Twenty Five

I thought, birthdays is the best. It is the day when you were born. It is the day you embrace the world.

Do birthdays come with happiness? Maybe yes to some people who really love the day when they were born. But for me, I'm starting to hate birthdays.

Exactly the day I was born is also the day I died. This is not the gift I want. This is not the scene I want in my birthday.

But why do it need to be like this?

"Time of death, 00:01 o'clock in the morning."

Is that your gift for me? If yes, I will never accept it. Never.

"No! Gumising ka, parang awa mo na, gumising ka," nagsisinungaling lang sila. Hindi ka mawawala sa amin. Hinding-hindi mo ako iiwan. Hindi mo kami iiwan. Parang awa mo na, gumising ka.

"Fuck! Gumising ka diyan! Tumayo ka diyan!"

"Parang awa mo na, gumising ka!"

Sigaw mula sa sakit at luha na walang tigil sa pagpatak ang siyang tanging namutawi sa kwarto.

Lahat kami ay walang humpay sa pagsigaw sa walang buhay na katawan sa aming harapan.

"Excuse me. Mayroon kaming nakita na papel sa jacket ng kaibigan niyo." Iniabot ng doktor sa akin ang papel. Nanginginig man ang kamay ko ay kinuha ko pa rin iyon.

Walang alinlangang binuklat ko ang nakatuping papel. Pero mas lumala pa ata ang nararamdaman naming sakit dahil sa nabasa namin.

My Stars,

Honestly, I don't know where to start. But for now, I wanna say thank you for accepting me in the group. Thank you for treating me like your little brother. To all, thank you for the love and care you have given to me. To my one and only Ate Jace, thank you for your genuine love to me as your little brother. We may not realted in blood but we are related in bond. That's what you have said to me before.

I'm afraid. I'm afraid to what will be the end of this game. I choose to betray you because I don't want to see my precious stars get hurt. Dahil sa inyo, naramdaman ko ang tunay na depinisyon ng pamilya. As you know, my parents are always busy with their own businesses. Ni hindi na nila ako magawang kamustahin man lang. Pero kayo, nandiyan kayo lagi sa tabi ko. All my deepest secrets are all shared with my two lighthouse. At sobrang nagpapasalamat ako.

Habang nandito ako sa lungga nila, takot lang ang nararamdaman ko. Pero tuwing iniisip ko na para sa inyo ito kahit nasaktan ko kayo dahil sa pagtalikod ko, nawawala ng kaunti ang takot ko.

I was a lost shooting star before. But how happy I am when I found my new set of stars, my new family.

Kung makakarating man sa inyo ang sulat na ito, paniguradong nasa taas niyo na ako at nakatingin sa inyo. Pero kung hindi man, ibig sabihin ay nagawa natin; natapos natin ang laban.

Patawarin niyo kami ni Zia kung tumalikod man kami. Natakot lang kami dahil sinabi nila sa amin na papatayin nila kayo sa harap namin kung hindi namin susundin ang mga ipag-uutos nila. Sa totoo niyan, kami ni Zia ang dahilan kung bakit nagkaroon ng listening device sa bahay ni Jon at noong na ambush tayo. Patawarin niyo kami. Ayaw lang namin na mawala kayo sa amin. Alam niyong pangalawa na namin kayong pamilya.

Sobrang drama ko na ba? Haha, pagpasensyahan niyo na. Pero kasi, pakiramdam ko, may mangyayari na hindi magugustuhan ng lahat. Just in case lang naman ang letter na ito.

Pero ito nga, lagi niyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo. Salamat sa pagmamahal na binigay niyo. Ate Jace, 'wag ikaw iyak ha? Rhynne-ssi will get mad.

At ikaw Kuya Jemuel, huwag ka din iiyak kung sakaling hindi maganda ang kahihinatnan nito. Thank you, Kuya. Salamat sa pagsama sa akin sa bawat kakulitan ko. Salamat sa pagiging maunawain na Kuya. Paki hug naman si Ate Jace kung umiiyak siya dahil sa'kin. At si Kuya Lemuel, paki hug si Zia ha? Kasi mahal ka talaga niya. Kita ko iyon sa mga mata niya kaya hindi na ako sumingit pa sa paningin niya. Paki sabi nalang na mahal ko siya.

Mag-iingat kayo palagi. Huwag kayong susuko. Paalam.

Lost Shooting Star,
Rhynne.

Hindi ganito ang katapusang nais ko. Hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi sa tagpong may mawawala.

Dumagundong ang sigaw ko sa kwarto.

Rhynne, parang awa mo na. Bumalik ka sa amin. Sabihin mong prank mo lang ulit ito. Sabihin mo na parte lang ito ng pagtalikod niyo sa amin. Rhynee, maawa ka kay Ate, gumising ka diyan.

"Rhynne," tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko habang yakap ang taong unang naging karamay ko sa kalokohan at problema.

"Gising na, little brother. Gising na diyan. Birthday ni Ate ngayon hindi ba? Tara, punta tayo sa amusement park. Libre ko lahat ng gusto mo basta gumising ka diyan. Parang awa mo na Rhynne, gising na." Mas lalo akong napahagulgol nang may yumakap sa akin. Rinig ko din ang hagulgol ng dalawa kong kapatid pati na ang hagulgol nila Shau, Rayne, Jackson, at Jiyo. Ramdam ko din sa balikat ko ang bawat luhang tumutulo mula sa mga mata ni Nathan.

