Chapter 31: To The Rescue
Sa bahay ni Tito Kin kami tumuloy.
Sinabi ko sa kanya na kasama ko ang dalawa.
Para makaiwas sa gulo, sinabi niya na huwag kaming pupunta sa studio.
"Hindi kayo puwedeng pumunta dito dahil maeeskandalo lang kayo."
Nakatulog sa biyahe si Len.
Si Rio naman, gising na gising.
Tanong ng tanong kung bakit pumunta sa studio ang Tita niya.
"I don't know. Basta ang sabi ni Tito, tinanong daw iyong guard sa village ninyo. Nakita daw kayo na sumakay sa kotse."
"Eh bakit sa studio siya tumuloy?"
"Ewan ko. Baka she's checking all the places you could possibly be?"
Tumigil na siya sa pangungulit.
Mabuti naman.
Nauubusan na din kasi ako ng isasagot sa kanya.
Bumalik na naman ang kaba ko.
Baka dahil sa ginawa ng Tita niya, mabulilyaso ang plano ko.
Iniisip ko din si Tito Kin.
The last time we talked, nag-away kami.
Malamang galit siya sa akin lalo dahil sa ginawa kong pagsuway sa utos niya.
Pero hindi pa ba siya sanay?
I was always getting into scrapes noong bata pa ako.
When I became a teenager, mas lalong lumala.
There was one time na grounded ako for a month.
Lolo caught me smoking weed.
Tawa ng tawa si Tito when he learned what happened.
He even said na dapat nag-iingat ako.
I was shocked with what he said.
Akala ko kasi, sesermonan niya ako.
Kinunsinti pa ang ginawa kong kalokohan.
Tito was always on my side.
Alam niya kung gaano ka-ruthless si Lolo.
Kapag napapagalitan ako, he would always comfort me.
Binibigyan niya ako ng payo para hindi ako lalong mapagalitan.
But with what I did now, hindi ako magugulat kong sermonan niya ako?
I went behind his back and pursued my plan.
Ano pang ini-expect ko na mangyari?
Rainbows and unicorns to come out of the sky to celebrate what I did?
Literal na tinakas ko ang magkapatid.
I even told Rio na wala na akong balak na ibalik sila sa bahay ng Tita niya.
Kahit siya, alam niya na puwede akong kasuhan ng kidnapping lalo na at menor de edad silang dalawa.
Napabuntong hininga ako.
The situation is getting out of hand.
It was like a snowball na nagsimula sa maliit hanggang sa lumaki ng lumaki.
Now I'm way over my head with the mess I'm in.
"Ellis, okay ka lang?"
Nilingon ko si Rio.
Nakatitig siya sa akin.
"Bakit mo naitanong?"
"Ang lalim kasi ng buntong-hininga mo eh."
"I'm fine."
"Pasensiya ka na kung pati ikaw, nadamay sa gulo ng buhay namin."
"Ano ka ba? We're family, remember? We should stand by each other kahit anong mangyari."
"Umpisa pa lang, mabait ka na sa akin. Ito siguro ang dahilan kung bakit."
"Alam mo, kahit naman siguro hindi tayo magkamag-anak, I will still treat you the same way."
"Bakit nga ba ang bait mo?"
"Kasi, talented ka naman talaga. Isa pa, kita ko na you really love singing."
"Totoo." Nagliwanag ang mga mata niya.
"Mahilig kumanta si Papa at si Mama. Ang magagandang memories ko ay iyong magkakasama kaming lahat. Si Papa ang nagigitara tapos sumasayaw si Mama at Len. Ako ang kumakanta.Nakakalimutan namin ang problema at kahirapan."
"Things will get better, Rio. Remember that." Tinapik ko ang tuhod niya.
"Paano kung hindi na bumalik sa dati si Mama?"
"She has to want to get better. Para sa inyong magkapatid. Isa pa nandito tayo para suportahan siya."
"Gusto ko siyang alagaan."
"You will get to do that. Pero sa ngayon, unahin muna natin ang pagharap kay Tito."
I have the code to my uncle's house.
Kung sakaling wala pa siya pagdating namin, puwede kaming pumasok.
Isa sa mga properties niya ang two-storey four-bedroom unit glass and stone modern house.
Bagong gawa ang white and brown structure at katulong lang ang malimit maiwan dito.
Sa real estate malimit mag-invest si Tito.
Bukod sa bahay niya sa Quezon City, meron din siyang vacation house sa Tagaytay at sa Palawan.
"Wow!" Nanlalaki ang mga mata ni Len ng makita ang malaking garahe.
Pagpasok namin, sinalubong kami agad ni Tito Kin.
Nakabuka na ang bibig niya at ready nang magsermon pero natigilan siya ng makita ang magkapatid.
"Oh my, God! Is this Glenda's son?" Tumingin siya sa akin.
"Yes, Tito. This is Len. Well, Lennon." Pakilala ko.
Napahawak si Len sa kamay ni Rio.
"Ang laki mo na pala." Naluluha at nakangiting sabi ni Tito.
