Chapter 19: Season Opener
Punong-puno ng tao ang Studio 5 sa gabi ng opening ng Season 17.
Ang ibang manonood ay may dalang banners para sa mga contestants na sinusuportahan nila.
Todo ang sigawan nila habang inip na hinihintay na magsimula ang palabas.
Nasa waiting room kaming lahat at pinanonood ang nangyayari sa malalaking flat screen TV.
Nakabihis na kami at hindi ako mapakali dahil meron akong make-up at medyo tight ang fit na itim na pantalon na binigay sa akin ng babae sa wardrobe department.
Kasya naman kaso mas sanay ako sa loose na pants.
Slim fit daw ang tawag sa jeans at ito daw ang isusuot ko pati ang bagong puting T-shirt at black leather jacket.
Meron naman akong dalang damit pero sinabi ng babae na ito ang gagamitin ko.
"Saan ito galing?" Tanong ko ng iabot niya sa akin ang itim na clothing bag.
"Hindi ko alam. Basta isuot mo na lang." Sagot ng supladang PA.
Dinala ko sa dressing room ang bag at sinabit sa metal hook.
Pagbaba ko ng zipper, may maliit na puting card na nakasiksik sa bulsa ng jacket.
Kinuha ko para basahin ang nakasulat.
"Goodluck." May pirma ni Ellis.
Napaisip ako at imbes na magbihis agad ay nanatiling nakatayo sa tapat ng parihabang salamin.
Bakit niya ako binigyan ng damit?
Bago lang kami nagkakilala tapos nireregaluhan niya na ako agad?
Dahan-dahan kong binaba ang zipper.
Sa amoy pa lang mukhang mamahalin.
Hinawakan ko ang lapel ng jacket.
Parang butter sa lambot.
Dumulas ang mga daliri ko habang hinihipo ang lapel.
Amoy bago din.
Parang bagong sapatos ang amoy pero mukhang genuine leather at hindi synthetic.
Dapat ko bang isuot ito?
Baka may kapalit ang pagreregalo niya sa akin.
O baka naman nagmamagandang loob lang siya?
Pero nagdadalawang-isip ako kasi hindi mumurahin ang jacket na ito.
Inangat ko ang tag na may pangalan ng brand.
Giorgio Armani.
Sino iyon?
"Rio, tapos ka ng magbihis?" Bumalik na ang PA.
"Teka lang."
Nagmamadaling inalis ko sa hanger ang damit at nagsimula ng magbihis.
Pagsuot ko ng jacket, parang sinukat lang.
Tumayo ako ng tuwid.
Parang nadagdagan ang confidence ko dahil sa bagong damit.
Habang nakaupo kaming lahat at naghihintay ng cue, pihit ako ng pihit sa upuan.
Akala ni Kat, dala ng nerbiyos.
Sinabihan pa niya ako na okay lang ang konting nerbiyos.
Kinakabahan talaga ako.
Bukod sa ngayong gabi ang simula ng show, meron na ding dalawang contestants na matatanggal.
Kasama ko sa studio sina Kuya Ethan, Len, Margo at Janina.
Hindi nakasama si Paulie at Eddie dahil may duty sila.
Inggit na inggit ang dalawa at sinabi sa akin na sa grand finals, dapat sila daw ang kasama.
Umoo ako para tumigil na din sila sa pangungulit.
"Nandito lang kami for moral support." Sabi ni Janina bago kami maghiwa-hiwalay.
Malapit sa stage ang pwesto ng mga pamilya at kaibigan ng contestants pero hindi ko alam kung saan sila nakaupo.
Tumunog ang theme song ng The Chosen.
Mabilis na dagundong na drums ang rhythm at sa intro ay makikita ang silhouette ng iba't-ibang tao na walang mga mukha.
May question mark ang nasa ibabaw ng ulo at bago matapos ang theme song ay may isa na nakafocus sa gitna ng screen na nagpapalit ng anyo ng babae at lalake hanggang sa umangat ang silhouette at mag-flash ang title ng show.
Pagkatapos ng intro ay nag-focus ang camera kay Marky at Jessica na nasa gitna ng stage.
Itim ang suit ni Marky at blue at sparkly ang dress ni Jessica.
Winelcome nilang dalawa ang mga tao sa loob ng studio bago nagsalita si Jessica.
"Different people from different walks of life are gathered here tonight to become The Chosen."
"That's right." Sabi naman ni Marky.
"Tonight marks the beginning of a journey of someone who has a dream and the courage to make it come true." Dagdag pa niya.
"Join us as we witness where it all began." Inangat ni Jessica ang kanang kamay at may video clips na pinakita.
May aerial shot ng mga tao na nakaabang sa harap ng studio sa araw ng audition.
Pinakita din ang mahabang pila sa hallway pati na ang mga luhaang lumabas ng pinto.
