Twelve

Grammatical Errors Ahead.
Typographical Errors Ahead.

"Jonathan..."

Napatingin ang dalawa dahil sa hindi maituloy na pag-usal ng kanilang mga kaibigan.

Lahat ay naroon sa tapat ng kaniyang kwarto kung nasaan sila ni JV.

Hindi naglaon ay nag-atubiling lumapit sa kanilang dalawa ang kanilang mga kaibigan.

"Hindi namin alam na ganyan pala ang naranasan mo." Sambit ni Jiyo na nakatayo lamang sa paanan ng kama.

"Bakit hindi ka nagsasabi sa amin?" Tanong ni Shau.

"Akala ko ba wala nang lihiman? Nasabi na namin lahat ang sides namin." Hindi mapigilang sambit ni Zia.

"Zia," pantawag ni JV sa pansin ni Zia.

"Bakit Ven? Hindi ba at sinabi natin na wala nang lihiman? Sabi natin pamilya na tayo kaya walang lihiman. Pero bakit ganyan si Jon? Bakit parang wala siyang tiwala sa atin?" Sunod sunod na sabi nito. Tahimik naman ang lahat na animo'y hinihintay ang isasagot ni JV kay Zia.

"Bakit ang immature mo Zia? You know what, there are things that you need to know and you don't need to know. Yes, pamilya na tayo at sinabi natin na walang lihiman ng sekreto. Pero isipin mo, kahit nga sa totoong pamilya ay marami pa ring sekreto ang nakakubli. Hindi lahat ng bagay ay kailangan nating malaman. Minsan ay kailangan muna natin itong kimkimin sa sarili natin at ilabas nalang ito kapag hindi na kaya. We should atleast understand his reasons why he keep it all by himself for how many years. Pamilya nga tayo dito hindi ba? That's why I hope you'll understand his reasons too." Nakatingin lang silang lahat kay JV.

"But at least he told us some little things about him. Naging bulag tayo sa side niya, Ven." Lumapit si JV sa kinaroroonan ni Zia at tinapik nito ang balikat niya bago siya nagsalita.

"That's why we are here to look for the other side of the box. We should atleast try to look at the left side, right side, and at the back side of the box for us to know every sides of it. Do you understand me?" Naiiyak na yumakap si Zia kay JV.

"I'm sorry Jon,"

"It's fine. I've been keeping all these things alone. Narinig niyo naman na siguro kami kanina kaya hindi ko na uulitin pang mag kwen--"

"Hindi ko narinig yung iba. Nagsisiksikan naman kasi silang lahat kanina sa pinto kaya hindi ako makasingit!" Reklamo ni Rhynne at hindi na pinatapos pa ang sinasabi ni Jon. Napailing naman ang ilan sa kanila dahil sa inasal ni Rhynne.

"Mga chismoso itong mga 'to," ngising sambit ni JV sa kanila. Umiwas nalang ng tingin ang ilan sa kanila na halatang guilty.

"Nag-alala lang kami kanina. Akala namin nag-aaway na kayong dalawa." Sambit ni Jemuel Clifford na sinigundahan naman ni Jackson.

"Kaya dali-dali kaming pumunta dito pero ayon na nga, narinig namin ang ilan sa mga sinabi mo."

"Pero Jon, nasaan na ngayon ang mga magulang mo?" Biglaang tanong ni Shau.

"I don't know. Wala na akong naging balita sa kanila mula nang kinupkop ako ni Master Henri. Ang alam ko lang ay patuloy parin sila sa illegal na ginagawa nila."

"And your best friend's parents?" Umiling lang si Jon na sinyales na hindi din nito alam.

Silence overwhelmed the whole room for a moment.

"We'll go outside. Magpahinga ka na Nathan at magpapahinga na din kami. We need to go to school tomorrow. Estudyante pa rin tayo." Tumango sila sa sinabi ni JV pero may dalawang tao na umapila.

"Akala ko naman hindi na tayo papasok."

"Nakakabagot pumasok." Magkasunod na sambit nila Rhynne at Rayne.

"Sa labas ko kaya kayo patulugin?"

"Nagbibiro lang naman Ate Jace," agad na sagot ni Rhynne at nauna na ding umalis sa kwarto.

"Maraming lamok sa labas Thana." Ngising sagot din ni Rayne. Napailing nalang si JV sa asal ng dalawa.

