Chapter 30: No Plan Is The Worst Plan




"Ellis, hindi mo kami puwedeng basta-basta na lang kunin kina Tita Gloria. Hinabilin kami ni Papa kay Tito Manny. Sila ang legal guardian namin." Exasperated si Rio ng malaman ang balak ko.

"Kilala ko si Tita. Baka kasuhin ka niya ng kidnapping kung basta-basta mo na lang kami kukunin ng walang paalam."

"Pero nakita ko kung paano ka niya tatruhin." Sagot ko.

Natigilan si Rio.

Hindi niya siguro inasahan na alam ko.

"Rio, hindi tama ang ginagawa niya."

"Alam ko pero kailangan naming makisama."

"Kahit sinasaktan ka niya ganoon ba?"

Hindi siya nakasagot.

"Okay lang sa akin, Ate Ellis, kung hindi na kami babalik kina Tita Gloria. Salbahe naman iyon eh." Sabi ni Len.

Inirapan siya ni Rio.

"Len, huwag ka ng dumagdag sa problema puwede ba? Parang hindi mo kilala si Tita Gloria."

"Pero tama naman si Ate Ellis eh." Katwiran ni Len.

"Bukod sa The Chosen, nagtatrabaho ka kapag wala kang rehearsal tapos pagdating mo sa bahay, naglalaba at saka naglilinis. Kahit wala kang ginagawang masama, laging may nakikitang mali si Tita. Lagi siyang naghahanap ng butas para mapagalitan ka."

"Lennon, tumahimik ka na." Sigaw niya sa kapatid.

Namula ang mukha ni Rio dahil napahiya sa narinig.

"Iyon naman pala eh. Bakit pinipilit mong magtiis sa piling ng Tita mo?"

"Wala naman kaming choice di ba? Bago kita nakilala, hindi ko alam kung nasaan si Mama. Wala na kaming kilala na ibang kamag-anak. Mas gusto mo ba na maging palaboy kaming magkapatid?" Sigaw ni Rio.

Napatingin ako kay Tita Glenda.

How I wished she would say something because I need her help.

But she kept staring into space.

Mabilis akong nag-isip.

Sa itsura ni Rio, lalo siyang na-stress sa sinabi ko.

I put her through a lot today.

Mula sa sorpresa na ikinagulat niya pati na din ang pagdala ko sa kanila sa ospital para makita nila si Tita Glenda.

May katwiran din naman siya.

Mas kilala niya ang Tita niya.

Iniingatan niya lang na maeskandalo ako.

Baka imbes na makatulong ako sa kanila at magkasama-sama na sila ni Tita Glenda, maudlot pa ang lahat.

"Alright. If it makes you feel better, I will talk to your Tita."

"At anong sasabihin mo sa kanya?"

"I will tell her na matagal ko na kayong hinahanap."

"Totoo ba iyan?" Dudang tanong niya.

"Yes. I even hired a private detective para hanapin kayo."

"Hindi nga?"

Nauubos na ang pasensiya ko pero she has every reason to be skeptical.

Bigla na lang akong dumating sa buhay nila.

Hindi lang iyon, I drove them from Cavite to here.

Normal lang na magduda siya lalo na at bago lang kaming magkakilala.

I am secretly proud that Rio turned out to be a smart woman.

"Rio, nang magkamental breakdown si Tita, I promised her I would look for you and Len. Now that I found you, hindi ako papayag na bumalik kayo ulit sa bahay na iyon."

"Pero saan kami titira?"

"Right now, sa assistant ko muna kayo titira."

"Ha? Sinong assistant?"

"Nakita mo na iyon. Si Marie. Iyong lagi kong kasama."

"Bakit kami titira sa kanya?"

My God!

Ang dami niyang tanong.

Feeling ko, ito iyong isang moment na tumulong ka pero napasama ka pa.

But she has the right to ask these questions.

Buhay nila ni Len ang involve dito.

Kung ako man siguro, I would do the same thing.

May kumatok sa pinto.

Bumalik na ang nurse.

Sinabi niya sa amin na oras na para magpahinga si Tita Glenda.

Bago kami umalis, kinausap ko si Tita.

Sinabi na tapos na ang visiting hours.

"No." Lalong humigpit ang hawak niya sa mga anak.

"Dito lang kayo. Baka hindi ko na kayo ulit makita eh." Niyakap niya ang dalawa.

It broke my heart to see how tight she was hugging them.

"Tita, we will come back. When you're better, isasama ka na namin pauwi." Mahinahon ko siyang kinausap.

