Chapter 25: So This Is How You Live
I typed Rio's address sa GPS sa phone.
It would take two hours to get there according sa directions.
Malayo pala ang tirahan niya.
Naisip ko na she has to travel that much kapag may rehearsal and during the actual competition.
Lalo akong humanga sa tiyaga niya.
Tahimik lang siyang nakatingin sa bintana.
The only sound inside the car was the soft hum of the airconditioner.
Kung ako lang mag-isa, full volume ang music.
I thought of turning on the radio to break the silence pero this was my chance para makilala ko siya ng konti.
I asked about the show.
"Okay naman." Matipid na sagot niya.
"I'm guessing you're still in the Top Ten?" I looked away from the road to see her looking at me.
"Oo. Sa awa ng Diyos."
I think it wasn't just the grace of God that helped her stay on the show.
Rio has a gift.
I wonder kung nakikita niya kung gaano siya kagaling.
"What did you sing?"
"My Favorite Mistake."
I like that song. I heard the song on the Internet so I downloaded it.
I imagined Rio doing the riffs with ease.
"Did you play the piano?" Curious na tanong ko.
Baka kasi iniba niya ang arrangement ng kanta.
"Hindi. Gitara."
Perfect.
I remembered her last performance.
May tanong sa isip ko.
Isa pang clue to her identity and link to my aunt.
"Sino nga pala ang nagturo sa'yo na magpiano?"
Hindi siya sumagot.
Instead, she looked outside the window na parang ang layo ng iniisip.
Did I struck a sensitive chord?
Pun intended.
When she didn't answer for a long time, inisip ko na lang na ayaw niya sigurong pag-usapan.
O baka naman pagod na siya?
Hindi ko alam kung gaano na siya katagal naghihintay sa parking lot bago ako dumating.
Malamok pa naman doon dahil bukod sa mga puno, may mga halaman din na nakatanim.
Naisip ko ang contest.
Kahit hindi ako kasali, I imagined how stressful it was for everyone.
Bukod sa hindi mo alam kung ano ang mangyayari kapag nakasalang ka na stage, hindi mo din sure kung magugustuhan ng mga judges ang performance mo.
I never had to do that.
Because of my last name and the connections of Tito Kin, ako ang nilalapitan para alukin kung gusto kong sumali sa showbiz.
But I wouldn't join or accept the offers if I know I don't have anything to give.
Oo at madadaan sa mga workshops ang ibang bagay pero mabuti na lang at I have the talent.
That was one of the things na gustong-gusto sa akin ni Direk Bertie.
Natural daw akong umiyak.
Kahit ang bata ko pa, parang ang dami ko na daw pinagdaanan sa buhay.
Ang galing ko daw humugot.
But my experiences were very different to what the contestants of The Chosen had to go through.
They had to audition in the heat of the midday sun.
They had to compete with thousands of other hopefuls.
Kaya naman hanga ako sa kanila.
Matindi ang scrutiny hindi lang ng mga nanonood sa studio kundi pati na din ng mga nanonood sa bahay.
Idagdag pa ang iba't-ibang social media platforms and your sanity is really put to the test.
I focused on the road.
Mabuti naman at hindi na masyado matraffic kahit marami pa ding sasakyan sa kalsada.
I rarely drive here dahil wala naman akong business to go to Cavite.
"Si Mama." Bigla nagsalita si Rio.
"I'm sorry?" Nilingon ko siya.
"Si Mama ang nagturo sa akin na magpiano. Si Papa naman, tinuruan niya ako maggitara."
Could she be talking about Tita Glenda and the man my grandfather loathed?
May kurot sa puso ko pero hindi ako puwedeng magpahalata kay Rio.
"Napanood ka na ba nila?"
Umiling siya.
"Bakit hindi?"
"Wala na sila eh."
Humigpit ang hawak ko sa steering wheel.
I know I should stop asking questions.
The more I dig deep, the guiltier I feel.
But I want to know about her life.
The life that was unknown to Tita Glenda and me.
"What do you mean?"
"Patay na si Papa."
Her voice broke a little.
I expected her to say more pero that was it.
"Ang mama mo?"
"Hindi ko alam. Puwede huwag na natin pag-usapan." I heard the annoyance in her voice.
"Sorry."
Bumuntong-hininga si Rio.
"Sorry din. Hindi kasi madali para sa akin na pag-usapan si Mama. Isa pa, hindi kita kilala."
"You don't have to tell me everything right now. We have time."
I hope.
"Gusto ko pero..."
"Anong pumipigil sa'yo?"
"Masyado kasing madrama ang buhay ko. Baka mabagot ka lang."
"Bakit naman?"
"Eh kasi daig pa ng mga teleserye ang kuwento ng buhay ko."
"May award ako dati. Rising Star Award. I got that from my first teleserye."
I smiled and she did the same.
Bihira siya ngumiti kaya naman I felt a slight sense of accomplishment kapag napapangiti ko siya.
"Iniwan kasi kami ni Mama. Bigla na lang siyang umalis. Wala ako sa bahay noon. Nang mawala siya, nawalan na din ng direksiyon si Papa. Lagi siyang umiinom. Napabayaan niya kami ni Len. Siya ang kapatid ko."
Len?
Short for Lennon?
The pieces of the puzzle are finally falling into place.
"Tapos anong nangyari?"
"Napariwara si Papa. Lagi siyang wala sa bahay. Bigla siyang bumalik noong namatay ang Lola ko. Pagkatapos ng ilang buwan, nagkasakit naman siya tapos kinuha na din siya ni Lord."
"Anong nangyari sa mama mo?"
"Ewan ko."
"Hindi ba siya hinanap ng Papa mo?"