Sunod-sunod na silang lumabas sa kwarto. Nahuli naman si JV na malungkot na nakatingin kay Jonathan.

You've been keeping all those pains alone. Allow me to fight with you.

Sambit nito sa kanyang isip bago lumapit kay Jonathan.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Ngumiti lamang si JV sa kanya. She touch his cheeks as if she is looking at a child.

She force him to lay down in his bed as she sit down beside him.

"There's no end in sight
Is there a way out?
My feet refuse to move, oh
Close your eyes for a moment
Hold my hand
To that future, let's run away
Like an echo in the forest
The day will come back around
As if nothing happened
Yeah, life goes on
Like an arrow in the blue sky
Another day flying by
On my pillow, on my table
Yeah, life goes on
Like this again..." Jace Veniz sang as Jonathan slowly falling asleep.

She stayed for a while before she decided to go out and talk to their friends.

"Are you all still awake?" She asks as she saw Zia drinking one glass of water in the kitchen.

"Yep. Hindi kami makatulog dahil doon sa tumawag." Ibinaba nito ang baso sa lababo bago humarap kay JV.

"Tumawag?"

"Kanina, paglabas namin sa kwarto ni Jon, biglang nagring ang telepono ng bahay. Akala ni Jackson ay si Master Henri niyo pero iba pala."

"Anong sinabi niya sa inyo? Iyong tumawag?" Usisa ni JV at may bahid na ng takot ang boses niya.

"I guess, she already know. Tell her that I will kill his man." "Iyan ang sinabi niya."

"Tawagin mo sila Zia. May importante akong sasabihin sa inyo." Tumango sa kanya ang kaibigan bago umalis sa kusina at tinawag ang mga kasama nila na pumunta sa sala.

Ikaw nga ang kalaban namin ngayon. Sambit ni JV sa isip niya.

Hinintay niya ang mga kaibigan niya sa sala ng bahay at habang naghihintay siya ay mas lalong natakot siya sa maaaring mangyari.

Hindi lang siya ang tinatakot nito dahil parte na doon ang buong samahan nila.

"Bakit JV?" Unang dumating kambal at sumunod naman ang iba.

"Alam mo na ba ang tungkol doon sa tumawag?" Segunda ni Jiyo. Tumango lamang sa kanya si JV.

"Maupo kayo." Nagsiupo na silang lahat at humarap kay JV.

"Bukas, mas kailangan nating mag-ingat." Panimula nito.

"Bakit?"

"Huwag nalang kaya muna tayong pumasok, Ven? Mas delikado kung lalabas tayo." Pagbibigay naman ni Shau ng payo.

"Hindi pwedeng manatili nalang tayo lagi sa safe place, Shau. After all, we have each other. We will not fight this battle alone."

"Why do I have this feeling that you already know who is our enemy?" Biglaang pagsabat ni Rhynne na aakalain mong hindi na kayang magseryoso.

Ngumisi lang sa kanya si JV bago ito nagpatulog sa sinasabi niya.

"You guess? But it is not the point right now. Bukas, hangga't maari ay mas patalasin ninyo ang mga pandama ninyo. Hindi pwedeng may mapahamak ulit sa atin."

"That's why we should just stay here, Ven. Mas safe dito." Umiling sa kanya si JV bago tumayo at parang may kinuha sa kung saang parte ng frame na nakasabit sa pader.

"Our safe place ain't safe anymore. They are already moving and so we are too." She said and crash down the listening device she found.

"I saw three of these and I want you, Jackson and Jiyo, to take them down. The second is in the dining hall while the other one is right there, in Jonathan's room." She commanded and the two nodded at her before the leave the living room where they are.

"So, we are being monitored?" Pagkumpirma ni Zia.

"Yes. I think, napasok na nila ang bahay kaya mas kailangan nating higpitan ang security dito."

"Sino naman ang gagawa, Ven?" Gamit ang tingin niya'y senenyasan niya ang dalawa tao. It's Rayne and Jemuel. Bago lumapit sa pwesto ni JV ay inirapan muna nila ang isa't isa.

"I am telling you now that maybe we'll not be able to sleep tonight. Can you carry on?" Magkakasunod na tumango sa kanya ang mga kaibigan niya.

"Then here's the plan."

---

Ní haò!

𝓜𝓮𝓲

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top