I was expecting him to be mad sa ginawa ko.
Pero ng makita niya ang isa pa niyang pamangkin, nag-iba yata ang ihip ng hangin.
I was relieved dahil pagod na din ako.
Okay lang kung I-postpone niya ang panenermon.
"So, alam mo na ang tungkol sa family mo?" Hinarap niya si Rio na nakatingin lang sa kanya.
"Opo."
"Halika nga." Nilapitan siya ni Tito tapos biglang niyakap.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari.
The last time I talked to him, hindi ganito ang behaviour niya.
He cared more about The Chosen than Rio and Len.
"Gutom na siguro kayo."
"Opo." Mabilis na sagot ni Len.
"Ano ka ba?" Siniko siya ni Rio. "Nakakahiya. Lagi ka na lang gutom."
"Eh totoo naman kasi." Napakamot si Len sa batok niya.
"It's okay. Nagpahanda na ako ng makakain." Nginitian siya ni Tito.
Tinawag ni Tito ang katulong tapos sinabi na samahan si Rio at Len sa dining area.
"We will join you later. Kakausapin ko lang si Ellis."
Dumiretso kami sa study niya.
Bukas ang bintana and there was a cool breeze coming in.
The room smelled of old books, leather and cigarettes.
Dumiretso si Tito sa oak desk at kinuha ang open pack ng Philip Morris menthol cigarettes.
Sinindihan niya ito at humithit muna.
Umupo ako sa black upholstered armchair at hinintay ang sermon na sigurado ko na naghihintay sa akin.
"I cannot believe that woman." Imbiyernang sabi niya bago umupo sa black swivel chair.
"Now I understand why you cannot wait to get Rio and Len out of there."
"What happened?"
Kinuwento ni Tito na pagpasok sa opisina ng Tita ni Rio, nagwawala na agad ito.
Nagsisisigaw daw habang sinasabi na ilabas nila si Rio.
Nagbanta din na kung hindi ito ilalabas, kakasuhan daw ng kidnapping ang sinumang nagtatago dito.
"Eksaherada ang lola mo. Diyos ko." Nahawakan ni Tito ang sintido niya.
"What did you do then? Paano ninyo siya napakalma?"
"Ano pa eh di kinausap namin siya ng mahinahon? Well, si Marlene ang humarap sa mahaderang babae na iyon. Fan pala ni Marlene ang gaga. Na-starstruck siguro ng makita ang idol niya. Nakinig naman ng sinabihan na tatawagan siya if we hear anything. Bago umalis ng studio, humirit pa ng picture at autograph. Pinagbigyan na namin para matahimik siya. Binigyan din ng souvenir shirts at gift bag para wala siyang masabi."
"Sorry, Tito. Hindi ko inexpect na ganito ang mangyayari. Paano mo nalaman na kasama ko si Rio?"
"Hindi ko alam na kasama mo siya. Pero ng tinawagan ko ang assistant mo at sinabi niya na hindi niya alam kung nasaan ka, I put two and two together. I thought of our last conversation so I went with my hunch. Buti na lang at tama ang kutob ko."
"Galit ka ba sa akin?"
"Kanina, oo. Pero ng makita ko iyong tiyahin ni Rio, narealize ko na siguro tama ka. That woman has gold digger written all over her face. Ang sarap niya sabunutan."
I took this moment to tell him one more thing that was bugging me since we left the hospital.
"I need your help with something."
"What is it?"
"I need to find a place for Rio and Len."
"They can stay here." Walang pag-aatubiling sabi niya.
"Are you sure?" Nabawasan ang bigat sa dibdib na nararamdaman ko.
With Tito on board, hindi ko na kailangang mag-isip ng idadahilan kay Marie.
"Ellis, you're right. We are family. The last time we fought, nag-isip ako. I was selfish to think of the show and my career. With what happened kanina sa studio, I understood why you were so determined not to wait."
"Thank God."
Since picking up Rio and Len, I was so tense. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ng dalawa once they see their mother.
When Rio got mad, pinanghinaan ako ng loob.
I blamed myself for not thinking this through.
Pero ngayong kausap ko si Tito and he offered to help, gumaan ang pakiramdam ko.
"Alam na ba ng mga producers ang tungkol kay Rio?"
"Yes." Humithit ulit siya.
"Pagkaalis ng tiyahin ni Rio, I told them about your discovery."
"Anong sabi nila?"
"They are planning a special episode as we speak."
"What do you mean?"
"We had an impromptu brainstorming session and settled on the idea of using this opportunity to make the perfect send-off."
"A send-off?"
"Yes. Ayaw namin na bigla na lang siyang maglaho sa show lalo na at marami siyang fans na umaasa na makikita siya every Friday. So, imbes na magpress release ng kung anu-ano, we decided to go against the usual format para maka-exit siya sa show ng maayos."
"Wow!" Sabi ko.
"Who knew that this thing would turn out to be extraordinary?"
"No one." Ngumiti si Tito.
"Kahit hindi pa naipapalabas ang episode, I could see top rating written all over it."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top