Siyempre, pinakita din ang mga nagtagumpay tulad ni Bea Gonzales—isang nineteen year-old na first time lang din mag-audition pero usap-usapan na contender para maging grand prize winner dahil bukod sa magaling kumanta dahil biritera din at parang si Mariah kung bumanat sa mga matataas ng kanta, cute siya, morena at maganda ang ngiti at ang ngipin.
Sweet ang image na pinoproject ni Bea kaya naman pati ang mga crew, lagi siyang kinakausap.
Bukod sa sweet, lagi din itong may dalang pagkain di lang para sa amin kundi pati na din sa mga PA.
Tumili ang kaclose niya na isang babae at lalake ng pinakita ang mukha niya sa screen.
Kami naman nina Kat, tahimik lang na nakatingin sa kanila.
Nakakaintimidate lalo na kapag alam mo kung sino ang mga bet di lang ng mga fans kundi pati na din ng mga production crew.
Bago ang season opening, may pinakitang article si Cheryl sa diyaryo.
Isang buong pahina sa entertainment section para sa mga contestants ng show.
Ginamit nila ang mga pictures namin sa pictorial at buti na lang nakangiti ako.
May maikling background description din para sa amin tulad ng edad at kung ano ang kinanta namin for the audition.
May bonus para sa akin dahil sinama nila yung reaction ni Miss Marlene ng sinabi niya na she calls dibs on me.
Di lang iyon.
Pati iyong sinabi ni Ellis na Team Rio siya, nandoon din.
Magandang publicity daw iyon sabi ni Kat.
Lalo akong kinabahan.
Nakadagdag ng pressure lalo na at si Miss Marlene ang pinakahard-to-please sa lahat ng judges.
"Tayo na." Tinapik ni Kat ang tuhod ko.
Tapos na ang commercial at kami na ang isasalang.
Tumayo na kami at isa-isang lumabas sa waiting room.
Nagsign of the cross ako at nagdasal para humingi ng lakas ng loob.
Sana din ay huwag kong makalimutan ang linya ng kanta dahil kapag nangyari iyon, siguradong nakakahiya.
Bukod pa doon, mawawala ang chance para makalaya kami kina Tita Gloria.
Nagsigawan ang mga tao ng lumabas na kami sa stage.
Hinati sa apat na grupo ang labing-anim na contestants.
Nasa gitna ang puwesto namin nina Kat, Alex at Ronnie.
Sumigaw si Janina ng "We love you, Rio!" at napatingin ako sa puwesto nila.
Nasa ikalawang row sila sa likod ng upuan ni Xavier at Camille.
Kumaway ako at nakita na nakangiti si Len sabay nagthumbs-up.
Ganito ang lagi niyang ginagawa dati kapag sumasali ako sa mga singing contest sa pistahan.
Ito ang paraan niya para palakasin ang loob ko.
Pagkatapos ng commercial, nagsalita ulit si Marky.
Nasa kanang hagdan siya malapit sa audience samantalang walang ilaw sa stage.
"Good evening. Are you ready to meet The Chosen?"
Humiyaw ng yes ang mga manonood.
Pagkasabi nito, bumukas ang ilaw at tumutok kay Bea.
"Grew up in a small town
And when the rain would fall down
I'd just stare out my window
Tumili ang mga fans niya.
May sumigaw na lalake ng "I love you, Bea!"
Pagkatapos ng chorus, lumipat sa grupo nina Kelsey.
"Just a small town girl, livin' in a lonely world."
Sigawan naman ang mga fans ng grupo nila.
Hanggang end lang ng refrain tapos kami na ang susunod.
Si Kat ang unang kakanta.
Pagpalit pa lang ng intro, naghiyawan ang mga tao.
"Like a small boat on the ocean
Sending big waves into motion
Like how a single word
Can make a heart open
I might only have one match
But I can make an explosion"
Si Ronnie ang kakanta ng susunod na lyrics tapos si Alex.
Pinakinggan ko silang mabuti.
Flawless naman ang delivery.
Walang pumiyok o nakalimot ng lyrics.
Nang ako na ang kakanta, tumingin ako kay Len.
"My power's turned on
Starting right now
I'll be strong
I'll play my fight song
And I don't really care if nobody else believes
Cause I've still got a lot of fight left in me"
Maikli lang pero parang ang tagal bago ako natapos kumanta.
Ang huling grupo, Set Fire To The Rain ang kakantahin.
Si Cheryl ang una.
Sumasayaw siya at nagpalakpakan ang mga tao.
Nang matapos ang lahat ng grupo, lalapit kami sa stage at kakantahin ang Best Day Of My Life na pinangunahan ni Philip.
Dahil lively ang kanta, kahit kabado, in-enjoy ko na lang ang lahat.
First time ko sa limelight at kita ko na sinasabayan ng sayaw ng mga manonood ang pagkanta namin.