"Rhynne, gumising ka naman na oh, parang awa mo na." Pagmamakaawa ni Kuya Jemuel habag hawak-hawak ang kamay ni Rhynne. Yakap siya ni Kuya Lemuel.

If I could just turn back the time, I will gladly bring it back and change something that shouldn't happened.

Ang sakit ng regalo mo sa akin, Rhynne.

Dahil sa mahina pa kaming lahat dahil sa nangyari, physically and emotionally, hindi na kami nakapalag pa nang pinalabas kami sa kwarto kung nasaan si Rhynne.

Kailangan din nila kaming e monitor dahil sa mga natamo namin.

"Si Zia?"

"She'll wake up soon."

I stared emotionless at the window when Ate Yssy left me alone in my room. Our rooms are next to each other.

One moment later, I felt the tears rolling in my cheeks again. I hug my knees. Humagulgol muli ako habang tinitingnan ang mga luhang bumabagsak sa kumot ko.

Bakit si Rhynne pa? Bakit siya pa? Hindi ba pwedeng ako nalang ang mawala?

Sana, ako nalang ang tinamaan ng bala. Sana ako nalang ang nakaratay ngayon at paunti-unting lumalamig. Sana ako nalang ang nawala.

If I knew it would be like this, sana hindi ko nalang pinansin noon si Rhynne. Sana ipinagpatuloy ko nalang noon ang paglayo sa mga tao.

Kasalanan ko ito. Kasalanan ko kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Lahat sila, lahat sila ay nasaktan dahil sa akin. Lahat sila ay naghihirap ngayon dahil sa akin.

Sana hindi ko nalang sila nakilala. Sana tahimik pa ngayon ang buhay nila. Sana buhay pa si Rhynne.

Hindi ko na namalayan na sa ganoong posisyon ako nakatulog.

---

Nagising ako nang maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Hindi ko pa iminulat ang mga mata ko dahil ramdam ko pa rin ang bigat nito. Dahil siguro sa walang tigil na pag-iyak ko.

Pero dahil ramdam kong maraming mata ang nakatingin ngayon sa akin, unti unti ko iyong iminulat.

"Bakit nandito kayo?" Agad na tanong ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Agad na tanong sa akin ni Kuya Jemuel. Nagbabadya na naman ang luha sa mga mata ko kaya huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya.

"Masakit." Tanging sagot ko dahilan para yakapin nila akong lahat. Alam kong nasasaktan din sila gaya ko.

"Alam mo bang dalawang araw kang tulog?" Agad naman akong napatingin kay Kuya Lemuel. Dalawang araw?

"Sabi ni Doc Hisea ay dahil daw sa pagod, physically and emotionally."

"Si Zia?" Agad na tanong ko pagkatapos ang sinabi niya.

"Ven," tawag ng isang tinig sa likod ni Kuya Lemuel. Dahil siguro naramdaman ni Nathan na gusto kong yakapin si Zia ay hinawakan niya ang IV ko.

"Salamat dahil lumaban ka."

Tinignan ko silang lahat at unti-unti muling tumulo ang mga luha ko.

"Patawarin niyo ako, kasalan ko. Kasalan ko lahat kaya nangyari ito. Patawarin niyo ako," puno ng hinagpis na sambit ko. Niyakap naman ako nila Shau.

"Wala kang kasalanan."

"Meron. Malaki ang kasalanan ko, Shau." Umalis ako sa yakap nila at naupo sa kama ko.

"Kung hindi dahil sa akin, wala sanang mangyayari sa inyo. Hindi sana--" I choked before finishing my sentence.

"Hindi sana mawawala sa atin si Rhynne." Kita ko ang sakit at lungkot sa mga mata nila gaya ko.

"Hindi mo kasalanan, JV." Umiling lang ako sa sinabi ni Jiyo.

"Hindi niyo ba nakikita? Ako ang dahilan kaya ganyan ang sitwasyon niyo ngayon! Ako ang dahilan kung bakit kayo nasaktan! Ako ang dahilan kung bakit nawala siya sa atin! Ako ang dahilan ng lahat ng ito!" Hindi mapigilang sigaw ko sa kanila habang patuloy na rumaragasa ang mga luha sa pisngi ko.

"Huwag mong isisi lahat sa iyo, Veniz. Ako din, may kasalanan din ako." Tumingin ako kay Nathan at masagana ding tumutulo ang mga luha niya.

"Dahil sa akin, nadamay sila. Ako ang tunay na pakay ni Tito Julius pero nadamay sila. Nadamay sila sa laro ng paghihiganti. Kaya sana, huwag mong isisi lahat sa'yo dahil mas lalo lang akong nasasaktan na tinitignan ka na sinisisi lahat sa sarili mo! Ako din, Veniz. Sobrang laki din ng kasalanan ko!" Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi niya.

"Hindi sana kayo madadamay kung naging mas malakas lang sana ako," at tuluyan na siyang napaluhod sa harap ko habang patuloy na pumapatak ang mga luha namin sa sahig.

Now, all I can see is a broken man hopelessly crying in front of us.

---

This should be the last chapter of BM but I decided not to make it.

Keep safe!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top