Twenty One
Jonathan's Point of View
Every since I started living with unrighteousness, guns and punches became my friends.
I grow without the proper care and love from my parents. They never show nor treated me as their child. They only see me as a bait, a thing they can use.
Now, how can they say that my parents will go here and save me? No. They will never do that.
I don't know how many hours or days I am here.
They only thing that I am praying now, I don't want Veniz to know where I am. I don't want her to be in danger because of me.
Hindi na ako nagulat nang biglang bumukas ang pinto sa kwarto kung saan ako nakagapos.
Puno na ako ng pasa at sugat dahil sa pambubugbog nila sa akin. Ni hindi ko na din iginagalaw ang kaliwang binti ko dahil ilang ulit nila iyon na pinalo ng kahoy. Sinigurado nilang hindi ako makakatakas dito.
"Want some interesting news?" Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya.
Lumapit ito sa akin at hinawakan ang baba ko ng marahas.
"I am interested to your girlfriend. My son will definitely like her. What do you think?" What the heck.
"Don't you ever touch her." Tumawa ito sa sinabi ko.
But, something caught my attention. My son. He just said "my son." What does this old hag mean?
"You can't do anything. And my interesting news? She is currently saving your friends." Ngumisi ito sa akin bago ako tinalikuran.
"She will definitely find you and I will surprise her." Pilit akong nagpumiglas sa pagkakagapos ko pero mas lalo lang akong nasaktan.
Veniz, please don't come here. I will not risk you just to save me. Please, don't come here. I'm begging you.
I don't know what's running in this old hag's mind. Though I'm so sure that he is planning something to hurt me more and that is using my Veniz.
Jace Veniz's Point of View
I'm looking at them with mix emotion. I can't process everything in my mind. Only two questions left in my head. How? Why?
How can they do this to us? To me? To our bond?
Why are they doing this?
"Oh? Why so surprised, Jace Veniz?" Malaking ngiti na mapang-asar ang nakaguhit ngayon sa labi ni Shelia.
"What did you do to them?" Humalakhak ito na animo'y sinapian ng masamang kaluluwa.
"Can't you see? Or you just can't accept?" Lumapit ito sa dalawang tao na lubos kong pinahalagahan. Ang dalawang tao na mahalaga din sa akin.
"Meet my new kittens, Zia Orpia and Rhynne Fernandez." Bakit? Bakit tumalikod sila? Ano ang rason nila?
Hindi ko na namalayan na may pumalo na pala sa paa ko kaya ako napaluhod sa simento.
Hindi. Hindi nila ito magagawa. Hinding-hindi. Mahalaga sa kanila ang samahan namin. Hindi nila magagawang tumalikod.
Mas lalo akong napaluhod nang may pumalo ulit sa likod ko.
"Ven," Shau, bakit sila tumalikod? Akala ko ba ang laban ng isa ay laban ng lahat? Pero bakit ganito?
Ano bang nagawa ko? Bakit lagi nalang ganito? Bakit lagi nalang ako? Sinakop ko ba ang bansa natin noon? Kaya ko mararanasan ang lahat ng ito? Marami na ba akong nagawang kasalanan sa mundo?
Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na makita silang unti-unting tinatalikuran ang pamilya na kinabibilangan nila.
Tinignan ko sina Shau at Kuya Jemuel. Duguan ang braso ni Kuya samantalang puno naman ng sugat si Shau sa ibat ibang bahagi ng katawan niya gaya din kay Kuya.
Sumosobra na sila.
"Ako ang gusto niyong patayin hindi ba? Bakit niyo pa dinadamay ang mga kaibigan ko?"
"Hindi pa sapat ito para mabayaran mo ang mga nagawa mo, Jace Veniz. Ilang taon akong naulila at lahat ng iyon ay dahil sa iyo." Puno ng galit na sambit ni Shelia sa akin.
Lumakad pababa sa hagdan ang isang tao na kinasusuklaman ko noon magpahanggang ngayon.
"Papa," lumapit siya at niyakap ang ama.
"She's here and I already shown her our surprise. And look," tinuro ako nito. Walang emosyon na tinignan ko silang mag-ama.
Johnny, siya pala ang anak mo.
"It's been a long time, daughter of Janiz." Lintik na yan. Nakulong na lahat lahat, si Tita Janiz pa rin ang alam niyang ina ko.
Hindi ba niya narinig ang sinabi ko noon sa kanya? Na si Mommy Heiley ang nanay ko? Nabingi ba siya noon sa Castello Building?