Nang matapos ang number namin, standing ovation pati ang mga judges.
Ang lakas ng palakpakan ng mga manonood.
Nagsalita si Marky na nakabalik na sa stage.
"We are proud to present, the season 17 contestants of The Chosen."
Nagbow kaming lahat.
Si Jessica naman ang nagsalita.
"When we come back, we will find out who gets to be the coaches of the chosen ones."
Isa-isa kaming lumakad sa backstage.
Yung iba, ni-retouch ng mga make-up artists.
"Hay salamat! Natapos din ang opening number." Sumalampak si Kat sa upuan.
"Pero umpisa pa lang ng laban." Paalala ni Cheryl.
"Well, goodluck na lang sa ating lahat." Sabi naman ni Kelsey na may hawak na compact habang pinupulbuhan ang ilong niya.
"Sino kaya ang magiging coach ko?" Tanong naman ni Benson.
"Malalaman namin ang sagot ng mahiwagang buzzer." Sagot ni Kat.
"Si Miss Marlene kaya talaga ang magiging coach ko?"
Napatingin silang lahat sa akin.
"Kung siya nga, heto ang napakaraming goodluck para sa'yo." Kinampay ni Kat ang mga kamay niya at binasbasan ako.
Tinawag na kami ulit ng PA at ang unang haharap sa judges ay ang grupo nina Bea.
Siya ang unang tinawag ni Kin na tumayo sa gitna.
Tinanong siya nito kung kinakabahan siya.
Opo ang sagot.
"Are you ready to press the buzzer of your fate?"
Opo ulit.
May drum roll pa at pagpindot niya, lumabas sa screen na nasa likuran ni Bea kung sino ang coach niya.
Xavier.
Nagsigawan na naman ang mga tao.
Sabi ni Janina, si Xavier ang may hawak ng titulo ng laging nananalo.
Ang laki ng ngiti ni Bea ng malaman kung sino ang coach niya.
Tumayo naman si Xavier at humarap sa mga audience na nakataas ang mga kamao.
Hindi rumerehistro sa isip ko ang mga pangyayari dahil iniisip ko ang tanong ko kina Kat.
May mga usap-usapan na kahit off-camera, terror talaga si Miss Marlene.
Yung mga contestants daw na nahawakan nito, halos magbreak-down dahil sa pressure.
Perfectionist kasi si Miss Marlene.
Ang lagi daw nitong sinasabi, she wants nothing less than a 100 percent.
Pero ang idea niya ng 100 percent ay mukhang doble kumpara sa idea ng mga contestants na mini-mentor niya.
Tapos na si Alex at si Camille ang coach niya.
Ako na ang susunod.
"Kumusta, Riordan?" Malumanay na tanong ni Kin.
"Mabuti naman po."
"Good. Alam mo na kung ano ang gagawin mo di ba?"
"Opo." Sagot ko.
Tumahimik sa loob ng studio.
Parang sementeryo na walang maririnig kahit anong kaluskos.
Nang tinapat ko ang kamay sa buzzer, nanginginig ako.
Inalis ko ito ulit at nagulat ang mga tao.
"Kinakabahan ka?" Tanong ni Kin.
"Opo."
"It's okay. Just put your hand over the buzzer and press."
Mabilis ang pagpindot ko.
Narinig ko ang ang buntong-hininga na reaksiyon ng audience.
Paglingon ko, parang apoy na tumambad sa akin ang pangalan ni Miss Marlene.
Kahit hindi ko alam kung puwede ngang magkatotoo ang sinabi niya na siya ang magiging coach ko, nakahinga din ako ng maluwag.
"I'm going to make a star out of you, Riordan." Biglang nagsalita si Miss Marlene.
May ibang tumawa sa audience pero di niya ito pinansin.
"You better watch out, Xavier. I have gold in my hands." Mapaghamong sabi nito.
"We will see about that." Buwelta naman ni Xavier.
May sumigaw ng fight, fight, fight sa audience at nagtawanan ang iba.
"Mamaya na ang away." Sabi ni Kin.
"Let's finish this and then your talents get to show their mettle on stage later."
"Okay." Sabay na sabi ng dalawa.
Nang matapos ang pagpili ng coaches, pinagsama-sama ang mga magkakakampi.
Sa Team Xavier ay sina Bea, Cheryl, Jude at Philip.
Sa Team Kin naman magkakasama sina Benson, Alex, Dionesa at Al-Marie.
Ang Team Camille ay kinabibilangan nina Kelsey, Kat, Ronnie at Justin.
Kami naman nina Roxanne, Asher at Harrison ang magkakasama sa Team Marlene.
Nang pinakilala na lahat ni Jessica ang magkakakampi, nagcommercial break ulit.
Pagbalik namin, first round of elimination na.
Bumalik ulit ang kaba ko habang naghihintay kami sa backstage.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top