung ano ang balak nilang gawin sa mga video footage.

Pagsabi ni Direk ng cut, tumigil ako sa pagsasalita.

Nang may sumundo sa akin ulit na PA, dinala naman ako sa sound room.

Nandoon ang banda ng The Chosen.

May inabot sa akin na music sheet si DC.

Tiningnan ko ang title ng kanta.

Nang mag-angat ako ng tingin, nakangiti ang lead guitarist.

Maliit lang siya, nakasalamin at kulot ang buhok.

"Alam mo ang kantang iyan?"

"Opo." Sagot ko.

"Dala mo ang gitara mo?"

"Hindi po eh."

Lumapit siya sa sulok kung saan nakahilera ang mga gitara.

Inabot niya sa akin ang red and black electric guitar.

Sinuot ko ang strap sa balikat at sinimulang tipahin ang kuwerdas ng final song ko.

Kung hindi pa dumating si Ellis, hindi ko maalalang kumain.

Hinila niya ako sa isang bakanteng opisina sa studio at doon kami kumain.

Lampas ala-una na.

Kaya pala nanginginig ang mga kamay ko habang tumitipa.

"Kumusta ka na?" Tanong ni Ellis habang inaalis ang cheeseburger sa brown bag.

"Okay lang." Inabot niya sa akin ang burger.

"Nalulula ka na ba?"

"Medyo."

"Kapag natapos ang lahat ng ito, makakahinga ka kahit konti." Kumuha siya ng French Fries at sinawsaw sa catsup.

"Konti lang?"

"Oo. Konti lang." Tumawa siya.

"Salamat nga pala ha?"

"Saan?" Kumunot ang noo ni Ellis.

"Dahil nahanap mo ako."

"Wala iyon. Magpasalamat tayo sa The Chosen. Kundi dahil dito, baka hindi ko alam kung saan kayo hahanapin."

"Paano kung hindi ako sumali? Patuloy ka pa din ba sa paghahanap mo?"

"Oo naman."

"Bakit?"

"Dahil nangako ako kay Tita Glenda. When I make promises, I try to keep them."

Kinumusta ko ang pagkikita nila ni Direk Bertie.

"Sanay na ako doon. Galit lang naman siya kapag wala ako. Pero pag nakita niya na ako, nilalambing ko lang siya, okay na."

"Manonood ka ba sa Biyernes?"

Tumigil si Ellis sa pagnguya.

"Busy ka ano?" Tanong ko ng hindi siya agad sumagot.

"Medyo. Naghahabol ako kasi ilang araw akong absent ako eh."

Kahit alam ko na abala siya, medyo disappointed ako.

Malaki ang utang na loob ko kay Ellis.

Kung hindi dahil sa kanya, baka nakatira pa din kami kina Tita Gloria.

Malamang hanggang ngayon, inaalila pa din niya ako.

"Sana makarating ka."

"Bakit? Mamimiss mo 'ko?"

Matipid na ngiti lang ang sagot ko.

Hindi pa din ako sanay kay Ellis kahit ganito na talaga siya magsalita noon pa.

"Kung hindi mo ako mamimiss, hindi ako darating."

"Oo na. Mamimiss na kita. Isa pa, gusto ko nandoon ka kasi ikaw ang isa sa mga tao na nagpakita ng kabutihan sa akin umpisa pa lang. Ikaw ang unang nagsabi na Team Rio ka."

"I remember." Nag-smile siya ulit.

"Hanggang ngayon, Team Rio pa din ako. At kung merong mang-aaway sa'yo, ako ang una nilang makakabangga."

"Hindi ako makapaniwala na pinsan kita."

"Bakit naman?"

"Kasi sikat ka. Noong gabi na dinumog tayo sa mall, takot na takot ako."

"Bakit naman?"

"Kasi baka saktan ka nila. Di ko alam kung paano kita poprotektahan kasi ang dami nila."

"Awww. Ang sweet naman ng pinsan ko." Inakbayan niya ako.

Natigilan ako.

May kumurot sa puso ko ng marinig ang salitang iyon.

Bago ko ulit nakita si Mama, bukod kina Tito Manny at sa pamilya niya, wala na akong alam na ibang kamag-anak.

Nang tumira kami kina Tita Gloria at hindi naging maayos ang trato nila sa amin, may mga pagkakataon na gusto ko ng sumuko.

Para kasing walang katapusan ang pagsubok sa buhay namin.

Okay lang sana kung ako lang.

Pero nandiyan si Len.

Kahit hindi siya magsalita, alam ko na kinikimkim niya lang ang sama ng loob.

"Rio, ba't natahimik ka?"

Nakatitig sa akin si Ellis.

"Masaya lang ako."

"Why?"

"Dahil tinawag mo akong pinsan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top