"Di ko alam eh. Hindi kasi siya masyado nagkikuwento. Binubuhos niya ang sama ng loob sa alak."
"Anong nangyari noong namatay ang Lola at Papa mo?"
"Kinuha kami ng Tito ko. Iyan ang dahilan kung bakit kami napadpad sa Cavite."
Aha!
This was the same information na sinabi sa akin ng imbestigador.
My heart began to race.
When Tito Kin asked kung sigurado ako about Rio, I had no proof.
Ngayon, I could put two and two together.
Lalong lumalakas ang hinala ko na siya nga ang batang hinahanap ko.
I glanced at Rio.
It was dim inside the car.
She wouldn't see how my eyes lit up from excitement.
"Mabait ba sa inyo ang Tito mo?"
Kibit-balikat lang ang sagot niya.
"Hindi ba okay ang trato nila sa inyo?"
"Nagpapasalamat na lang ako na merong kumupkop sa amin." She evaded.
Gusto ko pang mag-usisa pero pinigil ko ang sarili ko.
Kahit hindi niya sabihin, halata ko na hindi maganda ang sitwasyon nila sa bahay.
Ayaw niya din siguro na magsabi dahil nakikitira sila.
Marunong siyang tumanaw ng utang na loob.
Just the same, ang hirap marinig ng kuwento ni Rio.
Bumigat lalo ang dibdib ko.
Lalong nadagdagan ang guilt dahil sa nangyari sa kanilang magkapatid.
Mas nakakakonsensiya dahil heto kami ni Tito Kin at marangya ang buhay.
We have our own place.
Our own space.
We have people at our beck and call.
If we want, we don't even have to lift a finger.
I don't have to worry about how I'm going to go home if my vehicle broke down.
Hindi ko kailangang umasa sa ibang tao to come to my rescue.
Also, I am no longer at the mercy of my controlling grandfather.
Lumaya kami when he died.
Kumanan ako ng makita ang exit na nasa GPS.
Hindi na masyadong maliwanag ang kalsada.
"Malapit na tayo, Rio. You will be home in twenty minutes."
"Salamat talaga, Ellis."
"You're welcome. If you want, I will give you my number later. Text me if you need anything."
"Bakit ang bait mo sa akin?"
"Mabait naman talaga ako."
"Eh bakit ang akala ng ibang tao mataray ka?"
"Dahil I speak my mind. When I don't like something, I tell people what I feel."
But deep inside, I feel like a fraud.
Iba ang sinasabi ko sa ginagawa ko.
Pero kailangang panindigan ko ang usapan namin ni Tito Kin.
Habang papalapit sa lugar nila, kumikipot na din ang kalsada.
When we reached a gated community, nagmenor ako.
May guwardiyang nakatayo sa outpost.
Binaba ko ang bintana.
Nanlaki ang mata ni Manong ng makita ako.
"Ellis Almeda?" Kulang na lang lumabas lahat ng ngipin niya sa sobrang gulat at excitement.
"Hello po." Nginitian ko siya.
"Ihahatid ko lang po si Rio." Tinuro ko siya.
Kumaway siya sa guwardiya.
"Sige po, Mam. Diretso na lang po kayo."
Bago ko paandarin ang sasakyan, humirit muna si Manong ng picture at autograph.
Tawa ng tawa si Rio ng makalayo na kami.
"Ganyan ba talaga kapag sikat?" Biro niya.
"You will find out kapag ikaw ang nanalo."
"Huwag kang umasa."
"Bakit naman?"
"Nakakuha ako ng D kanina."
"Ha? Galing kanino?"
"Kay Kin."
"Anong nangyari?"
Dahan-dahan ako sa pagmamaneho dahil may nakapaskil na yellow sign na thirty-kilometer speed limit.
May playround pala malapit sa gate.
"Ang sabi niya, parang wala sa puso ko ang pagkanta."
"Totoo ba?" Nilingon ko siya.
"Ewan ko. Hindi naman kasi ganoon ang naramdaman ko eh."
"May gumugulo ba sa isip mo?"
"Wala naman. Pero iyon ang expert opinion ni Kin. Okay lang naman sa akin."
"Bakit okay lang sa'yo? Di ka ba natatakot na matanggal?"
Isang malalim na buntong-hininga ulit.
"Ba't ganoon? Kapag ikaw ang kausap ko, hindi ako nahihiya na magsabi sa'yo ng totoo?"
"You're changing the topic," Nilingon ko siya.
"Natatakot ako. Lalo na at first time kung sumali sa ganitong klaseng contest. Dati kasi, sa mga pistahan lang ako sumasali. Masaya na ako sa maliit na premyo. Pero dito sa The Chosen, milyon ang usapan."
"Huwag mong isipin ang premyo."
"Madaling sabihin para sa'yo dahil mayaman ka."
Bigla akong nanliit.
"Sorry. That was an insensitive comment."
"Hindi naman kita masisi. Pero para sa tulad ko na nakasalalay sa contest na 'to ang kalayaan, bawat linggo na lumalaban ako, lalo akong kinakabahan."
"What do you mean by that?" My curiosity piqued.
"Saan?"
"Sa part na nakasalalay sa contest ang kalayaan mo?"
Tumingin si Rio sa bintana.
Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko.
Is she being held hostage by someone?
Are they in danger?
Nagpanic ako.
"Rio, I need an answer."
Humarap siya sa akin.
Sa mga mata niya, nakita ko ang pangamba.
"Sinabi ko sa Tita ko na kapag ako ang nanalo, ibibigay ko sa kanya ang lahat ng napanalunan ko kapalit ng kalayaan naming magkapatid."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top