"Nagustuhan mo ba ang surpresa ng anak ko?" Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko sa simento.
"You guess? Pero mas better sana kung kayo ang masurpresa. Sayang naman, kakalabas mo pa naman sa kulungan pero wala akong surpresa. Want some lifetime gift?" Nagngitngit sa galit ang anak nito samantalang siya at ngising tinignan lang ako.
"Mana ka nga sa nanay mo, such a bold." Gusto mo pa capslock e. Para sosyal, naka italic pa.
Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. Ramdam kong may tumulong dugo ulit sa ilong ko kaya pinunasan ko iyon.
"Pa, why don't you just kill her?" Ako naman ngayon ang tumawa. If woman is good at chit-chat, so am I but in different style. I can talk with mockery until my opposite will be the one to raise their gun first.
"Dear, takot ka bang maunang mamatay ang ama mo sa tabi mo?" Without hesitations, she furiously went to me and slam me on the floor.
"Oh? Ganyan ka na ba katakot?" She punched my face twice. Ramdam ko ang sakit sa panga ko. Ganito ba ito maasar? Siya ang nanguna sa pagsasalita pero siya naman itong talo.
"Stop that, Shelia." She slowly get off me. I mockingly smiled at her. Pulang pula na ang mukha niya dahil sa galit.
Napansin ko naman na may sinenyasan ang ama nito. And now, they really want to torture me.
Lumapit ang limang lalaki sa pwesto nila Kuya at Shau.
"Don't touch them. Ako ang kailangan dito, huwag kayong mandamay."
"Sa simula pa lang, damay na lahat Jace Veniz."
Madaya silang lumaban.
Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan nila Kuya pero agad akong nahawakan ng dalawa nilang tauhan. Pilit man akong magpumiglas pero hindi ko magawa dahil agad nila akong tinuhod dahilan para mapaatras ako at lumuhod muli sa simento.
"No..."
"Let's give a show to our special guest. You know what to do, Zia." Huwag. Parang awa niyo na. Huwag niyo silang idadamay.
Pilit akong tumayo pero pinalo nila muli ang paa ko ng tubo. Masakit, pero mas masakit makitang nagsasakitan ang mga mahahalagang tao sa buhay ko.
Walang kurap kurap na sinuntok ni Zia si Shau sa sikmura. Agad nitong pinasegundahan ng sipa sa magkabilang braso ni Shau na may sugat.
"Zia..." Hirap na sambit ni Shau habang nakatingin kay Zia na walang emosyon.
"Huwag ganito Zia. Please, you're not like that. That's not you."
Sunod nilang sinaktan si Kuya sa harap ko. Lumaban si Kuya pero nang si Rhynne na ang humarap sa kanya, tila nabato siya sa kinalalagyan niya. Hindi niya kayang saktan si Rhynne. Naging malapit din silang dalawa magmula noong nalaman ni Rhynne na kapatid ko ang kambal.
Hindi ko matanggap na ang dalawang mahalagang tao sa buhay namin ay sinasaktan kami ngayon. Physically to Shau and Kuya Jemuel and emotionally to me.
Tama na. Parang awa niyo na.
Ayoko nang makita. Please, stop all of this. I'm begging.
"No!" The word I can shout seeing my Kuya almost lost his consciousness. Mas lalong rumagasa ang dugo sa braso ni Shau dahil sa sunod sunod na atake sa kanya.
"Look at them, Jace Veniz. Mamamatay na sila at lahat ng iyon ay dahil sa iyo." Itiningala ako ni Shelia gamit ang dagger na hawak niya.
"Shit," hindi mapigilang mura ko nang sinugatan niya ang leeg ko.
"Kulang pa, kulang pa yan na pwedeng mangyari sa'yo. I will slowly torture you. And you will experience how hurtful to be alone."
Itinigil na nila ang pagpapahirap sa pamilya ko. Ang pamilyang hindi ko inaasahan na mabubuo.
Hinang-hina akong napayuko. Kita ko ang bawat dugo na pumapatak sa sahig mula sa leeg ko.
Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo. Hinding hindi ko papalagpasin ang ginagawa niyo sa pamilya ko.
Sinaktan niyo sila. At bawat sugat na natamo nila, ay magiging kapalit ng buhay.
Mali man ang gagawin ko, pero ayoko sa lahat ay sinasaktan ang mga kaibigan ko.
"You can hurt me, you can kill me, but don't you ever touch my family." Unti-unti akong bumangon. Binunot ko ang stinger knife ko at mariin iyong hinawakan.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top