"Totoo?" Atubili siyang ngumiti.

Ang mga mata, nagliwanag dahil sa saya.

"Yes, Tita. Pangako iyan. Kaya make sure you take your medications and attend your therapy ha?"

Tumango siya.

Niyaya ko na si Rio at Len.

Niyakap siya ng mga anak.

"Ma, mahal namin kayo." Sabi ni Len pagkatapos niya itong yakapin.

"Promise, Ma. Babalik kami. Magpagaling po kayo ha?" Naiiyak na tumango si Tita sa sinabi ni Rio.

Sumama si Tita Glenda sa may pintuan.

Kumaway sa mga anak niya bago bumalik sa kuwarto.

Pagsara ng pinto, niyaya ko ang magkapatid sa waiting area.

"Okay lang kayo?" Pinunasan ni Len ang gilid ng mga mata niya.

Si Rio, tuyo ang mukha.

Sa murang edad niya, pinipilit niyang magpakatatag.

Hindi lang siguro para sa sarili niya kung hindi para na din sa kapatid.

"Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari kay Mama. Nagu-guilty ako, Ellis."

"Bakit naman?"

"Akala ko kasi noon, tinalikuran niya kami ni Len. Akala ko, wala na siyang pakialam sa amin. Hindi ko kasi alam ang pinagdaanan niya."

"Huwag mong sisihin ang sarili mo. She's an adult, Rio."

"Oo nga pero tingnan mo ang nangyari."

"Kaya nga dapat kay Ate Ellis na tayo sumama." Sabi ni Len.

Ginulo ko ang buhok niya.

Buti na lang at kakampi ko siya.

Kahit bata pa si Len, mas practical siya kung mag-isip.

Si Rio naman, halatang pinag-iisipan ang mga bagay-bagay bago tuluyang magdesisyon.

Dahil siguro iniisip niya din ang kapatid.

"Hindi ko pa kayo puwedeng maisama sa bahay. Masyado kasing complicated." Pag-amin ko.

"Napansin ko nga." Sabi ni Rio.

"Ayokong dagdagan pa ang iniisip ninyong magkapatid. But trust me when I say that I only have your best interest at heart."

"Hindi ka ba mapapagalitan sa ginagawa mo, Ellis?" Concerned na tanong niya.

"Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko."

"Sigurado ka ba na okay lang sa assistant mo? Hindi ba nakakahiya?"

"Kaya nga tatawagan ko siya."

"Mapagkakatiwalaan ba iyang si Marie?"

"Oo naman. Hindi ko kayo ihahabilin sa kanya kung hindi ko siya puwedeng pagkatiwalaan."

"Sigurado ka ba na kaya mong harapin si Tita Gloria?"

"Rio, like what I said, you don't need to worry. Ako na ang bahala."

"Wala ka naman kasing malinaw na plano eh."

"I know that." Medyo inis na sabi ko.

Suddenly, I felt tired.

The emotional toll of what happened today was starting to affect my energy.

"May isa pang bagay na gusto kong malaman mo." Tiningnan ko si Rio.

"Ano iyon?"

"You have to withdraw from The Chosen."

Ang akala ko, aalma siya.

Pero ng sabihin niya na expected niya na mangyayari ito, I was relieved.

"Binasa ko ang mga criteria. Bawal ang kamag-anak."

"Sorry ha?"

"Di mo naman kasalanan. Hindi ko din naman alam eh."

"Sayang, Ate. Ang galing mo pa naman."

"Okay lang iyon, Len. May iba pa namang contest." Malungkot ang ngiti na binigay niya sa kapatid.

"Nanghihinayang din ako kasi nag-enjoy talaga ako sa show. Pero baka mapahamak si Kin...si Tito Kin pala."

"Marami pang opportunity, Rio. With your talent, sigurado ako na maraming record producer ang magrerecruit sa'yo."

"Kahit magbaback-out na ako sa show?"

"Oo naman. The Chosen opened doors for you. Magtiwala ka lang."

Yayayain ko na sana ang magkapatid na umalis na ng magvibrate ang phone ko.

"Wait lang ha?" Kinuha ko sa bulsa ang telepono.

Nasa display ang pangalan ni Tito Kin.

Paghello ko pa lang, nakatili na siya agad.

"Where the hell are you?"

"Sa ospital. Why?"

"Kasama mo ba si Rio?"

I was going to say no but I paused too long.

"Ellis, you'd better tell me the truth."

"Why? What's going on?"

"Nandito sa studio ang Tita niya. Hinahanap siya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top